Chapter 73 (Part I)

Warning : SPG (theme, language, violence.)
Mikaella's POV
Halos hindi ko na maigalaw maski isang bahagi ng katawan ko. It's really a torture, hindi ko na alam kung gaano na ba kami katagal sa madilim at malamig na lugar na ito. Ang alam ko lang ay masakit na talaga ang buong katawan ko. Hindi ko na nga maramdaman ang gutom o uhaw dahil mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko sa bawat himaymay ng laman ko.
"A-apo.." mahinang tawag ng lola ko.
"L-lo. .la." sinikap kong magsalita kahit hirap na hirap ako, hiniling ko na lang na sana ay narinig niya ang boses ko.
"P-patawarin m-mo ako a-apo." nanginginig ang boses na ani lola, sa mga oras na ito ay gusto kong yakapin siya pero hindi ko magawa dahil bukod sa halos isang dipa ang layo namin sa isa't-isa ay hindi ko na rin maiangat maski ang isang daliri ko. Hindi lang ako ang nakakaranas ng ganito dahil anim kami.
Oo anim kami na nandito sa loob ng malawak na kwartong ito, kung kwarto nga ba ito o bodega dahil sa dami ng mga nakatambak.
Lahat kami ay araw-araw sinasaktan, swerte pa nga siguro dahil hindi nila sinasaktan ang lola ko tulad ng pagpapahirap na ginagawa nila sa akin at sa iba pa.
"M-Mikaella!"
"Mm?" patanong na sagot ko kay Zander. Gising na siya, gising na ulit siya mula sa pagkakatulog dulot ng pagpapahirap na tinamo.
Narinig kong may tumutunog na parang bakal, siguro ay sinisipa na naman ni Zander ang upuan ni Kenneth para magising ito.
"Mikaella?!" boses iyon ni Kenneth. Tuwing makakatulog sila at magigising, pangalan ko agad ang tinatawag nila.
"N-nandito ako." nagawa ko pa rin na magsalita, bilib din ako sa sarili ko.
"Tita Lucila?" tawag ni Zander sa ina ni Zachareus.
"I'm here Zan." sagot ni tita Lucila, mukhang nakabawi na ulit siya ng lakas.
"Doctor Alvin?" muling pag tawag ni Zander.
"I'm still alive." mahinang tugon ng Doctor.
Wala na ulit nagsalita sa aming lahat hanggang sa bumukas ang bakal na pinto.
Narinig ko ang mga kaluskos ng mga taong naglalakad, ilang saglit pa ay bumukas ang ilaw kaya napapikit ako dahil sa pagkasilaw.
Boses niya ang muling nakapag padilat sa akin.
"Kamusta Donya Esmeralda?" naroon na naman ang nakakakilabot na boses niya sa kanyang tanong. Sa ilang araw na pagkakadakip nila sa amin sa lugar na ito ay ito pa lang yata ang pangatlong beses na humarap siya sa amin pero kalbaryo ang bawat araw na iyon. Nasa magkabilang gilid niya ang mga tauhan niya na puro nagsisipag lakihan ang mga katawan.
Tumango siya sa kanila at agad namang kumilos ang mga ito, nagugulat man ay hindi ko na nagawa pang kumibo ng lumapit sa akin ang dalawang tauhan at kalagan ang puting lubid na nakagapos sa katawan ko. Parang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko ng tuluyan iyong matanggal. Pilit nila akong pinatayo at itinulak sa sahig dahilan para mapadapa ako doon. Napapikit na lang ako sa sakit.
"What are you planning to do?!" pasigaw na tanong ni Zander. Tinignan lang siya ng masama ng tinuturing na ama. Naroon pa din ang tingin niya na puno ng pagkadismaya.
Nagulat ako ng hablutin ng isang lalaki ang paa ko at lagyan ng malaking parang kadena, pabilog ang pinakadulo niyon na kaunti lang ang luwag sa itaas ng sakong ko, kumokonekta iyon sa tanikalang ngayon ay ikinakabit na ng isa pang lalaki sa bakal na nakadikit sa pader.
Parang idinisenyo talaga ang silid na ito para paglagyan ng mga bihag. Kung saan man galing ang tanikalang ngayon ay nasa paa ko na ay hindi ko alam.
Ganun din ang ginawa nila sa iba ko pang mga kasama. Nakahinga ako ng maluwag kahit papano dahil hindi na nanlaban pa sila Kenneth, Zander at Doctor Alvin sa kanila kundi tiyak na masasaktan na naman kung hindi sila ay lahat kami.
Mas maigi na rin ang ganito, atleast pwede kaming tumayo pero magkakalayo pa din kami.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko Donya Esmeralda." sarkastikong ani Misael.
Humugot ng malalim na hininga ang lola ko bago nagsalita. "Hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong mo, anak." lahat kami ay napatingin kay lola, gulat sa itinawag niya sa anak-anakan, agad na lumipat ang paningin ko kay Misael.
Nabasa ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit na agad ding napalitan ng matatalim nitong tingin.
"Anak." natatawa ngunit sarkastikong turan niya at nakita ko kung gaano kadiin ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Ilang segundong namayani ang katahimikan, binasag lang iyon ng lumapit ang isa niyang tauhan dala ang folder na alam na alam na namin kung ano ang laman. Iyong palaging dala nila sa tuwing haharap sa amin si Misael.
Lumipat ang tingin ni Misael doon. "Babalik ako mamaya." aniya sabay talikod at naglakad palabas ng silid na iyon.
Agad namang nagsisunuran sa kanya ang mga tauhan niya matapos kaming pukulin ng matatalim na tingin.
Napahinga kami ng maluwag ng tuluyan ng sumara ang pinto. Sinandal ko ang likod ko sa malamig na pader.
Doon ko pa lang napagmasdan ang mga sugat at pasa sa katawan ko dahil hindi nila pinatay ang ilaw ngayon. May mga natuyong dugo na rin at halos mangitim ang buong braso ko. Kung hindi lamang ako nakapantalon ay tiyak na kitang-kita rin ang mga pasa doon.
Napatingin ako kay Kenneth ng matunog siyang bumuntong hininga.
"Tiyak na galit na galit na ngayon ang pamilya niyo. .pati si Fuentabella." natatawang dugtong niya sa huling salita. Wala kaming takip sa bibig dahil wala din namang saysay kahit magsisigaw kami dahil ayon sa mga tauhan ni Misael ay nasa gitna kami ng malawak na lupain.
Hindi ako nakakibo, naglakbay na naman ang isip ko. Bumalik sa akin lahat ng masasayang ala-ala naming dalawa, ng pamilya ko at maging ng mga kaibigan at kaklase ko.
Naisip ko nung una na kung alam ko lang na hanggang dito na lang pala ang lahat, edi sana ay sinulit ko na ang mga araw na nakakasama ko pa sila.
Oo tinanggap ko nang hanggang dito na lang ang lahat, na mamamatay kami dito sa kamay ng masasamang tao, PERO NUNG UNANG TATLONG ARAW LANG NAMIN DITO. Ganoon ako kabilis nawalan ng pag-asa at sumuko pero sa tuwing makikita ko na lumalaban ang mga kasama ko para mabuhay ay nagkakaroon ako ng lakas at dahilan para muling lumaban.
Napakalalim nga siguro ng pinaghuhugutan ni Misael para magawa ang ganitong mga bagay.
Pero nang mabasa ko ang lungkot at sakit sa mukha niya kanina nang tinawag siyang anak ng lola ko ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na hindi ko gusto sapagka't mas nananaig pa rin ang galit ko. Bakit kailangan niya pang gawin ang mga bagay na ito? May sapat bang dahilan ang isang tao para makagawa ng mga ganito?
Alam ko na din ang lahat. LAHAT-LAHAT ng nangyari 6 years ago. Sa ilang araw namin dito ay nanumbalik sa ala-ala ko lahat habang sinasaktan nila ako at ang mga kasama ko o di kaya ay habang malalim na ang gabi at gising na gising pa rin ako.
Alam ko na din kung paanong. .namatay ang lolo ko.
Alam ko na din kung anong koneksyon ng pamilya ni Kenneth kay Misael. Maging ang tungkol sa kung sino ang totoong ama ni Zander ay alam ko na din.
Tungkol naman kay tita Lucila na ina ni Zachareus, palagi siyang tahimik dulot daw iyon ng matagal na panahon na tinuturukan siya ng gamot na siyang dahilan ng pagsunod niya kay Misael pero dahil nga kay Doctor Alvin ay unti-unting bumabalik ang katinuan niya. Iyon nga lang ay may side effects pa rin dahil madalas ay tahimik lang siya, hindi nakikisalo sa usapan at kung minsan ay tulala.
Kaya nahuli ni Misael ang ginagawa ni Doctor Alvin dahil sa mga biglaang pagbabago ni tita Lucila kaya ngayon ay kasama namin sila dito na nakagapos. Si Zander naman at Kenneth ay nahuli na nagtatraydor pero hindi pa alam ni Misael kung sino ang totoong ama ni Zander, nalaman lang niya dahil nadulas ito.

Komento sa Aklat (421)

  • avatar
    Jessica Malagad

    I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞

    31/03/2022

      0
  • avatar
    Christine Degamo

    this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun

    24/01/2022

      0
  • avatar
    Bernadette Reychel Ildefonso

    I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..

    19/01/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata