33: Deal With Me: 06

So are we all here today?" Bati kaagad sa amin ni Colin nang dumating kami sa library. Wala ang ibang mga teachers sa office dahil may kanya-kanya silang klase kaya naman malaya kami na makapagtipon dito sa loob ng library.
Ako, si Gello, si Mark, si Sonja, si Marianne, si Jay-ar, at si Roselee, kumpleto kaming lahat na nagpunta dito sa library. Nakarinig kami ng pag-usod ng upuan kaya napatingin kami sa pinanggagalingan ng tunog.
Si Elyon, naupo na siya sa isa mga upuan. Bakit ba napakahirap ng taong 'yon na mapansin kaagad? Paanong hindi namin kaagad nararamdaman ang presensya niya?
"Isa... dalawa... tatlo..." pagbibilang sa amin ni Daldalita. "...Siyam... siyam kayong lahat dito."
Isa-isa kaming naupo sa upuan ng isang long table na gawa sa kahoy.
"Just as I expected, magbabago ang mga isip ninyo kung bibigyan ko pa kayo ng panahon upang mag-isip." ipinatong ni Colin ang kanyang siko sa mesa at pinagkrus ang mga daliri habang pinagmamasdan kami.
Walang sumagot. Tahimik kaming lahat na naghihintay sa sasabihin niya.
"All of the odds are here, and the four special member of Colin's army." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Four special member?
"I guess you don't get what I said." inayos ni Colin ang kanyang salamin at muling nagsalita. "Maliban sa mga pasobra na narito ngayon, may apat pa tayong kasama na narito. Sonja, Roselee, Gello at ang number one ranker ng Mars, Cloud."
"Ang dami pang pasakalye." komento ni Daldalita.
"Hindi ko pa ibinibigay ang sagot ko, paano ka nakasisiguro na kasama ako sa sinasabi mong Colin's Army." singit ko kay Colin. Napatingin silang lahat sa akin.
"Hindi ka ba sasali?" tanong sa akin ni Jay-ar. Hindi ako sumagot.
"Well, the fact that you're here means you've already made your decision." pagsasawalang bahalang sagot sa akin ni Colin.
"Teka, bakit ang mga pasobra ang pinili mo? Hindi na ako magtataka kung ang kagaya nina Gello at Cloud ang isama mo sa plano mo na parehong may tyansang makalaban sa mga section Earth dahil mga top ranker sila, pero ang isama kami?" tanong ni Jay-ar kay Colin.
Tama, isa 'yan sa mga gusto kong malaman, bakit ang mga pasobra pa?
"Because..." sumandal si Colin at nagpalipas ng ilang segundo bago muling magsalita. "Those odds are the underdogs of this coming war, hindi aasahan ng mga Earthlings na mula sa mga pasobra ng Martians ang panlaban natin. I've already created my team of vanguard na siyang haharap sa mga Earthlings upang sa kanila ma focus ang galit nila at ang mga pasobra naman ay malayang makakakilos upang atakihin sila sa hindi inaasahang pagkakataon."
Walang sumagot sa amin at tila ina-absorb pa ang mga sinabi ni Colin sa amin.
"Trick, bakit matalinghaga ang mga sinasabi nyan? Kumain ba 'yan ng salitang ugat?" nalilitong tanong ni Daldalita sa akin. "Hindi ko maintindihan bakit kailangan niya itulad 'to sa isang gyera at may mga vanguard-vanguard pa s'yang nalalaman."
Kahit ako hindi ko maintindihan ang trip ng taong 'to bakit kailangan pa n'yang gawing Earthlings at Martian ang dalawang section.
"Vanguard? May iba pang grupo maliban sa amin?" si Roselee naman ang nagsalita. "Iyon ba ang rason kaya niyaya mo ang buong klase ng nakaraang araw?"
"That's right, at si Cloud ang magiging leader ng group na 'yon dahil s'ya lang ang may kakayahan na makipagsabayan at hindi basta nagpapasindak sa mga ginagawa ni Angelo." tinapik-tapik ng isang daliri ni Colin ang mesa kaya gumawa ito ng tunog.
"Four special member, Vanguard ang hawak ni Cloud, ano naman ang gagawin ng tatlong natitira?" Si Sonja naman ang nagsalita at hindi niya inaalis ang kanyang mga mata kay Colin.
"Gello will handle the Recon team, sila ang kukuha ng mga impormasyon na kakailanganin natin sa mga susunod na mangyayari."
Susunod? Anong ibig sabihin niya sa mga susunod na mangyayari?
"Teka, hindi pa naman ako sumasali sa mga plano mo, paano kung hindi ako sumali?" singit ni Jay-ar na ipinatong ang ulo sa mesa, halatang hindi interesado sa mga nangyayari.
"Hindi ka naman lalayo sa grupo ng mga pasobra at sigurado ako na sasali ka kahit pa itanggi mo sa simula, una, dahil ayaw mong mapalayo kay Roselee..." napahawak ng pisngi si Roselee sa sinabi ni Colin at medyo namula pa. "Ikalawa, dahil kasama si Marianne sisiguraduhin kong magiging busy na s'ya sa mga ipapagawa ko at mapapadalas na hindi mo s'ya makasama, na ibig sabihin ay hindi ka na madalas makakalibre ng pagkain o makakakuha ng snack na ginagawa n'ya."
Ang babaw. Para pagkain lang alam na n'yang sasali si Jay-ar sa ganoon?
"Ok. Deal. Wag mo lang pigilan si Marianne at Roselee na makita ko, ok?" walang ka gatol-gatol na sagot ni Jay-ar. Maka ilang beses ko pang ikinurap ang mata ko para lang magload sa utak ko ang sinabi n'yang. Seryoso? Ganoon lang 'yon?
"Pwede ba Trick, lasunin mo nga 'yang patay gutom na 'yan." asar na sabi ni Daldalita habang umiiling-iling.
"Ako? Anong gagawin ko at ni Sonja?" pagbabago ng usapan ni Roselee, matapos makabawi sa sinabi ni Colin.
"Roselee, alam naman natin na sa darating na second ranking kakailanganin natin na mag-aral ng mabuti para makuha ang top spot ng ranking exam. I know you own a place near the school at iyon ang gagawin nating main base. Sonja will lead the Odds except me dahil among the female martians ikaw lang ang may kakayanang makipagmatigasan sa mga earthlings."
Wala nang sunod pa na sumagot sa sinabi ni Colin
"Si Gello na ang bahala na kumontak sa inyo in case may mga meetings at announcement akong gagawin."
"Ano ba talaga ang plano mo Colin? Bakit kailangang idamay mo pa kami sa mga kalokohan mo." tumayo na si Sonja kasunod si Mark, halata sa mukha nito na labag sa loob n'ya ang pagsali sa plano ni Colin.
"I told you, we're invading the Earth. Preparations are necessary and you will all play the major role in this grand event..." tumayo na rin s'ya at lumapit sa bookshelf at may kinuhang aklat. "Matagal na naming hinihintay ang pagkakataong ito, ang dumating ang katulad ni Cloud dito sa Sacred Morning."
Ako?
"Ikaw?" napaharap si Daldalita sa akin. "Anong meron sa'yo? Ang boring mo kausap, wala kang kwentang kasama, feeling pogi ka, kill joy, wala namang espesyal sa'yo maliban sa kaya mong makipag-usap sa multo."
Salamat sa papuri ah. Nakakataba ng puso. Tinignan ko lang si Daldalita, nawawala na naman ang focus ko.
Umupo muli si Colin at inilapag ang aklat sa mesa. Si Jay-ar naman parang tulog na kaagad.
"Parang may kulang." tinitigan ko si Colin sa mata kahit pa hindi ko makita ito dahil tinatakpan ng mahaba niyang buhok at salamin. "Anim ang pasobra sa Mars pero lima lang kayong narito."
"Oo nga..." segunda naman ni Roselee. "Number 22, 23, 24, 25 at 26..." isa-isa n'yang itinuro sina Mark, Si Colin, Si Elyon, Si Marianne at si Jay ar. "Nasaan si Cindy?"
Cindy? iyon ba ang pangalan ng number 21 na pasobra?
"Tama, hindi kasama si Cindy kahit pa pasobra s'ya." dagdag ni Marianne "Akala ko ba dapat lahat ng pasobra kasama?"
"Kasama sa plano si Cindy sa grupo ni Sonja, hindi ko lang binaggit dahil wala say dito." kaswal na sagot ni Colin habang nililipat ang pahina ng aklat na hawak n'ya.
"Cindy? Bakit hindi ko na naman kilala ang isang 'yon? Wag n'yong sabihin na nagbakasyon din say kaya wala say sa klase ng halos isang buwan." nakakunot noo kong tanong sa kanila.
"Na confine s'ya Cloud, kalalabas lang n'ya last week ng ospital, sa iisang hospital lang din s'ya kung saan tayo sinugod noong naaksidente tayo." sagot ni Sonja na nakatayo pa rin.
Bago pa ko makapagsalita ay nakaamoy na ako ng pabango ng isang babae. Bigla na lang napatayo si Jay-ar at hindi maipinta ang mukha.
"A-Anong ginagawa ng babaeng 'yon dito?" sa akin humarap si Jay ar.
"Ha?" naguguluhan naming tanong sa kanya.
"Baka gutom na naman." bulong ni Daldalita.
"Hello everyone sorry I'm late." isang boses ng babae ang bumati sa amin mula sa pinto ng library.
"You're late Cindy." sabi naman ni Colin na nakatuon pa rin sa aklat ang atensyon.
"C-Cindy." parang napako na si Jay-ar sa kinatatayuan n'ya.
Mukhang may drama na naman na mangyayari rito ah.
"Oh, hello there," bati kaagad ni Cindy sabay takbo palapit kay Jay-ar. Tumakbo naman kaagad si Jay ar palayo kay Cindy, para silang mga tanga na naghahabulan paikot-ikot sa mesa ng library.
"Lumayo ka sa akin!" pagtataboy ni Jay-ar kay Cindy habang naghahabulan.
"Ano ka ba wag mo na kong pahirapan bhe, ikaw ang dahilan kaya ako nagpunta sa mabaho at basurang section na ito. Magiging magkasama na naman tayo, bhe."
"Bhe?" sabay-sabay pa kaming nagsalita. Teka, bakit ang 'bhe' ang napansin namin at hindi ang panlalait n'ya sa section namin?
"Hindi ko girlfriend 'yan! Wala akong alam ba't palaging nakasunod 'yan sa akin!" depensa ni Jay-ar. "Hindi pwede na kasama ka sa grupo namin, teka, hoy! Patpating classmate pwede ba ako magpalipat ng group basta malayo sa babaeng 'to?" tanong ni Jay-ar kay Colin.
Hindi sumagot si Colin, sa halip ay ngiti lang ang pinakawalan n'ya.
"Ouch, bhe, ang sakit ng ginagawa mo, pero mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na!" nakahawak pa sa dibdib n'ya si Cindy with feelings pa talaga.
Napuno ng halimuyak ng pabango ni Cindy ang library, iyon pala ang naamoy ko kanina. Nagtago si Jay-ar sa likod ni Roselee.
"Tigilan mo nga akong babae ka." utos ni Jay-ar pero hindi naman s'ya pinansin ni Cindy sa halip ay tuloy lang siya sa paglapit sa kanya at hindi natinag kahit pa nasa likod ni Roselee si Jay-ar.
"Ano ba 'yan pabebe naman 'tong lalakeng 'to." reklamo ni Daldalita.
"Bhe bhe ko, na miss kita nang sobra." lumingkis kaagad si Cindy sa braso ni Jay-ar.
"Lumayo ka, magagalit ang girlfriend ko sayo."
Girlfriend? Tinignan ni Cindy si Roselee...
TOK!
"Kapal ng mukha mo, idadamay mo pa ako! Ang daming lugar na paglalandian dito pa kayo sa library." nagdadabog na nag walk out si Roselee at hindi na nagpaalam sa amin. Naiwan n'yang kinakamot ni Jay-ar ang ulo sa pagbatok na ginawa n'ya.
"Nangyari doon?" takang tanong ni Daldalita.
"Pagbibigyan ko ang pangit na 'yon sa pananakit sa'yo as long as hindi mo s'ya girlfriend." pagsasawalang bahalang sabi ni Cindy.
"Uhm, Colin?" tanong ni Marianne.
"Yes, you can follow her." kinumpas lang ni Colin ang kamay habang busy pa rin sa aklat niya.
"Tara na." hinila na rin ni Sonja si Mark at hindi na nagpaalam pa kay Colin. Nagsilabas na silang tatlo at tumango lang ako bago sila tuluyang magpaalam.
"Oy wag n'yo naman akong iwan dito!" hindi makaalis si Jay-ar dahil mahigpit ang kapit ni Cindy sa kanyang braso. "Ano ka ba, itigil mo sabi 'yang ginagawa mo magagalit ang girlfriend ko." saway ulit ni Jay-ar.
"...Ako... ba... yun?" napatingin kaming lahat sa nagsalita.
Gamit ang isang daliri niya ay iniikot ni Elyon ang ilang hibla ng kanyang buhok, pumihit na naman ang ulo n'ya at sa pagkakataong iyon ay lumabas ang nakakatakot na ngiti ni Elyon, bahagya pang nakalabas ang kanyang dila.
Bakit labas dila n'ya? Kinilabutan ako sa nakita ko.
"Oh my God, bhe... ganyan ba ang type mo?" nagtago si Cindy sa likod ni Jay-ar.
Bago pa sumagot si Jay-ar ay tumayo si Gello at hinila palabas si Elyon.
"Mauna na muna kami." ani Gello.
Apat na lang kaming naiwan sa library, si Colin tahimik lang na nagbabasa ng aklat at ewan ko kung ano ang aklat na binabasa niya.
"Don't tell me ikaw ang girlfriend ng bhe bhe ko?"
Lumingon ako sa likod ko, ako ba kausap nito?
"Trick girlfriend ka raw ni Jay-ar?" natatawang tanong ni Daldalita.
"Baliw ka na ba? Halika na nga rito!" hinila palabas ni Jay-ar si Cindy. "Pasensya ka na rito, Cloud." paghingi ni Jay-ar ng paumanhin sa akin.
"Oh, so you're the infamous transfer student from public high na bumugbog sa three kings ng earth?" nakangiting sabi ni Cindy.
Three kings ng earth? Anong meron sa school na 'to bakit may mga title-title pa silang nalalaman para sa mga estudyante.
Inilahad ni Cindy ang kamay n'ya. "Sorry sa sinabi ko, Cinderella, Cinderella Sabio, Cindy for short."
"Cloud Alegre." nakipag shake hand ako sa kanya at ang lambot ng kamay ng babaeng 'to.
Narinig namin na isinara ni Colin ang aklat kaya napatingin kami sa kanya.
"Kindly leave us alone, Cloud and I needs to talk."
Lumabas si Cindy na hila-hila si Jay ar sa braso. Eh di wow... iniwan na kami ng mga kasama ko.
"Now, speak." tila nag-uutos ang tono ni Colin sa akin. Muli na naman n'yang pinagkrus ang mga daliri n'ya at nakapatong ang mga siko sa mesa.
Hindi ako nagsalita...
"Are you going to tell me something or not?" tanong ni Colin matapos ang kalahating minuto kong pananahimik. Tinignan ko s'ya nang harapan at muling nagpalipas ng ilang saglit bago muling magsalita.
"Hindi ako sasama sa tinatawag mong army." direkta kong sagot.
Sumandal lang sa sandalan ng silya si Colin at hindi rin muna nagsalita. "It seems you're not afraid from the picture that I showed you yesterday."
"May problema ba kung hindi ako matatakot?"
Tahimik lang na nagmasid sa amin si Daldalita, bago ko pa kausapin si Gello kanina ay pinaki-usapan ko na siya na manahimik sa oras na mag-usap kami ni Colin.
"Is your ghost with you right now?" kaswal na tanong ni Colin sa akin, mukha namang hindi s'ya takot sa multo.
"Hindi na importante kung narito s'ya at kasama natin."
"I don't believe in ghost."
"Good for you." sagot ko lang sa kanya. Ako naman ang sumandal sa upuan, ilang segundo rin kaming nagsukatan ng tingin.
"Kung talagang hindi ka sasama sa plano ko, umalis ka na sana kaagad at iniwan ako rito pero bakit narito ka pa rin sa harap ko. You want something more?"
"I want all the copies you have." sagot ko sa kanya.
Tumawa lang si Colin sa sagot ko. "Do you think I'm going to give it, just like that?"
"Hindi." Ako naman ang ngumiti. "Alam kong may mali sa mga pinaplano mo at sa paggamit sa mga pasobra."
"Really?" amused na tanong ni Colin sa akin.
"Iniisip mo na sa pamba-black mail sa mga pasobra, sasama ako sa'yo dahil lang sa malapit sila sa akin, pero mali ka, Wala akong pakialam sa kanila kung anuman ang gusto mong gawin."
"Iyon lang ba?" tila hindi pa rin apektado si Colin.
"Ako ang vanguard? Si Gello sa recon, tapos ang main players ang mga pasobra? Maliban sa grupo na sinasabi mo may isa ka pang grupo na tinatago at sila ang totoong main player sa laro mo."
"Talaga? Paano mo naman nasabi 'yan?"
"Si Sonja ang pinaglead mo sa halip na ikaw ang mamuno, hindi mo pwedeng gamitin ang rason na ayaw mong ikaw ang nasa harapan dahil ikaw na ang nagsabi na patago ang mga pasobrang aatake, dahil sila mismo ang talagang grupo na sinasabi mong makakarating sa top pagdating ng ranking sa hindi inaasahang pagkakataon." ipinatong ko naman ang dalawang braso ko sa mesa. "Pinaghiwalay mo ang grupo ninyo ni Gello sa halip na nasa iisang grupo lang kayo, ginamit mo lang na dahilan ang kakayahan ni Gello na makakuha ng mga impormasyon para ihawalay s'ya ngunit ang totoo may isa pang grupo kang binuo na ikaw ang namumuno at kasama rin si Gello at si Cindy doon."
Kumunot ang noo ni Daldalita ngunit tinakpan niya ang sarili n'yang bibig upang pigilan ang sariling magsalita. Mabuti naman.
"Any proof?"
"Hindi mo isinama si Cindy kahit pasobra s'ya at ginagamit din s'ya ngayon para ilayo si Jay-ar sa grupo ng pasobra dahil mas magagamit mo si Jay-ar kapag nasa vanguard group s'ya sa halip na nasa grupo ni Sonja."
"Bakit ko naman gagawin iyon?" bigla nang nagpalit ang ekspresyon ni Colin, naging seryoso na s'ya. Bull's eye siguro ang deduction ko.
"Dahil alam mo na mababa ang lahat ng exam results ni Jay ar. Marahil alam na ninyo ang tungkol sa performance n'ya, dahil inobserbahan na ninyo s'ya bago pa ako magtransfer dito dahil sa pagkaka alala ko sinundan din s'ya ni Gello katulad din ng pagsunod n'ya sa akin ngayon. Mas magagamit mo si Jay-ar bilang vanguard dahil minsan na rin s'yang nanggaling sa section Earth at madaling makakakuha ng atensyon nila."
Naging tahimik kaming dalawa matapos kong magsalita.
"Kung tama naman ang sinasabi mo..." bahagyang lumapit si Colin sa harap ko kahit pa may nakapagitan sa aming mesa. "...sinong maniniwala sa'yo? Section Mars is almost mine at iilan lang ang grupo mo sa section natin."
"Ibig sabihin ginagamit mo lang ang lahat para sa sarili mong kapakinabangan." sagot ko naman kay Colin.
"What they doesn't know won't kill them, sa isang digmaan kailangan ang sakripisyo ng iilan."
"Hindi iilan ang three fourth ng section mars na niloloko mo."
"Wala akong pakialam, basta makuha ko ang gusto ko." Nakangiting sagot ni Colin.
Ngumiti ako sa sinabi niya. Umayos muli ng pagkakaupo si Colin. Itinaas ko ang kanang kamay ko upang makita n'ya at mula roon ay dinukot ko sa bulsa ng polo ko ang aking cellphone.
"Talaga,? Paano kung sabihin ko sayong ini-record ko ang lahat ng usapan natin?" ipinakita ko ang sound recorder na nagrerecord sa cellphone ko. Pinindot ko ang pause button upang klaro niya itong makita at isinave ito sa harapan niya.
Nagbago ang timpla ng mukha ni Colin sa ginawa ko.
"BWAHAHAHAHAHA!!!"
Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Daldalita. "Ano ka ngayon patpating nilalang? Sa wakas makakapagsalita na ako ang hirap kaya manahimik sa isang sulok at panoorin lang kayo hah!"
Heto na naman ang madaldal na batang ito.
"Damn you, Alegre." nagngi-ngit-ngit na bulong ni Colin, ngayon halatang galit na s'ya.
"Now, why don't you have a deal with me?" nanunuya kong suhestyon kay Colin. "Ano kaya ang reaksyon ng mga kaklase natin kapag nalaman nila na ginagamit mo lang sila?"
Kinuyom ni Colin ang kanyang kamao at nagpakawala ng malalim na hininga. "What's the deal?"
"Ibigay mo sa akin ang lahat ng pictures na may kasama akong multo at tigilan mo na ako kasama ang mga kagrupo ko sa kalokohang pinaplano mo."
Hindi nagsalita si Colin at tila pinag-iisipan pa ang lahat.
"Deal. Let's meet tommorow. Ibibigay ko bukas ang lahat ng pictures kapalit ng pagdelete mo sa audio file na ini-record mo." Inilahad ni Colin ng kamay niya upang selyohan ang usapan at inabot ko naman iyon kaagad.
★★★★★ITUTULOY★★★★★

Komento sa Aklat (245)

  • avatar
    Li Liah

    I really enjoy reading your story, I found myself laughing all the way through it. The story was very enjoyable to read. I don't remember the last time I read something as good as your story, No words can describe this story another then great. My words won't be enough

    17/02/2022

      10
  • avatar
    Jol Cyndrelle Quiñones Bajenting

    hi po, gusto ko lang po sabihin na ang ganda po ng story sobrang nagustohhan ko po , sana po marelease na po sunud na chapter po, 💙💙

    08/02/2022

      0
  • avatar
    JU DY

    Hello po, I really love your story kaya po sinundan na kita dito kasi dalawang pasko na ako naghihintay sa update ng story na to.

    08/01/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata