Chapter 52 (Part I)

Mikaella's PoV
"T-totoo nga." nanginig ang tuhod at boses ko ng masilayan ang nakangiting mukha niya.
Nag-unahan sa pagbagsak ang masaganang luha sa aking mata.
"T-totoo ba ang nakikita ko?" tanong ko kay Zachareus na ngayon ay nakaalalay na sa siko ko dahil napansin niya ang panginginig ko.
"Oo Mikaella, totoo ang nakikita mo. Totoong totoo." nakangiting aniya sakin dahilan para mas lalong bumugso ang damdamin ko.
Nag-umpisang pumasok sa alaala ko ang ilan sa mga masasayang karanasan na kasama ko siya.
Ilang taon na ang lumipas pero ganoon pa din ang itsura niya, tumanda man tignan pero iyon na iyon pa rin katulad ng nagrerehistrong itsura niya sa isip ko ngayon habang naaalala ko ang mga nangyari sa mga lumipas nang taon.
Akala ko sa larawan ko na lamang siya makikita pero ngayon ay nasa harap ko na siya.
"Lapitan mo na siya Mikaella." narinig kong paguudyok sa akin ni Zachareus.
Gusto kong lumakad palapit sa kanya, gusto ko siyang yakapin, gusto kong hawakan ang nakangiting mukha niya pero tila napako na ako sa kinatatayuan ko.
"A-apo. ." napapikit na lamang ako kasabay ng patuloy na pag-agos ng mga luha sa mata ko ng marinig ang kalmado niyang boses. Boses na hindi ko akalain na maririnig kong muli.
"Lo. .lo-lola!" hindi ko alam kung saan pa ako kumuha ng lakas para makatakbo palapit sa kanya. Ang alam ko lang ng mga oras na iyon ay gusto kong yakapin siya.
Muli akong napapikit ng sa wakas ay maramdaman ko ang mainit niyang yakap.
Totoo nga, totoo nga na buhay siya. Napakasarap sa pakiramdam na muli ko siyang masilayan at mayakap.
"Kamusta na apo ko?" nakangiti ngunit lumuluhang tanong sa akin ni lola ng maputol ang aming yakapan.
"Masaya po ako lola. Masaya dahil nakita ko po kayo ulit."
"Masayang-masaya din ako apo ko. Hindi ko akalain na aabutan ko pa ang oras na ito, na makita ulit kayong mga apo ko." ani lola na ngayon ay nakatingin na sa bandang likuran ko. Napalingon din ako sa likod at doon ko nakita ang palapit na sila Mama, Papa, Kuya Michael, Mia at sila tito Melvin, tita Cynthia at Kuya Vincent.
Pagbalik ko ng tingin kay lola ay nahagip ng mata ko ang nakasulat sa gilid ng eroplanong sinakyan nila.
019- Princess Lala
Lala
Lala
Lala. .
Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng sakit doon.
"Ayos ka lang ba Lala, apo ko?" napatingin ako kay lola dahil sa tinawag niya sa akin.
Lala..
Lala..
Muli ay napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit na ngayon ay patindi na ng patindi kasabay ang mga alaala na kusang pumapasok at nagrerehistro sa isip ko.
Naririnig ko sila at ramdam kong may nakaalalay sa akin ngayon, nakikita ko sila pero bakit ganito? Tanging ang sakit lang na nararamdaman ko ngayon sa ulo ang naiintindihan ko.
Patuloy ang pagpasok ng mga alaala sa akin nang bigla na lang naglaho na parang bula sila lola at ang buong pamilya ko maging ang mga tauhan namin ay hindi ko din makita pero naririnig ko ang mga boses nila, hanggang sa parang matinis na tunog na lamang iyon dahilan para mahawakan ko ang parehong tenga ko at bigla ay hindi na ako makahinga ng maayos.
Napahawak ako sa dibdib ko at naghabol ako ng hininga. Hindi ko malaman kung alin ang hahawakan ko.
Ang napakasakit ko bang ulo o ang dibdib ko?
Hanggang sa unti-unti ay parang namamanhid na ang buo kong katawan at tila hinihila ako sa kawalan. .
"Lala apo? May naghahanap sa iyo."
"Sino po lola?"
"Si Dommy apo, iyong kalaro mo."
"Malas ka! Malas!"
"I'll kill you and your whole family!"
"Sige Zachareus, made her yours. Touch her, kiss her, hug her. .
Do what ever you please to make her yours.."
"Tama na please!"
"Huwag! Maawa kayo!"
"Mayabang ka tulad ng ama mo! Isa ka ngang Saavedra! Nananalaytay sa dugo mo ang kayabangan!"
"Pinatay niyo si Zarinah! Pinatay niyo ang anak ko!"
"Anak! Mikaella!"
"Mama narito ako!"
"Sa wakas ay ligtas ka na anak ko."
"Mama. . Si Zari, nasa. . Loob po."
"Anak!"
"Zachareus anong ginagawa mo?!"
"Nahalughog na po namin ang buong kabahayan pero wala ng bakas ni Misael Saavedra at ng mga tauhan niya."
"He killed my lolo!"
"Sinungaling ang batang iyan!"
"Anak!"
"Nagigising na siya!"
"Anak gumising ka!"
"Ate ko!"
Unti-unti ay nagmulat ako ng mata. Nasilaw pa ako sa ilaw mula sa puting kisame kaya natakpan ko ang mata ko.
"Mama. ." tawag ko kay mama na ngayon ay mahigpit na hawak ang kamay ko.
"Ano pong nangyari? Bakit--" napahinto ako ng makita ang iba pang tao na naroon sa loob ng kwarto kung saan nakahiga ako sa isang kama.
"Nawalan ka ng malay anak. Maayos na ba ang pakiramdam mo? Ang ulo mo? Masakit pa ba?" sunod-sunod na tanong ni Mama.
"Okay na po ako mama." magsasalita pa sana ako ng biglang maalala ko ang taong naging dahilan ng pagbabalik ng mga ala-alang pilit kinalimutan ng isip ko. "Si lola po?" napabangon ako dahil sa biglang kaba.
"Calm down anak. Nasa labas ang lola mo at nagpapahinga, natakot siya dahil sa nangyari sa'yo kanina kung kaya nahirapan siyang huminga."
"Gusto ko po siyang makita mama." napabuntong hininga si mama pero wala na din nagawa.
Inalalayan ako ni Zachareus na makababa sa kama, napag alaman kong nasa clinic pala ako ng Saavedra Airlines.
"Lola." tawag ko sa kanya. Mabilis naman na napalingon sa akin ang lola kong puro puti na ang buhok.
"Apo ko.."inalalayan tumayo ni Papa si lola at sinalubong ko naman sila.
"Sorry po lola kung pinagalala ko kayo." malambing na sinabi ko habang yakap ko siya.
"It's okay hija. How are you feeling? Ano bang nangyari kanina at bigla ka na lamang nawalan ng malay?" nag-aalalang hinarap ako ni lola sa kanya.
"Bigla pong sumakit ang ulo ko ng banggitin niyo ang pangalan na tinawag niyo sa akin kanina, may. .may mga ala-alang pumasok po sa isip ko ng marinig ko iyon." pagsisinungaling ko, ayoko munang sabihin na naaalala ko na halos lahat sa mga nangyari six years ago.
"A-anong mga naalala mo anak?" tila kabadong tanong ni papa sa akin.
"I-iyong mga alaala po na masaya kami ni lola at tinatawag niya ako sa palayaw na Lala." muli ay pagsisinungaling ko. Hindi ako sanay o magaling magsinungaling kaya hinihiling ko sa mga oras na ito na sana ay paniwalaan nila ako.
Nakita kong parang nakahinga ng malalim si papa. Nauunawaan ko naman ang nararamdaman nila. Naiintindihan ko kung natatakot sila para sa kalagayan ko oras na malaman ko ang lahat ng mga masasamang karanasan ko dati sa mga kamay ni Misael Saavedra na kinilala long tiyuhin.
Masakit sa akin ang mga nangyari pero kailangan kong maging matatag, gusto kong magwala ngayon, gusto kong murahin si tito Misael, gusto ko siyang pagbayarin ora mismo sa mga ginawa niya pero kailangan kong maging maingat sa mga kilos ko lalo na at nandito si lola.

Komento sa Aklat (421)

  • avatar
    Jessica Malagad

    I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞

    31/03/2022

      0
  • avatar
    Christine Degamo

    this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun

    24/01/2022

      0
  • avatar
    Bernadette Reychel Ildefonso

    I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..

    19/01/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata