Chapter 96

LIAM BENJAMIN
Hindi maalis ang paningin ko sa puting gown na isusuot ko ilang oras bago sumapit ang pinakahihintay ko na sandali—ang pinakamahalagang araw para sa amin na magkakaibigan.
Dumungaw sa aking labi ang masayang ngiti ng maalala ko ang panahon na una akong tumapak sa ENH. Hindi naging sayang ang isang taon na inilagi ko sa Eastwest National. Hindi naging madali para sa akin ang pagiging transferee student, ngunit nalagpasan ko ang lahat ng challenges sa eskwelahan na ito. Sa lugar na ito ako natuto kung paano mahalin ang flaws ko, nagawa kong bitawan ang mga insecurities, pagiging mahiyain, at higit sa lahat, nakaya ko ng humarap ng walang takot sa mga tao.
Hindi na naging big deal sa akin ang panahon na na-bully ako sa huling pagkakataon. Sa katunayan ay may natutunan ako sa insidente na 'yon. Kung hindi iyon nangyari ay hindi ko malalaman na may taong handa akong samahan sa kabila ng masalimuot kong buhay. Nagkaroon ng tao na handa akong damayan sa kalungkutan, hinagpis. May mga tao pala na handa akong i-comfort, i-cheer at pasiyahin kapag nakakaramdam ako ng breakdown sa lahat ng aspeto sa buhay ko.
Hindi pa ako fully confident and totally healed—emotionally and psychologically dulot ng matinding pangbu-bully sa akin, nandito pa rin ang konting takot na baka dumating ang araw na bumalik ang anxiety ko. Ngunit unti-unti ay nagagawa ko ng kalimutan ang masaklap na dinanas ko noon. Thanks to them, sa mga kaibigan ko na hindi ako pinabayaan na makulong sa ganoong klase ng buhay. Salamat sa mga kaibigan ko na hindi ako tinalikuran at walang pag-aalinlangan akong tinulungan upang i-boost ang kompiyansa sa sarili.
Especially, thanks to my Erie. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko mararanasan kung gaano kasarap ang buhay estudyante. Pinaranas niya sa akin na magkaroon ng sigla ang teenage life ko. Nagmistula siyang saviour ko, inialis niya ako sa madilim na parte ng buhay ko at isinama ako sa makulay niyang buhay. Siya ang naging rason kung bakit ko nagawang mahalin at tanggapin ang sarili ko.
"Hindi porket illegitimate child ka, wala kang karapatan maranasan kung gaano kaganda ang mundong naghihintay para sa 'yo..."
Ang mga salita niyang iyon ang nagpa-realize sa akin na hindi ko pala dapat hinayaan na maniwala ang sarili ko sa mga pangungutya sa akin ng mga tao mula sa nakaraan ko.
She always reminding me that my existence matters, that I have my worth.
And look at me now. Kaya ko na tumayo sa harap ng maraming tao. Taas noo na akong lumalakad sa gitna ng mapanghusgang lipunan. Natutunan ko sa kaniya na hindi mahalaga ang sasabihin ng mga tao sa paligid, ang importante ay totoo ka sa sarili at hindi mo nagagawang manapak ng iba.
I'm thankful to God, siguro ay hindi sadya ang pagkakakilala ko sa kanya. May rason kung bakit siya pinadala sa akin at guluhin ang buhay ko. May reason ang araw na naiwan siya sa room at sinamahan akong kumain ng lunch noong unang pasok ko sa Eastwest. Napakadugyot ng una naming tagpo, ngunit naisip ko... Kung hindi ko siya nakitang naglilinis ng ilong habang kumakain, darating ba sa puntong ito ang buhay ko?
Kung hindi ba niya ako kinukulit at binubuwiset sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay mararating ko ang mayroon ako ngayon?
Kung hindi dahil kay Erie, hindi ako makakakilala ng napakabuti at totoong mga kaibigan.
Naputol ang pagre-reminisce ko nang may kumatok sa labas ng kuwarto ko. "Benji? Halika na, nandito na sila," boses iyon ni Mom.
"Okay! Susunod na po ako."
Saglit ko pang tinignan sa salamin ang ayos ko. Muli akong napangiti dahil sa nag-uumapaw na tuwa sa puso ko. "Congrats Liam, you made it."
Kinuha ko na ang toga at cap, madali akong sumunod kay Mom pero natigil ako sa pagbaba sa hagdan nang marinig ko ang boses ng mga kaibigan ko.
"Teeen teneneeeeen teneneneeen nenen~ tenenen nenen tenenen tenenen tenteneeeeeeeen!"
Napa-facepalm ako sa kalokohan nila. Nahihiya tuloy akong bumaba dahil ini-imitate nila 'yong graduation song habang pumapalakpak. Lahat sila ay nakatuon sa direksyon ko kaya abot langit na naman ang hiya ko. Napaka-iingay talaga ng mga baliw.
"Bigay pugay sa honor student!" sigaw ni Samuel.
Napakamot ako ng ulo dahil nag-bow pa silang lima na akala mo'y royal prince ang binabati nila. Sa bawat hakbang ko pababa ng hagdan ay chini-cheer nila ako. Nakangiting pinagmamasdan lang ni Mom ang kalokohan ng mga kaibigan ko, kita ko sa mukha niya ang saya hindi dahil sa nagkamit ako ng karangalan. Masaya siyang makita na nakatagpo ako ng mga kaibigang sinusuportahan, at mahal ako?
"Hindi naman halata na excited kayo?" Nakatawang saad ko ng tuluyan na akong nakababa.
"Siyempre naman! Proud kasi kami sa 'yo boss kaya inunahan na namin ang pag commend sa 'yo," inakbayan ako ni Lyndon, halos mawala na ang singkit niyang mata sa sobrang ngiti nito.
"Congrats, bro! Isang pizza naman diyan mamaya,oh," umakbay rin sa akin si Nicolai.
"Ang yaman-yaman mo sa 'kin ka nagpapalibre?"
"Gano'n talaga. Required manglibre kapag honor student, 'di ba Tita Lizelle?"
"Sige bibigyan kita ng isang slice ng pizza," sagot ni Mom.
"Bakit isa lang Tita? Lima kaya kami."
"Sabi mo kasi isang pizza lang, eh. Hindi mo naman sinabi kung isang box ng pizza," sabat ko.
"Marunong ka na mamilosopo?" Sinakal ako ni Nicolai gamit ang braso niyang nakasabit sa balikat ko. Patawa-tawa naman ako habang hindi ako makahinga sa ginagawa niya.
"Bitaw na! M-masakit!"
Hinila ako ni Kayle palayo sa kanya. "Nalulukot niyo ang polo ng honor student natin!" Singhal niya sa mga loko ngunit ngitian niya ako pagkaraan. "Congrats, Liam! Ang sarap sa feeling na nagkaroon ako ng matalino na kaibigan like you! I'm so proud of you, beeesh!" Niyakap niya ako at halata sa kanya ang excitement.
"S-salamat," hiya akong yumakap pabalik sa kanya.
"Ehem!"
Nalingon kami sa tumikhim, lalong lumapad ang ngiti ko nang makita ko ang hindi maipinta niyang mukha.
Humiwalay sa akin si Kayle bago pa siya makalapit sa akin. "Magko-congrats ka lang may payakap ka pa."
"Bakit bawal?" Pagtataas ng kilay ni Kayle.
"Tss." Nagpalitan pa sila ng masasamang tingin bago niya tuluyang itinuon sa akin ang atensiyon niya. In a snap, naging maamo ang expression ng maganda niyang mukha, inabot niya sa akin ang bouquet ng bulaklak habang hindi maalis ang paningin niya sa akin. "Congratulations, Private Benj hihihi."
Nagsimulang gumapang ang kilig sa buong sistema ko, parang binubulate na naman ang pakiramdam ko. Ang babaeng 'to talaga, bakit may pa bulaklak pa siyang nalalaman? Feeling ko ay ako iyong babae na inaabot ng ligaw. Napakagat labi ako, nahihiya kong kinuha ang bouquet sa kanya.
"Dami mo talagang pakulo."
"Anong pakulo? Graduation natin ngayon at nakasama ka sa honor roll, kaya natural lang na bigyan ka ng bulaklak 'no. Isa pa deserve mo naman 'to."
Mas lumapit siya sa akin sabay tumingkayad para yakapin ako. "Kung mayroong super proud sa 'yo rito, ako 'yon, Private Benj. Deserve mo lahat ng bagay na nararanasan mo ngayon." Kahit bulong ang pagkakasabi nito ay ramdam ko ang pagngiti sa bawat bigkas niya ng salita.
Nagsisimulang manubig ang mata ko, kapag kay Erie galing ang mga salitang nagpapalakas sa aking loob ay hindi ko maiwasan mapaluha. Ganoon kalakas ang impact ng pag-e-encourage sa akin ng pandak na 'to. Bago pa ako maiyak nang tuluyan ay niyakap ko rin siya ng napakahigpit.
"Thank you, Erie ko."
Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko nagawang isatinig. Sa sobrang dami ay hindi ko alam kung ano ang uunahin kong ipaalam sa kanya, rumble na sa utak ko ang mga bagay na nais kong sabihin. Ngunit nauunahan ako ng hiya kaya hindi ko rin magawang i-voice out kung gaano ako nagpapasalamat sa suportang ibinibigay niya sa akin. Kahit super close na ako sa kanya ay hindi pa rin ako vocal sa mga totoong nararamdaman ko.
Napupuno ng saya ang puso ko kaya hindi ko na rin magawa pang ibuka ang bibig ko at pagyakap na lang ang tangi kong nagawa.
"Tita Lizelle," tawag ni Samuel kay Mom. Tinuro nito ang relo niya sabay lingon sa amin ni Erie, mukhang nakuha ni Mom ang nais iparating ni Samuel. Hinayaan niya na ang nanay ko ang magpahiwaly kay Erie sa pagkakayakap sa akin dahil for sure magagalit itong kayakap ko kapag siya ang sumita sa amin na dalawa.
"Kayong dalawa," nakangiting tawag niya sa amin. "Mamaya niyo na ituloy 'yang yakapan niyo. Late na tayo sa ceremony."
"Si Tita talaga, nagmo-moment pa kami rito, eh," nguso ni Erie na hindi pa rin kinakalas ang pagkakaakap sa akin.
Kinurot ko siya sa tagiliran dahilan para lumayo ito sa akin. "Araaaaay! Bakit ka nangungurot?"
"Baka hindi na tayo makamartsa kakatantsing mo sa 'kin."
Inismiran ako nito sabay irap. "Sa pagkakaalam ko, enjoy na enjoy ka rin sa tuwing niyayakap kita. Kunwari ka pa na ayaw mo." Lumapit siya muli at binulungan ako, "mamaya na tayo mag-babe time after graduation." Kinindatan niya ako pagkasabi no'n.
"May binabalak ka na naman na kamanyakan sa 'kin? Tataguan kita pagkatapos ko magmartsa mamaya!" Pinitik ko ang noo niya sabay nanakbo ako patungo sa likuran ni Mom.
"Tita! Si Benjamin!" Sumbong niya kay Mom at inis niyang hinimas ang pinitik ko.
Dinilian ko lang siya habang nakatago ako sa likod ni Mom. Tinawanan lang siya ng mga kasama namin dahil hindi siya makaganti sa ginawa ko.
"Mga damulag na kayo nag-aasaran pa kayo ng ganyan? Mabuti pa umalis na tayo dahil hindi talaga kayo makakamartsa kapag na-late kayo," natatawang saway sa amin ni Mom.
-AndyThoughts-

Komento sa Aklat (94)

  • avatar
    Berny Delatorre

    hi good night

    28d

      0
  • avatar
    FontalvozapataYeison

    buen libro excelente

    05/06/2025

      1
  • avatar
    ManabatKendra

    Skibidi toilet

    15/03/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata