Homepage/Under the Clouds/
Chapter 16
"K-kuya Ferrer." I nodded at him nervously after I go out of Jacques' room. Hawak ko sa isang kamay ang libro na kunwari'y hiniram ko rito bilang alibi.
Mas lalo akong kinabahan nang manatili ang nanunuring tingin sa akin ng kuya niya.
"Si Jacques?" Baritonong boses na tanong nito sa akin. I bit my lower lip before I lifted my eyes on him again. He's staring at me seriously.
"N-nasa loob po." His eyebrows frowned. Siguro ay nagtataka ito kung bakit kalalabas ko lang sa kwarto ng kapatid niya. Kabado ko namang ipinakita sa kaniya ang libro na hawak ko. "Nanghiram lang po ako ng libro." Depensa ko sa sarili kahit wala pa naman siyang sinasabi.
God, he looks so intimidating. Matangkad, matangos ang ilong, makapal na kilay, naka-arkong mga labi, itim na mata at magandang hubog ng katawan. Magkamukha sila ni Jacques. The only difference is that he look more mature and intimidating.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang tumango siya sa akin at tumalikod. Kung nagtanong pa ito ay baka nanginginig na ngayon ang tuhod ko sa kaba.
I've only seen Kuya Ferrer in pictures downstairs. May litrato sila roong buong pamilya. Meron din mga graduation photos nila. This is the first time that I met him personally. Kung gaano siya kaseryoso sa picture ay doble pa niyon ang kaseryosohan niya sa personal!
"Oh bakit ang tagal mo?" Tanong sa akin ni Twelve nang makabalik ako sa salas. Naroon silang lahat at nagpapanggap na nagre-review. Dito kami sa bahay nina Jacques nakatambay ngayon. Midterms na kaya nag-akit silang magre-review daw. Pero halata namang nagpapanggap lang sila.
"Hindi kasi mahanap itong libro eh, nasa kailaliman pa." Katwiran ko at ipinakita ang book of ethics na hawak-hawak ko. I lied of course, the reason why it took me more than ten minutes to go out of Jacques' room is because we did something intense again.
Intense kissing session but no more than that. We know our limitations.
Hindi nagtagal ay bumaba na rin si Jacques mula sa kwarto niya. Makahulugan kaming nagkatinginan bago ko itinuon ang tingin sa hawak na libro. Walang pumapasok sa isip ko. Ganito talaga ako lalo na at alam ko na nasa malapit lang si Jacques.
I tried to focus even if my friends talk too much. Naisip ko na hindi nga sa akin si Jacques, at mas lalong hindi ako nababagay sa kaniya dahil sa ganitong ugali ko. Parang brusko, tamad mag-aral at walang preno ang bibig.
I really thinks that I am the exact opposite of Ezperaza. Hindi ako katulad niya na sobrang bait at sobrang hinhin. Hindi rin ako mayaman kagaya niya na nag-aaral pa sa private school.
Kung gusto ko mang magbago, hindi ko lang ito gagawin para maging deserving ako kay Jacques kundi para na rin sa sarili ko. I don't want to stay forever like this. Ayokong maging mahirap at talunan habang-buhay. I need a change. Kaya naman sineryoso ko ang pag-aaral.
Matapos ang exam, nakita ko na lang ulit ang mga kaibigan ko na nasa labas ng classroom ko at hinihintay ako.
"Tapos na kayo kaagad?" Pagod na tanong ko sa kanila. I really felt so exhausted. Ang dami ng items na sinagutan namin ngayong araw. Sobrang nakakaubos ng lakas at enerhiya.
Itinaas naman ni Aaron ang braso niya, halatang nagyayabang.
"Sus sobrang easy naman pala niyang midterms na 'yan. Tinanong ko pa nga professor ko kung meron bang mas mahirap." Lumapit ako sa kaniya at sinapak siya sa braso.
"Ang yabang mo!" Komento ko. Nagtawanan silang lahat.
"Parehas pala tayo eh, namimigay pa nga lang professor namin ng mga test paper, nangangalahati na kaagad ako sa sasagutan. Grabe wala pa akong review niyan ha." Sabat naman ni Twelve.
"Kapal ng mukha, saan ba nanggagaling 'yang kayabangan mo ha? Hindi ka ba nabakunahan noong bata?"
"Nabakunahan 'yan." Tumatawang anas ni Sison. "Bakuna sa anti-rabies nga lang."
"Gago!"
Kahit naman hindi nila sabihin, alam kong napagod din sila sa kasasagot ng mga tanong kanina. Kaya naman usapan na talaga namin noon pa mang isang linggo na kakain kami pagkatapos nito.
This is like our treat to ourselves after the stressing and depressing examination. Kahit papaano, naging proud din naman ako sa ilang mga sagot ko dahil nabasa ko lahat ang mga iyon noong mag-review ako.
That's why I also want to treat myself and tell how I feel to that certain someone who became my inspiration.
Pero wala siya ngayon dito.
"Uhm… nasaan si Jacques?" Nag-aalangang tanong ko habang hinihintay namin ang mga in-order na pagkain. Kanina pa ako naghihintay na dumating siya, baka naman hahabol. Hindi ko rin naman magawang sabihin kanina kina Twelve na hintayin na muna namin si Jacques bago kami pumunta rito kasi alam kong magtataka sila.
They know the history. Palagi kaming iritado noon sa isa't-isa.
"Hindi iyon makakapunta." Si Sison ang sumagot sa akin.
Napatango ako.
"Ah… bakit daw?"
Sa sinabi ko ay kita ko kung paano tumaas ang kilay sa akin ng kaibigan. Hindi maipagkakaila na sa kanilang lahat, pakiramdam ko si Sison ang may nalalaman.
"Ewan hindi nagsabi kung bakit eh. Basta umalis na lang kanina. Siguro pupuntahan si Ezperaza." Anas ni Sison habang nakatingin ito ng diretso sa mata ko.
Kabado naman akong tumawa, pilit isinasawalang-bahala ang labis na pag-aalala sa dibdib ko.
"A-ah, siguro nga. Wala namang ibang pupuntahan iyon kundi ang girlfriend niya." Abala sa pag-uusap ang iba naming kasamahan kaya hindi nila napapagtuunan ng pansin ang pinag-uusapan namin ni Sison. I gulped several times to ease my feelings. There was nothing to worry about. Sa totoo lang ay hindi dapat ako nag-aalala ng ganito dahil wala naman kaming relasyon ni Jacques.
Pero kung wala kaming relasyon... anong tawag sa akin? Anong tawag sa ginagawa naming dalawa? Ano ako sa kaniya?
"A-anong oras umalis?" Muli kong tanong. Nakita ko ang pagngisi ni Sison saka umiling-iling sa akin.
"Huwag ka nang magtangka, Madelaine. Sinasabi ko sa'yo, masasaktan ka lang." Makahulugang anas niya saka itinuon ang atensyon sa ibang bagay.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa reyalisasyon na ngayon ko lang tuluyang napagtanto. Sa ilang linggo naming ginagawa iyon, ngayon lang tuluyang pumasok sa isip ko kung gaano kamali at kadelikado ang pagsugal na ginagawa ko ngayon.
Dumating ang pagkain kaya doon na natuon ang atensyon nilang lahat. Subalit habang kumakain, tulala lang ako. Paulit-ulit kong hinahalo ang pagkain sa sariling plato subalit lumilipad ang utak ko patungo sa ibang bagay.
Pakiramdam ko lahat ng tuwa na naramdaman ko kanina pagkatapos kong masagutan ang mga questionnaire, bigla na lang tinangay ng hangin palayo. Nag-uusap silang lahat pero hindi ako nakikisali. Pinipilit kong makitawa kahit hindi ko naman naintindihan ang mga jokes nila.
Hanggang sa matapos lahat kumain, nanatili akong wala sa sarili.
"Madz, maglalakad ka na lang ba? Ilang kanto na lang layo ng bahay niyo rito oh?" Itinuro ni Twelve ang ikaapat na kanto mula sa pwesto namin. "Tara hatid ka muna namin."
"Ako na maghahatid, one way lang naman papunta sa amin eh." Pagprisinta ni Sison. Napabaling ako sa kaniya.
"Sigurado ka? Huwag mong papabayaan ito ha? Baka biglang madapa, tanga pa naman 'yan." Ginulo ni Twelve ang buhok ko saka sila naglakad papunta sa sakayan.
Hindi ko naman nagawang makabawi ng pang-aasar. Pakiramdam ko ay wala akong lakas ngayon para makipag-usap kahit kanino. Napabuntong-hininga ako at bumaling kay Sison.
Pinilit kong ngumiti. "Tara na, magdidilim na rin oh."
I lifted my eyes and stared at the dark clouds above. Nakakatawa, sa tuwing ganito ang nararamdaman ko, parang nakikiisa ang langit.
Mabagal ang bawat hakbang naming dalawa. Nananantiya. Nagpapakiramdaman. Ilang minuto rin kaming natahimik bago siya nagsalita.
"Kailan ka pa nagkagusto kay Jacques?" Diretsong tanong niya na siyang ikinabigla ko.
Napakagat ako sa labi upang pigilan ang matinding kaba.
"H-huh? Wala akong gusto kay Jacques. Alam niyo namang palaging mainit ang ulo namin sa isa't-isa 'di ba?" Pagmamaang-maangan ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nalaman ng lahat kung ano ang meron sa pagitan namin ni Jacques.
"Huwag ka nang magpanggap na wala kang gusto." Tumigil siya sa paglalakad at seryosong bumaling sa akin. "Ganito lang akong tao pero malakas ang pakiramdam ko, Madelaine. Naoobserbahan ko kayo lahat. Kung paano kayo magtitigan. Kung paano kayo umakto sa harap namin. Noong una akala ko imposible lalo na at hindi kayo magkasundo. Pero habang tumatagal, unti-unti kong napapansin ang pagbabago sa'yo."
"Anong pagbabago? W-wala namang nagbago sa akin ah?"
"Hindi ka na nagpapaligaw sa kahit sinong lalaki ngayon."
"Hindi ba pwedeng nawalan lang ako ng interes sa kanila?"
Umiling siya at tumawa.
"At palagi ko na kayong nakikita na magkasama ni Jacques sa library."
Napalunok ako at pinisil-pisil ang daliri sa kaba.
"N-nagpapaturo lang ako sa kaniya sa math. Alam mo namang eto lang ako, hindi ako magaling sa kahit na anong bagay-
"Naghahalikan kayo." Pagputol niya sa akin na siyang nagpakaba sa akin ng sobra-sobra.
Nakita niya? Paano niya kami nakita? Malayo kami sa mga estudyante.
Pero siguro nga... sa ilang beses naming ginawa iyon sa library, hindi malabong may makakita sa amin.
Pero bakit si Sison pa?
"K-kailan mo pa alam?"
"Hindi na mahalaga kung kailan ko nalaman. Ang mahalaga... maintindihan mo na habang maaga pa lang, umiwas ka na. Alam mong may girlfriend si Jacques pero pumatol ka pa rin? Kailan ka pa nakuntentong maging kabit, Madelaine?"
Nangilid ang luha sa mata ko dahil sa mga masasakit na salitang binitawan niya. I know everything in his words are all true... pero hindi ko matanggap.
Ibig sabihin, iyon ang tawag sa akin? Isang kabit?
I promised to myself that I won't ever tolerate cheating or be an accessory of the sin. But here I am right now, I am the sinner itself. May prinsipyo ako dahil sa panloloko nasira ang pamilya ko. Kaya ayokong manloko at ayokong maging bahagi ng panloloko.
Pero heto ako ngayon... sumugal pa rin kay Jacques kahit alam kong hindi na tama.
"Tigilan mo na ito habang maaga pa. Hindi kita kukunsintihin sa ginagawa mo. Malaki ka na at alam mo na kung anong tama at mali. Huwag mong hintayin na malaman pa ng lahat. Huwag mong hintayin na magkagulo pa dahil sa ginagawa niyo. Tigilan mo na, habang maaga pa umiwas ka na."
Malaking bahagi ng pagkatao ko ang ayaw sumang-ayon sa kaniya. Gusto ko si Jacques at pakiramdam ko nga, habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. I don't know what he feels towards me. I was so afraid to ask him. Natatakot ako na marinig ang isasagot niya tungkol sa kung ano lang ako sa buhay niya.
Buong magdamag ay ang mga sinabi lang ni Sison ang tanging gumugulo sa isip ko. Hindi ko magawang makatulog kaagad kakaisip. Ngayon ko lang tuluyang napagtanto kung gaano kamali ang lahat.
Ang sabi ni Sison umiwas na ako habang maaga pa. Pero bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko huli na ang lahat?
Even so, I still tried my best to avoid him the next morning. Pero pakiramdam ko hindi ko na rin kailangan pang umiwas. Kasi maghapon ko siyang hindi nakita. Usually, susunduin niya ako sa classroom ko at sabay kaming kakain ng lunch. O hindi kaya ay sa library kami tatambay at mananatili roon hanggang sa maubos ang oras.
But this day's different. Ni anino niya hindi ko nakita. Nitong hapon ay hindi rin siya sumama sa grupo papunta sa bilyaran. I planned to avoid him. Pero iba ang nangyari dahil parang mas lalo ko pa siyang hinahanap-hanap.
Weekends came, and I'm kinda felt excited about that. Kasi palagi siyang pumupunta sa palengke para tulungan ako at ihatid pauwi. But to my disappointment, he never showed up again.
"Asan na ba iyong kaibigan mo, Madelaine at hindi na nagpunta? Naumay na ba katutulong sa'yo?" Humalakhak si Aling Kata sa sinabi, halatang nabibiro.
Subalit hindi ako natutuwa.
"Baka po may ginagawa lang." Matamlay na katwiran ko.
"Naku, baka kamo naghahanap ng ibang babae. Sino ba naman kasing magtatiyaga sa'yo, Madel? Magmumukha ka ng gusgusin diyan sa damit mo. Maputi ka nga at maganda, pero hindi ikaw iyong tipo ng babae na hihintuan. Subukan mo kayang ayusin iyang sarili mo. Magdamit ka naman ng pangmayaman para magmukha ka man lang na sosyal!"
"Hindi ko naman po kailangan iyon. Kung talagang gusto niya ako, ako ang pipiliin niya." Wala sa sariling anas ko kahit alam ko namang hindi ako ang gusto.
Mas lalo ko pa iyong napatunayan nang isang hapon, sa loob ng isang linggo naming hindi pagkikita ni Jacques, muli siyang sumama sa gala ng tropa. Kaya nga lang, kasama niya si Ezperaza.
Hindi ko maiwasang ipagkumpara ang sarili ko sa babae.
Sobrang puti ng balat nito. Makinis, matangos ang ilong, maganda ang mata, mamula-mula ang pisngi, mapulang labi, mayaman at sopistikada. Sa kung paano pa lamang siya ngumiti ay marami ng napapalingon. Sobrang hinhin at pino ring kumilos.
Hindi kagaya ko... ano lang bang meron sa akin? Wala akong maipagmamalaki. Miski sariling ganda ko ay nagdududa na ako.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jacques. Hindi kagaya noon, wala na akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Sa isang iglap parang bigla kaming bumalik sa dati. Iyong magkakilala lang, pero walang espesyal na ugnayan sa isa't-isa.
Napaiwas ako ng tingin at hindi na nakayanang makipagtitigan pa sa kaniya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
😭 😭
03/07/2024
0Good
04/05/2024
0☺️☺️☺️
29/01/2024
0Tingnan Lahat