"Lola!" tumakbo ako pababa ng hagdan at niyakap si Lola Esmeralda. Sobrang saya na pag gising mo sa umaga sila agad ang bubungad sa akin. "Kamusta apo ko?" malambing pa rin talaga ang boses ni lola. "Maayos lang po lola, kayo po? Napagod po ba kayo sa biyahe?" "Keribels lang apo." nanlaki ang mata ko sa naging tugon ni lola. Nagugulat na tumingin ako sa kanya. Tumawa siya sa reaction ko. "Ayos ba ang natutunan ko sa Cebu apo?" nasapo ko na lang ang noo ko. "Lola sino pong nagturo sa inyo ng salitang bakla?" tanong ko na mas lalong ikinatawa ni lola, natawa na din sila papa na nakikinig pala sa usapan namin. "Ipapakilala kita sa kanya pag pumunta siya dito." napailing na lang ako. Kung sino man ang taong iyon naku. Ngayon ay Ika-labing anim na araw na ng buwan, naks ang lalim ng tagalog no? So yun nga, 16 na ngayon at kung inaalala niyo yung resulta ng contest nung 14 eh wag niyo ng alamin. Talo kasi si Loree at Seph. Yun nalungkot ang buong Class A. Ano naniwala naman kayo? Syempre echos lang yun, nanalo sila dahil supporting artist sila ng story na to. HAHAHAHA joke lang guys. Yun nga panalo, sila ang itinanghal na Mr. And Ms. Valentine of the year. May celebration daw sa bahay nila Loree sa dadating na Sabado. Oo nga pala nagulat yung Mommy at ate ni Loree sa totoong katauhan ni Seph dahil hindi nila nahalata na nagpapanggap lang pala siyang bakla, pero parang good shot pa rin naman siya sa kanila. Kumain kaming buong pamilya ng breakfast tapos nag ready na ako para sa School. Ayaw ko nga sanang pumasok eh dahil gusto kong makasama si lola pero hindi naman pwede yun. Pagtapak ko pa lang ng school ay nagtaka na ako sa kakaibang mga tingin at bulungan nung ibang mga estudyante habang naglalakad ako. Pasimple kong chineck ang uniform ko, ayos naman, di naman gusot, wala namang butas o something, hindi rin naman masyadong maiksi ang palda ko. Sunod kong tinignan ay ang mukha ko, nagsalamin ako gamit ang phone ko. Wala namang dumi sa mukha ko pero bakit ganun na lang sila makatingin sa akin? Tapos kapag mahuhuli ko silang nakatingin ay mag-iiba sila ng iiwas sila pero kita ko sa gilid ng mata ko na mag-uusap sila kapag akala nilang hindi na ako nakatingin. Ang weird lang, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ako ng mga boses ng babae. Dali-dali akong pumunta kung nasaan ang ingay na yun, pamilyar kasi yung mga boses. "Shit parating na yun! Natanggal niyo ba lahat?" hindi nga ako nagkamali, boses nga iyon ni Katrina. At mukhang beastmode na naman siya. "Oo nakuha na namin lahat." "Cass anong meron?" napatalon si Cass sa sobrang gulat sa biglang pagsulpot ko. Biglang naglikot ang mga mata niya at tumingin sa likod kaya tumingin din ako sa tinitignan niya pero biglang hinarangan ni Cassey ang view. "Cassey what's wrong? Ano bang meron at bakit nandito kayong lahat?" nagtatakang tanong ko. "W-wala lang yun best. T-tara na sa room?" nauutal siya habang nagsasalita kaya mas lalo lang akong naghinala na may nangyayaring kakaiba. Nilagpasan ko si Cassey at tumakbo palapit kila Katrina. "Anong meron Kat?" lahat sila ay nagulat. Nakita kong may mga papel na hawak si Katrina pero bigla niyang tinago nung dumating ako. Ano ba yun? Bakit parang tinatago nila sa akin? "Wala to Mika, tara umakyat na tayo sa room." "Hindi! Hangga't hindi niyo sinasabi sa akin kung anong meron. May kinalaman ba ito kung bakit pinagtitinginan ako ng mga estudyante?" ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi sila nakasagot. Lahat sila nagpapalitan lang ng tingin sa isa't-isa. Kinuha ko sa kamay ni Katrina yung mga papel na tinatago niyang pilit. Lahat sila ay nataranta sa ginawa ko. Tila bombang sumabog iyon sa pagkatao ko ng makita ko kung ano ang nakalagay sa mga papel. Nabitawan ko iyon lahat dahilan para kumalat sa sementadong daan. Natatarantang pinulot naman nila iyon. Ngayon alam ko na kung bakit ganun na lang ang tingin ng mga estudyante sa akin, alam ko na kung bakit nagbubulungan sila habang mapanghusgang nakatingin sa akin. Kung sino man ang may kagagawan nito ay sisiguraduhin kong mananagot. Naikuyom ko ang kamao sa sobrang inis. Muli kong pinukaw ng masamang tingin ang mga natitirang nagkalat na papel sa sahig. Ako at si Kiel habang nasa loob ng glass ball nung nagdate kami nitong Valentine's Day. Hindi pa sumasara masyado ang kurtina pero kitang-kita sa picture na magkalapat ang mga labi naming dalawa. Sa ibaba ng picture ay may nakaprint na Class A's President is a whore. "Inaalam na namin kung sino ang may kagagawan nito." maya-maya ay sabi ni Katrina. "Salamat sa concern niyo." "Naiintindihan ka namin Mikaella." si Savanna ang nagsalita. "Hindi ko akalain na madali akong huhusgahan dahil lang sa isang picture." "Hindi namin alam ang buong nangyari sa likod ng picture na yan pero alam namin na hindi ka ganung klase ng babae tulad ng sinasabi nila." niyakap ako ni Cassey. "It's just a stolen kiss from him. Muntikan pa kaming mag-away dahil sa simpleng halik na iyon at hindi ko akalain na may mga tao pala talaga na gagawin lahat para lang masira ang pangalan ng kapwa niya." Pumunta na kami sa room at pinag-usapan yung nangyari. Oo ganito kami, kapag may problema ang isa lahat damay. Ganyan kami magmahalan, ganyan kaming mga Class A, may unity at hindi basta-basta naniniwala sa ibang tao. "Saka ano namang masama kung maghalikan kayo? Yung iba ngang magjowa diyan hindi lang halik ang ginagawa." ani Rafael. "Ibahin niyo ang kaibigan ko dahil kahit halik big deal sa kanya kasi hindi siya tulad ng iba diyan na gustong-gusto na mahalikan sila." pilit nilang pinapalakas ang loob ko, ramdam ko ang pagdamay nila. Nung break time ay hindi ako bumili ng pagkain, dinalan lang ako ni Cassey pero nung naglunch time na ay pinilit nila akong bumaba dahil bakit daw ako matatakot o mahihiya eh simpleng halik lang naman yun. Papunta pa lang sa canteen ay ramdam ko na ang mga tinginan nila. Hindi ko na lang sila pinapansin samantalang sila Leah ay tinatarayan sila. Pagdating sa canteen ay ganoon pa din, pero napahinto kaming mga Class A ng may narinig kaming nag-uusap ng hindi maganda tungkol sa akin. "Akala mo kung sinong mahinhin eh no? nasa loob naman pala ang kulo." "Oo nga eh, balita ko ginagawa daw motel ng iba ang place na yun, nakakahiya." "Who knows kung anong ginawa nila dun bukod sa halik di ba?" hindi ko alam kung hindi lang talaga nila alam na parating kami o sinasadya nilang iparinig iyon sa akin. "Sinong nagsabi nun?" kalmadong tanong ni Katrina. Hinawakan ko siya sa braso para pakalmahin. Nagtinginan sa amin yung mga nakarinig sa tanong ni Katrina. Walang sumagot. "Sino sabi ang nagsabi nun?!" medyo malakas at madiin nang tanong ni Katrina, kilala pa naman siya sa pagiging mataray niya. Nagturuan ang mga estudyanteng babae na sa pagkakaalam ko ay taga Class D. "Ganyan ba talaga kayo? Dahil lang sa picture humusga na agad kayo ng tao? It's just a stolen kiss from his boyfriend. At sa pagkakaalam ko hindi naman masama ang simpleng halik since Valentines naman. Kung makapanghusga kayo akala niyo naman ang titino niyo eh hindi nga lang halik ang ginagawa niyo ng mga boyfriend niyo!" "Cass hayaan na lang natin sila." pag-aawat ko sa kaibigan ko dahil kilala ko siya, kapag hindi niya nakontrol ang galit niya ay pwede siyang makapanakit ng tao, talagang kaya niyang makipag away. Wala pa din sumasagot sa mga estudyante, naagaw na namin ang pansin ng lahat, pati yung mga tindera sa canteen nakikiusyoso na rin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (421)
Jessica Malagad
I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞
31/03/2022
0
Christine Degamo
this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun
24/01/2022
0
Bernadette Reychel Ildefonso
I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..
I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞
31/03/2022
0this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun
24/01/2022
0I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..
19/01/2022
0Tingnan Lahat