Homepage/Under the Clouds/
Chapter 21
There's no way I'm going to let them show that I'm in pain, masasagasaan muna ako ng kotse bago ko iyon sabihin.
"Are you sure ayos ka lang?" Napabaling ako kay Kurt na nakaupo sa tabi ko. I was holding his arms, talagang ipinapakita ko sa mga tao rito na may boyfriend na ulit ako. Maging sina Sison at Twelve, mukhang hindi rin natutuwa na dinala ko siya rito sa bilyaran.
"Of course I am, medyo napagod lang sa school kanina." It has been more than a week again since that day happened. Hindi ko na ulit nakausap pa si Jacques. I didn't try. Isang gabi pagkatapos niyon, napag-isipan ko na hindi ko hahayaan ang sarili ko na maghabol sa kaniya.
I don't want to look pathetic. Hindi ako maghahabol, itaga mo 'yan sa bato.
Bumaling ako sa gawi nina Jacques, he's with Ezperanza. Nakipagtitigan din ito sa akin, there's no piece of emotion plastered on his face. Ganoon lang din ang tingin na ibinibigay ko sa kaniya. Hindi ako makapapayag na magmukha ako ritong kawawa.
Tumayo ako, napatingin silang lahat sa akin.
"Babe, pwedeng ihatid mo na ako sa bahay? Doon na lang tayong dalawa." Ngiti ko rito. I am very thankful that this guy still likes me. Inayawan lang naman niya ako dati dahil kay Jacques. Nang malaman ko na may gusto pa rin siya sa akin, I immediately grabbed the opportunity.
"Kung iyan ang gusto mo." Siya na ang nagdala ng bag ko. Ngiting-ngiti ako sa kaniya na hindi iniintindi ang mga tingin ng kaibigan ko.
"Maddie..." Tawag sa akin ni Twelve. Bumaling ako rito, kitang-kita ko ang kunot sa noo niya. Saglit siyang bumaling sa katabi ko, kita ko pa ang pagsama ng tingin niya rito.
"Saan kayo pupunta? Hindi ka ba magpapahatid kay Sison o kay Jacques?"
Tumawa lang ako.
"Hindi na kailangan." Pasimple akong bumaling kay Jacques, nahuli ko siyang nakatingin sa kamay ko na nakahawak sa braso ni Kurt. "Nandito na ang boyfriend ko oh. Isa pa, ayoko namang makaabala kay Jacques… he's with his girlfriend oh."
Somehow, nakita ko ang pagbabago sa pakikitungo sa akin ni Ezperanza. Hindi naman kami close. Pero hindi na ito ngumingiti sa akin kagaya ng dati. I perfectly understand her, she has all the rights to get angry about me cheating with her boyfriend. Nagtataka lang ako… paano sila nagkaayos kaagad?
"Gusto mo pumasok?" Nag-aalangang tanong ko kay Kurt nang makarating kami sa bahay. "Gabi na rin masyado, I think you should g-go now."
"Alright, hintayin kita bukas sa school." He kissed my cheeks. Ngumiti ako kahit hindi ko gusto ang ginawa niya. I have no choice but to pretend that I like to be in this relationship. Pinili ko ito. Hindi ko lang maiwasang maguilty dahil alam kong ginagamit ko lang si Kurt para sa sarili kong agenda.
I heaved a deep sign. Masyado na talaga akong nagiging makasalanan.
Kumunot ang noo ko nang may mapansing bulto ng tao na nakatayo hindi kalayuan. I know he's looking in my direction but I can't recognize him. Masyadong madilim. Kinilabutan ako nang maisip na baka rapist iyon o kung ano man kaya mabilis na akong pumasok sa loob ng bahay.
I saw my father writing something on the table. Mabilis niya itong itinabi nang makita ako.
"Papa?" Nagmano ako rito. Tumango lamang siya sa akin at sinabing,
"May pagkain diyan sa kusina. Kumain ka na lang, tapos na ako."
"Sige po." Nakangiti kong anas. I am so happy that somehow, I can feel that my father is slowly trying to make things normal again between us.
Madalas ay malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin, pero may mga pagkakataon na tinatanong na niya ako kung nakakain na ba ako, kung kumusta ang school. Minsan pa ay tinatanong niya ako kung anong oras ako uuwi. I find it unnatural because he doesn't give a damn about me before.
"Pa? Saan mo gagamitin itong mga lubid?" Tanong ko rito mula sa kusina nang makita ang mga lubid na nakakalat lang sa sahig. My father wasn't able to hear me. Nagpatuloy ito sa sinusulat niya. Nagkibit-balikat na lang ako at mabilis na ibinalik sa lagayan ang mga iyon.
Days had passed again. Since the day he told me he doesn't like seeing me anymore, I started to become so pretentious. Natuto na rin akong gumamit ng mga tao para lang itago sa kanila na hindi ako apektado.
Hindi na ako nagmintis sa pagpunta sa bilyaran. It was a way for me of seeing him again. Hindi ko na siya halos nakikita sa school. Ni hindi kami nagkakasalubong sa hallway. Dito lang talaga. I was wondering why he still continue going here with us. Dapat hindi na siya pumupunta kung talagang ayaw na niya akong makita.
He was standing at the edge of billiard table, sinisipat niya ang bola ng maigi bago tumira. Guni-guni ko lang yata nang makita ko na sumulyap muna siya sa gawi ko bago siya muling tumira.
"Kurt, tayo riyan. I'm going to teach you billiards." Anas ko rito matapos tamarin maglaro sina Twelve.
"Is it okay?"
Basketball lang kasi alam niyang sports, I initiated even last day to teach him. At least iyon, sincere.
"Oo naman! Wala namang gumagamit oh." I took his arms and pulled him to stand up. Napatingin sa amin mga kaibigan ko. "Turuan ko lang, fast learner naman ito. Mga isang buwan pa lalampasuhin na kayo nito."
"Traydor si Madelaine!" Tumawa ako sa pang-aakusa sa akin ni Cavier. Siya lang ang parang walang kaso na boyfriend ko na si Kurt. The others… well, tutol sila rito.
"Mukha mo traydor!" Lumapit ako kay Twelve at kinuha ang isang tako. He's practically glaring at me. Hindi ko na iyon pinansin pa. "Asan 'yong isang tako?" Bumaling ako kay Sison, unlike Twelve, mas kalmado ito. He's always been weighing the situation.
"Na kay Jacques." Aniya na bahagya kong ikinagulat. Napalunok ako saka nagdalawang-isip kung kukunin ko ba iyon o hindi. I know he heard what I said, sa lakas ko ba naman magsalita. Bumaling ako sa direksyon niya. Glad that he's not with Ezperanza today. "Nevermind. Pwede namang isa na lang gamitin."
Hinila ko si Kurt patungo sa table. Everybody's watching us. Hindi ko na iyon pinansin pa. I sincerely want to teach Kurt. Wala itong ibang agenda.
"Dito ka muna, panoorin mo kung paano ko gagawin." I told him bago ako pumuwesto. Tumango lamang ito at masusi akong pinagmasdan. Ipinakita ko sa kaniya kung paano ako tumitira. Though hindi naman ganoon kadali matutunan ang billiards. At least matuto siya kung paano tumira. Katuwaan lang naman.
Tumayo ako ng maayos at bumaling sa direksyon nito.
"Nakuha mo?"
"I'll try." Mahina siyang tumawa. Parang nanghahamak kong pinagsalikop ang mga braso ko saka siya pinanood na tumira.
"Mali!" Hiyaw ko, natatawa.
"Hindi talaga matututo iyan. Better not waste your time." Saad ng lalaki sa likod ko na sapat para marining naming lahat.
"It's okay, Jacques. Makukuha ko rin ito." Anas ni Kurt sa kaniya. Pasimple akong nairita. Parang kumukulo ang dugo ko nang magsalita siya. That man… when will he ever change?
Imbes na patulan ay lumapit na lamang ako kay Kurt at pumuwesto sa likod niya.
"Ganito kasi 'yan." Anas ko at iginiya ang kamay niya habang hawak ang tako. Natatawa siya sa unahan. We really looks like a couple. Kung hindi lang nakuha ng iba ang puso ko baka nasa kaniya ako nakikipaglandian palagi. "Sipatin mong maigi ang bola bago ka tumira."
"'Yon na nga mismo ginagawa ko."
"Then what are you? Bulok lang talaga?" Pang-aasar ko pa rito.
We continue doing the so-called practice in front of my friends. Ni minsan ay hindi ko tinangkang lumingon sa direksyon ni Jacques. I know he's watching us. Nanlalamig ako. That's why I chose to ignore him.
"Maybe you just don't teach me so well."
"Ako pa?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Napatitig sa akin si Kurt. He looks like he's going to kiss me in front of my friends. Napalunok ako ng laway subalit hindi nagawang umatras. "W-what?" Kabadong tanong ko rito.
Nadoble pa iyon nang ilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Madelaine!"
I was relieved and astounded at the same time. Napabaling na lang kaming lahat kay Jacques dahil sa malakas na pagsigaw niya sa pangalan ko. I lifted my eyes on him. Sunod-sunod akong napalunok. He looks like he's going to kill us.
Napaatras ako kay Kurt para magkaroon kami ng distansya.
"Bakit?" I managed to compose myself again after the shock. Nakita ko ang mabilis na pagtaas-baba ng hininga ni Jacques. He looks… really angry. Aminin ko man o hindi, mayroong tuwa na namumutawi sa dibdib ko dahil doon.
I was waiting for him to speak. Bumubuka ang bibig niya na parang may gustong sabihin. Subalit imbes na magsalita, he turned his back to us at mabilis na naglakad paalis. Sison called his name. Hindi siya lumingon. Napaawang ang labi ko at na-guilty bigla.
"S-sandali lang ha, may gagawin lang ako." Paalam ko kay Kurt at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya. Mabilis akong tumakbo at hinabol si Jacques sa labas ng bilyaran. I immediately roamed my eyes around the area. I can't find him. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa makita ko siya na naroon at nakasandal sa pader. Nakapikit siya na parang problemado o hindi kaya… pinakalma ang sarili.
"J-Jacques." I called him. Hindi kaagad siya nagmulat ng mata. But I know he knew it's me. Ngayong nagkaroon na naman ako ng pagkakataon na makalapit sa kaniya, parang gusto ko na naman siyang angkinin… kahit hindi naman talaga siya sa akin. "Bakit ka umalis?"
Nagmulat siya ng mata at doon tuluyang nagtagpo ang tingin naming dalawa.
"It's none of your business." Seryosong aniya at tinalikuran ako. Saglit muna akong napatulala bago natauhan at mabilis na humabol sa kaniya. Humarang ako sa kaniyang dinaraanan.
"Bakit hindi?" I smiled knowingly. "Bakit bigla mo na lang akong tinawag kanina noong muntik na akong halikan ni Kurt? What? You don't want to see us kiss?" Ngumisi ako sa kaniya. I can see no emotion on his face. Halata ring hindi siya natutuwa sa mga sinasabi ko. "At bakit bigla kang umalis?"
"I said it's none of your business." His tone became more rude this time.
"Why? Why don't you just admit it? You're jealous." Proklama ko. I can't be wrong. Hindi naman siya aaktong ganiyan kung hindi siya nagseselos. Ibig sabihin lang nito, may nararamdaman pa rin siya sa akin. "You said you don't want to see me anymore, pero hindi ka nagmintis na pumunta sa bilyaran kahit alam mong naroon ako palagi. It's not just that, I can feel your stares on me, Jacques! Gusto mo na bang bumalik tayo sa dati? I can accept you again. Panigurado namang nalilito ka lang noon-
"No." Putol niya. Sa dalawang letrang iyon, parang naputol lahat ng pag-asa na natitira sa katawan ko. "Kaya ka nasasaktan kasi palagi kang naga-assume. Don't think that I'll come back to you again kasi hindi na. You know what's wrong with you? Masyado kang umaasa. Konting galaw, konting salita, binibigyan mo na ng ibig sabihin."
"H-hindi naman ako aasa, kung hindi ka ganiyan umakto." Nabasag ang boses ko. Hindi ko alam na sa konting salita niyang iyon, kaya kong maapektuhan ng ganito kabilis. I hate my eyes. Bakit ang bilis na nilang lumuha?
"What's wrong with my actions? Para sa akin, walang kinalaman sa'yo ang mga ikinikilos ko. Ikaw lang ang nagbibigay-kahulugan sa mga ito. Please don't bother me anymore, kunware hindi tayo magkakilala."
And just like that, he left me again. Nanghihina akong umupo sa semento at tumitig sa kalsada nang hindi ko na siya matanaw pa. At least, I was expecting him to say sorry. Malay niyo naman kasi, hindi niya sinasadya ang mga sinabi niya. But I only get disappointed when no one returns.
Maya't-maya ang pagdaan ng mga sasakyan. Maingay. Pero hindi nito nagawang alisin ang matinding sakit sa dibdib ko. Hindi naman ako umiyak. Pero masyadong masakit ang mata ko sa pagpipigil na huwag lumuha. Nanginginig ang mga kamay ko sa sakit… sa galit.
I lifted my eyes above. There… I saw how dark clouds of the afternoon formed in the sky, looking like they were teasing me. Masyado na ba akong kawawa? Masama na bang umasa? But he promised me… he's going to fix everything for us. Akala ko totoo na. Akala ko hindi na niya ako itatago sa anino.
Pero ito ang napala ko…
"You look like a stupid."
Mabilis na lumipat ang paningin ko sa direksyon ng taong nagsalita. Nakasandal siya sa poste at nakakrus ang mga braso habang nakatitig sa akin.
"A-ano kamo?"
"Dahil lang sa lalaki nagkakaganiyan ka?"
Mabilis akong tumayo at lumapit sa gawi niya.
"Anong alam mo? You're just a kid."
Mahina itong tumawa.
"Isang taon lang tanda mo sa akin, Madelaine."
Then I remember, senior high school na nga pala ang isang ito.
"Alam mo… you have all the qualities of a girl that I like. Maganda ka, pero hindi naman malakas ang boses niya kagaya mo."
"And your point is?"
Umiling siya at natawa. Kung tutuusin… ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Diego na tumatawa ng ganiyan. Seryoso kasi siyang tao. He never really smiled at me before.
"Wala, I'm just comparing you two."
"So gusto mo ako?"
"No." Tumaas ang kilay niya sa akin. Ako naman ang natawa.
"Oo nga, head over heels ka nga pala kay Anastacia." Sana lahat ng lalaki loyal kagaya niya. "Saan nga pala ang punta mo? Mukhang nakabihis ka."
Tinanggal niya ang pagkakasalikop ng mga braso.
"Babalik na kami sa Manila."
"And…?"
"Doon na ulit kami titira."
Mabilis na kumunot ang noo ko.
"Bakit?"
Nagkibit-balikat siya.
"Gusto na roong bumalik ng mga magulang ko. At isa pa… may kailangan din akong sundan." Makahulugang aniya sa akin.
Hindi naman ako nakapagsalita kaagad. Sa totoo lang, he never showed up again to us for months. Hindi na siya sumasama sa mga lakad ng grupo. Madalang ko rin siyang makasalubong sa school. Tapos ngayon, ang muli naming pagkikita, pagpapaalam din pala.
Ipinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa.
"Hindi ka na magpapaalam sa mga kaibigan natin?"
"Tss… ayoko ng drama." Sabay kaming dalawa na natawa. Pansamantala kong nakalimutan ang tungkol kay Jacques. Kaso lang, napalitan naman ng lungkot ang puso ko ngayon.
Kalaunan ay sabay din kaming natahimik habang pinagmamasdan ang mga sasakyang dumadaan. Maingay. Pero hindi ko alam kung bakit napapayapa ngayon ang dibdib ko.
"Mauuna na ako." Bumaling ako sa kaniya. "I saw you with Jacques kanina. Payo ko lang, kung ganiyang iiyak ka rin pala-
"Hindi ako umiyak." Mabilis kong putol sa kaniya.
"Whatever. Kaya pala mukha kang timang habang nakaupo sa semento kanina."
"Akala ko ba aalis ka na?"
"Habulin mo pa siya ng isang beses. Kapag hindi ka pa rin niya pinahalagahan, saka ka bumitaw." Tinapik niya ang braso ko bago niya ako iniwan roon.
I remained silent for a moment thinking about the words he left me. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. At hindi ko man lang siya nayakap bago siya umalis.
Huminga ako ng malalim. Malakas ang kutob ko na hindi ito ang huling pagkikita naming dalawa. Hihintayin ko na magkita ulit kaming dalawa ni Diego. There… ipagmamalaki ko sa kaniya na hindi na ako kagaya ng dating Madelaine na palaging naiiwan mag-isa.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
😭 😭
03/07/2024
0Good
04/05/2024
0☺️☺️☺️
29/01/2024
0Tingnan Lahat