logo text

Final Chapter

"Papa," tawag ni Jacques sa ama niya na kabubukas lamang ng pinto. He looked quite shocked when he saw us.
Tumango naman ako at nahihiyang ngumiti sa kaniya.
"Good morning po."
Umaga na nang makarating kami rito sa bahay nila. It took us five hours of travel. Nakakahilo. But while I was staring outside the window this morning, I couldn't help but feel nostalgic.
Those days…
I don't want to be emotional. But there was a certain feeling inside me. The feeling of sadness and excitement at the same time. Not until we arrived at their house. Ngayon ko lang naalala… this is going to be the first time for me to meet his father formally.
"Pasok kayo. Grabe hindi man lang nagsabing dadating."
Binuksan nito ng malaki ang pinto at hinayaan kaming makapasok. Nakita ko pa ang pasimpleng panlalaki ng mata niya kay Jacques. Parang balak na batukan ang anak.
"Nandito ba si Ayo?"
"Wala, mamaya pa uwi no'n."
Tumango naman ang anak niya at mabilis na bumaling sa akin.
"Pa, this is Madelaine. Nakita mo na rin siya dati."
Parang takang tumingin naman sa akin ang matanda.
"Teka nakapunta ka na pala rito hija? Hindi ko matandaan," malagong ang boses na tumawa ito. "Ang natatandaan ko lang na bumisita ay iyong magandang babaeng bumisita rito kasama ni Jacques no'ng nakaraang buwan."
Para naman akong nanigas sa sinabi. Nanlaki ang mata ko at hindi nagawang makatingin kay Jacques.
"Papa!"
Tarantang bumaling sa akin si Jacques.
"He's lying. Wala akong dinadalang ibang babae rito!" giit niya. Wala naman akong masabi.
"Manang-mana ka talaga sa akin, Jacques. Ganiyan din ako noong bata ako. Malakas sa chiks. Tatlo nga girlfriend ko bago ko nakilala nanay niyo."
Sunod-sunod na napamura si Jacques at mabilis akong hinila palabas ng bahay ng biglang tumawa ang tatay niya.
"Joke lang, huy! Saan kayo pupunta?"
Humabol pa ito sa amin hanggang sa labas ng bahay. Pero iritadong-iritado na si Jacques.
"Nagbibiro lang ako. Walang dinalang ibang babae rito si Jacques. Jusko kang bata ka."
Tumigil naman ang anak ang pinukulan siya ng masamang tingin. Doon lang din ako tuluyang nakahinga ng maluwag. Jacques looks so irritated. Diretso niya akong dinala sa kwarto niya at hindi ako hinayaang makipagkuwentuhan sa tatay niya.
I get that his father has a different kind of humor. Si Jacques naman… pikon na pikon.
"Okay lang bang dito ako kumain? Baka magdumi kwarto mo."
"It's alright. Kaysa naman sa baba. Kukulitin ka lang doon ni Papa."
Natawa na lamang ako dahil doon.
"Chill out. Na-miss ka lang ng Papa mo. Makisakay ka na lang."
"He's always out of the line. Sinong tatay ang magbibiro ng ganoon sa anak niya? It's not even funny at all. I told you, he's crazy."
Muli akong natawa dahil doon. Ilang beses na niyang nasabi mula kanina na baliw ang tatay niya. But then, I also remembered him three years ago saying that he's also a nice father.
I guess, ganoon lang talaga ang tatay nila. They're still lucky, they have that kind of father.
I stayed inside his room until he finally decided to let me out of the room. Naabutan namin ang tatay niya na nagkakape sa may salas. Kaagad itong ngumiti sa akin nang makita ako.
"Saan naman kayo papunta ngayong araw?"
"Kung saan wala ka," pabalang na sagot sa kaniya ni Jacques.
"Grabe siya."
Pasimple akong tumango sa tatay niya bago ako tuluyang nahila ni Jacques palabas ng bahay. Doon lang din tuluyang nawala ang kunot sa noo niya. Tinapik ko siya sa balikat. Napalingon naman ito sa akin.
"Don't be too rude to your father. Ngayon lang ulit kayong nagkita."
Parang nakita ko pa itong umirap sa akin.
"He video calls me everytime."
"Totoo?" gulat kong tanong.
"Pasaway 'yon. Hindi pa nakikinig sa mga anak niya."
Napangiti na lang ako dahil doon. Even if he's always looking too harsh on people around him, I could still see the hidden context behind his words.
Hindi naman siya aakto ng ganiyan… kung wala siyang pakialam sa tatay niya.
We were both walking in the familiar street. Hindi ko maiwasang mapalingon sa paligid dahil parang kahapon lang… kabisado ko pa ang mga lugar dito. We even passed by in the billiard hall. Marami pa ring mga naglalaro roon, but it somehow feels too sad for me.
Lalo na at parang nakita ko ang multo ng kahapon. Parang nakita ko ang sarili ko at sina Twelve na naglalaro sa kung saan kami palaging nakapwesto. Though we could still repeat those, hindi ko alam kung kailan ulit mangyayari.
Napadaan din kami sa may palengke. Wala na roon ang dati kong pinagtatrabahuhan. May mga ilan na ring pagbabago sa lugar. Wala na doon ang lugawan na palagi naming kinakainan noon.
We stopped walking when we reached the school. Walang pasok ngayong araw. That's why… masyadong tahimik ang lugar.
"Shall we go inside?"
Mabilis akong umiling.
"Baka sitahin tayo ng guard."
"It's fine. I'll take care of it."
Hinila niya ako sa may gate at doon niya mabilis na kinausap ang nagbabantay. It was a relief dahil pinayagan din naman kaming makapasok. That made me excited too. Though I'm still a little bit tired, napawi naman ng excited ang pagod ko.
We sat on the bench in front of the school grounds. Napapalibutan ito ng mga puno kaya mahangin kahit tanghaling tapat.
It was so calm, kahit walang nagsasalita sa aming dalawa, I'm fine with the silence.
"Would you like to sleep? I know you're tired."
Napaangat ang tingin ko sa kaniya.
"Hindi na, sa bahay niyo na lang ako matutulog mamaya."
Maingat niyang iginiya ang ulo ko pahiga sa hita niya. "You could sleep for a while, I will look after you."
I didn't argue anymore. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko habang hawak ang isang kamay ko, sa huli, nakatulog na rin ako habang nakahiga sa kaniya.
I thought it would only last for about an hour. Nagulat na lang ako dahil hapon na nang magising ako. Mabilis akong napabangon at tumingin kay Jacques.
"H-hapon na, bakit hindi mo ako ginising?"
Bigla rin akong nahiya. Paniguradong nangangalay na ang mga binti niya.
He chuckled softly.
"Ayokong maistorbo tulog mo."
"Kahit na! Sana ginising mo pa rin ako!"
Nakakahiya. He must have been bored while waiting for me to wake up.
"Why would I? I had fun staring at your face."
Sa sinabi niya, mabilis kong inayos ang mukha ko kung may hindi kaaya ayang bagay ba na makikita roon. Mas lalo lang tuloy akong nahiya.
"U-umuwi na tayo."
Nauna ako sa paglalakad paalis. Narinig ko pa ang mahinang tawa niya bago siya sumunod sa akin. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming naglakad.
Nadaan pa namin ang ilang mga lugar kung saan kami palaging nagkikita noon. Kahit palihim, it was so memorable for me na hindi ko nagawang makalimutan.
I realized that even if I told myself before that I'm going to forget everything about this place, I wouldn't. Kasi nandito lahat ng mga alaala ko. Nandito ako. Kahit gaano pa kasakit ang mga alaalang iyon para sa akin, sa bandang huli, iyon pa rin ang dahilan kung bakit nakakaya ko pa ring mabuhay hanggang ngayon kahit maraming kulang sa buhay ko.
I nearly cried when we reached our house. Where everything started. Memories remain vivid especially if it's about my father. Parang naririnig ko pa rin ang boses niya. Parang nakikita ko pa rin ang sarili ko kung gaano ko kagustong makuha ang atensyon niya. My love for my father is unfathomable.
Kaya nga… I decided not to read the letter he wrote for me. Kasi ayokong madungisan ang pangalan niya sa akin. Ayokong magkaroon ng bahid ng imahe niya. I know he is a perfect father. Pero kung ano man ang sasabihin niya sa liham na iyon, kung totoo man ang sinabi ni Mama na hindi siya ang unang nagloko, kung totoo ngang anak ako ni Papa sa ibang babae, ayoko nang alamin.
Mahal ako ni Papa, sapat na sa aking paliwanag iyon.
"Samahan mo ako sa loob?" Bumaling ako kay Jacques at malungkot na ngumiti sa kaniya. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga tingin na ibinibigay niya sa akin.
"Are you sure?"
Tumango ako.
It wasn't planned. Hindi ko rin inaasahang ngayon ko ulit babalikan ang bahay na ito. I'm planning to go back after 10 years when I am totally healed.
Pagkatapak ko pa lang sa loob ng bahay, napaiyak na kaagad ako. Mabilis akong niyakap ni Jacques. Diretso kasing tumama ang tingin ko sa dating kwarto ni Papa. It was opened. Hindi ganoon kaliwanag, but I could still remember the image of him that day.
The day when I saw him hanging.
Ilang beses akong napamura at parang nawalan na ng lakas na magpatuloy. But on the other hand, naisip ko na kailangan ko rin ito. Kailangan kong malampasan ang takot kong ito. Ayoko nang paulit-ulit akong bisitahin sa panaginip ng mga alaalang iyon. Ayoko na.
I was really thankful that Jacques was there. Kahit papaano, matapos ang ilang minutong pag-iyak. Kumalma na rin ako.
We stayed inside the small house for a long moment, hanggang sa doon na kami abutin ng dilim. Nilinis ko ang salas at pati na rin ang kwarto ko. I just feel like I have to do it. Later on, naisipan namin na doon na rin magpalipas ng gabi.
"I'll buy some food to eat outside. Wait for me."
Bago pa man siya tuluyang makaalis, pinigilan ko na siya. Napatingin siya sa akin.
"Dito ka na lang," I told him. "Hindi pa ako nagugutom."
And… ayokong manatiling mag-isa rito.
Napabuntong-hininga siya at tumango.
"Fine," he sat beside me. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ko. It was a bit dark, walang kuryente. Tanging ilaw lang mula sa poste sa labas ang nagbibigay liwanag sa kwarto.
Dumikit naman ako sa kaniya at mahigpit na yumakap.
"What are you doing?"
"It was so cold," katwiran ko.
"You should have told me earlier."
Humarap naman ito sa akin at saka ipinulupot sa akin ang braso niya. He hugged me tightly.
"Jacques!"
Tumawa ako dahil halos maipit na ako sa yakap niya. He chuckled too. Saglit siyang lumayo at tinitigan ang mukha ko. He was staring at it as if it was his first and last time. Nawala naman ang ngiti sa labas.
"Why are you always so beautiful?"
I can't help but get fluttered. Lalayo na sana ako pero hindi niya ako binitawan. Matagal siyang tumitig sa akin. And then after a long time of staring… he kissed me.
Hindi ko maiwasang mapapikit-pikit.
It was a long ang passionate kiss. Hindi kalaunan, dahan-dahan niya akong ihiniga sa kama. Nagkatingin kaming dalawa.
"J-Jacques…"
Bigla akong kinabahan, pero wala rin akong sinabi. Muli niya akong hinalikan, napakapit ako sa leeg niya.
That time… I already knew that something would happen. I predicted it already. And I was right. Minutes later, we just found ourselves dancing in the rhythm of passion, clothes were on the floor.
I know that this is not going to be the end of us, the end of our story. But still, I want to rest first and forget everything bad that happened. Leave the nightmares behind and start a new dream with him.
With him.

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    Sopeya

    😭 😭

    03/07/2024

      0
  • avatar
    Judy Ann Gilbaliga Catedral

    Good

    04/05/2024

      0
  • avatar
    ARINOMA LUDETTE

    ☺️☺️☺️

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo