logo text

WHAT DID SAMANTHA HAD DISCOVERED?

Simula ng mapaghinalaan ni Samantha si Ty Renz na ito ang pumatay kay Ford ay palagi na niya itong binubuntutan. Paminsan ay nasusundan niya ito pero minsan ay hindi. May angking bilis kasi si Ty Renz na hindi maipagkakaila ni Samantha na animo'y isang ninja ang sinusundan. Sa kakasunod niya nga kay Ty Renz ay minsan sa hindi inaasahan ay nakita niya kung paano ito mukhang tangang hinanap si Taki sa hindi alam ni Samantha na dahilan. Dahil sa kakasunod niya rin ay napuntahan niya ang rooftop na dati ay kwento lang sa kaniya. And what worst na nalaman niya sa kakasunod kay Ty Renz, ay nang  minsang biglang nawala sa paningin niya si Ty renz at si Taki ang napagtuunan niya ng pansin na minsang bumili ito sa cafeteria. Marahil dahil sa malapit ng magsimula ang laro ay hindi na napansin ni Taki kung sino ang nag abot sa kaniya ng drinks niya. Though nasa lalagyan ang kaniyang inomin but one thing for sure na sigurado si Samantha ay ang isang gamot na ibinuhos sa inumin ni Taki. She thought that it was a poison but after inumin iyon ni Taki ay hindi man lang napansin ni Samantha na may ininda si Taki.
Matapos ng Alpha One sumalang for their finals ay agad na nag kubli si  Samantha sa isang tela na di kalayuan sa group band.
"Excuse me,Miss. May hinahanap ka ba?" Tanong bigla ng nasa likuran ni Samantha dahilan upang ika iktad nito.
"Ah, yeah. I am there fans." Anang Samantha sabay turo sa kaniyang likuran which is ang Alpha One.
"Ah, talaga? Me too. By the way, My name is Ermanie. One of the SSC members. Gusto mo bang samahan kita sa kanila? Para naman makapag papicture ka." Yaya nito kay Samantha na agad namang tinanggihan ni Samantha. Kung alam lang nito na kaklase siya ng buong Alpha One ay baka paghinalaan siya nito. Mabuti na lang at hindi na namilit pa ang babae marahil ay dahil sa may bigla na lang tumawag dito na siyang ikinalingon rin ni Samantha.
"Halika muna." Anang lalaki sa may di kalayuan. Naka sombrero ito ng itim. Well, he's wearing an all black oufit.
"Ah, segi. Una na ko,ha? Tinatawag na ko ni Victor. Bye." Hyper na sabi nito tsaka patakbong pinuntahan ang nag tawag.
Nang ibalik ni Samantha ang kaniyang mga mata sa Alpha One ay wala na ang mga ito doon. Agad siyang lumabas sa kaniyang pinagkukublihan at hinanap ang mga ito but wala siyang napala. Lumabas siya ng auditorium upang hanapin ang mga hinahanap but wala pa rin ang mga ito kung kaya't naisipan niyang pumunta na lang sa pinakamalapit na Canteen upang mag snack kahit papano. Maliban sa nauuhaw siya ay  gusto niya rin kumain ng kahit ano.
Nasa hallway si Samantha nang may bigla na lang siyang nabangga.
"Sorry." Hinging paumanhin agad ni  Samantha na humawak pa sa ulo niya dahil medyo malakas ang kaniyang pagkakabangga.
"Okay lang." Sagot  naman agad nito. Umatras ng bahagya si Samantha upang makita ang lalaki at laking gulat niya na ang tumawag kay Ermanie kanina ang kaniyang nakabangga.
Ang kaninang ngiti ni Samantha ay napalitan ng pag kunot ng noo na hindi naman nakaligtas sa paningin ng lalaki.
"Ah? Masakit ba ang pagkakabangga mo? Bigla kasing kumunot noo mo,eh." Anito.
Samantha was shocked. Alam niyang ang nasa harap niya ngayon ang nagbigay kay Taki sa Canteen ng drinks na nilagyan ng kung ano.
"Victor,right?" Anang Samantha dahilan upang ito naman ang kumunot ang noo.
"Mmm? Yes? Am I that famous para makilala ng isang magandang binibini ang isang taong tulad ko?" Nagtataka subalit may halos biro na turan nito.
"Ah, sorry. Nabanggit lang kanina sakin ni Ermanie ang pangalan mo. " paliwanag naman agad ni Samantha na tinanguan naman agad ng lalaki.
"I'm Samantha by the way." Aniya sabay lahad ng kamay na agad namang tinanggap ng lalaki.
"Victor Bantuto III. One of the SSC members. " Anito na nakangiti. Nang maalala ni Samantha na may kailangan pa pala siyang hanapin ay nagpaalam na siya sa bagong kakilala na agad naman siyang hinayaang umalis. Ang planong pagbili ng maiinom at makakain ay pinalagpas na lang ni Samantha and good thing dahil sa hindi inaasahan ay nakita niya sina Alvie, Riam at Dawn na kung saan papunta. Halos takbo lakad ang ginagawa ng mga ito dahilan upang sundan ito ni Samantha.
After almost two minutes na pagsunod ni Samantha kena Dawn ay napadpad siya sa Hospital ng University. Nagtaka si Samantha kung sino ang naroon dahilan upang sundan ang mga tumuloy-tuloy na pumasok roon. Nang makapasok sa hospital ay agad nakita ni Samantha sina Ty Renz, Bright at Win. Mukhang nag-aalala ang mga ito. Saktong pag dating nina Dawn ay lumabas ang doctor. May sinabi ito sa mga nandoon at ilang sandali pa ay nakita niya kung paano umiyak si Dawn.
"Bitch!" Naiusal ni Samantha. What the hell? Pakitang tao lang naman ang pag-iyak nito. Marahil kung hindi sa SFU sila nag-aaral ay normal lang ito sa kaniya pero nasa University sila na ang lahat ay may itinatagong sekreto. Baka nga, one of this days ay sila-sila lang rin ang magpatayan.
"Ricin is one of the most dangerous poison in the world." Rinig na rinig ni Samantha ang malakas na pagsabi niyon ni Win na nakaharap sa cellphone.
"Ricin?" Muling bigkas ni Samantha. Gusto niya pa sanang makinig sa usapan ng mga kaklase pero minabuti niyang umalis na lang doon at alamin kung ano ang meron sa ricin na sinasabi ni Win.
Dali-daling nilisan ni Samantha ang hospital na kaniyang kinaroroonan. Dumeretso siya sa Auditorium upang hindi mapansin ng kaniyang mga kaklase ang pag-alis niya lalo pa't siya ang pinaghihinalaan ng mga ito na siya ang pumatay kay Ford. May signal naman sa loob ng Auditorium kaya hindi mahahalata kung doon siya mag-iimbistiga sa ricin na sinasabi ni Win.
Pagdating ni Samantha sa Auditorium ay agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone. Pinindot niya agad ang google to search what is ricin. Nang lumabas ang results ng kaniyang sinearch ay laking gulat ni Samantha na ang ricin pala na sinasabi ni Win ay isang lason na wala man lang antidote. Biglang napaisip si Samantha. Hindi niya nakita si Taki sa hospital na kasama nina Win so probably, si Taki ang na admit pero bakit? Ilang sandali pang nag-isip si Samantha ng maaaring dahilan pero wala siyang maisip.
"Let's all welcome, the Mighty Name Band!" Sigaw nina Prim at Marycris na siyang nagpatigil sa pag-iisip ni Taki. Tumingin siya sa entablado. Malakas na kumakalabog ang tambol kalakip na ang tunog ng base guitar. Ilang sandali pa ay biglang tumahimik at ang boses na lang ng vocalist ang naririnig. Habang pumapailanlang sa kawalan ang boses ng vocalist ay biglang kumunot ang noo ni Samantha. She know the vocalist. It's Victor. One of the SSC members. Habang titig na titig si Samantha kay Victor sa entablado ay biglang nag pop-up iyong nagdaang bumili ng drinks si Taki sa canteen at ito ang nag-abot. Agad niyang binalingan ang cellphone at muling tiningnan kung ilang oras muna i-effect ang lason.
" Signs and symptoms of ricin poisoning usually begins at 4-7 hours of being exposed to the toxin." Mahinang pagbasa ni Samantha. Inalala niya kung ilang oras na ba ang nakalilipas ng inumin ni Taki ang binili nito sa canteen. She can't exactly remember. Hindi ni Samantha matukoy kung si Victor ba talaga ang may gawa nito. Sa ngayon iisa lang ang tumatakbo sa isip ni Samantha. Hindi si Ty Renz ang salarin kundi ang bagong nakilala lang na lalaki. Ang SSC member na si Victor Bantuto III.
At exactly 10:45 pm matapos mag perform ng Mighty Name Band ay agad na inanunsiyo ng dalawang mc na ang mga mananalo ay iaannounce sa Friday since iyon naman ang big night ng CampComp dahilan upang matapos magpasiklab ng dance troop ng University ay agad ng nagsipagpuntahan na sa kani-kanilang quarter ang mga estudyante ng SFU.

Komento sa Aklat (80)

  • avatar
    JamesBns

    God

    22/05/2025

      0
  • avatar
    OliverGustavo

    bom de mais gostei bastante 👏👏👏 palmas Para quem escreveu esse livro

    03/05/2025

      0
  • avatar
    LumbatCamille

    It's good!

    19/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata