Chapter 82

LIAM BENJAMIN
"Welcome to 65th Foundation Day of Eastwest National Highschool!"
Pagkababa namin ng sasakyan ay iyon ang bungad ng isang malaking banner na nakapaskil sa naglalakihang gate ng school.
Hindi lang banner ang nakasabit dito kundi iba't ibang klase ng designs at palamuti ang nakasukbit sa bawat grills ng gate. Talagang pinaghandaan ng administration ng Eastwest High ang araw na ito.
Hindi na rin mabilang ang mga dagsang estudyante na pumapasok sa ENH. Hindi mo mapapansin kung school mates namin ang lahat ng pumapasok dahil lahat kami ay naka civilian. Wala rin makikita na nakasuot ng I.D dahil ang araw na ito ay freeday para sa lahat ng year level. Pinayagan din ang pagdalaw ng magulang at malalapit na kaibigan ng mga kapwa ko mag-aaral.
Kaya kasama namin ngayon ang parents ni Erie para makisaya sa mahalagang araw na ito, at ang Mom ko naman ay hindi ko napapayag na pumunta. Well, I understand her. Busy siya sa work, at hindi ko naman iyon dinamdam dahil ngayon lang naman humindi ang Mom ko sa mga programs na dapat puntahan sa school. She's always present kapag may meetings noon sa previous school ko, but not today... Medyo nakakapanghinayang lang.
It's really okay for me tho kahit wala akong kasama na parent, hindi naman ako papabayaan ni Erie na ma-out of place for the whole day. Isa pa, bukod sa parents ni Erie ay makakasama ko rin ang mga baliw namin na kaibigan kaya for sure ay hindi magiging boring at sayang ang buong maghapon ko.
Sa gymnasium kami agad dumiretso dahil doon magsisimula ang program bago buksan sa lahat ang booths na prinepara ng bawat clubs. Pero napakarami na ng tao sa loob kaya nag-stay muna kami sa labas.
"Hindi na tuloy tayo makakapag reserve ng mauupuan natin, ang bagal mo kasi, "bulong ko sa babaeng nakasabit sa braso ko.
Hindi niya ko sinagot at nginitian niya lang ako na parang nang-aasar pa. Napairap na lang ako dahil hindi ko siya makurot dahil kasama namin ang parents niya at baka mabalik pa sa akin ang pananakit na gagawin ko. Baka makatikim ako mula kay Tito Marcel ng upper cut. Aish, nakakagigil!
"Ang daming tao, mukhang hindi na tayo makakapasok sa loob."
"Kung huwag na lang kaya tayo um-attend ng program sweetheart? Puntahan na lang natin sa faculty sila Mrs. Bautista, for sure naroon 'yon at hindi makikisali sa ingay dito. Aburido palagi 'yon sa ingay."
Nag-isip saglit si Tito Marcel bago pumayag sa suhestiyon ng asawa. "Kayong dalawa? Iwan na ba namin kayo rito?" tanong ni Tita Thea sa amin.
"Hihintayin lang po namin saglit ang friends namin dito, Tita. Papasok na rin po kami sa loob."
"Opo. Sige na, puntahan niyo na si tandang Bautista. Take your time!" Marahan niyang tinulak ang dalawang matanda para umalis na.
"Hindi mo na kami kailangan ipagtabuyan bonsai dahil ramdam kong gusto mo na ma-solo si Benjamin."
"Mama! Ang ingay mo! Ssh ka lang!"
"Hay naku bonsai, ah." Nagtaas baba ang kilay ni Tita at kinurot ang tagiliran ni Erie.
"Papa! Si Mama oh!"
Natatawang kinuha ni Tito Marcel ang kamay ng asawa saka humalik sa pisngi ng anak. "Huwag ka mag-alala, gustong gusto rin naman na ako masolo ng mama mo." Hinampas siya ni Tita nang marinig ito.
"Huwag ka magsinungaling sa harap ng anak natin."
Hindi niya pinansin si Tita at umiling lang ito kay Erie na sinasabing mas maniwala siya sa sinasabi niya at huwag kay Tita.
Bumaling sa akin si Tito Marcel at ibinilin sa akin si Erie. "Iiwan na muna namin kayo. Sabihin mo sa akin kapag may ginawa siyang kalokohan."
"Y-yes tito, huwag po kayo mag-alala."
"Enjoy kayong dalawa," ngumiti ito at nagpaalam na sila.
Kasabay ng pag-alis nila ay ang pagdating ng three idiots. Sa bawat hakbang nila papalapit sa puwesto namin ay ang pagsunod ng tingin sa kanilang lahat ng nadadaanan nila.
Bakit nga ba sila hindi lilingonin ng mga estudyanteng nadaraanan nila? Mga head turner naman talaga sila. Their aura screams supremacy.
Lumalakas ang bulungan at ang tilian ng mga babae, sinisigaw din nila ang pangalan ng mga kaibigan namin. Nagmistulang meet and greet with fans ang daang nilalakaran nila dahil sa mga babaeng nagre-request na magpa-selfie kasama silang tatlo. At ang tatlong itlog naman ay gustong gusto ang attention na nakukuha nila.
How can they be so proud and confident? Hindi ko maiwasan mapasabi ng sana lahat malakas ang self-esteem.
Masasabi kong good looking ang mga kaibigan ko, hindi na kailangan pang sabihin 'yon dahil obvious naman sa tilian na umaalingawngaw sa paligid. Pero lalo silang hinahangaan ng lahat dahil purmado sila na bumagay talaga sa personality nila.
"Tss, feel na feel niyo, ah? Ang papangit niyo naman," bati sa kanila ni Erie ng papalapit na sila sa kinatatayuan namin.
"Sarap naman sa ears marinig ang pangalan ko," kinikilig na bungad ni Lyndon.
"First time?" Nangugutya na tanong ni Samuel.
"Zup bro! Ang aga niyo, ah," bati sa akin ni Nicolai at nakipag-fist bump silang tatlo sa akin.
"Late na nga eh, kupad kasi nito." Sinamaan ko ng tingin ang bansot kong katabi pero nagpatay malisya lang ito.
"Wala na agad mauupuan sa loob?" Dumungaw si Lyndon sa loob ng gym. "Parang sign na 'to na huwag na tayo um-attend, ah!"
"Sige huwag ka um-attend para minus points ka sa lahat ng subject," sagot ng babaeng hinihintay rin namin ang pagdating.
"Kaaaaaaaaayle!"
Sinunggaban ni Erie ng yakap si Kayle nang makita niya ito. "Wow makayakap ka parang hindi tayo nagkita kahapon!" Natatawang tugon niya kay Erie at niyakap niya rin ito pabalik.
"Miss kaya kita lagi!"
"Boka mo!" Tumawa sila pareho at kumalas na sa pagkakayakap sa isa't isa.
"Bakit ako walang warm greet hug? Hindi mo ako miss?" Nagtatampong tono ni Nicolai.
Pakiramdam ko ay tumaas ang isang kilay ko sa narinig ko. Hindi ko alam pero nagsisimula na akong mairita at umaakyat na ang dugo ko sa ulo. Ngunit naisip ko na walang ginagawang masama sa akin ang lalaking ito kaya naman kumalma ako.
"Bakit kita mami-miss? Jowa ba kita?" Inosenteng tanong ni Erie.
"Wooooooooooaaaaah!"
"Aaaaye! Bars!"
"Oh, tissue para sa luhaan mong puso."
Hindi ko alam kung bakit nagsa-side comment sila Lyndon at mukhang tuwang-tuwa pa sila sa naging sagot ni Erie. Hindi malaman ang itsura ng mukha ni Nicolai, mukhang hindi niya ine-expect ang naging sagot ni Erie. Hindi niya rin magawang tumingin ng diretso rito, at ang sama ng tingin na tinatapon niya sa tatlo.
"Bakit nga ba mahal kita kahit 'di pinapansin ang damdamin ko? 'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako nagmamahal nang tapat sa 'yo~" with feelings na duet ni Samuel at Lyndon. Samantalang si Kayle ay ang lakas ng hagalpak sabay turo sa mukha ni Nicolai.
"Mga gago..." sambit ni Nicolai, hindi niya pinansin ang tatlo sa pagtawa at nauna na siyang pumasok sa gym kahit siksikan na sa loob.
"Ano'ng nangyari ro'n?" Takhang tanong ni Erie sa tatlo.
"Ikaw kasi masyado kang straight forward, it really hurts you know?" Hindi pa rin matigil sa tawang sagot ni Samuel.
"Ha?"
"Pumasok na nga tayo ang dami niyong commercial." Naunang sumunod si Kayle kay Nicolai sa loob at kaming naiwan ay hindi malaman kung papasok dahil punong-puno na ang gymnasium.
-AndyThoughts-

Komento sa Aklat (93)

  • avatar
    FontalvozapataYeison

    buen libro excelente

    05/06/2025

      1
  • avatar
    ManabatKendra

    Skibidi toilet

    15/03/2025

      1
  • avatar
    Neil Francis

    5000 diamond

    17/01/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata