Homepage/Under the Clouds/
Chapter 20
"Layuan mo ang kapatid ko."
The moment she saw us in that vacant room, I already predicted that something like this would happen. Naroon ang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa sistema ko. Naiinis ako, kinakabahan, higit sa lahat, natatakot.
Kasi alam kong hindi ko kaya.
"A-ate, I'm really sorry." Parang naiiyak kong anas dito. We are in the faculty room. It's a good thing that the teachers aren't inside this office. Kapag nagkataon, hindi ko rin alam kung paano ko tatanggapin ang kahihiyang ito.
"Alam mong may girlfriend siya. He have Ezperanza, mahal nila ang isa't-isa kaya lubayan mo si Jacques."
Bigla na naman siyang pumasok sa isip ko ngayon. Nasaan na kaya siya. I know he wants to depend me, pero hindi siya hinayaan ni Ate Violet na sumama rito. He received a hard slap a while ago. I wonder what his face looks like right now. Sana hindi ito namumula.
I bit my lower lip to somehow suppress the nervousness inside me. Naikuyom ko ang kamao na nakatago sa likod ko. She wants me to stay away from his brother. But how am I going to do that?
"H-hindi ko po kaya." Mahinang anas ko. I saw her throw her dagger eyes at me.
"Paanong hindi mo kaya?"
I never knew that Miss Violet Guevarra could be this intimidating. I mean, lahat naman sila ganito. They are all intimidating in their own ways. Isang dahilan kung bakit hindi ko nakakayanan na makipagtitigan ng sobrang tagal kay Jacques.
But this woman, she looks so fierce right now. Nakikita ko siya minsan dito sa school, nakakasalubong sa daan minsan. Her face is always so soft, that's why I'm a bit shocked that she could be this serious.
Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili.
"Hindi ko po kaya..." Pag-uulit ko. I saw her frowning. "K-kasi m-mahal ko na po si Jacques."
Out of nowhere, I told her a reason that I've never imagined saying in front of anyone. Being with Jacques is a risk. Having a secret relationship with him is even more riskier. Hindi ko rin alam kung kailan nagsimula. Hindi ko naiisip ang tungkol sa bagay na iyon. The only thing I know is that I don't want him gone. I always want to stay by his side as long as he'll allow me. I want to be his comfort zone.
As a matter of fact, I never sleep at night without thinking about him first. Hindi siya nawawala sa isip ko. I hate him for making me so crazy for him.
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang mahinang tawa ni Ate Violet.
"Mahal mo siya? You guys are too young for love. Paano mo nasabing mahal mo na siya? Gwapo ba? Mabait sa'yo? Alam mo… hindi porke't mabait sa'yo ang isang tao, gusto ka na rin niya. Please don't be blinded by your feelings."
"Sigurado po ako sa nararamdaman ko." Matapang na sagot ko sa kaniya.
"Or maybe you just love the idea of being with him. Maybe you just love the thrill of being in a forbidden relationship."
Nakagat ko ang bagang sa iritasyon. Naiinis ako. I don't want to be angry at her. Kapatid siya ni Jacques. Pero hindi gusto na pinapangunahan niya ang nararamdaman ko.
"Paano niyo nasasabi 'yan? Hindi niyo alam ang nararamdaman ko. Wala kayo sa sitwasyon-
"I've been there actually." Putol niya sa akin na siyang ikinatigil ko. "Sinasabi mo sa akin na hindi kita naiintindihan? I'm telling you this because I don't want you to repeat the same mistake I did before. Nakipagrelasyon ako sa isang lalaki kahit alam kong may girlfriend siya. And I'm telling you this because we have the same experience. Huwag kang magpakatanga, Madelaine. You deserve better."
I love him… for real. Pero noong una pa lang, alam ko na kaagad na hindi magiging madali ang lahat para sa akin. I'm giving him everything I have. Kapag inayawan niya ako, katapusan ko na. Maiiwan na naman akong luhaan at ubos na ubos. Pero siya, nothing will change in him. May Ezperanza siya. O kung hiwalayan man siya ni Ezperanza dahil dito, makakahanap pa rin siya ng ibang babae na mamahalin niya, kasi sino ba namang tatanggi sa kaniya.
"What did she tell you?" Salubong sa akin ni Jacques nang makalabas ako ng faculty. I smiled at him faintly.
"Layuan na raw kita."
He wasn't surprised about the idea. Alam din naman namin parehas na ganito talaga ang sasabihin ng ate niya. I understand Ate Violet for having that kind of reaction. Who would be happy if you find out that your brother is having a secret relationship with another girl. Kasalanan namin parehas kasi hindi kami nag-ingat.
O baka naman… kasalanan ko lang kasi hinayaan kong mangyari ang lahat ng ito.
"Ano sa tingin mo? Lalayuan na ba kita ngayon-
"No!" Mariing putol niya.
Mahina akong tumawa.
"I'm going to make ways. Sasabihin… ko na kay Ezperanza. Hindi mo kailangang lumayo at umiwas sa akin."
My lips parted with what he said. Did I hear it right? Totoo ba talaga iyon? He's going to tell Ezperanza about our relationship? Does it mean that he's going to break up with her? Ibig sabihin hindi na namin kailangang magtago?
Bumuga ako ng hangin at hindi makapaniwalang tumawa. I don't want to show him that I am very much affected, pero nakakainis kasi nangingilid na ang luha ko.
"Paano sina Twelve? M-magagalit sila kapag nalaman itong sa atin. Walang talo sa tropa."
"Ipapaliwanag ko sa kanila, you don't have to worry about anything. Kung ayaw nila, aalis ako sa grupo." I can see the determination in his tone. I bit my lip to contain the emotion. Hindi ako makapaniwala… hindi ko alam na posible pa lang dumating ang araw na ito. I know I love Jacques, okay na sa akin na kasama ko siya palagi. I don't requires him to introduce me to world. Pero itong sinasabi niya ngayon, sapat na para mag-umapaw sa saya ang puso ko. "Isa pa, Madelaine… hindi tayo magtropa. I never really treated you as one."
Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.
"Kaya pala palagi kang iritado sa akin noon? Bawat kibot ko pinapakialaman mo. Lahat na lang napapansin mo. Daig mo pa ang tatay ko."
"Palagi ka na lang may kasamang lalaki. Sa tingin mo matutuwa ako roon?"
Tumawa ako.
"Sana kasi sinabi mo ng mas maaga na type mo pala ako. Pwede naman kitang isingit sa schedule ko eh."
Sinamaan niya lang ako ng tingin. Even so, I can see that he's trying to suppress a smile. Kalaunan ay hinila niya ako at niyakap. Sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya nang mas higpitan pa niya ito.
Para akong naluluha.
Dati pinapangarap ko lang ito, ngayon abot-kamay ko na. I can finally tell her sister that I am no longer a secret that should always be hidden. At least, hindi na ito kagaya ng dati na kailangan naming magtago. Hindi ko na rin kailangang mag-alala masyado na baka ayawan niya ako kahit alam ko na hindi imposibleng mangyari iyon. Sana lang hindi pa ngayon. Kung aayawan niya ako, sana huwag muna ngayon. Gusto ko pa siyang makasama ng mas matagal.
"Are you okay?" Tanong niya nang makalabas kami ng school. Hapon na ngayon, sinadya naming dalawa na huwag nang sumabay sa mga kaibagan. Nahihiya rin ako kay Ate Violet. Nag-alala ako na baka sabihin niya na masyado akong malandi para makipag-relasyon sa kapatid niya gayong alam kong may girlfriend ito.
I know this is a big mistake. Pero ang sabi naman ni Jacques… aayusin naman daw niya 'di ba? Nagtitiwala ako sa kaniya.
"Kailan mo sasabihin kay Ezperanza?" Although I am half-smiling, I know I can't still hide the worried expression on my face. Hindi sa minamadali ko siya, gusto ko lang talagang malaman.
"Hahanap ako ng magandang pagkakataon para makausap siya." He assured me. Tumango naman ako dahil iyon lang ang kailangan ko ngayon, assurance.
Matagal siyang tumitig sa akin na parang sinusuri pati ang kaluluwa. Siguro nahahalata niya na kanina pa malalim ang inisiip ko. I'm still quite bothered about his sister. Paano kaya ako nito magugustuhan para sa kapatid niya gayong may bad records na kaagad ako. Sino nga ba namang ate ang matutuwa kapag nakita niya ang kapatid na may kahalikan sa isang bakanteng classroom.
"We're not going to make out anymore inside the university." Anas ko.
Kita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Why?"
"Nagtatanong ka pa talaga?!" Eh nahuli na nga kami ng ate niya. Paano pala kung iba ang nakakita sa amin.
"We still can, mag-iingat ako."
"Huwag ka nang mapilit."
"Madelaine." Puno ng pagtutol nitong anas sa akin. Kunot na kunot din ang noo niya.
"Paano kung ibang tao naman ang makakita sa atin? Edi pinag-usapan tayo ng buong school."
"Ano ngayon? I'm going to tell them you're my girlfriend. Walang masamang maghalikan."
"Ikaw mismo nagbawal sa akin noon na huwag akong makipaghalikan sa loob ng school."
"Bawal. Kapag hindi ako."
Mahina ko siyang pinalo sa braso at natawa. Ang kapal ng mukha niya. Kaya pala palaging galit sa akin dati. Gusto pala siya lang hahalikan ko.
Tumikdi ako at mabilis siyang hinalikan sa labi. Tumaas lang ang kilay niya sa akin. Ngumiti ako at muli siyang hinalikan. Mas matagal pa kaysa kanina. He was looking at me a while ago. Nagtaka ako nang biglang mag-iba ang ekspresyon niya nang lumampas ang tingin niya sa likuran ko.
Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan, mabagal akong lumingon sa likuran ko. I was shocked when I saw someone standing in front of us. There was a horrible expression plastered on her face. Ang dating maamong mukha nito ay napalitan ng hindi maipaliwanag na ekspresyon.
"E-Ezpreranza." I called her name. Bigla kong nakita ang pamumula ng mata niya. Napalunok ako at hindi maunawaan ang gagawin.
"A-anong ibig sabihin nito?" May bahid man ng galit, naroon pa rin ang natural na mahinhin niyang tono.
Bumaling siya kay Jacques, ganoon din ako. Nagkatinginan kami ng lalaki. I can see that he also don't know what to do at this moment.
"J-Jacques." Tawag ko rito. "Ipaliwanag na natin sa kaniya." I initiated the action. Mas mabuti na rin na ngayon na niya malaman. Kaysa naman patagalin pa natin 'di ba?
"No!" Mariing aniya na ikinatigil ko. Humawak ako sa braso niya subalit nabalewala ito nang maglakad siya patungo kay Ezperanza. "I'm going to explain." Aniya sa dalaga.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. His tone… It was not like he's going to tell her that he's going to break up with her or tell her that he wants to be with me.
His tone sounds like he's apologizing for what she witnessed. He sounded like he's sorry and he wants to fix everything. Not for me. But for her.
"A-anong ibig sabihin nito Jacques?" Naiiyak na tanong nito sa lalaki. Nakatalikod sa akin si Jacques kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"Magpapaliwanag ako."
Ang bilis ng mga pangyayari, nakita ko na lang na tumakbo palayo si Ezperanza. Nagui-guilty ako. Higit sa lahat… nasasaktan.
"Jacques!"
He followed her leaving me alone in that place. Para akong naiiyak pero wala namang lumalabas na luha. I felt so frustrated. Kanina sigurado ako, but the way Jacques acted when Ezperanza saw us, it's quite alarming.
Kasi hindi na ako sigurado… kung ako pa ba ang pipiliin.
Days after that incident, hindi pa ulit nagpapakita sa akin si Jacques. Maging si Ezperanza, hindi ko pa rin nakikita. I want to apologize but I don't know how to start. Silang dalawa, hindi na nagpaparamdam sa amin. I don't know what happened next or did Jacques already explained Ezperanza about our relationship. Ayos na ba? Pwede na ba kaming dalawa? I don't know, wala siyang paramdam.
But instead of pushing it through, I let days passed without seeing or talking to him. Naisip ko na kailangan din niya ng time para mag-explain. We cheated to Ezperanza, hindi madali na matanggap iyon.
Hindi ko rin sinasadyang mangyari ito, I don't like to hurt her. Wala siyang pinakitang masama sa akin. Ako lang talaga itong… hindi marunong lumugar.
"Nandiyan ba si Jacques?"
Makalipas ang lampas isang linggo na hindi niya pagpaparamdam sa akin, hindi na ako nakatiis at nagpunta na ako sa college nila. Si Sison ang tinawag ko dahil siya lang naman ang kakilala ko rito.
"Wala, hindi pa bumabalik. Bakit?"
Umiling lamang ako.
"Wala, may sasabihin lang sana ako." I tried to laugh to suppress the feeling inside me. Sa loob ng higit isang linggong iyon, kinakain na ako ng matinding pag-aalala.
Na baka mauwi na naman sa wala lahat ng pag-asa na naipon sa dibdib ko.
"Uhm… marami siguro kayong ginagawa ano? Kumusta… nakakatulog pa ba kayo?" I don't know how to tell him honestly. I was just so curious about it. Kung bakit hindi niya nakuhang magparamdam sa akin. Kung marami siyang ginagawa, maiintindihan ko naman.
"Huh? Integration week ngayon 'di ba? Bawal magpagawa ng kahit ano ang mga teacher."
Then realization hits me. Mas lalong nag-umapaw ang takot sa dibdib ko. Jacques was not busy about his studies. Baka busy siya sa ibang bagay. O baka naman… ayaw na talaga niyang magpakita sa akin.
"Sige salamat! Next time na lang ako sasama ulit sa bilyaran."
"Bakit? Hinahanap ka na nina Twelve."
"Ikaw na muna bahalang magsabi ng dahilan. Kailangan kong kausapin si Jacques mamaya."
Tumitig siya sa akin ng seryoso, kalaunan ay tumango na rin siya sa akin. Napabuntong-hininga siya na parang wala nang magagawa upang kumbinsihin ako.
"May problema ba kayong dalawa?" Mahinahong tanong nito.
Humalakhak ako.
"Kailan ba nawalan."
I decided to come back before dismissal. Hahanapan ko ng oras para makapag-usap kaming dalawa. Kung ayaw niyang gumawa ng paraan, ako ang lalapit sa kaniya.
Tatlumpong minuto bago ang dismissal, nasa labas na ako ng classroom nina Jacques at naghihintay sa kaniya. Doon ako pumuwesto sa bahagi na hindi niya kaagad makikita. Baka kasi makahanap kaagad siya ng paraan para matakasan ako, kung tama man ang hinala ko.
"J-Jacques!"
Kaagad akong humarang sa daraanan niya. Kaagad na kumunot ang noo niya nang makita ako. I was expecting a different reaction from him. Ngumiti lang ako para hindi niya makita na parang pinipiga na ang puso ko ngayon.
"Busy ka ba?" I asked him, even though I already know he's not. Or probably, baka may iba siyang ginagawa. I don't know. "Hindi ka na kasi nagparamdam simula noong isang linggo eh. I was expecting you to update me at least." I am smiling at him. Parang unti-unti akong pinipiga dahil hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha niya. Iyong parang hindi siya natutuwa sa presensiya ko ngayon. "Anyway, okay lang naman. Sabay tayong umuwi?"
Naging masyado akong makulit sa parteng iyon. Pakiramdam ko napilitan lang siyang sabayan ako kasi ultimo sa paglalakad namin, hindi siya nagsasalita. He just remained standing there… like he's not with me. Like he's not happy to be with me.
Nakarating kami sa tapat ng bahay ng walang pinag-uusapan. Gusto kong sabihin niya sa akin kung ano nang balita. Kung nakapag-usap na ba sila. Kung nasabi na ba niya ang tungkol sa aming dalawa. Kung okay na ba kami. Bakit biglang wala na siyang paramdam?
"Kumusta ka?" Mahina kong anas. Nangingilid na ang luha sa mata ko.
Napaiwas ako ng tingin dahil nanatiling seryoso ang tingin niya sa akin.
"Naipaliwanag mo na ba kay Ezperanza?" I tried to smile at him. "I also want to talk to her. Gusto kong mag-sorry sa kaniya kasi hindi ko napigilan ang sarili ko na magustuhan ka eh." Mahina akong nahalakhak.
Hindi pa rin ito nagsasalita. Naiinis ako. Naiirita. Nasasaktan.
"Hindi ka nagparamdam ng isang linggo. I know you're busy, hindi naman ako nagdedemand ng time." I don't want him to think na masyado akong demanding. "Pero kasi hindi ka man lang nagparamdam sa akin. I asked Sison kanina, nakalimutan kong integration week nga pala. I just want an update from you… okay pa ba tayo?" Parang nanghihina kong tanong sa kaniya.
Mas lalong nangilid ang luha sa mata ko. I somehow regretted asking him. Baka kasi… hindi na pala. Baka pala, nagkakamali na lang ako ng akala. Baka umaasa na lang ako sa wala.
"Madelaine." Seryosong tawag niya sa akin.
Dumapo ang matinding takot sa sistema ko. His tone… I don't like his tone.
"Huwag mo na pala sagutin. Mukhang wala ka pa sa mood eh. S-siguro bukas na lang tayo mag-usap. Gusto ko lang talaga makita ka ngayon."
"Madelaine…" for another time, he called me again. Napapikit ako ng mariin. Pakiramdam ko, hindi ko magugustuhan ang sasabihin niyang iyan.
"Huwag ka na magsalita please. Okay na, sa susunod na lang tayo mag-usap."
Saglit siyang nagbaba ng tingin sa lupa. I don't like his reactions. Mas lalo lang akong natatakot. Nang muli siyang bumaling sa akin, muntik pa akong mapatalon. Hindi ko na magawang makangiti sa kaniya kahit pilit lang.
"Huwag na tayo ulit magkikita."
Anas niya na halos magpatigil sa mundo ko. Paulit-ulit iyong dumagundong sa pandinig ko pero hindi ko pa rin makuhang maintindihan. Gusto kong ipaulit sa kaniya. Baka kasi nagkakamali lang ako ng dinig. Pero baka mas lalo lang akong madurog doon.
"B-bakit?" Nakangiti subalit naiiyak kong tanong. "A-akala ko ba magiging ayos na tayo? B-bakit hindi na magkikita? Ayaw mo na sa akin? Nagsawa ka na?"
"Just stop. I don't need to explain anything to you. Whatever happened between us two, let's end it here. Huwag na rin tayong mag-usap pa."
I want him to explain. Gusto kong malaman ang rason niya. Pero ewan ko, nawalan na ako ng lakas para magsalita pa. After a week of not showing himself to me, ito pala ang kalalabasan ng pag-uusap namin. Masyado na akong nawalan ng lakas na ultimo tawagin siya nang magsimula siyang maglakad paalis, hindi ko na nagawa.
I was astounded, I don't even know how to move. Napako lang ako sa posisyon kung saan niya ako iniwan. I can't process everything at once. Pakiramdam ko nagbibiro lang siya. O baka naman… niloloko ko na lang talaga ang sarili ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
😭 😭
03/07/2024
0Good
04/05/2024
0☺️☺️☺️
29/01/2024
0Tingnan Lahat