logo text

Upcoming book glimpse: (Huling Sandali)

Huling Sandali
It was Friday and already past midnight. Everyone is sitting on the floor, eyes on the laptop in front of them. They're Ashanna's friend at napagka-sunduan nilang apat na mag-over night sa iisang bahay, it's their plan to face time their friend Ashanna na siyang kasalukuyang na sa US at balak nang umuwi ng Pilipinas.
Gusto nilang kumustahin ang naging proseso ng surgery nito, matagal-tagal rin silang hindi nagkita at inaasahan nilang successful ang lahat at gagaling na ang kaibigan nila.
Ashanna has a cancer, acute myeloid leukemia. They know, there's no cure in leukemia, surgery won't work at all. But still, they're hoping and praying that there's a way. They can't just lose their friend sa ganoon kadaling oras, they haven't even do any single thing to help their friend survive. All they do is they should stay by Ash's side no matter what happen.
Pare-pareho silang titig na titig sa screen ng laptop na nasa kanilang harapan, naghihintay na sagutin ng kanilang kaibigan ang tawag. Ilang sandali lang din ay sabay-sabay silang napasinghap ng hangin nang sa wakas ay sagutin na ni Ash ang tawag, dahilan para agad na magkagulo ang magka-kaibigan oras na nasilayan nila ito.
She looks so pale.
"Ash!!"
"Omg, baby Ash!!"
"Ashanna, finally!"
"Ashanna!!"
Sabay-sabay nilang hiyaw sa napaka-siglang tono nang makita na nila sa wakas ang kaibigan nilang si Ashanna sa screen. Mas lalo pa silang nag-siksikan sa gitna nang marinig nila ang hagikgik nito, makita lang ang napakagandang tawa ni Ashanna, they want to see her giggle dahil minsan lang nila iyun marinig.
"Namiss niyo 'ko, 'no?" Ashanna's smile is a mile wide nang makita nito ang mga kaibigan niya na magkakasama. Her heart is pounding because of how happy she is right now. She can't explain what exactly is she feeling right now, halo-halo ang nararamdaman niya, ngunit nangingibabaw ang tuwa sa kanya nang makita niya kung gaano kasaya ang mga kaibigan niyang makita siya.
She misses them so much. Gusto niya nang makita at makasama ang mga itong muli.
"Oo, naman! Sobra pa sa sobra, 'no!" Parang maiiyak nang sagot ni Hale, ang pinaka-maingay sa kanilang lahat.
"Ito na nga, uuwi na nga ako!" Sagot ni Ashanna, dahilan para mag-lakihan ang mga mata ng kanyang kaibigan. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
"Hindi nga, Ash? Omg, for real?! No cap?" Natawa naman sila sa naging tanong ni Chim, he's gay. The only guy in their group.
"Yep, lilipad na ako pauwing pilipinas." Nakangiting tugon nito sa kanila.
"Hala, kailan ka pa nagkaroon ng pakpak, 'te?" Takhang tanong ni Mina, the slow-witted person in their group. Nakakaintindi naman minsan, huwag mo nga lang kakausapin nang may double meaning ang sinasabi mo, dahil talagang ikaw ang mas lalong maguguluhan at mapapaisip sa mga sagot niya kapag nagkataon, masisira lang ang ulo mo.
"Saan ka dadaan, Ash?" Takhang tanong ni Hale, she really likes fun, mahilig siyang sumakay sa mga trip ng kaibigan niya.
"Ay! Sa rainbow siguro, mga tanga 'to." Chim rolled his eyes to them. Talagang ganito silang mag-usap, kapag sinimulan ng isa ang kalokohan ay sasakyan na ng lahat. But Chim was just so short-tempered, he can't stand their katangahan sa buhay.
"Ha? Pwede bang dumaan do'n?" Naguguluhang tanong ni Mina, dahilan para mas lalong ma-stress si Chim sa kanya na napahilot pa sa sintido habang umiiling at hindi na maipinta ang mukha, habang tawang tawa naman si Hale.
She's really gullible.
"Oo, girl! Mag-slide slide si Ash do'n papuntang impyerno!" She's Vien, the badass of all but has a soft spot for her friends. Masiyadong palaban, walang pinalalampas, Basta tropa ang usapan hindi aatrasan.
Napanguso naman si Mina habang napapakamot sa batok nang dahil sa pagkapahiya. Hindi niya malaman kung saan na naman siya nagkamali at bigla na lang nabadtrip si Chim at Vien. Gusto niya lang naman malaman kung pwede ba talagang dumaan sa rainbow si Ash pauwi rito sa pilipinas mula sa US.
Malay niya ba kung effective na sasakyan ang rainbow?
"Pero seryoso, Ash? Sure ka na bang uuwi ka na talaga?" Naging seryoso na ang tono ng pananalita ni Chim, kaya naman pati ang iba ay natahimik at sinantabi muna ang kalokohan. The atmosphere seems getting heavy the moment na marinig ni Ashanna ang tono ng kaibigan niya.
They know there's going something wrong to Ash right now kaya ito sumagot sa tawag nila. Ash can't answer call while she's undergoing a therapy, kaya medyo nagtatakha sila kung bakit sumagot ito ngayon sa tawag nila, but there's a part of them na sobrang saya nila dahil medyo nabawasan ang kaba at pag-aalala na matagal na nilang dinadala.
"Ash, you knew that you can always tell us everything, right?" Hale asked. Mukha man siyang mapantrip, ngunit isa siya sa pinaka-seryoso kapag ganitong bagay na ang usapan.
"Anong nangyari, Ash?" Bagsak ang balikat na tanong ni Vien.
"Seryoso ka ba talaga na uuwi ka na! Kasi itutuloy na talaga namin 'yung plano namin for you, once na umuwi ka na dito. Alam mo naman, we will do everything just to grant all your wishes." Lumungkot ang boses ni Chim, dahilan para maramdaman din itun ng lahat. They're now sharing the same feelings. Pilit namang napangiti si Ash mula sa kabilang linya.
Matagal na nilang napag-usapan ang plano na ito, hindi pa man nakakaalis noon si Ash sa pilipinas ay napagkasunduan na nilang lahat na gawin ang bagay na ito.
"Teka, may plano?" Nawawalang pasensyang napa-buntung hininga si Chim nang marinig nitong muli ang tanong ni Mina.
"Anong plano? Bakit hindi ko alam?" Naguguluhan nitong baling sa mga kaibigan niya.
She totally has no idea what her friends talking about.
"Plano naming ipatapon ka na para wala ng amoy imburnal dito," sagot ni Chim. Nagkasalubong naman ang dalawang kilay ni Mina.
"Epal!" Bulyaw nito, pero nag-make face lang si Chim sa kanya.
"Ah, basta uuwi na ako. Wala na rin naman akong gagawin dito, pinag-aagawan lang ako ng mga gwapong nurses dito," pabirong sambit ni Ash.
"Wow, Ash ah?" Natatawang turan ni Chim.
"Huwag ka nang um-epal!" Rebat agad ni Ash, dahilan para magtawanan sila.
"Umamin ka nga sa amin, Ash." Si Hale ang nagsalita, bumaling naman sa kanya ang tingin ng lahat.
"Tell us, unsuccessful 'yung surgery kaya biglaan 'yung pag-uwi mo, 'no?" Bakas ang pagka-seryoso at pag-aalala sa mukha ni Hale nang sambitin niya 'yon. Saglit namang namuo ang katahimikan sa pagitan nilang lahat, hindi agad nakasagot si Ash sa naging tanong sa kanya ni Hale.
She knows.
Pero ilang minuto lang ay gumuhit ang maliit na ngiti sa labi nito, hindi masaya, kundi napipilitan. Sa isang ngiti na iyon ni Ashanna ay nasagot ang nag-iisang katanungan na matagal nang namumuo sa mga isipan nila, at ngayong alam na nila ay parang nagsisisi silang tinanong pa nila iyon.
"Wala eh," bumakas ang lungkot sa mukha ni Ash kahit pilit nitong tinatabunan ng kanyang mga ngiti sa labi. Ramdam ng kanyang mga kaibigan ang bigat sa loob niyang dinadala, kaya naman pati sila ay hindi na maiwasang mapangilidan ng luha.
Alam na nila kung saan ang patutunguhan nito, kaya naman hindi nila maiwasang manghina.
"Hindi raw kakayanin ng surgery, eh." Gustong matawa ni Ashanna nang banggitin niya ang tungkol doon. Nitong nakaraang linggo lang niya iyun nalaman at isang linggo niya iyung dinibdib. Wala siyang ibang ginawa kundi ang lumuha at isipin ang mga kaibigan niyang maiiwan.
"Ash." Naluluha na tawag sa kanya ni Mina, lumamlam ang mga mata nito at parang ilang saglit na lang ay tutulo na ang luha niya.
"Ayos lang ako, ano ba kayo! As what I've said, kapag hindi naging successful 'to, edi suko na. Makakasama ko na rin naman sila Mama, kaya kuntento na ako. Alam kong gusto niyong tulungan ako, pero ayokong gumastos kayo ng napakalaki. Hindi na rin naman ako gagaling kahit anong gamot pa ang ipainom nila sa akin. Sayang lang sa pera." Ashanna averted her gazed para hindi makita ng mga kaibigan nito ang luha niya.
"Ash naman, e.. magagawan pa 'yan ng paraan, look oh. We're your friends at willing kaming gumasta ng pera, kahit gaano pa kalaki 'yan, gumaling ka lang! You know how much we want you to survive, Ash, at hindi ka namin hahayaang mawala sa amin ng ganito na lang," nagsimulang mamasa ang mga mata ni Vien, ngunit nginitian lamang siya ni Ashanna.
"I know, Vien. I know. Pero marami na akong nagawa, marami na akong na-achieve kasama kayo, marami na akong nabuong memories kasama kayo, and I'm already contented about it. Alam niyo naman kung ano na lang 'yung dahilan ko kung bakit pinipilit kong mabuhay, 'di ba?" Bakas ang mapait na ngiti sa labi nito.
"Because of love," sabay-sabay nilang sagot, garalgal ang mga boses. Naiiyak namang napatango si Ashanna.
"Magmahal na lang ang hindi ko nagagawa, sapat na rin naman siguro 'yung nalalabing na oras na binigay sa akin para maranasan ko 'yon." Napasinghot ito at pinunasan ang mga luhang tumulo.
"Ano ba 'yan, let's stop this drama na nga! Huwag rin kayong umiyak, gosh ang pangit niyo na!" Pang-aasar ni Ashanna sa mga kaibigan na sinimangutan lang siya.
"We're all crying right now dahil sa kalagayan mo, tapos mukha pa talaga namin ang napansin mo." Humahagulgol na sambit ni Chim, habang panay ang punas sa mga luha niyang hindi naman matigil sa pag-agos.
"I'm happy, guys. I'm happy because I have you. Masaya akong nakilala at nakasama ko kayo sa napaka-ikling oras ng buhay ko. Don't worry, may oras pa naman tayo magsama-sama, 'no! I have two wishes to fulfill pa, kaya sunduin niyo ako bukas sa airport ah, aba!" Turo nito sa mga kaibigan niya.
"I love you, Ash." Naiiyak na sambit ni Hale.
"Mahal na mahal ka namin, Ash." Sabay-sabay nilang sambit, dahilan para gumuhit ang ngiti sa labi ni Ash. Ngiting punong-puno ng hinanakit, dahil sa pagkakataong ito ay hindi niya alam kung hanggang kailan niya na kang maririnig ang mga salitang iyun mula sa mga kaibigan niya.
At sa gabing iyun ay nagpaalam na sila sa isa't-isa. Nagawa na ring simulang asikasuhin nila Chim ang plano nila para kay Ash noong gabing rin na iyun. Labag man sa loob nila dahil iyun man ang pinaka-memorable na mangyayari sa buhay ng kaibigan nilang si Ashanna ay iyun na rin ang isa sa dalawang pinakahuhuling wish na gustong mapuna ni Ash sa huling pinakahahantong ng buhay niya.
Ang maikasal.

Komento sa Aklat (373)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    14/12/2021

      1
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo