Homepage/Memories of Erie/
Chapter 85
LIAM BENJAMIN
Sinimulan namin ang paglilibot sa buong campus, lahat ng puwedeng booth na puntahan ay pinuntahan namin. At lahat ng food stall na nakikita namin ay hindi namin pinapalampas.
Jail booth, horror booth, movie booth, face paint booth. Lahat yata ng booth ay napuntahan namin, except marriage booth. Iniiwasan namin ang mapadpad sa lugar na 'yon dahil maraming mga babae ang nakaabang doon—mga fangirls ng tatlong itlog. At mukhang hina-hunting sila ng mga loyal fans nila kaya ang tatlo ay laging nagtatago sa tuwing mayroong mga group ng babae ang gumagala-gala sa campus.
Ang hirap din pala maging sikat at guwapo? Thankful din talaga ako dahil simpleng student lang ako na nagnanais lang makapagtapos at hindi ko nararanasan ang ganoong klase ng harrasment.
Yeah? For me it's harrasment. Bakit mo ba bubulabugin ang buhay ng isang tao dahil lang iniidolo mo ito? I don't get it.
Sa kabila ng mga pag-iwas na ginagawa namin ay hindi pa rin nawala sa amin ang mag-enjoy. Napakasaya namin, lalo na ako. Ngayon lang ako nakapagsaya ng ganito sa mga event sa school, sa katunayan ay never akong dumalo sa ganitong pagtitipon. May kaunting pagka-ignorante ako sa ganitong bagay at bago sa akin ang lahat ng nae-experience ko rito. Hindi ko akalain na ganito pala kasaya ang pumunta sa mga important events sa school. Kung sana lang ay hindi ko narasan ang mga kahihiyaan at pang bubully sa akin noon, sana ay naging masaya rin ang pananatili ko sa nakaraan ko na school.
Nang mapagod kami kakalibot ay napagpasiyahan namin na tumambay sa school grounds. Kakaunti lang ang mga students at parents na nakatambay rito dahil nasa soccer field karamihan ng mga tao.
Sa soccer field ay naglabas ang organizer ng event ng napakaraming stereo, naroon ang booth ng music club. Lahat ng gustong magpa request ng kantang papatugtugin ay sila ang nag ha-handle. Dinig sa pwesto namin ang tugtugan sa soccer field dahil bakit hindi? Dinig nga rin yata sa kabilang kanto ang ingay ng stereong dumadagundong sa buong school.
At hindi mapigilan ng mga kaibigan kong sumayaw sa tuwing pop ang kantang lumalabas na tunog sa stereo.
"Hey, where'd you get that body from? Where'd you get that body from?~"
Sabay-sabay nilang kanta habang sumasayaw. Nakaupo lang ako habang pinapanood sila, natatawa ako sa pinaggagawa nila but at the same time ay nakakaramdam ako ng kahihiyan.
"Where'd you get that body from?!~" Nag-pose silang lima nang huminto saglit ang tugtog.
"I got it from my daddy!"
"HAHAHAHAHAHAHA!"
Napabulas ang tawa ko, nakakatawa ang mga itsura nila habang sumasayaw. Iyong mismong step nila ay nakakatawa!
Lahat ng napapadaan sa amin ay natatawa rin, ang iba naman ay kinukuhanan sila ng video kaya napatakip ako ng mukha. Baka mamaya ay masama pa ang mukha ko sa video! Alam kong mukha akong siraulo dahil sa pagtawa ko. Nakakahiya kapag in-upload nila sa facebook at may ibang makakita no'n.
Nang mapagod sila kakasayaw ay bumili kami ng icecream at tubig, pagkatapos ay bumalik kami sa pwesto namin sa grounds.
Ilang minuto pa lang kami nakakabalik ay may limang babae na napagdiskitahan akong dalhin sa marriage booth. Kung titignan ay mukha pa silang mga nene, siguro ay mga first year student sila?
Gusto raw nilang makasal sa akin. I don't get it. Ang weird lang na ginagawa nilang laro ang marriage? For me it's serious matter at hindi dapat basta-basta ginagawa ang kasal lalo na sa mga highschool event na katulad nito. Marriage is a sacred gift from God, at hindi dapat ginagawang pakulo dahil lang 'in' ito ngayong panahon sa mga events.
I know it's part of the fun, but not for me. Oo na, isipin na nilang kill joy ako. Pero hindi nila ako mapipilit sa gusto ng nakararami.
Hindi rin ako napapapayag ng mga babaeng nag-aaya sa akin, bukod sa ayaw ko at naiilang ako sa kanilang makipag-usap ay inilalayo ako ni Erie sa mga nais lumapit sa akin.
"Ay! Wala siyang balak magpakasal dahil magpapari siya. Papasok na nga siya sa semenaryo kaya ayaw niya magkasala. Si Lyndon na lang ang kunin niyo, mayaman 'yan, hindi ka pagugutuman niyan." Mahinahong lintanya ni Erie sa isang babae na gusto akong dalhin sa marriage booth. Nakangiti siya sa babae pero mahahalata mong pilit lang 'yon.
Kahit hindi ko alam ang pinagsasabi niya ay napatango ako. "S-she's right."
"Hoy huwag mo 'ko isali, Aerielle! Hindi! Bawal ako! Mahirap lang ako, sa estero lang ako nakatira. 'Tsaka ayoko pa magpakasal strict kasi ang parents ko," todo iling ni Lyndon.
"Hindi naman ako interesado sa 'yo. Siya! Siya ang gusto ko." Pagtataray sa kanya ng babae sabay turo sa akin. Nakatayo sa harap ko si Erie kaya napakapit ako sa sleeve ng damit niya at nagtago ako sa kaniyang likuran.
"Luh, makasabi ng 'di interesado? Hindi rin ako interesado sa 'yo! Feelingera ang undin na 'to. Pitikin ko ngala-ngala mo, eh!"
Inismiran lang si Lyndon ng babae at bumaling sa akin sabay ngumiti. "Sige na po kuya. Ang totoo niyan crush kita! Gusto ko lang maging memorable ang araw na 'to sa akin, remembrance na rin kasi hindi na kita makikita next school year kasi graduate ka na. Kaya please, kuya."
Hindi ko mapigilan ang mapangiwi dahil ang awkward sa pakiramdam ng narinig ko. At naiirita ako sa pagpapa-cute niya sa harapan ko, parang pinipilipit ng garrote ang leeg niya para lumiit ang boses niya. Naaasiwa ako sa presensiya niya, hindi ako natutuwa!
Hindi ba dapat ay matuwa ako dahil for the first time ay may nag-confess sa akin? May nagkaka-crush pala sa akin? Sa katulad kong lampa at weirdo? Dapat nagtatalon na ako sa tuwa dahil sa bagay na 'yon, pero hindi. I don't feel anything but cringe!"
I saw how Kayle rolled her eyes, she scoffed too habang kumakain ng hawak niyang ice cream. "Guuuuurl..." She said at tumingin kay Erie.
Nasa labi pa rin ni Erie ang ngiti, pero ramdam kong nag-iba ang aura niya sa mga oras na ito. Sa katunayan ay natatakot ako sa pagngiti niya dahil ng mapadpad ang paningin ko sa kamay niya ay napakahigpit ng hawak niya sa kinakain niyang ice cream. Kulang na lang ay mag-crack ang cone dahil gigil niya itong hinahawakan.
What's wrong with her?
"Beh, narinig mo na ba ang line na 'huwag pilitin ang hindi puwede'?" Tanong niya rito habang nakangiti pa rin.
"Ano naman ang paki ko sa line na 'yan?" Pa-sweet na sagot sa kanya nito.
Lalong lumapad ang ngiti niya at natatawa niya itong sinagot. "Ah, ganoon ba? Kawawa ka naman dahil wala kang paki. 5% ng buhay mo ang nasayang dahil walang nagturo sa 'yo ng saying na 'yon. Gusto mo i-share ko sa 'yo ang meaning no'n?"
"Ano'ng sinasabi mo?"
Humakbang si Erie palapit sa babae, at nang nasa tapat na siya nito ay inilapit niya ang ulo niya sa bandang tainga ng babae.
Hindi ko marinig ang sinasabi niya sa babae dahil binubulong niya lang ito. Pero sa bawat buka ng bibig ni Erie ay sumisilay ang takot sa mukha ng babaeng binubulungan niya, para na itong nabato sa kinatatayuan niya at nagpipigil ng hinga.
"Ano kayang kalokohan ang sinasabi niya sa batang 'yan?" Nahihiwagaan na tanong ni Nicolai.
"Just wait for it, guys," excited na tugon ni Kayle.
Umayos na ulit ng pagkakatayo si Erie at nginitian niya ng pagkatamis-tamis ang kaharap niya. Nakakapagtakha dahil biglang umiyak 'yong babae at tumakbo na palayo sa amin. Sumunod na rin sa kanya ang mga kasamahan niya na nalilito.
"Hoy Aerielle, lagot ka pinaiyak mo. Mamaya may kasamang parent 'yon sumbong ka no'n," natatawang sambit ni Samuel nang makabalik si Erie sa tabi ko.
Hindi niya ito pinansin at nakangiti pa rin siya habang kinakain ang ice cream.
My lips parted while looking at her. Hindi ako makapaniwala na mukhang natutuwa pa siya at umiyak iyong babae, ano ba ang pinagsasabi niya roon at nagkagano'n 'yon?
"Bakit umiyak 'yon? Ano'ng sinabi mo ro'n?" I asked.
Tinignan niya ako habang nilalantakan ang kinakain niya. "Wala. Words of wisdom," kibit-balikat niyang sagot.
"What? Sobrang nakaka-inspre ba 'yang words of wisdom na 'yan at napaiyak mo siya?"
"Siguro?"
"Dapat kasi hindi na hinaharot kapag nabakuran na. Right, baby girl?" Sabat ni Kayle.
"Oo kaya ikaw," she paused, tinuro niya ang mata niya sabay turo rin kay Kayle. Parang sinasabi niya na 'I am watching you'.
"Tss, my god Aerielle of course not! As if naman, duh?!"
"Very good."
Erie winked on her and they both giggled 'tapos nag-apir pa. Ang weird na naman nilang dalawa.
"Ano pinag-uusapan nila?" Tanong ko kay Samuel na katabi ko.
"Girl stuffs?"
"Huwag mo na pansinin 'yan Liam, sinasaniban lang sila ng kaharutan," singit ni Nicolai, natatawa siyang umiling habang nakatingin sa dalawang babae na parang kinikiliti kakahagikgik.
"O-okay," tugon ko kahit wala ako naintindihan sa pagpapaliwanag niya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (93)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
buen libro excelente
05/06/2025
1Skibidi toilet
15/03/2025
15000 diamond
17/01/2025
1Tingnan Lahat