69

☞ANDREW'S POINT OF VIEW
NANGINGINIG ang kamao kong tamaan sa panga ni Bob wala siyang karapatan babuyin ang pag-aari ko at lalong wala siyang karapatan para gawin ito.
Nagmamadaling sinuotan ni Alex si Thalia ng malaking jacket bago alalayan isakay sa jetski. Mayroon din nakasunod sa amin na mga pulis para dakipin si Bob.
BAGO namin sundan sina Thalia sa island na ito lumapit sa akin si Alex na magkasama raw ang dalawa. Nagtataka man ay tumawag ako ng mga pulis dahil iba ang kutob ko. Ni wala raw sinasabi si Bob na doon nila gagawin ang shoot ni Thalia.
At nakita namin ang hayop na Bob na 'yon pagsasamantalahanan si Thalia. Kahit wala pa ang pangpang tinalon ko ito at kaagad sinuntok sa panga. Hayop talaga. Nanggigigil pa rin ako.
Sa pangalawang pagkakataon sinikmuraan ko ito hanggang sa nakaluhod sa harap ko.
“P-patawad…”
“Tawad? Sinong gago patatawarin ka sa krimeng gagawin na kung hindi kami dumating—— hayop ka talaga mabubulok ka sa bilangguan!”
“Sige na posasan na 'yan.” utos ng isang pulis sa dalawang kasama. Pagkatapos ay may binabanggit itong salita na madalas sabihin ng mga pulis.
“Mabubulok ka sisiguraduhin ko.” ibig ko pa sana sapakin inawat lang ako ni Alex. Pareho namin tiningnan si Thalia sa jetski na tahimik at umiiyak.
“Ako nang bahala sumabay sa mga pulis.” I nodded sa sinabi nito bago lapitan si Thalia at yakapin ng masakay sa jetski.
“I'm sorry, love.” nangingiyak kong sambit.
“G-gusto ko nang umuwi.” nagulat ako sa sinabi nito ngunit tama sigurong iuwi ko siya dahil sa nangyari.
Sinimulan kong paandarin ang jetski hanggang sa inayos namin ang gamit para umuwi na ng bahay. Ibinilin ko na lang sa mga kasama ang trabaho. Nakasakay kami sa kotse ng magsalita.
“Sa bahay kita ihahatid.” Tahimik itong nakayakap sa sariling tuhod.
Hindi na ako nagsalita pa narating namin ang bahay hinatid ko ito sa kuwarto ko at pinahiga.
“Magpahinga ka muna.” nakatayo kong pinagmasdan ito pero dahil ayaw niya magsalita nagtalukbong ito ng kumot.
“Love, sabihin mo sa akin kung ano nararamdaman mo.” ngunit bigo akong makatanggap ng kung anong salita.
“Nandito lang ako sasamahan kita.” marahan kong niyakap matapos kong tumabi.
“Natatakot ako.” sambit nito at humarap sa akin. “Natatakot ako, Andrew.”
“Huwag mo alalahanin makukulong si Bob.” malungkot itong yumuko. “Alam kong nakatatakot ang nangyari pero magpakatatag ka.” sabay kami pumikit para kalimutan ang masamang nangyari.
NAGISING akong wala na siya sa tabi ko. Alas-nuebe ng gabi na sobrang tagal ng itinulog ko kaya naman pala kumakalam ang sikmura. Lumabas ako para magluto I'm sure gutom na rin si Thalia pero nasaan nga ba siya?
Nadaan ako sa table mayroon nang pagkain kaagad kong hinagilap sa kabuuan ng bahay at sa mini garden ko ito nakita may kausap ito sa cellphone.
⟦ Yes, ayos na ako. Yes, huwag ka masyado mag-alala magiging okay din ang lahat at gaya nang sabi ni Drew makukulong si Bob. Sige, papasok na ako sa loob salamat sa pag-aalala. ⟧
Naabutan niya kong nakatingin at nakikinig. Mayroon itong ngiti sa labi at tila hindi dumaan sa matinding pagsubok. Yumakap ito at humalik sa labi ko.
“Gutom ka na ba? Nagluto ako ng hapunan natin, sorry kung hindi kita ginising plano ko talaga ipagluto ka.” hinatak ako papasok sa loob. “Sanay na ako magluto ng favorite mo.” pinaupo ako sa upuan.
“Ayos ka na ba?” nag-aalala kong usisa.
“Huwag na natin isipin 'yon maayos na ako iisipin ko na lang na dapat tayong magmove-on.”
I approached her to hug and kiss her on the lips. Then we happily shared a late dinner. I do not have all that happened today it is important that she is in my house and I will sleep with her now.
MADALING ARAW NG alas-tres nang maalimpungan ako. Mayroon dumating chat mula kay Daryll. Nakikiusap itong bumili raw ako ng maraming bulaklak para ibigay kay Thalia at pagkatapos dalhin ko sa lugar kung saan pinareserve niya. Pinaayos na niya ang location bulaklak na lang daw ang kulang para ibigay.
Pagsikat pa lamang ng araw kaagad akong nagpaalam sa kanya na aalis ako pero sabi nito ay uuwi muna siya sa bahay nila Tita Jade para kumuha ng gamit.
Sa location kung saan gaganapin ang request nito ay inaayos na ng mga taong binayaran parang special ang mangyayari ngayong araw pero ano kaya iyon?
Mayroon tumawag mula sa restaurant may kailangan daw akong makausap pero dahil importante ay inutusan ko na lang si Alex na bumili ng mga bulaklak at idiretso sa venue. Pagkaraan kumausap ng mga bisita sa restaurant kinausap ko sa phone si Thalia na magpunta sa lugar na 'yon. Sana ay mauna akong dumating.
PAGPASOK sa loob ng venue maayos na. Nandito na rin ang mga bulaklak na binili ni Alex. Dinampot ko ang bulaklak para siyasatin nang tawagin ni Thalia ang ngalan ko.
“Napakaganda…para sa akin ba itong ginawa mo?” nakangiti rin nitong tiningnan ang bulaklak na hawak ko. “Para sa akin ba 'yan?” I nodded. “Kung ganoon bakit hindi mo pa ibigay?”
“Ang totoo—”
“THALIA, nagustuhan mo ba ang sorpresa ko?” pareho kami nagulat sa pagpasok ni Daryll.
“D-daryll...” sambit nito.
“Tinatanong kita kung nagustuhan mo ba sabi ko sa iyo ay susurprisahin kita.” kaagad itong yumakap at hinalikan sa noo. “Maayos ka na ba?”
Pasimpleng tumingin ang dalawa sa akin lumapit ako kaagad binigay ang bulaklak sa kaibigan ko, at kitang-kita ko sa mukha niya ang saya.
“Maiwan ko na kayo goodluck.” habang humahakbang ang mga paa ko unti-unti naman nabibiyak ang puso ko.
Mahal talaga ni Daryll ang babaeng mahal na mahal ko.
“Drew, salamat.” I nodded kahit di nakatingin sa dalawa.
“Daryll, mayroon sana akong sasabihin——” Dinig ko pero hindi itinuloy ni Thalia ang sasabihin.
“Gusto mo ba mag-usap tayo nandito si Andrew?”
“Hindi sa ganoon pero—”
“Ayos lang para marinig niya ang dapat niyang malaman.” nasa tinig ni Daryll na pinamumukhang kanya ang mahal ko.
“Last time….” hindi ko binalak marinig ang sasabihin ni Thalia kaya lumabas ako pero may kung anong nag-uutos makinig kahit nandito sa likod ng pintuan.
“Last time we talked right? I said tell me the truth.” tinig ni Daryll.
“I don't want to hurt you Daryll but I do not intend to make you look stupid. You love me so much I know that but I hope you understand I did everything just because it still didn't work out. Please forgive me for what I did.”
“I know, I just knew he was still in your heart. I made your proposal because I wanted you to be real but I was wrong, why, why did you agree to sin against me when you loved him so much?”
“Ayokong masaktan kita, Daryll.”
“Nasaktan mo na ako at patuloy pang nasasaktan pero mahal pa rin kita.”
“I will agree to marry you.” Ano?! Si Thalia, bakit gagawin niyang magpakasal kay Daryll. Akala ko ba sa akin, akala ko ba ako ang bubuo ng mga pangarap niya? Isinuot ko sa kanya ang singsing—
Pero teka kanina nang makita ko ang daliri nito walang singsing na suot kahit na singsing galing kay Daryll. Ano bang nasa isip niya?
“Nakikiusap akong huwag mo gagawin ang bagay na 'yan para lang ipakitang nag-aalala ka sa kalagayan ko. Noon pa man alam kong ako ang magiging talo. Simula ngayon palalayain na kita walang samaan nang loob, at walang magbabago.”
“I'm sorry, Daryll.” dinig kong hagulgol nito. “Mahal na mahal ko talaga ang kaibigan mo hindi ko alam anong gagawin kung mawala siya sa akin. Pakiramdam ko kapag wala siya sa tabi ko nalalapit ako sa panganib. Please, Daryll huwag mo sisihin ang kaibigan mo.”
“Bakit ko gagawin 'yon, eh alam kong pareho niyong mahal ang isa't-isa. Isa pa, baka bugbugin ako nang nakikinig sa usapan natin.”
Bahagya akong umatras dahil bumukas ang pinto ng kuwarto.
“Chismoso ka talaga,” muling sambit nito. “Nakikinig ka sa usapan ng ibang tao.” may pang-aasar.
“Hindi ako nakikinig.” buwelo ko.
“Chismoso, so ngayon alam mo na?”
Natigilan kami sa pag-uusap ng tumunog ang cellphone ni Thalia. Humingi ito ng paumanhin para sagutin at kaagad lumabas ng room. Ako naman ang hinatak sa kuwelyo ni Daryll papasok.
“Napaka chismoso mo hindi man lang hinintay na mag-usap tayo.” matapos magsalita nito ay kusang lumayo. “Siguro naman ay alam mo na.”
“Mahal mo siya hindi ba at pakakasalan mo siya?” naghahanap ako ng sagot mula rito.
“Mahal ko siya tama ka at pakakasalan tama ka rin pero naisip ko kung gagawin ko ang dalawang bagay na 'yan sino kaya ang magiging masaya? Malamang ako lang pero ang babaeng mamahalin ko at pakakasalan hindi dahil alam natin ikaw ang gusto niyang makasama habambuhay.”
“Paano ang singsing at paano ang mga sinabi mo noon inaya mo siyang pakasalan?”
“Sus, wala na 'yon balewala na 'yon kapag ikaw ang pinili niya at kung sabagay ikaw talaga pinili ni Thalia masaya ako para sa inyo. Ipinapaubaya ko na sa iyo ang lahat.”
“Ayokong makonsensya.”
“Eh bakit, dapat nga ay masaya ka dahil ibinibigay ko ang babaeng pinag-aagawan natin.”
“Nasasaktan ka.”
“Panandalian lang 'yon sinasabi ko sa iyo.”
“Sabagay madali ka lang magpalit ng babae,”
“Pero iba sina Princess at Thalia kung mayroon man dumating gaya nila hindi ko na pakakawalan.”
“Ano ka ba naman ikaw pa ba Daryll alam kong sa Eye catchers ikaw ang pinaka playboy kahit alam nilang ganoon ka ay nilalapitan ka pa rin. Napaka imposible wala ka mahanap ng pakakasalan.”
“May Anton pa dadamay sa akin.”
“Pareho kayo magdamayan. Ang guguwapo walang matinong lovelife.”
“Aba, sino nagsabi?”
“Mayroon ka na ba bago mo ipaubaya sa akin si Thalia?”
“Wala pa,”
“Sa ngayon wala pa pero soon mayroon na.”
“May na banggit sa iyo si Anton?”
“Na?”
“Mayroon pinakilala sa kanya ang mommy at daddy nito sobrang yaman gusto raw nila ang isa't-isa kaya sa lalo madaling panahon magaganap ang kasal ng kaibigan natin.”
“Hindi ko yata alam 'yon.”
“Masyado ka kasi abala sa buhay mo.”
“Sige pauunahin ko nang ikasal ang pinaka mayaman sa atin.”
“Eh ako? Ako, ako ba ang mahuhuling ikasal?”
“Magbago ka na kasi,”
“Susubukan ko,” may halong ngisi.
“Kaya nanghihinala rin ako kung puro ba pagmamahal mo kay Thalia kaagad mo kasi siyang pinakawalan.”
“Hoy, huwag mo ko husgahan. Isinaalang-alang ko ang pagkakaibigan natin tapos ganyan ka magsalita.”
“Hindi naman sa ganoon…”
“Gusto mo mag-away tayo at kainisan ng mga sumusubaybay sa atin?”
“Sumusubaybay?”
“Ah, wala.”
“Well, sabi mo nga. Salamat, salamat dahil hindi mo ko pinahirapan.”
“Plano ko sana pahirapan ka kaya lang tinamad na ako.”
Hindi ko siya makausap ng matino. Alam kong nasasaktan siya pero dinadaan lamang sa biro.
“Sorry ang daming sinabi ni boss pinapapunta ako today office.” balik ni Thalia.
“IHATID NA KITA.” halos sabay wika namin ni Daryll.
“Ihahatid ka na niya.” dugtong ko.
“Hindi ihahatid ka na niya.” buwelo ni Daryll.
“Ayos lang ako ng mag-isang pupunta ng office.” nagsenyasan kami ni Daryll.
“IHAHATID ka na namin.” sabay muli namin ng kaibigan ko. Natatawang tumango na lang si love sa ginagawa namin

Komento sa Aklat (34)

  • avatar
    VargasRhea

    naiyak ako dun na namatay c princess😭 Alas dos naku nakatulog kagabi dahil umiyak ako haysst. Tapos kaninang Umaga pag gising ko umiiyak ako dahil napanaginipan ko Ang jowa ko na namatay 😭 ibang klasi Ang story mo. napaiyak mo ako Ng husto 🤩

    11/12/2021

      0
  • avatar
    Amakabogera

    Ito ung pagkatapos kang patawanin, paiiyakin ka naman ng husto! Minsan akla ntin siya na hindi pa pla huhuhu 😭😭😭 dahil may mas deserving pa pla. Ang buhay ay puno ng misteryo!

    10/12/2021

      0
  • avatar
    Ce Ci Le

    Naku author Dami ko gusto sabhin sayo. HAHAHA thnkyou Sa Napakagandang Story mo although inalis mo Agad Si Princess 😢 Sana Sya yong Bida Hanggang dulo pero maganda At maraming twist, naiyak, tumawa at naging Happy ako Dahil dto sa story mo. More story to Write author khit my mga part akong di nagets pero Ang ganda nakakarelate Sa True life ❤️

    09/12/2021

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata