Homepage/She‘s To Be Loved [Tagalog]/
Riana‘s POV
KABANATA 21
RIANA MARSHAE
"Mga pare! Sinasagot niya na'ko!" biglang tumayo si Carlo pagkatapos akong yakapin. Lumapit naman isa isa sakaniya ang tropa niya, except kay Carlisle na nakatingin lang sa araw.
"Huh? Anong sinasagot wala nga kaming narinig eh!" Aljay.
"Oo nga 'pre, wag ka ngang assuming!" Eugene.
"Nananaginip ka ba 'pre? Kung gano'n gumising ka na tanga, masama 'yan!" Dexter.
"Binabangungot ata 'to 'pre, antindi eh."
Stewart.
"Pre gising, 'pre!" kinalog kalog ni Aeron ang balikat ni Carlo at umaktong natatakot sa nangyayari.
Tumayo na ako at lumapit sa kanila.
"Hey, don't hurt my baby." pilit kong inalis ang kamay niya sa balikat ni Carlo, nang marinig ang sinabi ko ay naestatwa siya bigla. Gano'n rin ang iba.
"Puta, bro. Baby daw!" Aeron.
"Oh, shit may narinig ba kayo?" Eugene.
"Wala 'pre, ikaw ba?" Aljay.
"Wala rin 'pre," Dexter.
Hindi nagsalita si Stewart kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi siya nakatingin sa'min kaya sinundan ko ang tinitingnan niya. Kay Carlisle, kay Carlisle siya nakatingin na ngayo'y nakatingin na sa'kin.
Walang emosyon sa mukha niya pero ang mga mata niya'y nagsasabing meron. Sakit, at lungkot ang nababasa ko sakaniya, hindi ko alam kung tama ba ang nababasa ko o hindi. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, may saya do'n pero may halong sakit 'pag tinitignan ko ang mata niya. Nakakahawa ang emosyong mayroon siya.
Natauhan lang ako ng makitang tumayo siya at naglakad papalapit sa'min. Tumigil lang siya sa harap ni Carlo, na ngayo'y nakatingin na sakaniya.
"Congrats, 'pre." kaswal niyang sabi kay Carlo.
"Salamat!" masiglang tugon naman ni Carlo, tinapik lang siya sa likod ni Carlisle bago ito naglakad papunta sa mga tent. Balak naming mag-overnight dito ngayon, kaya nagtayo sila ng mga tent.
Isa isa na silang lumapit sa'min at bumati. Nang makapunta ako sa tent namin ay tsaka lang sumunod sa'kin si Arlene. Hindi siya lumapit sa'kin kanina, kaya siguro may importante siyang sasabihin.
Naiwan naman si Blix kasama ang boys sa labas. Naghahanda ng bon fire, para hindi masyadong malamig pag tumambay kami mamaya. Umupo sa harap ko si Arlene, hinawakan niya ang kamay ko bago huminga ng malalim at nagsalita.
"Are you happy, Riana?" kumunot ang noo ko sa tanong niyang 'yon.
"Of course, I am."
"Are you sure? I can see that you are not."
"I'm happy, Arlene. I'm the one who's feeling this, not you." mataray kong sagot.
"You're right, but i can see it. I really can see it, Riana. Don't hide your emotions, let it out and be true. Maraming masasaktan,"
"Kakasimula pa lang namin, Arlene. Stop questioning my emotions, i'm always true to myself," iritado akong tumayo. "Magpapahangin lang ako,"
Nanatili lang siyang nakayuko do'n ng lumabas ako. Nagderederetso lang ang lakad ko papunta sa kung saan. Nawawala na naman ako sa sarili.
Masaya nga ba ako? Pilit kong tinatanong ang sarili ko, ngunit wala akong makuhang sagot. Pakiramdam ko'y tumututol ang puso ko sa ginawa ng isip ko.
Am i true to myself? Sa tingin ko'y hindi dahil alam ko naman sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ng puso ko pero hindi ko 'yon pinapakinggan.
I love Carlo but.... I'm not sure if its really love, i really really can't understand myself right now! I hate this!
"Why are you alone here?" nagulantang ako ng marinig ang boses ni Carlisle sa likod ko. Napalinga linga naman ako sa paligid at hindi ko na makita ang mga tent na itinayo nila kanina.
"Nagpapahangin lang," simpleng sagot ko, hindi pa rin ako makatingin sa kaniya dahil sa kaba.
Lumingon ako sa kaniya, seryoso ang mukha niya ngunit may halong sakit naman ang mata niya. Parang dinudurog ang puso ko habang tinititigan siya sa gano'ng reaksyon.
Tanging agos ng tubig sa kung saan at kuliglig lang ang naririnig ko sa pagitan namin. Bigla akong kinabahan ng naglakad siya pa palapit sa'kin.
Akala ko lalapit na talaga siya sa'kin ngunit mas nagulat ako ng nilampasan niya lang ako at naglakad papunta sa kung saan. Napatingin ako sa likod niya, siguradong doon ang daan papunta sa ingay ng umaagos na tubig.
Nanatili lang ako ro'n, pinagmamasdan siyang naglalakad pa palayo sa'kin. Umaasang babalik siya rito at isasabay ako.
Ngunit nakalipas na ang ilang minuto'y nagtuloy tuloy pa rin siya at sobrang kayo niya na sa'kin.
Narinig ko ang paghawi ng kung sino sa halaman na nasa gilid ko ngunit hindi ko 'yon pinansin. Nawalan ng pag-asa ang puso ko sa nangyari, maglalakad na sana ako patungo sa kaniya ngunit may bigla nalang may humawak sa palapulsuhan ko't pilit akong hinarap sa kaniya.
Pagkaharap na pagkaharap ko palang sa taong 'yon ay nahiwa na agad ang pisngi ko dahil sa hawak niyang kutsilyo. Nakaabang na pala 'yon para sa paglingon ko. Wala akong naramdaman kahit sakit, manhid na nga talaga ako.
"Tulong-" tinakpan niya agad ang bibig ko ngunit huli na ang lahat, narinig ko na agad ang boses ni Carlisle ng tinawag ako.
"Riana!" sa sigaw palang niyang 'yon ay do'n ko lang naramdaman ang sakit. Dahil sa sigaw rin niyang 'yon ay pinulupot ng estranghero ang braso niya sa leeg ko at tinutok ang kutsilyo niyang hawak do'n.
Ipinikit ko nalang ang mata ko at dinama ang pagbaon ng kutsilyo sa leeg ko. Wala talaga akong maramdamang sakit, galing sa hiwa niyang 'yon. Kundi sa puso ko, do'n ko nararamdaman ang sakit na dapat nararamdaman ko ngayon.
"Wag kang lalapit, kung ayaw mong masaktan ko 'to!" 'yon lang ang huling narinig ko, ramdam ko na ang daloy ng likido sa dibdib ko. Nawala na ang brasong nakapulopot sa leeg ko kaya imunulat ko na ang mata ko.
Tuloy tuloy lang umagos ang luha ko ng makitang may dugo ang balikat ni Carlisle. Nakita ko naman ang lalaki sa gilid niya, nakahiga. Mukhang walang malay o patay na.
Hinawakan niya ang pisngi ko at inangat ang baba ko para magtama ang paningin namin. Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko gamit ang thumb niya. Ilang saglit lang ay sumubsob ba 'ko sa dibdib niya at ipinulupot naman niya ang braso sa bewang ko. Patuloy lang akong umiyak, hindi dinadama ang hiwang natamo.
"Hush, baby. Stop crying, i'll never ever leave you again."
IMINULAT ko ang mga mata ko. Nasa harap ko na ngayon sila Arlene, Blix at ang mga boys. Puno ng pagalala ang mata nila. Naramdaman ko ang hapdi ng pisngi ko, kaya napahawak ako ro'n.
"Thank God, you're awake!" bigla akong niyakap ni Arlene. "Buti nalang at naisipan mo pang gumising na gaga ka!" biro niya sa'kin.
Dream,
It was just a fucking dream!
"We heard your loud cries that's why we immediatly run to come here. We we're so worried about you, babe. Akala ko kung anong nangyayari, binabangungot ka lang pala." nagaalalang aniya bago ako niyakap ng mahigpit. Gumanti naman ako, at hinanap ng mata ko si Carlisle. Ngunit wala akong nakita ni anino niya sa loob ng tent na 'yon.
He cares for me,
But in my dreams only.
Isa isa namang lumabas ang mga lalaki, maghahanda raw ng makakain. 8PM na pala, nakatulog pala ako rito sa tent ng matapos ianunsyo ni Carlo na kami na.
"Sorry about the slap, masakit ba?" kamot pisnging tanong ni Arlene. Naiwan na kaming tatlo rito nila Blix. Hindi na sila pinakilos ng boys para raw may bantay ako.
May tama ba ako sa utak?
Lumpo ba ako para pabantayan nila? Siraulo ha! Binangungot lang eh.
"Hindi naman, sobrang sakit lang gaga ka!" sinabunutan ko siya. In the end nagsabunutan kaming dalawa.
"Tama na nga 'yan! Interviewhin nalang natin 'tong si Riana, Lene." awat ni Blix sa'ming dalawa. Kaagad namang tumigil si Arlene at pinanliitan ako ng mata.
"Sino kaya yang dahilan ng 'pag-iyak mo? Hmmm?" tinaasan ko siya ng kilay dahil sa tanong niyang walang kwenta.
I rolled my eyes. I playfully smirked at them. I crossed my arms under my breast, they look at each other. Pareho naring nakataas ang kilay nila.
"There's something in your smirk, huh!" Arlene.
"Yeah, you're right, Lene. She's hiding something," Blix.
"Oh guys, stop thinking nonsense about me! It was just a freaking dream, that will never gonna happen. Trust me," may halong lungkot kong sabi. Ngunit hindi nila napansin 'yon patuloy lang sila sa pagbubulungang dalawa.
"Other dream happens in real life, Riana." seryosong sabi ni Arlene.
"Yeah, whatever."
"It really happens in real life, i'm not joking here."
"I know, right?"
"Now, tell us what your dream is."
"I can't," matamlay kong sabi. "I-it hurts, so damn much." tears pooled in my eyes. Yumuko agad ako para hindi nila makita ang luha ko.
Dalawang sakit ang nararamdaman ko, isa para sa sarili ko at isa para sa mga desisyon kong tutol ang puso ko.
I really love Carlo,
Pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pagdating kay Carlisle.
I should stop thinking about Carlisle' feelings. I need to focus on my relationship with Carlo right now.
I sighed heavily, and looked up on them. Gano'n pa rin ang reaksyon nila, walang pinagbago. I bit my lower lip, and closed my eyes. Ayokong umiyak sa harapan nila ngayon dahil hindi nila maiintidihan ang sasabihin ko.
Kung sakaling nando'n lang sila sa panaginip ko'y maaring malaman nila ang nararamdaman ko.
"Girls, kakain na!" sigaw ng boys mula sa labas. Nauna na akong tumayo sa kanila, at lumabas na agad ng tent. Sumunod naman agad sila sa'kin, pasimple kong pinunasan ang tumulo na luha sa pisngi ko bago tuluyang humarap sa kanila.
Nakalatag ang dahon ng saging sa parihabang mesa sa harap namin. Ang magkabilang gilid ng dahon na 'yon ay puro kanin, may mga karne at isda naman na nakapatong do'n.
Sa dulo no'n ay ang mga prutas na hindi ko alam kung saan nila pinanguha. Nagpray na muna kami na madalas naming ginagawa pag nagsamasama sa hapag bago namin nilantakan ang mga pagkaing nasa harap namin.
Magkakatabi kaming girls, nasa kabilang gilid ko naman si Carlo at nasa harap namin ang mga boys. Karne ang pinili kong ulam dahil hindi ko trip kumain ng malalansa ngayon. Naka kamay lang kaming lahat, ni isa sa'min ay hindi gumamit ng kutsara. Gagamit lang kung maglalagay ng toyo o kung ano sa kanin.
Itinipon ko sa aking daliri ang kaunting kanin at kapirasong karne bago humarap kay Carlo sa gilid ko. Ngumiti ako sa kaniya ng humarap siya sa'kin ng gulat.
"Ahhhh." itinapat ko ang kamay ko sa kaniya para subuan siya. Agad naman niyang ibinuka ang bibig para maisubo ko 'yon sa kaniya. Nginuya niya 'yon ng nginuya hanggang sa maubos. Kumuha ulit ako at isinubo sa kaniya.
"Boss, baby ka ba?" biglang tanong ni Aeron kay Carlo, nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"Yes, he's my baby. Why? Have a problem with that?" mataray kong sagot. Namaywang pa ako gamit ang isang kamay, habang nakataas ang kilay na nakaharap sa kaniya.
Itinaas niya agad ang parehong kamay, sumusuko. "Nagbibiro lang eh,"
"Well, hindi ako nakikipagbiruan." pabiro akong lumapit sa kaniya ng siga. Nanlaki ang mata niya at agad na nagtago sa likod ni Carlisle. Napahinto naman ako sa paglapit ng makitang seryoso ang mukha niya.
King ina prend, dito ako natatakot eh sa ganitong mukha!
"Okay, baby. Stop that, let's eat." Carlo chuckled. He held my elbow and drag me back to my place. Nagpatuloy na kami sa pagkain at si Carlo naman ang nagsusubo sa'kin ngayon.
Lagi naman akong nakangiti habang tinatanggap 'yon. Kahit na nahahagip ng paningin ko ang seryosong mukha ni Carlisle ay hindi ko na pinagtutuonan ng pansin.
Pagkatapos naming kumain ay tumambay kami pabilog sa bonfire. Carlisle is strumming a guitar, and Stewart is his singer. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa habang nakahilig ang ulo ko sa dibdib ni Carlo, nilalaro laro niya lang ang kamay ko.
Naguusap naman sila Blix at Arlene sa gilid ko, bale nasa harap ko ngayon sila Carl at Stewart. Nasa gitara lang ang atensyon niya ngayon.
I recall when you said,
that you would never leave me
You told me more,
so much more like when the time you whispered in my ear
There was heaven in my heart
I remember when you said that you'd be here forever.
Nakatitig lang ako sa mga daliri ni Carlisle habang nagsstrum ng gitara.
Then you left without even saying that you're leaving,
I was hurt and it really won't be easy to forget yesterday,
And I pray that you would stay
But then you're gone and,
Oh, so far away.
Kahit sa pagigitara ay seryoso ang mukha niya. Kagat kagat pa ang ibaba niyang labi, the cold wind blew his hair a little kaya medyo nagulo 'yon. Hinayaan niya lang maging gano'n ang ayos no'n at nagpatuloy lang.
I was afraid this time would come
I wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within
I have learned to live my life beside you
Maybe I'll just dream of you tonight
And if into my dream you'll come
and touch me once again
I'll just keep on dreaming till my heartaches end.
I closed my eyes when tears pooled ny eyes again. Nandito na kami ngayon sa tent, pinapagitnaan ako ng dalawang unggoy. Ang parehong binti nila ay nakadantay sa'kin. Yakap na yakap pa sa bewang ko! Jusko, hindi naman ako aalis eh!
I open my eyes and look at the stars that shining so bright tonight.
I'll just keep on dreaming till my heartaches end.
Kinanta ko 'yon sa isipan ko, hindi ako makatulog dahil sa kakaisip. Pero dahil sa yakap nilang dalawa sa'kin ay bigla nalang akong hinila ng antok. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
21/12
0Super duper Ganda ng kwento Sana mag part 2🥹❤️
15/03/2025
0gijy8ugfftgbjo
20/04/2024
0Tingnan Lahat