Chapter 9

Napakurap-kurap ako sa kaba at mabilis na iniwas ang tingin. He's practically glaring at us! Wala naman akong ginagawang masama. Pero kung makatingin siya parang pinagnakawan ko siya o ginawan ng kung ano.
So to ease my feelings, I just chose to ignore him. But I find it non-effective because he's still creating chaos in my system. Inutusan ni Kurt ang isang representative na bumili ng pagkain namin. Hindi na ako nahiya dahil para sa lahat naman ang bibilhin ng lalaki.
Iniwasan ko rin ang tumingin kay Jacques buong oras pero minsan ay hindi ko mapigilang sumulyap. Naroon siya at abala sa pagtapos ng mga paper works nila. He look so pissed, as usual. Kunot na kunot ang noo at mahigpit ang hawak sa panulat.
I shrugged my shoulders off and focus my attention to Kurt. Dito dapat ako mag-focus dahil siya ang ideal man ko. Gwapo na masipag pa mag-aral.
"Hey... mukhang hindi ka makakakain sa ginagawa mo." kinuha ko ang atensyon ni Kurt. Napatingin naman ito sa akin. I took a spoonful of food and place it in front of his mouth. "Susubuan na lang kita. I know you're so busy at ayokong napapabayaan mo ang kalusugan mo. So here... I'll feed you." nakangiting anas ko.
He nodded his head while smiling, parang hindi makapaniwala sa ginagawa ko.
"Sigurado ka bang ayos lang? Pwede namang ako na lang pagkatapos nitong ginagawa ko."
Kaagad akong umiling dito. Siya na lang ang hindi kumakain sa mga kasamahan niya. I see that Kurt is really a dedicated student body. Bagay na bagay nga talaga sa kaniyang maging president ng student council.
"No, I insist. Hindi naman maganda na malipasan ka ng gutom lalo na at ikaw ang namamahala sa kaayusan dito sa school." I made him agreed with me. Napapangiti ako habang sinusubuan siya ng pagkain.
I can feel the stares of others to us. Kita ko ang ilang nahihiyang sulyap nila sa amin. But above all these things, I feel so satisfied. Mas lalo ko kasing nakita ang iritasyon sa mukha ni Jacques. Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Imbes na matakot ay ngumingiti lang ako sa tuwing nagkakasalubong ang mata naming dalawa.
"We're done, I'm really sorry, Madelaine. This was supposed to be our lunch. I've totally forgot na may mga nakatambak pa palang papeles sa office. Huli na nang maalala ko na ngayon na pala ang pasahan ng mga iyon." he said in apologetic tone.
"Ano ka ba ayos lang, may next time pa naman. Mag-lunch date na lang ulit tayo bukas." I smiled at him. Hinaplos ko pa ang pisngi nito habang nakatingin sa amin si Jacques. Napangisi ako nang makita ang mariing pagtatangis ng bagang nito.
"Alright. Come on, ihahatid na muna kita sa classroom niyo." I smiled widely and nodded at him.
Hinawakan niya ako sa siko at sabay kaming tumalikod. Hindi pa man nakakalailang hakbang ay sabay na kaming napatigil nang magsalita ang isang lalaki.
"How about the papers? This is urgent and you need to submit it to the office right now." Jacques said in a rude tone. Hindi naman nagulat ang nga kasama niya, siguro dahil sanay na ito sa ugali niya. Ako lang talaga ang hindi nagustuhan ang tono ng boses niya kay Kurt. Like, hello? President natin ito.
And Kurt, being the soft and good boy, ngumiti lang siya.
"Yes, idadala ko rin pagkatapos kong ihatid si Madelaine sa classroom niya." sagot nito sa isa.
Jacques, on the other hand seems like he didn't liked the idea.
"No, idala mo na kaagad ito sa office. I'll take care of her." nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at nataranta. Mabilis akong napabaling kay Kurt.
"It's okay, kaya ko namang bumalik sa classroom mag-isa. You don't have to accompany me." ngiting anas ko rito.
"Pero nakakahiya, Maddie. Hindi na nga kita naasikaso tapos hindi pa kita maihahatid-
"Ang sabi ko ako na bahala sa kaniya." mariing pagputol sa kaniya ni Jacques. "Ihatid mo na lang ang mga ito sa office."
Naging iritable ako lalo dahil sa mga sinabi ni Guevarra. Kung makapag-utos siya ay parang siya ang mas nakatataas kay Kurt ah? Vice president lang naman siya!
"No. Hindi na kaya ko na talaga. You don't have to worry about me." hindi ko pinansin si Jacques, sa halip ay kay Kurt ko lamang ibinaling ang buong atensyon ko. "Bukas na lang ulit! Bye!" mabilis ko itong pinatakan ng halik sa pisngi. Narinig ko ang bayolenteng singhapan ng mga kasamahan niya.
Ngumiti lang ako at patakbong nilisan ang lugar na iyon. I was very much satisfied with Jacques' reaction. I don't know why I feel like he's jealous with Kurt. Wala naman siyang gusto sa akin kaya bakit ganoon ang reaction niya. May girlfriend siya at sobrang ganda pa kaya wala siyang dahilan para ipagpalit si Ezperanza para sa akin.
Unless...
"Madelaine."
Napahinto ako sa paglalakad nang may marahas na humigit sa braso ko. Nanlalaki ang matang napabaling ako sa kaniya. His expression never changed and that makes me think twice...
Why do you have that kind of reaction in your face?
"Bakit?" I asked him, a small smirk was plastered in my lips.
"What was that?" kunot-noong tanong nito sa akin.
"Anong what was that?" painosenteng tanong ko rito.
Binitawan niya ako at frustrated na pinasadahan ng palad ang buhok. He glared at me again. Nagtaas-noo ako kahit dinadapuan na ako ng kaba sa harap niya.
"Anong meron sa inyo ni De Legazpi?" he's pertaining to Kurt.
"Wala ka bang galang? Mas mataas ang posisyon niya sa'yo sa student council pero kung makautos ka parang ikaw pa ang president. Wala ka ba talagang ugali?"
"Tinatanong kita kung anong meron sa inyo ng lalaking iyon." mas mariing aniya.
Napahinga ako ng malalim, frustrated na rin.
"MU!" iritadong sigaw ko rito.
Tumawa siya, hindi makapaniwala.
"M-what?"
"MU! Mutual understanding!" hindi ba niya alam iyon? Usong-uso iyon ngayon.
"And what kind of mutual understanding do you both have?" agresibong tanong nito sa akin.
"G-gusto namin ang isa't-isa." alanganing pag-amin ko sa kaniya. Napalunok ako dahil mas lalo lamang dumilim ang tingin niya sa akin.
"You can't be together. Mas matanda siya sa'yo ng ilang taon. Bakit hindi ka na lang mag-aral ng mabuti? Enough with your boys, Madelaine!"
"B-bakit ba nakikialam ka? Damdamin mo ba 'to ha? We like each other and you can't do anything about that! At isa pa, sasagutin ko na rin siya bukas and we'll be official couple. Ayaw mo noon? Magiging masaya ang kaibigan mo." pang-iinis ko pa rito.
Nagtangis ang bagang niya sa sinabi ko. Nakita ko ang kagustuhan niyang pagsalitaan pa ako ng kung anu-ano subalit napili na lamang tumalikod. He looked really angry. Gusto kong isipin na dahil iyon sa ayaw niya akong magkaboyfriend dahil nagseselos siya.
But it's quite impossible. I've confessed my feelings for him. Kung gusto niya ako sana hindi niya ako ni-reject noong hapong iyon. Besides, Ezperanza is always involve in the topic. Hindi siya pwedeng mawala dahil kasintahan niya ang lalaki!
Hindi ako sumama sa bilyaran kinahapunan dahil ayokong makita ang lalaki. Instead of thinking about Jacques, napili ko nalang na ituon ang atensyon kay Kurt.
Bukas ay sasagutin ko na siya. Hindi para inisin pa lalo si Jacques. I like Kurt for real. Hindi ako nagloloko lang dito at hindi ako naglalaro. As what I've said, I am not like what others think who I am, akala nila hindi ako nagseseryoso dahil mabilis akong magpalit ng boyfriend. They were wrong. Totoong nagugustuhan ko sila kaya ko sila nagiging karelasyon.
And I am not a user. Tama na na nagamit ko si Kurt kahapon para inisin si Jacques. I don't want to think of that guy again anymore.
So when the clock strikes twelve, mabilis akong nag-ayos ng sarili at nagtungo sa classroom ni Kurt. I feel quite excited for this day. Sasagutin ko na siya. Paniguradong matutuwa siya sa balita ko.
But I sense that something's off today. Parang may mali kay Kurt nang maglakad kami patungo sa bleachers. Hindi rin siya masyadong nagsasalita. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito. Napatingin siya sa akin. Kaagad akong ngumiti.
"Hey... what's wrong?" tanong ko sa kaniya.
Bumuntong hininga lamang siya.
"Stop playing with me, Madelaine." malungkot na anas nito sa akin. Kaagad na kumunot ang noo ko sa pagtataka.
"Huh?"
"Huwag mo na akong lapitan. I know you are just playing with my feelings. Hindi mo naman talaga ako gusto."
"W-what?" nataranta kaagad ako. "Gusto kita! Ano bang sinasabi mo riyan?"
"No, you don't like me. Hindi ko alam kung pinaglalaruan mo lang ba ako o ano. Gusto kita pero sana huwag kang magpapanggap na gusto mo rin ako kung ganiyang may gusto ka naman palang iba."
"A-ano bang sinasabi mo? Wala akong gustong iba. Sa katunayan nga, sasagutin na dapat kita ngayon."
He heaved a deep sigh. Mas lalo akong nanlumo.
"Jacques told me everything." saad niya. Kaagad na nabuhay ang kuryusidad sa dibdib ko. "Ang sabi niya... hindi raw totoo na may gusto ka sa akin. Ginagamit mo lang daw ako para pagselosin siya."
"W-what....?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"He said you confessed your feelings to him. Siya raw ang totoong gusto mo at hindi ako." dismayadong umiling sa akin si Kurt. "Please stop playing with me."
"M-matagal na 'yon. Wala akong gusto kay Jacques, he's just making you believe his lies to separate us. H-huwag kang maniwala sa kaniya."
"Hinalikan mo raw siya, kasinungalingan din ba 'yon?"
Fuck.
Fuck you to the moon and back, Guevarra.
"I d-did, pero wala lang iyon-
"So totoo nga." problemado niyang tinakpan ang mukha gamit ang mga palad. Mas lalo akong natakot at nataranta. "Glad meeting you, Madelaine. Please don't talk to me anymore." aniya at iniwan akong nakatanga roon.
And with that...
My love life just got ruined by a man named Jacques Guevarra. I can't believe that he just backstabbed me! Paano niya ako nagawang siraan kay Kurt?! He's so unbelievable.
Mabilis ang mga hakbang na ginawa ko upang makarating kaagad sa engineering department. May ilang tumatawag sa akin pero dahil sa galit ay hindi ko na sila nililingon.
Napatigil ako nang makarating ako sa floor ng mga third year. Ngayon ko lang tuluyang napagtanto na hindi ko alam kung saan ang classroom ng gagong iyon. Lumapit ako sa grupo ng mga kalalakihan na nakatingin na pala sa akin kanina pa.
"Kilala niyo ba si Jacques Guevarra? Saan ko makikita ang classroom niya." walang prenong tanong ko.
Maangas na tumingin sa akin ang lalaking nasa unahan. He's tall and white. Papasa na ito sa mga standards ko kung wala lang siyang peircing.
"Alam ko kung alin ang classroom niya." tugon ng lalaki sa akin. "Pero hindi ko sasabihin." nagtawanan sila sa harap ko.
Kaagad na nagtangis ang bagang ko sa iritasyon.
"Unless you'll kiss me." dagdag nito na kaagad kong sinunod. Sinapo ko ang batok niya saka siya hinalikan sa harap ng mga kaibigan niya. I heard their awed expressions. Bumitaw din kaagad ako pagkatapos ng ilang minuto at napatingin sa lalaki na mistulang natulala na ngayon.
"D-doon." wala sa sariling anas niya. "Doon ang classroom ni Guevarra." itinuro niya ang pangatlong classroom mula sa kinaroroonan namin. Hindi na ako nagpasamat at kaagad nagtungo sa lugar na iyon.
"Grabe ang wild." I heard one of them mumbled.
Dire-diretso akong pumasok sa loob ng classroom. Matapang ako dahil break time ngayon at walang teacher. Gulat na napatingin sa akin ang mga third year ng walang pasubali akong pumasok sa classroom nila.
"Madz? Bakit ka nandito?" takang tanong sa akin ni Sison. Ngayon ko lang naalala na magkaklase nga pala sila ni Jacques. Kaya siguro isinali niya ito sa grupo dahil matagal na rin silang magkakilala.
Hindi ko pinansin si Sison. Diretsong dumapo ang paningin ko sa lalaking prenteng nakaupo sa hulihang bahagi ng classroom at nakatingin na sa akin. Hindi siya nagulat na narito ako ngayon. It was as if he's expecting me to come.
Sa iritasyon ay sinipa ko ang isang upuan malapit sa kaniya. Hindi siya natinag. Ang mga kaklase niya ang nagkaroon ng bayolenteng reaksyon.
"Bakit mo ako sinisiraan kay Kurt?!" gigil na tanong ko rito.
Pinagsalikop niya ang mga palad at ipinatong ang dalawang paa sa arm chair. Halatang walang pakialam sa ipinapakita kong galit.
"I'm not..." parang tamad na anas nito. "Sinabi ko lang sa kaniya ang totoo."
"Sana hindi ka na lang nakialam. Nagmamarunong ka na naman eh wala ka namang ganap sa buhay ko!"
Bumaling siya sa akin, mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Madz ano ba 'yon? Pag-usapan niyo ng maayos kung may problema kayo. Huwag kang sumigaw." pag-awat sa akin ni Sison. Problemado na naman ang mukha niya ngayon.
"Problema ko lang naman ang lalaking iyan!" galit na itinuro ko si Jacques. "Ang hilig mamakialam sa mga ginagawa ko, sampid ka lang naman sa grupo." walang pakundangan anas ko.
"Madelaine." nagbabantang tawag sa akin ni Sison.
Nanatili naman ang galit kong tingin kay Jacques. His eyes suddenly became cold.
"Wala namang kaso sa akin kung nasa grupo natin siya, ang kaso bakit kailangan niyang makialam sa buhay ko? Sinisiraan niya ako kay Kurt."
"Kurt? Iyong president ng student council?" si Sison. Hindi ko siya sinagot. Ang lahat ng kaklase nila ay nakatingin na sa amin.
"Bakit ba galit na galit ka? Gusto mo na ba ang lalaking iyon?" it was Jacques who spoke this time. Kalmadong kalmado ang tono.
Malamang! Magagalit ba ako ngayon kung hindi ko gusto si Kurt?
"Sinabi ko na sa'yong gusto ko siya. Tapos bigla kang eeksena, siniraan mo pa ako! Bakit kasi hindi mo na lang itinikom iyang bibig mo? I told you, I wasn't serious when I told you-
"You like me?" pagtutuloy niya sa sasabihin ko. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Sison. Kaagad akong nataranta lalo na sa reaksyon ng mga kaklase niya. They're enjoying the scene. "You weren't serious that time? But you kissed me. Bakit ka nagagalit kung sinabi ko kay De Legazpi ang totoo?" he smirked at me. Napakuyom naman ako ng kamao dahil sa kahihiyan na natatamo. Lahat ng tao rito ay nakikinig sa pag-uusap namin. "Totoo naman na nagtapat ka sa akin 'di ba? Totoo na hinalikan mo ako. Wala pang isang buwan ang nakakalipas... imposible namang may gusto ka na kaagad na iba pagkatapos mong magtapat sa akin."
"S-so anong gusto mong p-palabasin?" I asked him nervously. Pinipilit ko lang na magmukhang matapang sa harap nila ngayon.
He then smirked at me again before he spoke.
"You still like me." walang pag-aalinlangang anas nito na nagkaroon ng bayolenteng reaksyon mula sa mga kaklase niya. They're cheering for us. Grabe naman sa pagbayo ang dibdib ko. Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil sa matinding kaba. "Huwag ka nang magalit sa akin dahil niligtas ko lang si De Legazpi. Papasok siya sa isang relasyon kasama ka pero iba naman ang gusto mo. I did him a favor and he thanked me after I told him your true motive."
Sunod-sunod akong napalunok at hindi na nagawang makapagsalita pa. Ilang beses ko na siyang sinusumpa sa utak ko. Nagtaas-noo ako at pinilit magmukhang hindi apektado kahit kabaliktaran niyon ang nararamdaman ko.
"I hate you." mahinang anas ko rito saka dali-daling naglakad palabas ng classroom. Everybody is looking at me weirdly. Nakangiti sila sa akin na parang nang-aasar.
What? Naniniwala ba sila sa sinabi ng Guevarra na iyon na nagtapat ako sa kaniya? Well... totoo naman, pero hindi naman ganoon kahalata. Wala naman sa itsura ko na mahilig akong magtapat ng nararamdaman sa isang tao.
Napakagat labi ako nang tuluyan akong makaalis ng building nila. Nanggigigil pa rin ako sa inis hanggang ngayon. Pero sa pagkakataong ito, nadagdagan na ng kahihiyan ang buong sistema ko. Pinahiya niya ako sa mga kaklase niya!
Napapikit ako ng mariin nang mapagtanto na baka gumaganti siya sa ginawa kong pang-aalaska sa kaniya noong nakaraan habang nag-iinuman kami sa bahay nina Diego. I made him walked out of the door. At ngayon, ako naman ang napa-walk out niya!

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    Sopeya

    😭 😭

    03/07/2024

      0
  • avatar
    Judy Ann Gilbaliga Catedral

    Good

    04/05/2024

      0
  • avatar
    ARINOMA LUDETTE

    ☺️☺️☺️

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata