Homepage/Under the Clouds/
Chapter 34
"Nagpapatawa ka ba, Madelaine? Eh mas malayo itong pinapasukan mo kaysa sa dati!" Reklamo ni Twelve nang ihatid niya ako kinalunesan.
Nakapamaiwang ito habang busangot ang mukha na inililibot ang tingin sa bagong workplace ko.
"Ibig kong sabihin, mas malapit na ito sa trabaho niyo. Ayaw mo noon? Palagi mo na akong masusundo sa tuwing uuwi na ako," nang-aasar kong saad.
Napaiwas ako ng akmang babatukan niya ako.
"A-ano ba?!"
"At sino namang nagsabi sa'yo na gusto kitang sunduin ha?!"
"Eh bakit pasabi-sabi ka pa na delikadong umuwi ako ng mag-isa huh?!"
Suminghal ito pagkatapos akong samaan ng tingin. Napapatingin na rin sa amin ang ibang dumaraan. Tumaas lang ang kilay ko at pinagmasdan kung gaano kalaki ang agwat ng taas naming dalawa.
"Matangkad nga, payatot naman," napahalakhak ako nang pumukol sa akin ang masamang tingin niya.
He then rolled his eyes on me before he cleared his throat.
"Siyanga pala, nakita ko si Jacques noong nakaraang araw."
Awtomatikong dinapuan ako ng kaba nang marinig ang pangalan ng lalaking iyon. Kabado akong bumaling sa kaibigan at nagpanggap na parang wala lang iyon sa akin.
"T-talaga?" taas-kilay kong anas. "Saan mo nakita?"
"Doon sa dating pinagtatrabahuhan mo. Napadaan ako roon noong nakaraan. Nakasalubong ko lang, tapos nag-usap kami saglit," sagot niya.
Napatango lang ako sa kaniya.
"Nakita mo ba kung anong ginawa niya roon? Sinong kasama?"
Napataas ang kilay sa akin ni Twelve. Mukhang nagtataka ito sa sunod-sunod kong tanong.
"Wala siyang kasama," aniya.
Napaiwas naman ako ng tingin at tahimik na nag-isip. Isang linggo na akong wala sa dati kong pinapasukan. Posible kayang pumunta roon si Jacques dahil hinahanap niya ako?
"Inakit ko nga ng inuman sa apartment eh. Hindi na namin nasabihan iyon bago kami pumunta rito sa Manila. Maagap kasing naging busy sa buhay iyon. Nangangalahati pa lang kami sa third year, graduate na kaagad ang loko!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"B-bakit mo inakit?!" malakas ko siyang hinampas sa braso. "Busy pala eh, bakit mo pa niyayang uminom?!"
"Aray ano ba?!" reklamo niya at umiwas sa akin. "Anong masama roon, eh tropa naman natin siya? Saka big time iyon si Jacques, hindi ka na mamo-mroblema sa pulutan!" humalakhak pa siya sa harap ko na parang may nakakatuwa sa sinabi.
Nakagat ko naman ang labi sa kaba.
"P-pumayag ba?" kabadong tanong ko.
Nagtatakang tumingin naman siya sa akin.
"Malamang papayag 'yon. Malakas ang charms ko ro'n kay Jacques. Hindi nga man lang nagdalawang-isip," at muli siyang humalakhak.
Nasapo ko ang noo at mabilis siyang tinalikuran. Narinig ko pa ang mga tawag niya subalit hindi na ako lumingon. Kinakabahan ako na parang ewan.
I decided to find another place to work para takasan siya. I don't want to see his face again after what happened in his car. Masyado iyong nakakahiya… at ayoko na ring maulit pa iyon. Hinding-hindi ko na ulit iyon gagawin kahit kailan.
I know Jacques has been doing a lot of effort for me to accept him again. But I just can't do it that easy. Hindi ko pa rin makakalimutan kung ilang beses niya akong tinalikuran noon. He's like a nightmare. I don't want to cross paths with him again even in my deep sleep.
Pero mukhang hindi pala ganoon kadali iyon.
I wonder if Jacques knew where I am currently living. Alam kaya niya na magkakasama kami nina Twelve sa iisang bahay? Maybe not. Hindi ko naman nabanggit sa kaniya ang tungkol doon.
Kaya naman umasa ako na magiging maayos pa rin ang lahat. My life after work became peaceful again without him around, or waiting me in the corner. At least hindi na ako kakabahan sa tuwing makikita ko siya sa malapit.
Hindi ko naman pwedeng sabihin kina Twelve na huwag na nilang papuntahin ang lalaking iyon sa apartment. Magtataka sila panigurado. That's why I asked him beforehand what day they are going to meet in the house. Tama ako na sa sabado nga dahil day off nilang lahat. Day off ko rin iyon.
Kaya naman maaga pa lang, naghahanda na kaagad ako para umalis.
"Saan ka pupunta, ineng?" usisa sa akin ni Aaron nang makita akong nakaayos.
"Makikipagkita ako sa mga kaibigan ko," tugon ko naman.
Kumunot ang noo nito sa akin.
"Pupunta raw mamaya si Jacques ah? Agapan mo ng uwi ha. Baka hindi mo iyon maabutan!"
"Oo na!"
Nakasalubong ko naman sa may hagdan si Nico at nagtatakang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
"Saan lakad mo?"
"Sa friends daw niya," si Aaron ang sumagot sa likod ko.
"Huh? Pupunta raw si Jacques mamaya. Ayaw mo bang makita?"
Iritado akong bumaling sa kaibigan.
"Eh may lakad nga ako," painis kong sagot sa kaniya.
"Next ka na lang kaya umalis, Mad. Hintayin mo muna si Jacques. Tagal niyo ng hindi nagkikita no'n."
"Sinabi nang ayaw ko! Mas mahalaga itong lakad ko kaysa sa kaniya!"
Mabilis akong naglakad palabas upang hindi na nila ako mapigilan. Hindi nila alam kung bakit nagmamadali ako makaalis lang doon. Hindi ko alam kung anong oras darating doon si Jacques o kung darating nga ba siya.
I just don't want to see him. Mamaya na lang ako uuwi kapag nasiguro ko nang wala na siya roon.
"Bakit napasugod ka rito? Hindi ka man lang nagsabi," anas ni Maryll habang naglalapag ng maiinom sa lamesa.
"Biglaan din kasi eh. Saka… wala akong ibang mayaya."
Bakit nga ba dito pa ako nagpunta? Eh alam ko namang…
"Maryll, pumasok muna kayo roon at pakainin mo iyang kaibigan mo," utos sa kaniya ng isang ginang.
Napakagat-bagang ako nang marinig ang boses niya.
Dali-dali kong hinablot ang bag at tumayo, handa na ako umalis. Subalit napatigil ako nang magkatinginan kaming dalawa.
"I-ikaw pala, hija," parang nahihiyang anas nito sa akin. Ni hindi ako nagtangkang ngumiti sa kaniya. "Kumain ka na ba? Ipaghahanda ko kayo ng makakain sa loob," natatarantang anas nito.
The last time we met, I scolded her in the middle of the street. Siguradong naaalala niya iyon. Baka iyon din ang dahilan kung bakit parang natataranta siya ngayon sa harap ko.
"Kumain ka na muna, Mad. Sabay na tayong dalawa," hindi na ako nakaangal nang hilahin ako ni Maryll papasok sa loob ng bahay.
Desidido akong umalis kanina, hindi ko rin alam kung bakit dito ko pa napiling pumunta samantalang alam ko na nandito siya. At kahit ilang beses na kaming nagkaharap, I can see that there's no recognition in her eyes.
She couldn't recognize my face. Kung sabagay, lampas sampung taon na simula noong iwan niya kami. Nagkaroon na rin ng pagbabago sa pisikal na kaanyuan ko.
Napabuntong-hininga ako at tahimik na umupo.
"Siyanga pala, Mad. Hindi mo kaagad sinabi sa amin na lilipat ka pala ng trabaho. Grabe ka, daig mo pa ang nang-ghosting."
Pilit akong ngumiti sa kaniya.
"I'm sorry, nahihirapan kasi akong mag-commute tuwing gabi eh. Kaya minabuti kong lumipat na lang."
"Kahit na! Sana sinabi mo kaagad. Saka bakit ka mahihirapan mag-commute eh palagi namang nandoon iyong gwapong umaaligid sa'yo," kahit hindi niya sabihin ang pangalan, alam kong si Jacques ang tinutukoy niya.
Kaya nga ako umalis doon, kasi palagi siyang umaaligid sa akin.
"Noong hindi ka na pumapasok, palagi pa rin iyong pumupunta roon. Tinatanong kung alam daw namin kung saan ka lumipat. Naku ako ang nababaliw kakaisip ng maiisagot sa kaniya. Kaloka ka! Pati pala sa kaniya hindi mo sinabi!"
"Bakit ko naman sasabihin? Eh siya nga ang d-dahilan kung bakit ako umalis doon," mahinang anas ko.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"T-talaga? Ibig sabihin tinataguan mo siya?!"
Napaiwas naman ako ng tingin sa kaibigan. Ayaw kong magkwento pero mukhang tatadtarin niya ako ng mga tanong.
"Bakit mo tinataguan? Mukhang patay na patay sa'yo 'yon ah?"
"May alak ba kayo riyan?" pag-iiba ko ng usapan. Dali-dali naman itong pumunta sa kusina, pagbalik niya, ilang bote ng alak ang dala niya. Mukhang sabik na sabik na ring malaman ang isasagot ko.
"Oh ito na," inabot niya sa akin ang baso. "So ano nga? May history ba kayo no'n? Sino nga iyon? Jacques ba?" tumango lamang ako at lumagok ng alak.
Napapikit ako dahil sa tapang nito.
"Paano kayo nagkakilala? Ex-boyfriend mo ba?"
"Sa probinsya pa lang magkakilala na kami. Hindi ko siya naging boyfriend."
Tuwing sasagot ako ay siya ring inom ko ng alak. Mabilis na nag-iinit ang sistema ko dahil sa epekto niyon.
"Edi anong relasyon niyo sa isa't-isa? Highschool lover tapos hindi natuloy kasi umalis ka?"
Napabuntong-hininga ako at nagdalawang-isip kung sasabihin ko ba kung ano ang ganap ko sa buhay ni Jacques noon.
"Nasa iisang grupo kasi kami noon. Madalas kaming magkasama lalo na kapag may lakad kaming magkakaibigan. May girlfriend siya noon, tapos ako nakisingit lang."
"Paanong nakisingit?" kuryosong tanong niya.
Muli akong napabuntong-hininga.
"Nagkikita kaming dalawa ng hindi nalalaman ng girlfriend niya at ng mga kaibigan namin."
Napahawak siya sa bibig na parang nabigla sa sinabi ko.
"He cheated with you? Ganoon ba?"
Tumango lamang ako at muling lumagok ng alak. Sunod-sunod ang ginawa kong pag-inom hanggang hindi na makayanan ng lalamunan ko.
"Oh my God..." halatang gulat pa rin siya sa nalaman. Hindi niya magawang makapagsalita kaagad. "Wala sa itsura niya na kaya niya palang magloko!"
"Hindi naman talaga sa mukha nakikita kung magloloko ang isang tao. Ang mali ko lang talaga noon, I tolerated cheating. Buo ang prinsipyo ko noon na hindi ko kokonsintehin ang pangloloko kasi doon din nasira ang pamilya ko," saglit akong napatigil at sumulyap sa nanay niya na parang natigilan din sa pagpupunas ng mga baso. "Iniwan kasi kami ng nanay ko at sumama sa ibang lalaki. Naaksidente si Papa kakahabol sa kaniya. At hanggang sa mamatay siya, wala siyang ibang inisip kundi ang nanay ko."
Mabilis kong pinunasan ang nakatakas na luha sa pisngi ko. I am still looking at her, nakatingin na rin pala siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang nakikita ko ang pamumula ng mata niya.
Umiwas ako ng tingin at muling bumaling kay Maryll na parang naiiyak na rin.
"Si Jacques… hindi ko siya magawang bitawan noon kasi masyado na akong nahulog sa kaniya. Sobrang bigat sa pakiramdam ko sa tuwing maaalala ko kung anong sitwasyon naming dalawa. Magaling lang siya… sa tuwing papaasahin niya ako. Ni hindi niya nilinaw kung ano ako sa kaniya," ilang beses ko siyang tinatanong, pero palagi lang siyang natatahimik. "Nagagalit siya kapag sumasama ako sa ibang lalaki pero hindi naman niya ako magawang panindigan. Tapos isang araw, nahuli kami ng ate niya. Doon niya sinabi sa akin na huwag na daw akong mag-alala kasi siya na ang bahala. I thought he's going to break up with her girlfriend to be with me, pero iba ang nangyari. Layuan ko na raw siya."
"Eh siraulo pala 'yon eh!" pagalit na komento ni Maryll.
Napangiti lang ako.
"I know. Ilang beses niya akong pinagtatabuyan noon. Ilang beses din niya akong tinalikuran. Ako naman… walang ibang magawa kundi umiyak kasi wala naman akong karapatan sa kaniya."
"Tapos bakit siya lumalapit sa'yo ngayon? It means gusto ka pa rin niya!"
Wala akong ibang nagawa kundi ang malungkot na ngumiti sa harap ng kaibigan.
Hindi lang iyon ang mga nasabi ko sa kaniya. Marami. Halos hindi ko na namamalayan ang mga sinasabi ko. Lumipas ang buong maghapon na puro inom lang ang ginawa ko roon. Pinipigilan na ako ni Maryll pero hindi ako pumapayag. Alam ko sa sarili kong kaya ko pa. Nasa tamang wisyo pa ako.
"K-kaya kahit talaga lumuhod sa harap ko si Jacques, hindi ko siya basta-basta mapapatawad!" anas ko habang umiiyak. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita na madilim na pala. Napahalakhak naman ako.
"Ano ba 'yan, Mad. Tama na sabi!" Inagaw niya sa akin ang bote pero hindi ko ibinigay.
"H-hindi pa ako lasing! Kaya ko pa!" giit ko sa kaniya. Mukha na siyang naiiyak habang nakatingin sa akin.
Hindi kalaunan ay nakita ko ang nanay niya na nag-aalangan sa paglapit sa amin. Binigyan niya ako ng nag-aalalang tingin.
"Eh kung patulugin mo na lang muna iyang kaibigan mo sa kwarto mo, Maryll? Delikado na kung uuwi pa siya," rinig kong anas nito sa babae.
Tumawa lamang ako.
"Ayoko rito! A-ayoko ritong kasama ka! Wala kang kwentang ina!" sigaw ko habang umiiyak. Dinuduro-duro ko pa siya. Mukha naman siyang natigilan sa mga pinagsasasabi ko.
Lumapit sa akin si Maryll at maingat akong hinawakan sa braso.
"T-tara na, Mad. Iuuwi na lang kita sa inyo. Lasing na lasing kana."
"Ayokong umuwi! Hindi ako uuwi roon."
Bakit ako uuwi kung alam kong nandoon si Jacques? Sa sobrang pagod ko ngayon, baka ayos na sa akin ang matulog sa kalsada.
Tumayo ako at susuray-suray na naglakad palabas ng bahay.
"D-dito na lang ako sa kalsada matutulog. Ayoko diyan kasama iyang nanay mo," sumisinok-sinok kong anas.
Mabilis akong niyakap ni Maryll habang nagpipindot sa cellphone niya. Para siyang naiiyak dahil hindi na alam ang gagawin sa akin. Hindi rin niya napapansin ang tungkol sa mga sinasabi ko sa nanay niya. Mukhang hindi niya napapansin ang malamig na pakikitungo ko rito.
Hindi kalayuan ay nakita ko itong nakatitig sa akin, parang kinikilatis niya ang mukha ko. Napahalakhak ako ng wala sa sarili. Magsasalita pa sana ako subalit parang naubos na lahat ng lakas ko.
Nakaidlip ako saglit. Nang magmulat ako ay naabutan ko si Diego na kinakausap na si Maryll. Hindi ko maunawaan ang mga sinasabi nila. Umiikot din ang paningin ko sa hilo.
"Thank you, I'll take care of her," anas ng lalaki. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin. Hinatid kami ni Maryll hanggang sa labas ng bahay. Masyado naman akong inaantok para magprotesta pa kay Diego.
"Madelaine," marahan niyang tinapik ang braso ko hanggang sa magising ako. Nasa loob na ako ng kotse niya. "Here. Inumin mo."
"Ano 'yan?" sumandal lamang ako sa bintana at muling pumikit.
Napabuntong-hininga naman siya at saka binuksan ang makina ng sasakyan.
"Ihatid mo na lang ako sa motel o sa kung saan na lang. Basta huwag sa apartment."
"Tsk. Huwag ka ngang pasaway. Iinom-inom ka ng marami hindi mo naman pala kaya ang sarili mo," iritado nitong anas habang nagmamaneho.
"K-kaya ko naman ah! Hindi ko sinabing sunduin mo ako!"
Suminghal lamang siya saka nagpatuloy sa pagmamaneho. Muli akong nakatulog habang nasa biyahe. Masyadong naubos ang lakas ko kakasigaw ko kanina. Marami-rami rin ang nainom ko kaya ramdam ko ang matinding panghihilo.
Mabuti na lang at hindi ako palasuka.
"Hey, wake up."
Muli akong nagising nang tapikin ako ni Diego sa braso. I didn't move though. Nanatili lang ako sa ganoong posisyon. Kahit dito na lang sa kotse niya, okay na ako.
"Pasaway talaga," singhal niya at muli akong binuhat. Mukhang ayaw niya rin akong patulugin sa kotse niya, siguro ayaw na mag-amoy alak ang loob nito.
Nakapikit lang ako habang nakayakap sa leeg niya. I just really wanna sleep right now.
Naramdaman ko ang pagtigil ni Diego sa paglalakad. I lazily opened my eyes and groaned. Nanlaki ang mata ko nang malaman na sa apartment niya pala ako dinala.
Wala sa sarili kong iginala ang tingin sa buong paligid.
Hanggang sa tumigil iyon sa grupo ng mga lalaki na nakatingin sa amin ngayon. They looked like they could kill a person. Dumako ang seryoso nilang tingin sa akin. Napalunok ako sa kaba. Mas lalo pa iyong nadagdagan nang makita ko si Jacques na nakaupo sa tabi nila at nakatingin na rin sa akin ngayon. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
😭 😭
03/07/2024
0Good
04/05/2024
0☺️☺️☺️
29/01/2024
0Tingnan Lahat