Chapter 37

"M-Madeleine," for the first time after many years, I heard her call my name again. I never wished for it. Pero hindi ko alam na magiging ganito katindi ang epekto niyon sa akin.
Taranta akong napalingon kay Jacques na nasa aking tabi. He was staring at me already. I know he is not aware of this. Hindi ko naman nasabi sa kaniya kung sino ang nanay ko.
But I am pretty sure he noticed that I am not comfortable. Knowing Maryll's reaction, mukhang alam na rin niya.
"K-kumusta ka?" napalingon ulit ako sa babae. This time, nakita ko ang nanunubig niyang mga mata. "Kumusta kayo ng P-Papa mo?" She then added.
Napapikit-pikit muna ako habang nakatingin sa kaniya. I was trying to find out what was wrong with what she said. I feel like something was wrong in it. Something's strange.
Iyong pakiramdam na parang may nakalimutan ako, tapos ngayon ko lang ulit naalala. And then I remembered…
She mentioned my father.
Napatawa ako.
"Patay na si Papa. Three years ago."
Nakakamangha na nakaya ko iyong sabihin ng ganoon lang. Na parang wala lang. Na parang hindi ako muntik mabaliw noong araw na iyon. It was really strange. Kasi hindi ako naiiyak ngayon.
All I could feel was the entire coldness in my body that I think, no one could ever replace it.
Nakita ko naman ang gulat na bumakas sa mukha niya pati na rin ni Maryll. Siguro kaya ganoon ang reaksyon niya kanina kasi alam na niya. Maybe it was because of what happened last time, noong magpakalasing ako sa bahay nila. I know I've said things that I shouldn't. Huli para pagsisihan ko pa iyon.
"P-patay na?" hindi makapaniwalang aniya. "Paano namatay? B-bakit? Anong nangyari sa kaniya?"
Of course she's completely unaware. Sigurado akong wala na siyang naging balita sa amin matapos niyang umalis. Hindi ganoon kalayo ang Maynila sa Quezon, pero sigurado akong nawalan na siya ng pakialam sa amin noong araw na umalis siya.
"Gusto mo bang i-detalye ko pa sa'yo? Gusto mo bang isa-isahin ko lahat ng nangyari simula noong nawala ka? Nalaman mo man lang ba na hindi na niya nagawang makalakad matapos mong umalis?"
"H-hindi ko alam, Madelaine. Hindi ko alam."
"Syempre hindi mo talaga alam," nagtangis ako ng bagang at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Ayokong makita ang luha niya. Wala siyang karapatang umiyak sa harap ko. "Ayoko nang makipag-usap pa sa'yo. Uuwi na kami."
Mabilis akong tumalikod at bumaling kay Jacques. Pero pinigilan na ako ni Mama bago pa man ako makahakbang.
"M-mag-usap tayo, Madelaine. M-mag-usap muna tayo," halos nagmamakaawa niyang anas. Nakita ko si Maryll sa gilid niya na naiiyak na rin.
Pilit ko namang pinagmukhang walang reaksyon ang mukha ko.
"Bakit pa tayo mag-uusap? Sana hindi ka na lang nagpunta rito. Wala rin namang mangyayari. Kung nakilala mo man ako, sana nanahimik ka na lang. Sana hindi mo na lang ako nilapitan."
"P-patawarin mo ako kung iniwan ko kayo noon," umiiyak na aniya. Sinusubukan kong huwag iyong makita kasi alam kong mabilis akong maaapektuhan. "P-patawarin mo ako kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo ng maayos. H-hindi ko na lang talaga kayang matagalan-
"Hindi mo na kayang maging mahirap? Sawa ka na sa buhay natin doon sa probinsya?" hindi makapaniwalang humalakhak ako sa kaniya. "Iyon ang dahilan mo 'di ba? Ayaw mo na sa ganoong buhay? Ayaw mo sa kahirapan kaya ka umalis!"
Nakita ko ang biglaang pagtigil ng luha niya at parang natulala sa akin.
"H-hindi ganoon. Hindi g-ganoon iyon, Madelaine."
Tumawa lang ako sa kaniya.
"Anong hindi? Araw-araw ko kayong naririnig noon ni Papa na nagtatalo. Ang sabi mo a-ayaw mo na sa buhay natin. Kaya hindi na talaga ako magtataka kung bakit ka umalis at sumama sa ibang lalaki."
Muling nagbagsakan ang luha sa mata niya. Pero hindi ako nakaramdam man lang ng awa. I would have comforted her if she was a good mother. Pero hindi. At least, sana bumalik man lang siya matapos niyang umalis noon. Sana nagparamdam man lang siya.
Pero wala. Ni isang beses hindi niya nagawang bumisita.
"K-kaya nga sinasabi ko sa'yo na ayos lang. Hindi mo na sana ako nilapitan kahit nakilala mo na ako. Hindi mo na sana ako kinausap-
"Bakit hindi mo k-kaagad sa akin sinabi na nandito ka pala? N-nakita mo na ako noon 'di ba? Bakit hindi mo kaagad ako nilapitan?"
"Dahil… wala naman akong balak magpakilala sa'yo."
It was a complete coincidence that Maryll lives with her. Sigurado ako na hindi niya anak si Maryll.
Nagbaba siya ng tingin sa lupa. Kita ko ang matinding pagsisisi sa mukha niya. Pero masyado ko siyang kinamumuhian para maawa ako sa kaniya. Sa palagay ko, hindi na mawawala pa ang galit ko sa kaniya.
"G-ginusto kong bumalik doon. G-gusto kitang balikan. Pero nagkasakit ni R-Ronaldo, hindi ko siya magawang iwan."
Sa sinabi niya, mas lalo lang akong nagalit. Iyon ang hindi ko magagawang matanggap. Iyong katotohanan na ibinuhos niya lahat ng oras at atensyon niya sa bago niyang asawa… tapos si Papa, naiwan doon na palaging malungkot at naghihintay sa pagbabalik niya.
Mabilis kong pinunasan ang gilid ng mata ko bago pa man may tumulong luha.
Deserve ba niyang malaman? Sasabihin ko ba sa kaniya lahat ng nangyari pagkatapos niyang umalis? Sasabihin ko ba ang nangyari kay Papa? Idedetalye ko ba kung paano ko siya naabutan noong gabing iyon? Ikukuwento ko ba kung paano ko araw-araw naramdaman na nag-iisa na lang ako?
Na kasabay ng pag-alis niya, parang nakalimutan na rin ako ni Papa.
"Wala ka talagang kwenta."
Hindi ko na namalayang lumabas iyon mula sa bibig ko. Gulat na napatingin siya sa akin. Nakita ko rin ang gulat na tingin sa akin ni Maryll at ni Jacques.
"M-Madelaine..." sinubukan niya ulit akong hawakan subalit kaagad akong umiwas.
"May mukha ka pa palang maihaharap sa akin pagkatapos ng lahat? Nanay ba talaga kita? Ni wala na akong naalala noong kabataan ko na kasama kita. Kaya wala na akong aasahan pa sa'yo ngayon. M-matagal na kitang inalis sa buhay ko. Isipin mo na lang na hindi mo ako anak."
That made her even more silent. Naisip ko na dapat lang 'yan sa kaniya. Matagal ko ring hinintay ang araw na ito. Gusto kong ipamukha sa kaniya kung gaano siya kawalang kwentang ina sa akin. Hindi ako naiinggit sa tuwing makikita ko ang mga kaklase ko noon na buo ang pamilya at may kasamang nanay. Iyong nag-aasikaso sa kanila, magpapakalma sa'yo kapag umiiyak ka. Iyong yayakapin ka matapos kang sigawan ng tatay mo.
Hindi naman ako naiinggit… kasi puro sama ng loob ang naramdaman ko. Sana man lang nandoon siya para alagaan si Papa. Kahit hindi na ako. Basta naalagaan niya si Papa para hindi ko siya nakikitang araw-araw malungkot noon.
"M-Madelaine… h-hindi ba nasabi sa'yo noon ng Papa mo?" parang nanghihinang tanong niya sa akin.
"Nasabi ang alin?" naguguluhang tanong ko.
"H-hindi kita anak."
Natigilan ako sa sinabi niya.
Ilang beses akong napapikit-pikit, inaalam kung tama ba ang narinig ko. Bumaling pa ako kay Jacques at kalaunan ay natawa.
"Kalokohan," komento ko.
Pero hindi nagbago ang ekspresyon niya. It was like she was being serious. Pero sino namang maniniwala sa kaniya?
"Talagang idadahilan mo 'yan para lang makatakas ka sa mga naging kakulangan mo?"
"N-nagsasabi ako ng totoo. S-siguro hindi kayang sabihin sa'yo ng Papa mo. Pero sa tingin ko, nararapat lang na m-malaman mo na hindi ako ang nanay mo."
"Tumigil ka na sabi!"
I was trying to act nicely, or at least show her my calm demeanor. Kahit papaano naman, ayokong magmukhang sobrang desperada o kawawa sa harap niya. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko na kayang pigilan pa ang galit ko.
How dare she deny me as her daughter?
"Pwede mo akong iwan at talikuran. Pwede mo akong pabayaan na lang at sumama kung kanino mo gustong sumama, hindi kita pipigilan. P-pero ang sabihin na hindi mo ako anak?" Umiling-iling ako sa kaniya. Pilit na pinigilan ang labis na pananakit ng mata.
"Kung ayaw mo sa akin, kung ayaw mong gampanan mga responsibilidad mo sa akin, sabihin mo lang. H-hindi naman ako maghahabol at magpupumilit sa'yo na mahalin mo ako. Hindi mo kailangang s-sabihin iyan."
Marahas niyang pinunasan ang luha at tarantang lumapit sa akin. Pilit naman akong umiiwas sa kaniya.
"H-hindi mo ito alam dahil masyado ka pang bata noon," muli niyang pinunasan ang luha saka siya bumaling sa akin. "Alam mo naman ang trabaho ng Papa mo noon 'di ba? Nadedestino siya noon sa malalayong lugar. M-minsan umaabot pa ng isang taon bago siya makabalik sa akin."
Nakita ko ang paglapit sa kaniya ni Maryll upang alalayan ito. Umiiyak na rin siya. Kita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya, na para bang sinasabi na makinig ako.
Makinig lang ako.
"May isang pagkakataon na nadestino siya sa malayong probinsya noon. Halos dalawang taon bago siya nakabalik. Inisip ko na normal lamang iyon dahil sa trabaho niya. P-pero araw-araw akong kinakabahan kasi noong mga panahon na iyon, wala siyang naging paramdam sa akin. Hindi rin siya nakakapagpadala ng mga sulat. Wala akong alam kung anong nangyayari sa Papa mo. H-hanggang sa isang araw, b-bumalik na lang siya ng may dala-dalang sanggol," tumigil siya sa pagsasalita at humagulgol ng iyak.
Para akong nauubusan ng hininga.
"H-hindi ko matanggap noong una. Mahirap para sa akin na tanggapin kaagad kasi habang naghihintay ako sa kaniya, nakuha niyang tumingin sa iba-
"Huwag na huwag mong sisiraan si Papa sa akin!" dinuro-duro ko siya.
Mas lalo siyang napahagulgol.
"Tumigil ka na dahil hinding-hindi ako maniniwala sa'yo! Sinungaling ka!"
Gumagawa lang siya ng dahilan para malinis niya mga pagkukulang niya sa amin ni Papa. Ang lakas ng loob niyang magsinungaling! Ang lakas ng loob niyang siraan si Papa sa akin!
Mabilis akong naglakad palayo roon. Hindi ko na hinayaang mapigilan pa niya ako. Wala siyang kwenta. Sabi ko na nga ba dapat hindi ko na siya kinausap pa. Dapat tumakbo na kaagad ako noong nakita ko pa lang siya kanina. Dapat hindi na lang niya ako pinuntahan kung puro kasinungalingan lang din naman pala ang sasabihin niya sa akin.
Marahas na hangin ang sumalubong sa akin. Doon ko naramdaman ang matinding pang-hahapdi ng mata. Parang nawalan na ako ng pakialam sa paligid ko. Wala sa sariling tatawid na sana ako sa kalsada nang higitin ako ni Jacques.
Kaagad akong ngumiti nang magkatinginan kaming dalawa.
"Umuwi na tayo. G-gusto ko nang matulog."
But he did not reply. Nanatili lang ang seryosong titig niya sa akin. Bawat bahagi ng mukha ko ay nadadaanan ng tingin niya. Tumawa naman ako para ipakitang ayos lang ako.
"Hindi raw niya ako anak? N-nagpapatawa ata siya," sunod-sunod ang naging paghalakhak ko. Parang baliw. Wala na yatang makakapagpatino sa akin ngayon.
"Hindi lang pala siya manloloko, sinungaling din pala siya. Hindi raw ako anak? Kalokohan!" Muli akong humalakhak at bumaling kay Jacques. Hindi ko alam kung bakit masyadong masakit sa lalamunan ang naging pagtawa ko. Hindi ko alam kung bakit masyadong nakakapagod.
Alam kong may mali.
"Kung hindi siya… edi s-sino pala ang nanay ko?" Marahas kong hinawi ang buhok na kumakalat sa aking mukha. Natulala. Pagkatapos ay muli na namang napahalakhak. Hindi kalaunan ay narinig ko na rin ang pagkapaos ng mga pekeng tawa ko.
Dahan-dahan. Unti-unti akong napaupo sa kalsada. Paulit-ulit ko pa ring naiisip ang mga sinabi ng babaeng iyon kanina. Alam kong nagsisinungaling lang siya. Hindi iyon magagawa ni Papa. Hindi siya magloloko. Mahal na mahal niya si Mama na hindi niya magagawang magloko.
Kaya imposible ang sinasabi niyang hindi niya ako tunay na anak. Sinungaling siya. Sana sinabi na lang niya na ayaw niya sa akin. Matatanggap ko naman. Nakaya ko naman na mabuhay na wala siya. Hindi niya ako kailangang itanggi.
Hindi kalaunan, napalitan ng hagulgol ang mga halakhak ko kanina. Ngayon ko lang tuluyang napagtanto na kaya pala ako nagagalit… ay dahil nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Kahit wala na akong inaasahang kahit ano mula sa kaniya, masakit pa rin para sa akin na imbes na kuhain niya ang loob ko, imbes na yakapin niya ako at paulit-ulit na mag-sorry, mas pinili niyang magsabi ng isang kasinungalingan.
Mas pinili niyang siraan si Papa sa akin.
Sana nagpumilit pa rin siyang yakapin ako kahit ayaw ko. Sana paulit-ulit siyang nag-sorry kahit nagagalit ako. Sana bumawi man lang siya sa mga pagkukulang niya sa akin.
"S-sinungaling siya. Wala siyang k-kwenta."
Parang baliw akong iyak nang iyak doon. Ramdam kong napapatingin sa akin ang ilang mga dumadaan pero nawalan na ako ng pakialam. Hindi ko na rin kayang tumayo dahil masyado na akong nanghihina.
Hanggang sa makaramdam ko ang dahan-dahang pagbuhat sa akin ni Jacques. Hindi na ako nagsalita pa. Wala rin siyang sinabi. Tahimik lamang siyang naglakad habang nakabaon ang mukha ko sa balikat niya.
Ni hindi ako nagtangkang magmulat ng mata. Siguro natatakot din akong makita na kinakaawaan ako ng mga tao. Kaya siguro masyado akong naging mapagpanggap buong buhay. Kaya siguro masyado akong kumapit sa mga kaibigan ko. Kasi naiibigay nila sa akin iyong atensyon na hindi ko mahanap sa pamilya ko.
Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat niya. Naalimpungatan lang ako nang sandaling inilalapag niya ako sa malambot na kama.
"N-nasaan tayo?" Mabilis kong inilibot ang tingin sa buong kwarto. It's unfamiliar.
"I'm sorry, it's my room." Dahan-dahan siyang tumayo at nag-aalangang tumingin sa akin. "I know you are tired and you need rest. That's why… I brought you here. Kung saan mas malapit."
Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon.
"Would you like to eat anything?"
"Ayos lang ako," malamig kong tugon at saka tumalikod sa kaniya. Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya sa likuran ko.
"Sasabihin ko sa mga kaibigan mo na dito ka muna magpapalipas ng gabi. Don't worry, ihahatid kaagad kita bukas ng umaga."
Hindi ako tumugon kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"And… if you need anything, naroon lang ako sa labas. Tell me if you are hungry, ipagluluto kita ng makakain mo."
Hindi ako tumugon. Muli kong narinig ang pagbuntong-hininga niya bago siya nagpaalam na aalis. Narinig ko ang mga yabag ng paa niya papalayo.
Pero bago pa man siya tuluyang makalabas ng kwarto, mabilis akong lumingon sa kaniya.
"J-Jacques… "
He halted from walking. Kaagad siyang lumingon sa akin, nakahawak pa rin ang kamay sa sedura ng pinto. Lumunok ako at inipon lahat ng lakas ng loob sa dibdib ko.
"I need a… hug."
It's me low-key saying that I need him, right here beside me.
Isang beses siyang napapikit at itinuon ang buong atensyon sa akin. It was like he's confirming if he heard it right from me. Kalaunan ay dahan-dahan siyang pumihit at naglakad palapit sa akin. He sat down on the bed, never leaving me with his intense stares.
Saglit na namutawi ang katahimikan sa pagitan namin bago siya tipid na ngumiti.
"Come here," he ordered.
His voice sounds soothing. Without hesitation, I immediately found my way in his arms. I was holding his chest, his hug tightened.
"Everything's going to be fine… don't worry." I don't know why his voice sounds really soothing. I closed my eyes tightly knowing that the raging waves inside me, tamed. When he hugged me like this, everything became so warm.
And somehow, I temporarily forget all of what I heard a while ago.
Kumalas ako ng yakap at nag-angat ng tingin sa kaniya. He looks a little bit confused.
"Let's kiss."
"Pardon?"
But then, kailangan ko pa bang magpaalam?
Without second thoughts, I grabbed his nape and kissed him. I felt him stiffened with my aggressive behavior. And he is not… kissing me back. Tumigil ako at parang naiiyak na tumingin sa kaniya.
"I'm sorry..." He didn't like it. I know he didn't. Then I suddenly remembered what happened before, when I kissed him and then he pushed me away.
Mabilis akong nagbaba ng tingin at akmang lalayo nang hulihin niya ang dalawang kamay ko. I wasn't able to say anything when he pinned me on the bed. He was on top of me, staring like he wanted to see what's behind my eyes. Like he wanted to see my soul.
Marahan niyang hinawi ang mga hibla ng buhok na kumalat sa mukha ko. I don't know why I suddenly felt nervous. All I wanted to do was to kiss him. Not anything beyond that.
But seeing how he stares at me, something's heating up. Especially when his face slowly goes down and bit by bit… I felt his lips kissing me.
"J-Jacques..." All I can do is call him while he's exploring every piece of me. It was so warm and cozy at first. But it didn't last that long. The waves of passion suddenly became aggressive and intense that I couldn't even sail along.
Hinayaan ko na lang na anurin ako ng mga alon papalapit sa kaniya. Until I finally gave in. I mean everything. I didn't know that the feeling of him inside me was this warm. I was afraid at first. But then… I figured out for myself that I want to do it with him.
And we did.
Kinabukasan, puno pa rin ng bakas ng nangyari sa amin kagabi ang buong kwarto niya. I couldn't even look at myself in the mirror. But even so, I can see tons of red marks all over my body. Marami rin sa hita ko.
I was quite worried, but when I stare at the man peacefully sleeping beside me, everything seems so perfect again.

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    Sopeya

    😭 😭

    03/07/2024

      0
  • avatar
    Judy Ann Gilbaliga Catedral

    Good

    04/05/2024

      0
  • avatar
    ARINOMA LUDETTE

    ☺️☺️☺️

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata