Homepage/Lost In Your Simplicity [Tagalog]/
Dark
KABANATA 19
BLIXIENE CAWIE
“Go, Tata Ganda! Go, go, go!” Pagchi-cheer ni Lebron sa akin imbes na sa tunay niyang tiyuhin. Mas lalo tuloy akong ginanahan nang makitang bahagyang nainis si Dexter sa ginawa ng sariling pamangkin.
He groaned. “That should be me you're cheering for, you brat!” he hissed.
Lebi laughed histerically. “Play harder, Tito,” then he stuck out his tongue to tease him more.
What a courteous, little kid. And, in that way he was distracted. Napangiti ako lalo nang ma-ishoot sa butas ng saktong sakto!
Lebron and I jumped in joy!
“Yehey! Great job, Tata!” Natutuwang tumakbo sa akin papalapit si Lebi, sabay yakap ng mahigpit sa leeg ko nang lumuhod ako para magpantay ang tingin naming dalawa.
“You did great, too,” wika ko. Dexter sighed.
Kumalas nang pagkakayakap sa akin si Lebi para asarin ang tiyuhin niyang bagsak ang mga balikat ngayon, pero ang matatalim na tingin ay nandoon pa rin sa pinaglaruan namin. He looks pissed, sad as well.
“My tito is a loser,” mas lalo pa nitong inilabas ang dila sa harap ng tito niya't namaywang. “What a gay,” he shook his little head from side to side, like dismayed at what he saw.
Parang nabuhayan si Dexter sa sinabi ng pamangkin niya't biglang napaayos ng upo sa stool. Kaagad itong tumayo sabay turo kay Lebi na nagtatakbo na papalapit sa 'kin ngayon.
“You brat! I'm not a gay!”
And that day passed by peacefully. Napagpasiyahan lang naming umuwi na nang makitang inaantok na si Lebi sa balikat ko. We were seating on the bench, in front of a fountain. Fountains are Lebi's favorite, based on Dexter.
He was just playing my hair earlier hanggang sa nagsalita sa inaantok na boses. Mukhang pagod na pagod ang batang ito, sa sobrang kulit kasi ay nilibot na ang buong mall at kumain ng kumain, magdamag.
Dexter didn't want me to tolerate him, but i insist. Minsan ko lang rin naman makakasama si Lebi, tsaka paniguradong baka matatagalan pa ulit bago kami magkita ng batang ito. Lagi kasing nagagalit si Dexter sa tuwing hinahayaan ko lang sa gustong gawin. I didn't mind him at all, though i'm not into tolerating thingy's but, he's still kid. He must enjoy young years, because life will be rough years older.
Mas mabuti pang sumakit ang ulo kakasaway, kesa makakita nang batang nagsisisi na hindi naranasan ang kasiyahang dapat niyang maranasan noon pa man. Just like me, hanggang ngayon nagsisisi pa rin akong hindi ko inenjoy ang buhay noong mga oras na bata pa ako.
“Let this happen again, Tata, please...” Pagkausap sa 'kin ni Lebi. Hinagod ko naman ang likod niya dahan dahan.
“I will, Lebi. Tata will,” hindi ko lubos na kamag-anak ang batang ito pero kahit sa sandaling oras na pagkakasama namin ay gumaan na rin ang loob ko sakanya't napamahal ng unti unti. I grew up loving kids all alone though, i even became a baby sitter way back elementary days.
I heard his snores. Mahina akong natawa bago humarap kay Dexter na pinapanood na pala ako, my heart started pounding like it's about to break my ribcage in it's strong intensity. Iniiwas ko tuloy ang tingin ko sa kanya.
Napaigtad ako nang may maramdamang kamay na dumampi sa aking siko. Napabaling ako kay Dexter sa ginawa niyang iyon.
“Akin na 'yang pasaway na iyan, at uuwi na tayo,” nawala ang bigat na bahagyang nakadagan sa akin nang kuhanin niya si Lebron sa balikat ko at buhatin iyon. Nauna siyang tumayo, gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ang kamay ko't nagsimula ng maglakad patungo sa parking lot.
“Sorry for snobbing you last time we saw, I didn't mean to do it, I was just so pissed that i can ignore you, sorry for making you mad.” napatigil ako sa gitna ng paglalakad ng sabihin niya iyon. Mataray akong bumaling sa kanya't sinubukanh alisin ang pagkakahawak sa akin ngunit mas lalo lang humigpit iyon.
“Buti naman alam mong galit ako, akala mo palalagpasin ko iyon? Hindi kita patatawarin hangga't hindi tumitigil ang tsismis sa school na naghahabol ako sayo,” umangat ang isang kilay ko sa inis. “Tsaka, isa pa nga, huwag mo nga akong hawakan!” Iritado ko nang sambit. He shh-ed me immediately. Nagawa pang ilapat ang hintuturo niya sa labi ko!
“Lebi might woke up, stop shouting.” Aniya sa marahang boses.
Umirap ako. “Bitawan mo sabi ako,” nanggigil kong sabi.
“Ayoko, tara umuwi na tayo, maggagabi na.” He sighed and pulled me again through his car.
Hinayaan ko nalang siya't baka magtalo pa kaming dalawa. Besides, I don't want Lebron to woke up! He's tired playing everywhere, baka umiyak pa ang bata.
Kahit na buhat pa ang bata ay nagawa niya pa rin akong pagbuksan ng pinto mula sa front seat. Pumasok naman ako roon nang may masama pa ring mukha. I was glaring at him, but he was just grinning at me! Talagang iniinis ako nito.
“Akin na si Lebi,” inilahad ko ang aking mga braso sa harap niya para kunin ang bata. Hindi siya nagsalita kaya umulit ako sa isang nagagalit na boses. “Akin na si Lebi, Dexter!”
“Still pretty, when pissed huh?” He chuckled before giving me Lebi. Maingat ko namang tinanggap iyon, para hindi magising ang bata ay komportable ko siyang binuhat na pang bridal style. Malakas namang sinarado ni Dexter ang pinto na mas lalong ikinasama ng tingin ko sa kanya.
Nakangisi siyang umikot papunta sa driver's seat, kalaunan ay nasa byahe pa rin kami pauwi sa bahay. I was smiling all the way, nang maalala kong mag-isa nga lang pala ako roon ngayon hanggang sa susunod, hindi pa tumatawag sila Ama para sabihin sa 'kin kung kelan sila uuwi. Mamaya siguro, ako na lang ang mauuna.
I sighed and lean my back more. I shut my eyes silently.
“What's with the sigh?” Usisa ni Dexter sa buntong hininga ko.
“Wala ka ng pakialam do'n, bilisan mo riyan at inaantok na ako,” sabi ko nalang. I feel so tired. “Maaga pa ako bukas.”
“Alright, then,” sinunod niya nga ang sinabi ko. Nanatili namang nakapikit ang mga mata ko, hanggang sa tapikin nalang ni Dexter ang balikat ko para sabihin narito na kami.
“We're here, give me Lebron,” tumango nalang ako nang dahan dahan niyang kinuha sa 'kin si Lebron, pagkatapos no'n ay kinuha ko na ang bag ko sa backseat. I turned to him before pushing the door out.
“Thank you for this day, please take care of Lebi, huwag ka na. Good bye, see you around,” sa sobrang irita ko sa kanya'y padabog ko pang sinarado ang pinto ng kotse niya.
Nang makaapak sa banketa malapit sa gate nang bahay ay humarap ako sa sasakyan nito, at naabutang inaayos niya sa pagkakaupo si Lebi sa front seat, isinandal ang ulo ng bata sa may bintana't kinabitan ng seat belt bago bumaling sa 'kin.
I saw him tsked. Binaba pa ang bintana. “Thanks for the company, see you.” Mas lalo pa akong nairita nang nagawa niya akong kindatan bago nimaniobra ang sasakyan paalis.
Napailing iling nalang ako't pumasok na sa loob, sinigurado ko na munang maayos ang pagkaka-lock ng gate. Nagluto ako ng para sa 'king hapunan ng gabing iyon, pagkatapos naman ay natulog nalang ng mahimbing. I just felt so tired. First day pa lang iyon ng Intrams, nakakapagod na.
“Nandoon na sila booth lahat,” tumango ako kay Leni na isa sa mga kaklase ko. Kakapasok ko pa lang sa gate at sinalubong niya na agad ako. Hindi na rin naman ako nagreklamo dahil para naman sa 'kin iyon.
This day i'm wearing my off shoulder top, and skinny jeans. Still wearing my favorite sneakers. Tumungo ako sa booth namin, hindi nga nagkamali si Leni sa sinabi. Talagang nandoon na sila, naghahanda na para sa pagbubukas ngayong araw.
Mabilis naman akong lumapit, at tumulong na rin. May iilan pang bumati sa 'kin, napansin ang presensya ko ngunit ang iba'y pinagpatuloy nalang ang ginagawa. Tuwing 8 AM ang start ng lahat, ganoon din ang mga games kaya kailangang maaga talaga ang punta rito.
“Ang aga naman ng grupong ito, omg!” Mahinang napatili si Kristine habang tumitingin sa 'di kalayuan. Nang sundan ko ang paningin niya'y natanto kong sila Dexter iyon, kasama nga ang grupo nila! Lahat sila'y naka jersey, pare-pareho ng pangalan pero iba iba ang kulay at style.
Iba't ibang laro ang sinalihan nilang pito, base sa suot nitong mga jerseys. Pasimple akong bumuntong hininga para ipagpatuloy ang gagawin ko, pero hindi pa man ako nakakagalaw tinawag na ako ng isang malalim ngunit malamig na boses.
“Hi, Miss Blixiene!” It was Stewart, if i'm not mistaken.
Napasinghap ako't humarap na sa kanila. “Oh, hi...” Peke akong ngumiti, bahagya pang sumama ang tingin kay Dexter nang dumapo roon ang tingin ko.
“I know you know me, but can i introduce myself to you?” Stewart smirked.
“Sure, you can..” Ipinunas ko ang basa kong kamay sa suot na apron para hindi naman niya mapuna iyon.
Stewart simply glance at Dexter who already looks pissed. “I'm Stewart Rhodic San Jose,” inilahad niya ang kamay sa harap ko, malapad pang ngumiti.
Buong puso ko namang tinanggap iyon. “I'm Blixiene Cawie Valenzuela,” ngumiti ako.
“By the way, these are my friend, who seems not interested but... they're kind, i promise!” Natatawang wika nito.
Dumapo naman ang tingin ko sa mga kaibigan niyang abala nga sa pagce-cellphone, that made me laugh a bit.
“Ayos lang, it's nice to meet you all.”
Stewart chuckled. Inakbayan niya si Dexter at bahagyang inilapit sa 'kin. “This is my one hell of a best friend, he's Dexter Rue Herrera, I bet you know him,” mas lalong lumapad ang ngisi ni Dexter sa kaibigan... nangiinis.
Sarkastiko akong ngumiti. “Well, yeah. He's one hell of a bastard,”
Ang mga kaibigang abala sa cellphone ay naghiyawan sa narinig. Mariing napapikit si Dexter, kitang kita ko ang galit sa mga mata niya habang matamang nakatitig sa akin. He won't scare me. Never. Tumaas ang kilay ko sa kanya't marahang natawa na nang makitang tinudyo ito ng mga kaibigan.
“Gagi, pre! You're burned!” Anang isang lalaking medyo may pagkabata ang mukha. “I can't believe woman can burn you up like that! Nice one, Miss B!”
Miss B? Minsan ko nang nakita ang lalaking ito. Kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong nakita kong lumapit kay Dexter noong first day palang.
“Balitang balita, ang mapang-asar nating si Dexter Rue ay natahimik dahil sa pambabara ng babae! Nakakagulat ang balitang ito, pero mapapaniwala kayo, back to you kaotnis.”
“What a gay,” anang si Carlisle na nakangisi habang nagtitipa sa cellphone niya.
Kanya kanyang tawa ang magkakaibigan, ganoon rin naman ako, kaso napapakagat labi nalang sa tuwing matatanaw si Dexter na masamang masama ang tingin sa akin. Para tuloy nanghihina ang mga tuhod ko sa tuwing makikita siyang ganito.
I couldn't deny, he can make my heart pound wildly with just a stare... and, I can feel butterflies in my stomach by his words. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko sa nararamdamang ito, bakit ba kasi ako nagkakaganito? I've never felt this before, kahit kanino hindi pa.
I want to figure this out. Pero, hindi ko pa man nagagawang malaman ang nararamdamang ito'y pinapangunahan na 'ko ng kaba... ng takot. Hindi ko maipaliwanag.
“Miss B!” Bumaling ako kay Aeron nang tawagin niya ang pangalan ko. Nakaupo na sila ngayon sa isa sa mga table naming bakante para saglit na umupo bago mag-start ang game nila. Hindi naman ako kalayuan sa kanilang table kaya madali akong nakalapit agad. “I'm inviting you to watch our game later,” aniya na pinanlaki ng mga mata ko.
Handa na akong tumanggi para sana sabihing hindi pwede dahil may gagawin pa ako, pero naunahan niya na agad iyon.
“I already talked to Kristine about this, we'll borrow you for 3 hours, si Kristine na daw ang bahalang mag-sabi sa prof, at president niyo tungkol dito.” He smiled shyly.
“Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo,” singit ni Dexter.
Natatawang tinapik ni Stewart ang balikat niya pagkatayo. “Our man needs energy for today, kaya huwag mo sana siyang bibiguin. Cr lang ako,” nakangisi siyang naglakad papalayo.
I couldn't feel my heart beat anymore. Para akong nakalutang sa ulap pagkatapos marinig iyon, at mas lalo akong nakaramdam ng panghihina sa tuhod ng tumama kay Dexter ang paningin ko't bahagya akong nginisian.
Nanatili sila roon, kahit hindi pa naman oras, hinayaan nalang rin namin silang um-order. Halata pa ngang hindi naman sila sanay kumain ng mga ganoong pagkain, pero nang subukan nama'y nagtuloy tuloy na hanggang sa naparami na rin. Lalo na si Aeron. He ate a lot.
“Grabe, this tastes so good! Anong tawag ulit dito, Shoipao?” Inosente niyang tanong. Muntik na akong masamid habang umiinom ng tubig, Kristine burst out, hindi na rin napigilan.
I calmed myself first, before trying to speak, kahit hindi na kayang pigilan pa ang tawang hinahawakan. Hindi ko na tuloy nagawa pang lunukin ang tubig na inom, basta ko nalang iyon naibuga sa bermuda. I laughed so hard, ganoon din ang iba pa niyang kaibigan.
Nang makita siyang nakasimangot doon ay sinubukan kong pigilan na ngunit hindi ako nagtatagumpay, lalo na't pinaaulit ulit ni Stewart ang pangaasar.
“What the fuck? Pare, hindi mo alam kung ano 'yan?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Stewart, natatawa pa rin.
Nginusuan lang siya ni Aeron na may masamang tingin na ipinukol. Stewart barked out a laughter. Nahahawa tuloy ako.
Hawak hawak ko na ang tiyan nang mahagip ng tingin ko si Dexter na abala sa pagtusok sa siomai, pero nahuhuli kong nakatingin sa akin. He's not attentive to our topic. Kahit ngisi, tawa, o ngiti man lang hindi ko nakita sa kanya.
Why? May problema ba siya? O nagda-drama na naman? Teka nga! Pake ko ba sa kanya? So, what if he's sad? Or had a problem? Pake ko?
Napairap ako sa naisip, napatigil na rin sa pagtawa nang mabothered dahil sa kanya, kahit hindi naman dapat!
And, when I tried to look at him again... his dark eyes pierced through me. Napalunok ako.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (47)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
excited mabAsa
26/08
0nice story 🤍
16/03/2025
0good
17/12/2023
0Tingnan Lahat