63

☞ANDREW'S POINT OF VIEW
“IMAGINE sinigawan mo at pinagbintangang gumawa sino hindi iiyak?” naiinis na wika ni Carl habang naglalaro ng billard.
“At ipinamukha mong wala makakapalit sa posisyon ni Princess. Pre, girlfriend mo 'yong sinabihan mo.” dagdag ni Kevin.
“Kasalanan ko.” naguguluhan kong pag-amin.
“Talagang kasalanan mo kabago-bago lang away kaagad. Hindi ka marunong humawak nang relasyon.” natigilan ako sa sinabi ni Daryll.
“Anong sabi mo?” lumapit ako pero kaagad umawat ang dalawa.
“Huminahon nga kayo,” seryosong utos ni Anton. “Ang dapat mong gawin kung paano hihingi ng despensa. Nasaktan mo ang feelings ng girlfriend mo.”
“Paano pa hihingi ng despensa kung nasaktan na nga. Hindi madaling paamuhin si Thalia dapat kasi bago mo pinairal ang init nang ulo inalam mo muna ang totoo.” kinuwelyuhan ko si Daryll.
“Ano ba tama na nga 'yan mag-aaway lang talaga kayo dahil sa babae?” komento ni Nathan.
“Wow, Nate coming from you, ah. Hindi ba minsan na kayong nag-away ni Drew dahil kay Princess kaya huwag ka magmalinis diyan.” ano ba problema nitong si Daryll pagkatapos akong awayin si Nathan naman.
“Inaawat na nga kayo ikaw pa umuungkat ng nakaraan.” pinigilan namin si Nathan na huwag makalapit kay Daryll.
“Daryll, puwede ba huwag idaan sa sisihan ang lahat? Hindi nakatutulong 'yang paninisi mo sa iba.” awat ni Kevin.
“Ewan ko lang kung tanga o nagbubulag-bulagan lang kayo. Ginagamit niya si Thalia para makatakas sa nakaraan hindi deserve ni Thalia na paglaruan ng katulad niya!” padabog na lumayas si Daryll at sinundan siya nila Carl at Anton.
“Totoo ba?” hindi makapaniwalang usisa ni Kevin.
“Andrew, totoo ba?” ulit ni Nathan.
“Kami lamang ni Thalia ang nakakaalam ng totoo.”
“Pero totoo ginamit mo siya?”
“Kevin, kilala mo ako.”
“Pero bakit hindi mo masagot ng diretso ang tanong namin? Ginamit mo nga lang ba si Thalia para makamove-on kay Princess??”
Buntong-hininga kong pinagmasdan ang dalawa.
“Hindi naman sa ganoon ang sitwasyon.”
“Eh ano?”
“Girlfriend ko siya dahil gusto ko siya.”
“Gusto lang…” bulong ni Nate.
“Kahit na ako ay magagalit sa iyo.” inilapag ni Kevin ang bola ng billard saka umalis na walang sinabi.
Nakatitig lamang si Nathan habang ako nililigpit ang kalat ng iba.
“Hiwalayan mo na siya,” masamang tingin nito. “Mas makabubuti sa kanyang maging malaya kaysa umasa na walang kapalit. Andrew, this is not right para makatakas sa nakaraan, mauna na ako.”
Naiinis ako, mali ba ginawa ko? Tama naman di ba? Naging totoo ako gusto ko siya pero hindi ganoong sobra ngunit tama nga bang ginamit ko lamang siya?
NAGPUNTA ako sa flower shop ni Elaine para bumili ng bulaklak ibibigay ko ito kay Thalia.
“Sweet boyfriend, peace offering ba 'yan?”
“Nope, freedom offering.”
“Freedom offering? Bakit?”
“Sa akin ang may problema masyado akong naging kampante na hindi ko siya masasaktan mas mainam na sigurong palayain siya kaysa araw-araw kong nasasaktan.”
May lungkot itong inabot ang bulaklak.
“Sana tama 'yang desisyon mo, Drew. Alam kong si Princess pa rin pero hanggang kailan ka ganyan? Habang-buhay ka na ba magkukulong sa hindi nag-e-exist na pagmamahal?”
“Kaya nga ibibigay ko sa kanya ang kalayaan. Hindi pa ako handa at sorry kung nasaktan ko si Thalia.”
“No, hindi ka dapat sa akin humingi ng sorry dapat sa kanya.”
“Tama ka, alis na ako pupuntahan ko siya sa trabaho.” She nodded bago ko iwan.
KAAGAD kong nakita si Thalia abalang inaayusan ng mga personal assistant. Nakita niya ako, oo nakita niya pero dedma hanggang sa lapitan ako nang isang babakla-baklang personal assistant.
“Pogi, sino hanap?”
“Gusto kong makausap si Thalia.”
“Ah si Thalia?” lingon namin pareho sa puwesto nito. “Sorry ha busy, eh.”
“Hihintayin ko siya.”
“Naku, huwag ka nang umasa after nitong event may iba pang location na pupuntahan kaya hindi mo talaga siya makakausap.”
“Kahit na saglit?”
“Oo, eh.” natingin sa bulaklak na hawak ko. “Para ba sa kanya 'yan? Ako na magbibigay.” kaagad kuha nito. “Bumalik ka sa mga susunod na araw, salamat pogi.” wala akong nagawa kung hindi panuorin si Thalia habang kausap ng personal assistant nito.
Ni hindi tiningnan o hinawakan ang bulaklak bagkus ay ibinaba lang ng P. A ito sa mga lamesang may mga pagkain. Pinanuod ko muna itomh maglakad sa stage baka sakaling after nito makausap ko siya ng madalian lamang pero bigo, after non ay hindi ko na siya nakita, mukhang umalis na.
NANG mga sumunod na araw ganoon din ang dinahilan sa akin ng personal assistant. Gaya noong nauna ay ibinaba lamang ang bulaklak kung saan at bumalik sa trabaho. Binabalewala niya lahat ng effort ko.
ISANG gabi nilakasan ko ang loob na tawagan siya baka sakaling dito magkaroon ng pagkakataon na makausap kahit na saglit lang. Ngunit bigo, bigo kong makausap. Mukhang wala itong balak makipag-ayos.
{ Kausapin mo ako } sabi ko sa text. Maya-maya may reply ito.
{ Kung ano man ang pag-uusapan natin puwede kalimutan na? Ayos na ako tutal malaya na ako sa iyo. }
{ Sino nagsabi sa iyong…}
{ Daryll. }
{ Gusto kita makausap ng personal. Gusto ko humingi ng tawad sa ginawa ko. }
{ It's okay, Andrew. Pinatawad na kita kaya sana tumigil ka na. Hanapin mo na lang ang sarili mo baka sakaling mahanap mo sa ibang tao. God bless. }
{ Hindi ito madali para sa iyo kaya please kahit na sandali. }
Ngunit bigo na akong makatanggap ng reply mula sa kanya.
NAGKAROON ako nang pagkakataon makita siya kasama ni Alex. Inihatid ito sa bahay nila Mommy Jade. Kaagad ko silang sinundan sa gate pa lamang.
“Thalia, please mag-usap tayo.” nahawakan ko ito sa braso pero pilit ipinasok ni Alex ito sa loob saka sinara ang pinto.
“Umalis ka na lang.”
“Ano ba ginagawa mo?” iritable kong tanong.
“Umalis ka na lang, Andrew.” nakaharang sa pintuan.
“Alam ba ni Bella na ginagawa mo ito kay Thalia ha?!”
“Oo dahil sila mismo nagsabi sa akin na ilayo ko si Thalia sa iyo!” sabay tulak sa akin.
“Ano ba problema ninyo ha? Alex kapatid kita akala ko ba okay sa iyong ganito kami maging ayos kami?” hindi mawala inis ko.
“Sinabi kong lumingon ka sa paligid mo pero hindi ko iniutos na manggamit ka ng iba para makalimot. Andrew, tingnan mo nga 'yang sarili mo ni hindi ka na nagkukusang mag-ayos ng sarili. Pinababayaan mo ang buhay dahil sa taong kailanman hindi na babalik!” kinuwelyuhan ko.
“Huwag na huwag ka magsasalita nang ganyan, Alex.” gigil ko.
Puwersahang inalis ang kamay ko, “Mahal ko si Thalia, mahal ni Daryll si Thalia pero alam mo kung sino mahal niya? IKAW. Ikaw na walang ibang ginawa kung hindi saktan siya! Gago ka!” nagdilim paningin ko at na sapak ko siya.
Hindi ko inakalang aabot kami sa ganitong sitwasyon. Hawak nito ang labi na dumudugo.
“Pagod na siya, pagod nang umasa. Akala mo magiging maayos pa kayo?” umiiling. “Hinding-hindi na Drew. Kalimutan mo na lang siya…ah…hindi siya nga pala dapat makalimot sa iyo dahil siya lang naman ang nagmahal. Ikaw, maging malaya ka sa gagawin mo. Gusto mo maging miserable buhay? Go, hindi na kami makikialam at kalimutan mo na rin may kapatid ka.” padabog niyang isinara ang pinto ng makapasok sa loob.
Parang dito pa lang ako na tauhan sa ginawa ko unti-unti silang nawala. Ang laki nang kasalanan ko bakit ko ba ginawa ito na hindi nag-iisip. Ang tanga mo, Andrew, ang tanga mo.
“BIGYAN MO ako ng pinaka matapang na alak.” utos ko sa waiter.
“Andrew, idadaan mo sa matapang na alak ang problema mo?” usisa ni Carl.
“Hayaan mo siya,” dugtong ni Kevin. “Kailangan niya 'yan para tumapang-tapang.”
“Tsk, unbelievable.”
“Wala tayong pinapanigan dahil nandito tayo para ituwid bawat isa sa kanila.” dinig kong wika ni Kevin dito.
“Mukhang dito pa lang tayo magkakawatak-watak. Akalain mong si Princess din naging dahilan ng away natin pero kahit paano umayos at sunod nga kay Thalia.”
“Maayos din ito nasa simula pa lang naman tayo hindi ba, Drew?”
“Ewan ko.” inis kong nilagok ang alak na kadarating lang. Gumuguhit ito sa aking lalamunan.
“Alam mo ba kung bakit hindi ka makamove-on?” pinagmasdan ko maigi mukha ni Carl habang nagsasalita. “Dahil nakakulong ka sa mga masasayang ala-ala ni Prinsesa.”
“Ang kailangan mo gawin lumabas ka at magsimula sa panibago.” dugtong ni Kevin.
“Maayos naman si Thalia, mabait, maganda, minsan nga lang talagang maldita pero tingin ko magkakasundo kayo. Hindi mo kasi malaman mahal mo siya dahil wala kayong masasayang ala-ala.” saglit akong natigilan at pagkaraan ay nilagok ang sumunod na alak.
“Walang makatutulong sa akin.” padabog kong baba sa baso.
“Walang makatutulong o ayaw mo lang tanggapin na mayroon nang pilit nagbubukas sa panibago mong yugto?”
“Tama si Carl maaaring ayaw mo lang tanggapin ang mga nangyayari.” dugtong ni Kevin.
“Dahil ayoko pa pinipilit ko kaso ayoko pa talaga.”
“Drew, kung nabubuhay kaya si Prinsesa sa palagay mo masaya kaya niyang nakikitang nagkakaganyan ka? Tingnan mo sarili mo sa salamin malayong-malayo ang hitsura mo noong nabubuhay pa siya. Ngayon, ay ewan ko na lang kahit na mag-ahit hindi mo ginagawa kaya mukha kang ermitanyo.”
Sinipat-sipat ko ang kabuuan ng mukha ko. Ngayon ko lang din na pansin nagpabaya ako nang husto sa sarili.
“Wala na kasi dahilan para mag-ayos,” komento ko.
“Nagmukha ka tuloy matanda.” natatawang wika ni Kevin.
“Oo nga! Mag-ayos ka!”
“Magpagupit at mag-ahit hindi ka talaga lalapitan ng mga chicks kapag di mo kami sinunod.”
“Bukas na bukas,” muli kong lagok. “Pero ngayon magpapakalasing ako nang husto.”
Sabay umiling ang dalawa na tila naubusan ng pag-asa.
“Ay ewan na lang kung saan ka pupulutin.”
“Kaya kong maggupit sa sarili ano ba akala niyo sa akin?”
“Bahala ka na nga tara magpakalasing tayo.” humalakhak nang tawa ang dalawa matapos magsalita ni Kevin.

Komento sa Aklat (34)

  • avatar
    VargasRhea

    naiyak ako dun na namatay c princess😭 Alas dos naku nakatulog kagabi dahil umiyak ako haysst. Tapos kaninang Umaga pag gising ko umiiyak ako dahil napanaginipan ko Ang jowa ko na namatay 😭 ibang klasi Ang story mo. napaiyak mo ako Ng husto 🤩

    11/12/2021

      0
  • avatar
    Amakabogera

    Ito ung pagkatapos kang patawanin, paiiyakin ka naman ng husto! Minsan akla ntin siya na hindi pa pla huhuhu 😭😭😭 dahil may mas deserving pa pla. Ang buhay ay puno ng misteryo!

    10/12/2021

      0
  • avatar
    Ce Ci Le

    Naku author Dami ko gusto sabhin sayo. HAHAHA thnkyou Sa Napakagandang Story mo although inalis mo Agad Si Princess 😢 Sana Sya yong Bida Hanggang dulo pero maganda At maraming twist, naiyak, tumawa at naging Happy ako Dahil dto sa story mo. More story to Write author khit my mga part akong di nagets pero Ang ganda nakakarelate Sa True life ❤️

    09/12/2021

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata