64

PAGGISING may hand-over pa. Kinuha ko sa pinakatago-tagong cabinet ang razor. Inumpisahan kong tabasan ang buhok sa ulo saka sinunod ang bigote, at balbas.
Pakiramdam ko walang bigat sa mukha ko at maaliwalas na muli. Dito lang yata ako na tauhan at handa na akong magsimula muli sa panibagong kabanata. Hindi na ito its a prank totoo na talaga.
“GOOD MOR—— woow Chef Andrew ang guwapo mo na muli, ah!” Bungad ng manager.
“Panibagong simula.” una't-huli kong sabi bago pumasok sa loob ng office.
Pinagmasdan ko ang mukha sa salamin saka inikot ang kabuuan ng office maya-maya lang sinimulan kong alisin lahat nang ala-ala ng asawa ko, at simula sa larawan, at iba pang kagamitan.
Hindi raw ako makakamove-on kung hindi ko tutulungan ang sarili. Kahit sa simpleng pamamaraan gagawin ko ito alang-alang sa panibagong buhay, medyo mahirap pero kakayanin, sasanayin kong mag-isa na lang akong mabubuhay.
Tinapos ko ito ng kalahating oras bago mamahinga. Wala pa gaanong tao kaya check ko muna inventory ng restaurant. Maya-maya may kumakatok bumukas ito at si manager ang pumasok.
“Chef, may naghahanap––”
“Si Thalia??” nabigla ako sa pagkakatayo.
“Ah, hindi po si Ma'am Charie.” nakaramdam ako nang lungkot pero kaagad kong iutusan papasukin si Charie sa opisina.
“Hulaan ko iba nasa isip mo magpupunta rito.”
“Maupo ka.”
“Nagpunta lang ako rito para humingi ng sorry. Sorry dahil naging sinungaling ako. Sorry kung–—”
“It's okay, masaya ako para sa iyong dalawa ni Nathan.”
“Salamat,” pinagmasdan mukha ko. “Guwapo nga talaga kapag walang bigote, at balbas bumata ka ng ilang taon.”
“Ah,” hawak ko sa baba, “Gusto ko magsimula sa umpisa parang pagod na rin akong ikulong ang sarili sa nakaraan na pilit kong inuungkat.” hawak ko sa sintido.
“Uminom daw kayo nila Carl, at Kevin. Alam mo na ba nangyari kay Daryll?”
Natigilan ako sa paghawak sa sintido, “Nangyari? Bakit anong nangyari kay Daryll??”
“Napaaway daw kagabi sa bar pero kaagad naman na tulungan nila Carl, at Kevin hindi mo alam?”
“Magkakasama kami kagabi pero wala akong matandaan na nagkita sila at tinulungan si Daryll.”
“HAHA baka dahil sa sobrang kalasingan mo wala kang malay.”
Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi pero wala akong matandaan. Nagising na nga lang ako kaninang umaga na sobrang sakit ng ulo pasahanggang ngayon.
“Huwag kang mag-alala nagpapahinga ngayon 'yon sa apartment.” I nodded bago pagdesisyunang puntahan ito.
“SI DARYLL?”
“Nasa kuwarto niya.” tugon ni Anton. I nodded bago puntahan sa kuwarto.
“Papasok…” pagkaraan ng ilang katok pinasok ko ang kuwarto niya. Naabutan ko itong nakaupo at may benda sa ulo.
“Kumusta?”
“Ayos naman.”
“Sinabi lang sa akin ni Charie nangyari sa iyo.”
“Are you serious? do you not remember what happened?”
“I tried to remember but nothing.”
“Kung sabagay lasing na lasing ka.”
“Ano ba nangyari?”
“Next time kung maghahanap ka nang away sana 'yong kaya mong kalabanin kaso tinulugan mo kung pinabayaan ka namin baka habang-buhay ka nang tulog. Magpasalamat ka sa amin dahil kahit ganyan ugali mo inalala pa rin namin ang pagkakaibigan natin.”
Ginawa ko ba talaga ang bagay na 'yon? Sa sobrang kalasingan nga ba? Natatawa ako sa sarili. Ang lakas pala ng tama nang hard drinks. Next time hindi ko na gagawin 'yon kung isa sa mga kaibigan ko ang mapapahamak.
“Pero ayos ka na ba? Sina Carl, at Kevin ganyan din lagay?”
“Malamang hinatid ka muna ng dalawa sa kotse kaya pagbalik nila bugbog sarado na ako. Malay ba namin gang ang hinamon mo ng away. Mabuti sa huli napakiusapan ni Nathan na asweltuhin kaysa umabot sa patayan.”
“Pasensiya na sa gulong ibinigay ko.”
“That time may na realize ako na hindi natin hawak ang buhay natin na kahit anong oras kukunin ng Dios kung gugustuhin niya. Akala ko talaga mamamatay na ako kaya isinusumpa ko hinding-hindi na ako makikipaglaro sa pag-ibig magiging seryoso na talaga ako!”  pareho kami natawa.
“Good to hear, sana hindi hanggang salita lang 'yan.”
“Gusto ko sana humingi ng kasagutan sa iyo. Hindi mo ba talaga mahal si Thalia kasi kung hindi, puwede ba ipaubaya mo na lang siya sa akin? Once she becomes mine I will never hurt her feelings. I will never let her be as foolish as I am to other women.”
“Kung 'yan ang gusto mo.”
He smirked, “Hindi mo pa nga sinasagot tanong ko. Do you loved her?”
“Mahirap magsalita nang tapos pero ipinauubaya ko na siya sa iyo. Alam kong hindi niya deserved masaktan para lang sa akin.”
“Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga pinagsasabi mo pero salamat, pre.”
I nodded kasabay nun ang matinding pagbunot ng hininga at pagpapakawala ng lumabas ako sa loob ng kuwarto.
Tama lamang ang ginawa ko ayoko maging makasarili. Hindi porque alam kong mahal ako ni Thalia ay gagawin kong ipagdamot siya sa iba. Desisyon ng bawat isa amin kung sino pipiliin niya pero ngayon isa lang naiisip ko hinding-hindi na ako pipiliin niya dahil nasaktan ko siya ng sobra.
PAGKARAAN nang ilang linggo nakikita kong hinahatid-sundo ni Daryll si Thalia sa trabaho mukhang sinimulan na niya ang dapat noon pa at masaya ako para sa kanilang dalawa.
“Bukas ang ating restaurant for catering kaya kung may kilala kayong naghahanap offer niyo ang resto at akong bahala mag-asikaso para roon.” sabi ko kay manager ng magkausap kami.
“Tamang-tama marami nagtatanong kung may catering tayo since napaka sarap daw ng mga putahe natin. Siguro naman ay lalong lalago ang negosyo mo, chef.”
“Basta sipag at tiyaga lang at ipauubaya ko sa iyo ang restaurant na ito. Sa isang branch alam kong kayang-kaya ni Alex pamahalaan 'yon.”
“Salamat chef hinding-hindi kayo magsisisi at hinding-hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay mo sa akin.”
“Dapat lang.” masaya kong wika.
Sa loob nang isang linggo mayroon ng naka line-up sa catering. Kumbaga inihahanda ko na lang ang sarili sa bakbakang trabaho. Nakiusap ako kay Daryll, at Carl na sila ang puwede ko isama sa ganitong sitwasyon. Kahit abala si Carl sa kumpanya nila Prinsesa ay ayos lang din ito kay mommy. Habang si Daryll lumago ang negosyo niya sa mga motor kaya mayroon na siyang na hired na manager to assist all apartment.
“NAKAKAPAGOD pero ang saya.” sabi ni Daryll habang ibinababa ang mga ginamit kanina sa event.
“Another experience.” wika rito ni Carl.
“Oo nga, ngayon alam ko na kung ano pakiramdam maraming raket like you.” sabi ko.
“Mababatak talaga katawan mo at mainam ito para makapag-ipon.” Daryll.
“Ipon? para saan?”
“Aayain ko na nang kasal si Thalia as soon as possible.”
“Talaga?” pasimpleng tingin ni Carl sa akin. “Masaya kami para sa inyong dalawa hindi ba, Drew?”
“Oo.” kaagad akong lumayo para hindi mawala sa konsentrasyon.
“Kumbaga itutuloy lang naman ang mga natigil naming ligawan. Sa totoo lang nagpapasalamat ako sa kanya dahil palagi niya akong tinatawagan kapag kailangan niya. Mamaya lang magkikita kami nagpapasama siya sa isang event kahit madaling araw kami makauwi ay ayos lang basta para sa kanya.”
Kirot.
Ewan ko kung bakit ganito nararamdaman ko. Nakangiti pero parang may parteng naiinis. Mukhang kailangan ko nang magpacheck-up sa puso.
“May mga pangyayari talaga sa buhay ng tao kung minsan ilalayo ka sa taong mahal mo pero sabi nila kung talagang kayo ipipihit pa rin ng panahong bumalik ang dating sinimulan.”
“Mahal na mahal ko talaga si Thalia mabuti na lang pinatunayan ni Drew na ako ang nararapat para rito.”
“Mahal na mahal pa rin niya si Prinsesa at hindi pa rin handang ipagpalit. So, balik tayo sa iyong dalawa kailan mo balak mag-propose?”
“Sasabihan ko kayo kung kailan basta kailangan nandoon kayong lahat.”
“Sure kaagad mo sabihin, ah.”
“Oo naman.”
Hindi ko na kinaya ang usapan kaya pumasok na ako sa kotse at binuksan ang radio.
ABALA kami mag-ayos ng restaurant ko dahil dito na pili ni Daryll ayain ng kasal si Thalia. Wala ibang tao maliban sa aming lahat at ang dinahilan ay i-cecelebrate ang kasal nila Nathan para hindi gaanong halata.
“Nandiyan na sa labas si Thalia ano mang oras magsasalita si Daryll bakit hindi ka pa lumabas?” pasok nila Agatha at ni Elaine sa opisina.
“Tinatapos ko lang itong mga schedule para sa event.” tugon ko kay Elaine.
“May oras para riyan mas importante ang proposal ni Daryll sa pinsan mo.” kapwa na upo ang dalawa sa upuan.
“May bumabagabag ba riyan sa puso mo?” duda ni Agatha.
“Bumabagabag? at bakit?”
“Drew, alam namin ang tagal mong ikinulong ang sarili sa mga ala-ala ni Pir kung ayaw mong makita ang mangyayari mamaya dahil sa medyo nakakainggit nga naman ay sige sabihin mo lang aalis kaagad kami rito at hahayaan ka.”
“Sino nagsabing na iinggit ako?” nagkatinginan ang dalawa. “Walang inggit, abala lang talaga ako rito.”
“Kung hindi ko sana maiisip ito baka kako nagseselos ka dahil si Daryll ang pakakasalanan niya.” natatawang sabi ni Elaine pero sinamaan ko lang ng tingin.
“Fine lalabas ako para hindi niyo isipin na iinggit o nagseselos ako.”
“Ayos!” nag-apiran ang dalawa saka naunang lumabas.
At ako nanatili pa rin tulala sa salamin habang inayos ang suot na polo umuntong-hininga at lumabas nang tuluyan.
Naabutan ko ang tagpong nakaluhod si Daryll, may hawak na bulaklak si Thalia. Mga nagsisigawan mga kaibigan namin. Ang lahat ay masasaya ang lahat excited marinig ang salitang bibitiwan ni Thalia.
Nasa puntong biglang rumehistro sa isip ko ang pangyayari na ako ang nakaluhod hawak ang singsing at nagtatanong ng “Will you marry me?” sa babaeng may hawak nang bulaklak.
Bumalik lamang sa realidad na nandito ako nakikinuod. Pilit ngumingiti at tinatanggap ang mga susunod na mangyayari. Nasasaktan ako, ngayon alam kong nasasaktan ako sa alam kong dahilan. Nasasaktan ako dahil hindi lang pagkagusto ito kung hindi ayoko na siyang mawala sa piling ko.
“ANDREW, ano ba nangyayari na naman sa iyo? pinasara mo ngayong araw ang restaurant para lamang sa maghapon kang iinom ng alak?” Naiinis na usisa ni Kevin.
“Hayaan mo lang ako.”
“Si Prinsesa na naman ba? hay, Andrew wala na tayong magagawa roon. Wala na siya, wala na siya sa mundong ginagalawan natin, ano ka ba?”
Napapahilamos ako sa inis, ayokong marinig ang bagay na sinasabi niya kahit hindi iyon ang dahilan lalo akong naiinis dahil ni isa sa kanila walang nakaaalam ng totoo kong nararamdaman.
“Hayaan mo na lang ako puwede ba?!” padabog kong baba sa baso.
“Walang makakaunawa sa iyo kung sasarilihin mo lang ang nararamdaman mo. Ikaw nagpapakaluksa riyan habang ang mga kaibigan natin masaya dahil mamaya na kasal ni Nathan.”
“Hindi ako pupunta.”
“Seryoso ka ba diyan??”
“Mukha ba akong hindi seryoso?” titig ko rito.
“Kasal ni Nathan ito!”
“Tsk, hindi ba matutuloy ang kasal kung wala ako? Ako ba ang pari na magkakasal sa kanila ha?!”
“Dios ko, ewan ko sa iyo Andrew patapon na yata ang buhay mo!”
“S-ige…s-sige…itapon niyo na lang ako kung saan ninyo gusto sawang-sawa na rin naman akong masaktan.”
“Andrew, nasasaktan ka dahil ikaw mismo pumipili niyan.”
“Wala ka kasing alam!”
“Ano ba kasi?!”
“Wala umalis ka na.”
“Hindi kita iiwan rito.”
“Tang-ina naman, Andrew! Alalahanin mong ako na lang ang nagtitiyaga sa ugali mo. Ako na lang na bestfriend mo at hahayaan mo ba na pati ako magsawa na?!”
“Ahh…bestfriend, bestfriend kita pero hindi mo alam, hindi mo alam ang pinagdaraan ko. Bestfriend kita pero hindi ka marunong makiramdam sa nangyayari. Wala kang kuwentang bestfriend!”
“Kung wala akong kuwenta bakit nandito ako?” malungkot nitong tanong.
“Kasi naaawa ka sa akin ayaw mo na sa buong eye catchers, miserable ang buhay, tama ba ako?”
“Hindi totoo 'yan.”
“Kevin—” hindi ko na pigilan humagulgol nang iyak. “K-EVIN——”
“Kaya mo 'yan hindi kita iiwan kaya mo 'yan.” akap sa akin dinig kong umiiyak na rin ito.
NAGISING akong nakahiga sa kama ng opisina ko nasa sofa si Kevin abalang may kinakalikot sa laptop nito. Ganoon pa rin ang suot kahapon nakabarong at halatang di pa natutulog.
“Gising ka na pala.” pansin nito nang bumangon ako.
“Pasensiya na kahapon.”
“Ayos lang,” todo ngiti na parang di galing sa malungkot na sandali. “Nakausap ko si Nathan gusto niya tayong makausap bago umalis para sa honeymoon nila.”
“Sige maliligo lang ako.” pasok ko sa banyo. Paglabas bagong ligo rin ito marahil doon siya naligo sa comfort room ng kusina.
AKALA ko ay kami lang ni Kevin ang  kauusapin since kami lang di  nakapunta sa kasal pero kasama lahat pati mga asawa nila.
“SA SINGAPORE kami magha-honeymoon dalawang linggo lang pero sana bago ako umalis puwede ba magsama-sama tayong lahat?”
“Eh ano pa nga ba?” bulaslas ni Alex.
“Isasama ko si Daryll.”
“HAHA akala ko ba honeymoon bakit may asungot?”
“Alex, umiral na naman 'yang ugali mo!” bulyaw ni Bella.
“Asungot pala pero don't worry pagbalik aasikasuhin ko na kasal namin ni Thalia.” akbay nito sa girlfriend.
“Hay, lahat happy ending na baka naman, Anton at Andrew ikasal na kayo.” Komento ni Carl.
“Kami talaga ang ikakasal??” gulat na tanong ni Anton.
“Dios ko po naging bobo na.” hirit na naman muli ni Alex.
“Tumigil ka nga!” batok ni Bella.
“Huwag na kayong umasa sa akin,” siyang tingin ni Anton, “Baka si Andrew may palihim ng girlfriend.”
Malungkot na tiningnan ako ni Kevin. Alam niya kung gaano ako nasasaktan ngayon dahil brokenhearted ako. Pero sabi nga huwag ipahalatang may pinagdaraanan ng hindi kaawaan.
“Anyway balik tayo, Andrew at Kevin may kasalanan pa kayo sa akin pagbalik ko dapat may magandang dahilan kayo.”
“Bakit hindi pa ngayon? Ano ba dahilan bakit hindi kayo nakapunta sa kasal?” usisa ni Anton.
“May tinulungan kami.” Kevin said.
“Aksidente?” dugtong ni Elaine.
“Hindi may nangangailangan ng tulong emosyonal.”
“Natulungan naman ba?”
“Hindi pa nga pero umaasa akong babalik din siya sa dati.” pasimpleng tingin pa rin sa akin ni Kevin.
“Eh kung ganoon sana iyang pinagkaabalahan ninyo ay magtagumpay. Ah, Thalia, ayaw mo ba talaga sumama kay Daryll?”
“Marami akong trabaho.” hindi nakatingin sa amin bagkus abala nitong hinahalo ng straw ang latte.
“Hayaa mo na Nate pagbalik ko sabay namin aayusin itong kasal namin.” komento ni Daryll na nakayakap.
“Alam ko na kung bakit todo iyak ka kagabi.” bulong ni Kevin sa akin. “Mahal mo ba siya?”
“Anong sinasabi mo riyan?”
“Huwag mo ko pagtaguan ng feelings, Drew.”
“Anong pinagbubulungan ninyong dalawa riyan?” sabat ni Carl.
“Wala.” sabay tugon namin ni Kevin.
Pero…tama nga siya ng nararamdaman mahal ko na nga talaga si Thalia, wala na itong halong biro, minamahal ko na nga talaga siya.

Komento sa Aklat (34)

  • avatar
    VargasRhea

    naiyak ako dun na namatay c princess😭 Alas dos naku nakatulog kagabi dahil umiyak ako haysst. Tapos kaninang Umaga pag gising ko umiiyak ako dahil napanaginipan ko Ang jowa ko na namatay 😭 ibang klasi Ang story mo. napaiyak mo ako Ng husto 🤩

    11/12/2021

      0
  • avatar
    Amakabogera

    Ito ung pagkatapos kang patawanin, paiiyakin ka naman ng husto! Minsan akla ntin siya na hindi pa pla huhuhu 😭😭😭 dahil may mas deserving pa pla. Ang buhay ay puno ng misteryo!

    10/12/2021

      0
  • avatar
    Ce Ci Le

    Naku author Dami ko gusto sabhin sayo. HAHAHA thnkyou Sa Napakagandang Story mo although inalis mo Agad Si Princess 😢 Sana Sya yong Bida Hanggang dulo pero maganda At maraming twist, naiyak, tumawa at naging Happy ako Dahil dto sa story mo. More story to Write author khit my mga part akong di nagets pero Ang ganda nakakarelate Sa True life ❤️

    09/12/2021

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata