Umiling ako para mawala ang mga negatibong isipin. Bago ko pa man siya minahal ay ganun na siya. Umaasa man ako na titigil siya sa pagiging gangster pero ayokong pilitin, ayokong sabihin. Gusto ko magkusa siya. Wag lang talaga siya magpapakita sa akin ng may pasa sa mukha dahil talagang dadagdagan ko yun. Nagkayayaan ulit kami sa baba para maglibot. Namili ng souvenirs yung iba, yung mga lalaki naman nakikipag flirt sa mga ka edaran naming turista. Napabungisngis kami ng nakasimangot na naglalakad pabalik si Rafael papunta sa amin, nakahawak siya sa panga niya. "Ano 'tol?" tanong ni Jigz the chixer. "Gago 'tol may syota pala! Yun sinapak ako!" nagtawanan kami sa reaksyon ni Rafael na ngayon ay pinapagalaw ang panga habang nakanganga. "Buti nga sa'yo, babaero ka kasi!" sigaw ni Leah, nagdirty finger naman sa kanya si Raf. "Talo ka pre kaya kailangan mong gawin yung dare!" sigaw ni Jomzel, napatingin ako sa kanya. Palagi na naman siyang nakadikit kila Rafael at nagaalala ako na baka mahawa siya sa mga kalokohan nila. "Oo nga tol!" tumawa si Rome na parang may nakakatuwa kung ano man yung dare na yun. "No way! Iba na lang, ayoko nun!" sigaw ni Rafael. "Walang ibahan, pumayag ka na kanina eh!" ani Nico. "Kanina yun, eh malay ko bang may syota pala yung babae?" Tumawa na naman yung mga lalaki, nanonood lang kaming girls sa kanila. "Walang baguhan pre! Talkshit ka!" kantiyaw ni Samuel. "Mga siraulo bahala kayo!" sigaw ni Rafael sa kanila. "Sige hindi ko ibabalik itong susi ng kotse mo! Sakin na to!" ani Jigz sabay wagayway nung car key sa ere. "Hoy gago ibalik mo yan!" hinarangan agad nung ibang boys si Rafael para hindi makalapit kay Jigz. "Arrrg fine! I'll do it! bwisit!" Raf said in defeated tone. Nagtawanan kami. Pero ang tawanan ay nawala ng biglang lumapit si Rafael kay Leah at halikan ito sa lips. Nganga kaming lahat. Nagbilang yung mga lalaki. "10 seconds pre! Don't forget." sigaw ni Jigz. Nakita kong nagwawala sa galit si Leah habang sakop ni Rafael yung labi niya, pinaghahahampas niya ito sa braso at pilit na tinutulak sa dibdib pero malakas si Rafael kaya hindi siya makakawala. Biglang humikbi si Leah at saktong natapos ang 10 seconds. Sinampal niya ng malakas si Rafael sabay sigaw. "Mga pu******* niyo! Ganito lang ba kababa tingin niyo sakin? Oo malandi ako pero hindi ako yung tipo ng babaeng pwedeng pagpustahan!" humahagulgol sa iyak si Leah sabay takbo pabalik sa hotel. Tinignan sila ng masama ni Katrina bago sinundan ang pinsan. Tulala lang si Rafael habang nakahawak pa rin sa pisngi niya. "Gago dude nagalit." ani Rome. "Kasalanan niyo to mga u*ol!" sigaw ni Rafael sabay upo sa bench. Sumunod din kaming mga babae sa hotel para tignan si Leah. Lahat kami nagulat pa rin, si Leah kasi yung tipo ng babae na maingay, palaban, masayahin kahit may pagka mataray at sabi nga niya kanina, may pagkamalandi pero sa salita lang. Kaya hindi namin ineexpect na ganun ang mangyayari. Sabagay sino ba namang hindi maiiyak sa ganun di ba? Pagdating namin sa suite ay yakap ni Katrina si Leah, umiiyak pa rin ito. "That was my first kiss Kat!" "Oo naiintindihan ko Leah. Kakausapin ko si Raf, tumigil ka na diyan." "You know what I feel." ani Leah. "Pero nasaktan ako imbes na matuwa." medyo hindi namin naintindihan yung part na yun, nagkatinginan na lang kami nila Cassey at sabay-sabay na nagkibit balikat tapos ibinalik ulit ang tingin sa magpinsan. "Rafael is also a victim, I think." napatingin kami kay Savanna ng sabihin niya yun. "What did you say Sav?" napayuko si Savanna dahil sa tono ng pagtatanong ni Katrina. "I'm sorry, I'm just saying my thoughts." Nakita kong nagpigil ng inis si Katrina. "What are your thoughts, then?" nakuha pa din magtanong ng malumanay ni Katrina. "Leah's feelings are also important to Rafael. Ayaw niya rin na magalit si Leah dahil dun sa dare. Hindi niyo lang napansin. Kanina nakita ko yung itsura niya. Ayaw niya talaga na gawin yung dare, naisip ko rin na confident siya na magagawa niya yung usapan nila ng boys tungkol dun sa girl na makuha yung number pero di niya ineexpect na may boyfriend yung babae. Kotse yung ginamit nila Jigz na panlaban kay Rafael at siguradong itatakwil na siya ng Daddy niya kapag nawala yung kotse. Close ang family namin kaya alam ko." "Then are you saying na kotse lang ang katapat ng feelings ko?"parang hindi makapaniwalang tanong ni Leah. "N-no Leah, hindi naman ganun ang gusto kong sabihin." napayuko ulit si Savanna. "Pinagpustahan nila ko, at okay lang na masaktan ako dahil sa kotse? Just for the sake of a freaking car ganun ba?" tanong ni Leah. Umiling-iling si Sav. "Sorry, like what I've said, just my thoughts pero hindi ko sinabing okay lang yung ginawa niya. What I mean is. .never mind, sorry ulit." napayuko na lang ulit si Savanna bago lumabas ng room.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (421)
Jessica Malagad
I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞
31/03/2022
0
Christine Degamo
this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun
24/01/2022
0
Bernadette Reychel Ildefonso
I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..
I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞
31/03/2022
0this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun
24/01/2022
0I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..
19/01/2022
0Tingnan Lahat