Homepage/Memories of Erie/
Chapter 62
LIAM BENJAMIN
"Ano kaya ang gusto niya rito?"
Hindi ako makaalis dito sa sandwich stand, kanina pa ako nalilito sa kung ano ang pwede kong bilhin para kay Erie.
"Ham and cheese ba?" Wika ko habang inaabot ang isang balot ng sandwich. May nakita rin akong Four cheese at Tuna sandwich ang flavor.
"Aish, alin ba rito?"
Hindi ko alam kung ano ang favorite niya pagdating sa sandwich. Hindi niya rin naman kasi sinabi kung ano ang gusto niya, basta sinabi niyang kahit ano ay okay lang. Paano kung ang makuha ko ay hindi niya pala gusto? 'Tapos itatapon niya lang? Sayang naman ang pinambili at ang effort kong pumili ng kakainin niya kung sakali.
"Tuna? Four cheese?"
Habang busy ako sa pagpili ay napansin kong kanina pa sumisilip sa gawi ko iyong cashier na nagbabantay sa counter. Para siyang girrafe dahil humahaba ang leeg niya habang nag-pa-punch ng binili ng ibang customers.
Iniisip niya ba na mag-sa-shoplift ako? Ang judgemental niya naman. Sa ayos kong ito? Mukha ba akong magnanakaw? Ang ayos-ayos ng suot ko, mukha naman akong respetado na tao. Tss, mga tao nga naman ngayon. Ang bibilis humusga.
Kinuha ko na lang ang Four cheese flavor at kumuha ng mineral water, nauhaw siya ng sobra dahil ang haba ng tinakbo namin para lang matakasan 'yong lalaki na humahabol sa amin.
"Baliw yata siya..."
"Mukha nga, eh. Kanina niya pa kinakausap ang sarili niya."
"May nakakausap yata siya na hindi natin nakikita."
"Baka may third eye?"
"Ih! Ang creepy niya! Sayang, guwapo pa naman."
Napahinto ako sa pagpunta sa counter ng marinig ko ang bulungan ng dalawang babae malapit sa gawi ko. Nilingon ko sila dahil parang ako ang pinaguusapan nila. Mukhang mga estudyante rin sila gaya ko pero ibang uniform ang suot nila.
"Hala, beh! Tinignan tayo!" Bulong no'ng isang babae sa kasama niya.
"Shutah! Ang ingay mo kasi, eh!" Pareho silang umiwas ng tingin sa akin, kunwari ay may kinukuha silang mga chips sa shelve 'tapos ay lilingonin ulit ako.
Kung tignan nila ako ay parang hinuhusgahan nila ang pagkatao ko. At saka ano ako? Baliw? Bakit nila iniisip na nasisiraan ako ng ulo? Porket hindi ako makapili ng kakainin ng kasama ko ay buang na agad ako? Kaya ayaw ko ng nagpupunta sa ganitong lugar. Palagi na lang ako nahuhusgahan kahit wala naman akong ginagawa sa mga tao sa paligid ko.
Nagsisimula na naman akong mabalisa, gusto kong manakbo palabas para makaiwas sa mga mapanghusgang mata na nakatingin sa akin. Hindi ko iyon magawa dahil paano si Erie? Nagugutom at nauuhaw na siya. Kailangan na niyang kumain. Hindi rin maganda kung siya pa ang pabibilhin ko ng pagkain niya dahil ramdam ko na masama ang pakiramdam niya kahit hindi niya 'yon sinasabi. Ayaw kong isipin niya na ungentleman ako. Ayokong ma-turn off siya sa akin.
Kahit maraming mga mata ang nakamasid sa gawi ko ay nilakasan ko ang loob na dumiretso sa counter. Hindi ko sila dapat isipin, mas dapat kong alalahanin ang kumakalam na sikmura ng Erie ko. Hindi na mahalaga kung ano pa ang maging tingin sa akin ng ibang tao. Mas mahalaga si Erie sa akin.
Nilapag ko sa counter top ang mga pinamili ko. Habang pina-punch ng cashier ang binili ko ay nagtanong ito. "Girlfriend mo ba 'yong nasa labas?"
"H-huh?"
"Iyong kasama mo kako, girlfriend mo ba?" Muli niyang tanong ng nakangiti.
"P-po?" Sumilip ako sa labas para tignan ang tinutukoy niya. Nakita ko si Erie na nakadungaw sa may glass wall ng convinient store na 'to. Mukhang hinahanap niya kung nasaan ako. Wala sa sariling napangiti ako, para kasi siyang nawawalang bata. Napaka-cute niya talaga.
"Kanina pa siya pabalik-balik diyan. Mukhang natatagalan siya sa paglabas mo. Bakit hindi mo na lang siya sinama rito sa loob?" Tanong ng cashier. Kaya pala siguro ay kanina niya pa ko sinisilip dahil dito kay Erie.
"M-masama po ang pakiramdam niya. Ang sabi ko sa kanya maupo na lang siya sa labas at hintayin na lang ako."
Lalong lumapad ang ngiti niya at muling tinignan si Erie. "Ang swerte niya sa 'yo. Maalalahanin ka at maalaga. Nakikita kong magtatagal kayong dalawa. Sana lahat may boyfriend na katulad mo."
"Huh? H-hindi niya ako—"
"170 lahat, sir," nakangiti pa rin niyang inabot sa akin ang mga binili ko.
"O-okay."
Hindi ko nagawang sabihin na wala kaming relasyon ni Erie, hindi ko na lang iyon itinama dahil hindi naman na 'yon mahalaga. Hindi ko rin naman kailangan magpaliwanag dahil hindi ko naman siya kilala. Isa pa, hindi ko alam pero, ang sarap sa pandinig ko nang sabihin niyang boyfriend ako ng pandak na 'yon.
Pagkabayad ko ay naglakad na ako palabas pero tiwanag ako ng cashier. "Ah, teka ito oh," may inabot siyang biogesic sa akin. "Ipainom mo 'yan sa kanya pagkatapos niya kumain."
"T-thank you po. Magkano po 'to?" Kukuha na ako ng pera pambayad sa gamot pero pinigilan niya ako.
"Ay huwag na! Sa 'yo na 'yan."
"Hindi ate, babayaran ko 'to. Baka mapagalitan ka ng boss mo."
"Hindi na. Libre ko na 'yan sa 'yo dahil mabuti kang boyfriend. Alagaan mo siyang mabut, ah?"
"U-uh o-opo. Thank you po ulit."
Nginitian ako nito at bumalik na siya sa post niya. Tinignan ko pa ang hawak kong gamot bago tuluyang lumabas, napaisip ako. Ang bait pala ni ate cashier. Hindi niya naman kami kilala pero nagawa niyang magbigay ng gamot para sa dugyot na 'yon.
Binabawi ko na ang inisip ko sa kanya. Hindi naman pala shoplifter ang tingin niya sa akin. Sa naobserbahn ko ay natuwa lang siya sa amin na dalawa kaya nagawa niya akong sulyapan nang sulyapan habang namimili ako. Ako pala 'tong judgemental, don't judge the book by its cover nga naman.
Pagkalabas ko ng convinient store ay nakadungaw pa rin si Erie sa glass wall. Mukhang hindi niya napansin ang paglabas ko. Hindi ko mapigilang pagmasdan siya, napapangiti na naman ako sa hindi ko malaman na dahilan. Nakakatuwa lang isipin, ganito niya ba 'ko hanapin sa tuwing hindi niya ako nakikita o nakakasama? Hindi rin ba siya mapakali sa tuwing hindi niya ako nakikita?
Nilapitan ko siya at tinapat ko sa mukha niya ang paper bag na pinaglagyan ng binili ko. "Ang sabi ko umupo ka lang. Pasaway ka rin."
"Oh!" Nilingon niya ako at matamlay na ngumiti. "Hindi na kasi kita nakikita mula ro'n sa inuupuan ko. Ang akala ko iniwan mo na 'ko, eh."
"Ako iiwan ka? Sinamahan nga kita sa pagtakas mo ro'n sa lalaki hindi ba." Her lips parted at kinuha niya sa akin ang paper bag. "At saka, best friend kita. Kaya malamang hindi kita iiwan."
"Totoo? Hindi mo ako... iiwan?"
"Hm," tango ko.
Kahit ang tamlay niya ay nagawa niyang ngumiti ng sobrang tamis. "Sabi mo 'yan, ah. Walang bawian!" Pinalo niya ang braso ko.
"Oo nga sabi. Bakit kailangan mo pa mamalo?"
Hindi niya ako sinagot at tinawanan lang ako. Kumunyabet siya sa braso ko at hinila na ako palayo sa lugar na 'yon.
-AndyThoughts-I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (93)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
buen libro excelente
05/06/2025
1Skibidi toilet
15/03/2025
15000 diamond
17/01/2025
1Tingnan Lahat