Chapter 7 (Part I)

Nakatulog pala ako. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ni Kyla. Bumaba ako sa sala para magpaalam na kay Manang Estrella/Lita. Paglabas ko ay madilim na pala sa daan. Dito na lang sana ko pinapakain ni Manang pero tumanggi na ko kasi nakakahiya naman.
Naglalakad na ko ng biglang sumulpot si Kiel sa tabi ko.
Oh bakit nandito ka? Kumamot siya sa ulo niya bago nagsalita.
Si Manang, ginising ako para ihatid ka. Si manang talaga makulit aist.
Magsasalita na sana ko ulit ng biglang may humarang samin na grupo ng mga lalaki.
Familiar yung iba sa kanila. Saan ko nga ba sila nakita? Ah! Yung isa natatandaan ko na, siya yung nagbigay ng maling direksyon sakin nung hinahanap ko yung Music Room ng College Department! Kung hindi ako nagkakamali ay tinawag siyang Tadeo ni Kiel.
Anong problema niyo? Tanong ni Kiel sa kanila tapos hinatak niya ko papunta sa likod niya na para bang tinatago niya ko sa mga lalaking bigla na lang sumulpot sa harap namin.
Balita ko umalis ka na daw sa Gang? Nakapameywang na sabi nung Tadeo. Umalis na siya sa gang? Tapos nagpagupit siya ng buhok? Anong ibig niyang sabihin? Bakit ginawa niya yung mga gusto ko?
Ano naman ngayon? Hindi ba dapat ay matuwa pa nga kayo dahil nabawasan yung kakumpetensiya niyo? Sabi ni Kiel sa kanila.
Meron pa tayong unfinished business Fuentabella. Pagkasabi niya nun ay biglang nag stretching yung mga kasama niya.
Humarap sakin si Kiel tapos tumingin sa mga mata ko.
Umuwi ka na Ella. Umiling iling ako sa kanya.
Hindi, ayoko. Sabi ko sa kanya.
Umuwi ka na sabi. Baka mapahamak ka dito. Mahina pero matigas na sabi niya sakin. Umiling iling ulit ako.
Wow playing hero ka na naman Fuentabella. Syota mo ba yang babae na yan? Singit ni Tadeo sa usapan namin ni Kiel.
Hoy lalaki! Pati kayo. Turo ko sa mga lalaking mukhang mga sanggano. Mahahaba ang mga buhok, mga kakaibang pormahan. Gangster na gangster ang dating , kung nakakita na kayo ng gangster. Ganun ang itsura nila, pero masasabi ko na sila yung mga gangster na may itsura pero mukhang mga sanggano dahil nga sa mga pormahan nila. Iba iba yung kulay ng mahahabang mga buhok. May mga tattoo, puro hikaw.
Hinila naman ni Kiel yung braso ko.
Shut up Ella! Sigaw niya sakin. Tapos gumalaw galaw yung muscle niya sa panga.
Hindi hayaan mo ko Kiel! Kayo! Turo ko ulit sa mga lalaki. Magaling ako mag taekwondo at nag aral ako ng self defense. Kaya umalis kayo sa harap namin kung ayaw niyong masaktan. Biglang nagsitawanan yung mga lalaki. Tapos si Kiel hinatak na naman ako papunta sa likod niya.
Matapang pala tong bata mo Fuentabella. Tatawa tawang sabi nung isa sa kanila na hindi ko kilala pero may kulay silver siya sa ngipin. Tapos tumawa yung isa na may hikaw sa ilong. Huminto lang siya nung sinikmuraan siya ni Tadeo.
Wag niyong pansinin yang babae na yan. Ako ang harapin niyo. Sabi ni Kiel sa kanila.
Lumapit ako dun sa isa na medyo mataba dahil kinindatan niya ko tapos naglip bite pa. Ang manyak kadiri!! Tumingkayad ako tapos hinila ko yung mahaba niyang patilya.
Aww aww aww lintek kang babae ka! Sabi niya sakin, hinawakan niya ko sa braso kaya pinilipit ko yun tapos sinipa ko siya sa sensitive part niya. Nagtatalon talon siya sa sakit.
Lumapit naman sakin yung isang lalaki.
Siraulo ka ah! Sigaw niya sakin tapos hinablot ako sa braso. Kinagat ko ng sobrang diin yung kamay niya tapos nabitawan niya ko kaya sinipa ko siya sa sikmura ng ubod lakas. Napaluhod siya sa sobrang sakit.
Tumingin ako sa gawi nila Kiel, nagsusuntukan na sila nung Tadeo at nung isa pang lalaki, bali 2:1 sila, Kiel vs. Tadeo at yung isa pang lalaki.
Ang bilis ng mga pangyayari, hindi ko akalain na magagamit kong muli yung mga tinuro sakin ng tito ko.
Patakbong lumapit sakin yung isang red ang buhok tapos akma niya kong sasapakin pero nakaiwas ako. Inangasan ko siya. Magaling yata to sa suntukan! Sigaw ko sa utak ko with matching tawa.
Sinamantala ko yung sitwasyon, sinipa ko siya sa likod kaya nasubsob siya sa daan. Lumapit ako sa kanya tapos tinapakan ko siya sa ulo.
Ella tama na yan! Sigaw sakin ni Kiel tapos hinila niya ko, tumakbo siya kaya napatakbo na rin ako.
Takbo lang kami ng takbong dalawa.
Pagdating sa bahay ay sarado ang gate. Dahil siguro sa kaba namin pareho ni Kiel eh nagkatinginan kami tapos tumango ako sa kanya tapos sabay kaming nag over the gate para makapasok. Parang iisa yung isip namin ng mga oras na yun. Biglang nawalan ng power habang nagoover the gate kami.
Nang makapasok kami ay hinila niya ko sa likod ng mga halaman tapos tinakpan niya yung bibig ko.
Naalala ko yung unang beses na hinila niya ko sa madilim na eskinita at tinakpan yung bibig ko.
Kahit madilim ay nakatitig ako sa kanya.
Shit bigla silang nawala! Sigaw ng isang familiar na boses mula sa daan. Boses yun ni Tadeo.
Ang angas nung babae hay*p sinipa ako sa ba**g! Halata sa boses ang galit nung isang lalaki na halata naman na siya yung sinipa ko sa sensitive part niya. Pinigilan ko yung tawa ko.
Narinig namin na nagtatakbo na sila palayo. Nakatitig pa rin ako kay Kiel. Tanging liwanag lang na galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw.
Inalis na niya yung kamay niya sa bibig ko. Pero hindi pa kami umalis sa pinagkukublihan naming dalawa.

Komento sa Aklat (421)

  • avatar
    Jessica Malagad

    I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞

    31/03/2022

      0
  • avatar
    Christine Degamo

    this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun

    24/01/2022

      0
  • avatar
    Bernadette Reychel Ildefonso

    I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..

    19/01/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata