Wala pa din sumasagot sa mga estudyante, naagaw na namin ang pansin ng lahat, pati yung mga tindera sa canteen nakikiusyoso na rin. "Obviously may gustong manira sa kanya, dahil sino ba namang tao ang magpapakalat ng ganung picture sa school kundi yung tao na may masamang motibo at kayo namang mga uto-uto ay kumagat agad, naniwala agad kayo at humusga." si Jomzel ang nagsalita. Bakas sa boses niya ang inis. "Inaalam na namin kung sino ang may kagagawan nito at oras na malaman namin na may kinalaman ang kahit na sino sa inyo tungkol sa bagay na ito ay mananagot kayo. Hindi niyo kilala ang pamilyang binabangga niyo. Grabe nakakahiya kayo, hindi kayo bagay sa school na ito, sinisira niyo ang magandang reputasyon at pangalan ng paaralan." si Katrina naman ang nagsalita. Malakas ang loob niya dahil isa sa mga share holders ang parents niya at sa pagkakaalam ko siyang may pinaka malaking share. Wala pa ring nagsasalita sa mga estudyante, yung iba kunwari walang pakialam pero halata naman na nakikinig din sa mga sinasabi ng mga kaklase ko. Hindi na kami kumain sa canteen dahil nabad trip ng husto si Katrina. Nagpadeliver na lang kami sa room ng pagkain sa isang fast food. Ilang minuto na lang ay time na bago dumating ang mga pagkain kaya nagmadali kami sa pagkain. Naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko. Tinignan ko iyon at nakita kong tumatawag si Kiel. Hindi ko sinagot, nakailang tawag pa siya pero wala akong planong sagutin, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari. Nagtext siya kaya agad kong binasa. Cookie Monster ❤️: Are you okay? I already knew what happened, dito din ay may nagpakalat ng mga picture pero agad naalis ng gang, mabuti na lang at nakita nila agad. Alam ko na din kung sino ang may kagagawan. I know you're worried. Everything's gonna be fine, trust me. See you later, mahal kita. Hindi ko siya nireplayan dahil hindi mawala sa isip ko na paano kung may iba pang nakakita nung pictures? Sigurado na ngayon ay hinuhusgahan na nila ako kagaya ng mga nandito sa highschool department. Siguradong maglalakad ako ng walang ulo papasok at pauwi sa sobrang kahihiyan. Hindi ko naisip na baka pati sa College ay may mga pinakalat din na pictures namin ni Kiel. Nasa iisang School lang kami kaya hindi iyon imposibleng mangyari pero hindi ko naisip kanina. Isa pang gumugulo sa isip ko, paano kung malaman nila Mama? Baka magalit sila sa akin, baka magalit din sila kay Kiel. "Magiging maayos din ang lahat Mikz." bulong sa akin ni Cassey. Isa-isa kong tinignan ang mga kaklase ko, lahat sila ay nakatingin din pala sa akin. "Pasensya na kayo, pati kayo ay nadadamay dahil sa akin." yumuko ako dahil konting konti na lang ay tutulo na talaga ang luha ko. "Malalaman din natin kung sinong nagpakalat nun Mikz, wag ka masyadong mag-alala." ani Rafael. Tinap ni Loree, Megan at Seph ang balikat ko. Nagpapasalamat talaga ako na nakilala ko sila, na naging mga kaibigan at kaklase ko sila. "Alam na kung sino ang may gawa." sabi ko sa kanilang lahat. "Pero hindi ko pa alam kung sino, mamaya malalaman ko din." "Pwede ba kaming sumama sa'yo Mika?" "Oo nga dapat kasama mo kami." "Sasama kami Mika, gusto din naming malaman kung sino." Lahat sila ay gustong sumama, lahat sila concern sa akin. Lahat sila ay may pakialam. Sobrang nagpapasalamat ako, hindi lahat ng tao ay biniyayaan ng mga kaibigan na kagaya nila. Dumating nga ang uwian at lahat sila ay kasama sa bahay. Nandito na rin si Kiel at nakausap na niya sila Mama, nakapag sorry na rin siya at sinabing kasalanan niya lahat dahil siya ang nag-insist ng halik na yun. Ngayon hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kila mama. Alam kong disappointed sila sa nangyari. "Mama sorry po." yumakap agad ako kay mama pagpasok sa bahay. Naabutan namin na nasa sala ang buong pamilya namin pwera kay Mia at lola. Kaharap nila si Kiel pero mukhang kalmado naman si Papa. "O may mga kasama ka pala." nagulat si mama dahil kasama ko lahat ng mga kaklase ko. "Magandang hapon po sa inyo." halos sabay-sabay na bati ng mga Class A. "Pasok kayo, ay hindi pala tayo magkakasya dito sa sala. Hon dun tayo sa garden." mukhang nahulaan na rin ni mama kung bakit kasama ko lahat ng mga kaklase ko. Grabe hot seat yata ang mangyayari. Naghanda pa ng miryenda si mama at manang rosa. Ngayon ay mga nakaupo kami sa garden habang kumakain ang mga kaklase ko. Tahimik lang ako habang nagkakabiruan sila, kasundo agad nila ang magulang ko. Si Kiel ay kausap pa rin ni papa at mukhang seryoso ang usapan nila kaya kinakabahan ako. Grabe para kaming nagtanan ni Kiel tapos nahuli ng magulang o kaya naman nabuntis ako tapos pag-uusapan yun ngayon. "Mika anak?" "Po? Sorry po mama hindi na po talaga mauulit. Hindi naman po ako makikipag tanan at lalong hindi po ako buntis." napatayo pa ako sa sobrang taranta habang dire-diretso kong sinasabi ang salitang iyon. Huli na para marealize ko na ang weird ng naging reaction ko samantalang tinawag lang naman ako ni mama. Nasapo ko na lang ang bibig ko samantalang natawa naman sila. "Hindi kami galit anak, oo disappointed pero alam na namin ang buong nangyari. Kilala na rin kung sino ang may kagagawan."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (421)
Jessica Malagad
I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞
31/03/2022
0
Christine Degamo
this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun
24/01/2022
0
Bernadette Reychel Ildefonso
I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..
I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞
31/03/2022
0this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun
24/01/2022
0I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..
19/01/2022
0Tingnan Lahat