Chapter 12

"Paano mo nalaman na nandoon ako?" I asked him in the middle of the silence. Tuluyan nang kinain ang dilim ang buong paligid. Hindi na rin kami nakahanap pa ng masasakyan pauwi sa loob ng higit sampung minutong paghihintay. Isang hindi magandang bagay kapag sa probinsya ka nakatira, madalang ang dumadaang mga sasakyan lalo na kapag madilim na.
Masukal ang gilid ng kalsada at wala masyadong mga street lights. Kung meron man, napakadalang. Kaya hindi na rin ako nag-inarte nang sabihin niya sa aking sasabayan niya ako sa paglalakad pauwi.
There's a long silence between us again. I furtively roam my gaze around him. He's wearing a black jacket outside his t-shirt. Nakasuot lang din ng shorts at nakarubber shoes. Para siyang magjo-jogging sa porma niya ngayon.
"Napadaan lang." maikling tugon niya. Hindi naman na ako nag-usyuso pa.
Si Jacques talaga iyong tipo ng tao na hindi mo makakausap ng tuloy-tuloy. Ikaw pa mismo ang magsisimula ng topic kung gusto mong magkausap kayo. I wonder how he manage to capture Ezperanza's heart. Napasagot niya iyon ng paganiyan ganiyan lang?
"Siyanga pala, pakisabi na lang kina Twelve na hindi ako galit sa kanila ha? Busy lang talaga ako ngayon kaya hindi na ako nakakatambay sa bilyaran. Pakisabi huwag nilang ipahalata na masyado nila akong nami-miss." napahalakhak ako sa sariling sinabi.
This is the first time that I haven't talked with them for more than two weeks. Hindi ako sanay na hindi sila kasama at alam ko naman na ganoon din sila. Kaya nga noon, sa tuwing may mga outing kami, kahit sinasabi kong hindi ako makakapunta dahil walang budget, sila ang gumagawa ng paraan para makasama ako.
I love my friends. Nawawala stress ko sa tuwing kasama ko sila. Kontento na ako sa mga tawanan at pang-aasar namin sa isa't-isa. Kahit iyon lang nawawala na ang lungkot ko. Pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. I treasure my friends the most, kahit madalas nila akong pagtulungan, they are still the most genuine one.
"Akala nila galit ka, you never showed again after that day. Gusto ka nilang puntahan, nahihiya lang siguro." Jacques told me.
I was a little bit awed. I feel like he's words are comforting me. Para bang sinasabi niya na huwag akong mag-alala dahil kahit papaano ay hinahanap pa rin ako ng anim na siraulo kong kaibigan.
I laughed along with the cold waves of wind, still a little bit awed.
"Hindi ako galit! Nagtatrabaho na kasi ako ngayon sa palengke. Saka napagisip-isip ko na bawasan na muna ang kakatambay. Gusto ko ring bawasan ang pasanin ni Tita Christine, parang nagiging palamunin na lang niya kami ni Papa." tumawa ako para pigilan ang kahihiyan na namumutawi sa loob ko. "Malaki na ako kaya hindi pwede na palaging papetiks-petiks na lang. Kailangan ko ring kumita para yumaman kaagad ako."
Tumigil siya sa paglalakad. Napatigil din ako at takang napatingin sa kaniya.
"B-bakit?" nagtatakang tanong ko rito. Bigla akong napaisip kung anong mali sa mga sinabi ko. Sabi ko lang naman gusto kong yumaman. Ako lang ba ang nag-iisang taong ganoon ang pangarap sa buhay?
Sobrang tagal ng titig niya na pakiramdam ko ay ginagalugad na niya ang buong kaluluwa ko.
"Do you have a dream?" seryosong tanong niya sa akin.
Napaawang ang labi ko sa tanong niya. His question is quite surprising. It is unusual for a person to ask someone's dream. Totoo naman, sino bang tao ang magtatanong sa'yo tungkol sa pangarap mo sa buhay? Okay lang siguro kung magulang mo o kamag-anak. Normal na sa kanila ang magtanong tungkol sa mga ganitong bagay.
Pero sa mga ganitong kakilala, sobrang unusual. Ang awkward din masyado ng tanong niya. I'm surprised that we're not shouting with each other at this moment. Sa tuwing nag-uusap kasi kami, palaging sigawan.
"Bukod sa maging mayaman... wala na." tugon ko naman. It was a very practical answer. Hindi ako katulad ng ibang tao na kapag tinanong kung anong pangarap nila, sasabihin gustong maging pulis, maging sundalo, maging engineer, maging seaman o kung ano pa man. Kasi ako, hindi ko nakikita ang sarili na nakasuot ng uniporme ng kahit na anong propesyon sa hinaharap.
But above all these things, maybe, the greatest dream of my heart is to find someone who will love me completely. Simula nang iwan kami ni Mama, ito na ang isang pangarap na dala-dala ko pa rin hanggang ngayon.
I want to feel being loved by someone genuinely. Uhaw na uhaw ako sa pagmamahal kasi pakiramdam ko nag-iisa lang ako ngayon. Nanay ko iniwan kami. Ang tatay ko naman, hindi ko alam kung may pakialam pa sa akin. Saan ako hahanap ng pagmamahal kung mismong sa mga magulang ko wala akong maramdaman.
And if I tell this dream of mine to him, for sure he'll find it cringey. Kaya mas mabuting ibang pangarap na lang ang sabihin ko, iyong walang dudang galing talaga sa akin.
"Alam mo kasi... hindi rin maganda sa pakiramdam ang pagiging mahirap. Hindi mo kailangang mapunta sa sitwasyon ko para maintindihan mo iyon. Iniwan kami ni Mama tapos si Papa nawalan na ng gana sa buhay. Ako ang sumalo lahat ng problema. Kahit sinusuportahan kami ni Tita Christine, syempre hindi pa rin sapat iyon. Kaya nga nagtatrabaho na ako ngayon, kapag talaga nagkapera ako aalis kami dito ni Papa. Malayo sa lugar na ito." malungkot akong ngumiti at saka saglit na pumikit. "Kahit kasi dito ako lumaki, masyadong maraming hindi magandang alaala rito. Gusto ko rin na tuluyan nang maka-move on na si Papa sa pang-iiwan sa kaniya ni Mama. Hindi niya iyon magagawa kung nandito pa rin kami sa lugar kung saan sila nagkakilala."
"Pwede mong abutin ang pangarap mo ng hindi umaalis dito."
Nagkibit-balikat lang ako.
"Ayoko rin na habang-buhay akong nakakulong sa probinsya. Kahit papaano gusto ko rin namang libutin ang Pilipinas." humalakhak ako nang mapagtanto na masyado na akong maraming sinasabi.
Sobrang laking himala talaga na napakakalmado ng pag-uusap naming dalawa ngayon. Pwede naman pala kaming mag-usap ng hindi nagsisisigawan. Dapat dati pa namin ginawa. Kahit nakakapanibago, hindi maipagkakaila na payapa ang puso ko ngayon.
"Ikaw? Anong pangarap mo?" ibinalik ko sa kaniya ng tanong niya sa akin.
Sobrang tagal niyang natahimik na parang ginagalugad pa sa dulo ng utak niya ang sagot. Tahimik lang akong naghihintay sa sagot niya habang nakatitig sa mga mata niya.
"Maikasal sa taong pangarap ko." he said without even blinking.
Umihip ang malamig na hangin. Kaagad akong napaiwas ng tingin at binalewala ang kirot na dumaan sa dibdib ko.
"Ah... si Ezperanza." no other than his girl. Sino pa ba ang ibang babaeng gugustuhin niyang pakasalan bukod sa babaeng iyon. She's so beautiful and has a good heart. Kawalan na ni Jacques kung papakawalan pa niya si Ezperanza.
I suddenly remember the kiss. Pati ang nakakakabang pakiramdam habang hinahawakan niya ako. It feels so surreal. But tastes so wrong at the same time.
I don't want to tolerate cheating. But while we're in the middle of this moment, I suddenly want to try it... again. There's a tiny little voice in my head urging me to do it. Napakagat ako ng labi at muling nag-angat ng tingin sa kaniya.
"Jacques..." kabadong pagtawag ko rito. It wasn't surprising that I caught him staring at me already. Mas lalo lang iyong nakadagdag sa pagnanasang namumuo sa dibdib ko. Gusto ko ulit subukan. Kahit alam kong hindi pwede. Kahit alam kong bawal. "Do you find me beautiful?" walang-kurap kong tanong dito.
It took him time to answer, kinabahan ako dahil akala ko wala siyang balak sumagot. Until he answers,
"Yes."
I felt my heart beats so fast again. May kung ano sa dibdib ko ang nagdiwang sa sagot niya.
"Bakit mo ako hinalikan?" I asked nervously as the unfamiliar feeling of that day brought back to my senses.
His eyes are peircing my soul intensely. I can see those two black orbs glittering because of the faint light coming from the street light above us. Matagal ang ginawa niyang pagtitig... palagi na lang.
"I kissed you because I find you... really attractive."
I was left dumbfounded. I already admitted to myself that I find him undeniably attractive too. Pero hindi ko alam na ganoon din pala siya sa akin. Since when did it started? Noong unang araw na nagkita kami? O noong unang beses na napansin kong kakaiba ang mga reaksyon niya sa tuwing may kasama akong iba?
"Shit." I cursed under my breath before I pulled his shirt and kissed him. This time, I admit to myself that I was the one who crossed the line.
I have my principles. Pero ako rin pala ang unang bumali sa prinsipyo kong iyon sa pagkakataong ito. I felt him stiffened for a while. Napatigil ako sa paghalik nang hapitin niya ang baiwang ko upang mas lalo akong ilapit sa kaniya. He took that chance to devour my lips and take the lead.
We are kissing each other in the middle of the road. Walang tigil. Walang pakialam kung nasaang lugar kami. May isang sasakyang dumaan subalit hindi na namin napagtuunan iyon ng pansin. Ang nasa isip ko lang, mas mahalaga ito. Right at this moment, nothing's more important rather than kissing him.
It happened really fast. Sa panibagong waiting shed malapit sa kinaroroonan namin, natagpuan ko na lamang ang sarili na nakasandal sa haligi nito habang nasa harap ko siya at hinahalikan ko. His hands travelled from my waist up to my shoulders. Marahan niya iyong hinahaplos.
Hinihingal akong tumigil upang kumuha ng hangin. Madilim sa bahaging ito at walang makakakita sa ginagawa naming dalawa. Our eyes are both cloudy. Both intoxicated because of the unending kisses.
I gulped several times. Kumuha rin ako ng lakas upang makapagsalita.
"Sa tingin ko, tama na 'to. Dapat hanggang dito na lang-
He didn't let me finished a sentence. Muli siyang yumuko at sinunggaban ang labi ko. Mabagal niya akong iginiya paupo sa bench habang siya ay nanatiling nakatayo at walang tigil akong sinisiil ng halik. I know this is so wrong. Everything about what we're doing is so wrong.
Alam kong wala ako sa tamang pag-iisip ngayon dahil nagpatangay ako sa agos ng damdamin. Eversince he kissed me, hindi ko na nagawang makalimutan ang kakaibang pakiramdam na naidulot niyon sa akin. Mas lalo lang akong nainggit kay Ezperanza dahil kaniya si Jacques.
Gusto ko nga siya, pero alam ko kung hanggang saan lang ako at kung saan ako lulugar.
Mahina ko siyang itinulak at iniwas ang mukha ko. His face landed on my neck. Parehas na mabibigat ang pinapakawalan naming paghinga dahil sa nangyari. No one spoke for a couple of minutes. Siguro parehas pa naming pino-proseso kung ano ang nangyari. Nangilid ang luha sa mata ko at nagpasyang tumayo na.
"I'm sorry." aniya subalit hindi ako nagtangkang lumingon. My knees are still trembling, naroon pa rin ang impact ng ginawa naming halikan kanina.
"Sorry din, mali iyong ginawa nating dalawa. Now you cheated on her twice. Sobrang bait ni Ezperanza kaya hindi niya deserve na masaktan. I will stay quite and keep this hidden. Tama na iyong dalawang beses tayong nagkamali. If you love her, tigilan mo na ako. Or if you don't, just simply break up with her." huminga ako ng malalim at pinakalma ang namumuong damdamin sa dibdib ko. "Nasa'yo palagi ang choice. Sa inyong mga lalaki. Hindi ako maghuhugas ng kamay kasi ginusto ko rin naman. I just want to tell you that if you still value Ezperanza, you won't let this happen again."
Marami ng nasirang relasyon at pamilya dahil sa tukso. Kaya nga nangako ako sa sarili ko na hindi ako magloloko. Sadyang hindi ko lang napigilan kanina ang sarili. I grabbed the chance to taste him again because maybe, I won't be given a chance to be this close with him ever again.
Tahimik ang naging paglalakad namin hanggang sa makarating sa tapat ng bahay ko. Everything around us feels so awkward. O parang ako lang ang nakakaramdam niyon? We just got an intimate session under the waiting shed! Ngayon ko lang din napagtanto kung gaano kapusok ang ginawa naming iyon. Paano na lang pala kung may napadaan at may nakakita sa aming naghahalikan doon?
That would be a week-long issue in our barangay. Paniguradong magiging usap-usapan kami ng mga kapit-bahay na chismosa. At paniguradong mas lalo nilang iisipin na malalandi ang mga babae sa pamilya namin.
Napabuntong-hininga ako at bumaling kay Jacques. Akmang huhubarin ko ang jacket na ipinahiram niya kanina bago kami maglakad nang bigla niya akong pigilan.
"You can keep it... if you like." napatango ako at hindi na nag-inarte pa.
I smiled at him faintly, hindi man lamang iyon umabot sa tenga ko.
"Thank you for this night." mahinang anas ko. Thank you for letting me feel that kind of feeling again. As much as I want to be selfish and keep him for myself, I know it's wrong. It'll be the greatest sin that I'll be committing in my entire life. Kasi damay na rin ang prinsipyo ko rito.
That's why kung ano man ang nangyari sa pagitan naming dalawa ngayon, I'll keep it hidden as our dirty little secret.
Hindi naman nawala ang mariing pagtitig niya sa akin.
"Mauuna na ako."
Muli akong tumango at nag-iwas ng tingin sa kaniya.
"I-ingat ka."
I didn't let him speak again, nagmamadali ang ginawa kong paglalakad hanggang sa mabuksan ang pinto ng bahay namin. Sobra sa bilis ang pagtibok ng puso ko kahit naisarado ko na ang pintuan. Hindi ko na nakita pa ang ekspresyon ng mukha niya. Napapikit ako at napasandal sa pinto kasabay ng pagdarasal na sana mawala na kaagad ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    Sopeya

    😭 😭

    03/07/2024

      0
  • avatar
    Judy Ann Gilbaliga Catedral

    Good

    04/05/2024

      0
  • avatar
    ARINOMA LUDETTE

    ☺️☺️☺️

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata