Chapter 59

LIAM BENJAMIN
"Benji, two days akong mag-stay sa hospital. Iyong patient na naka-assign sa akin kailangan ma-obserbahan for 48 hours. Nasa crucial stage kasi ang lagay ng patient ko na 'yon."
Bawat pagsubo ko ng pagkain ay hindi mapakali ang utak ko kakaisip sa isang bagay na nagpapagulo sa akin simula pa kagabi.
"Kaya hihingi na ako agad ng sorry if hindi kita maaasikaso, ha? Pero huwag ka mag-alala, two days lang naman 'yon. Babawi ako sa 'yo okay? Gagalingan ni mama ang pag-aalaga sa patient na 'yon para naman makapag-bonding tayo kaagad."
I just want to forget the thoughts that's bugging me because... why should I worry if Nicolai likes her? Ano naman sa akin? Pakialam ko? Pero gusto kong iuntog ang ulo ko dahil umaatake ang anxiety ko nang dahil lang sa thought na 'yon.
Erie is my friend, my special person, I must say. She's just my damn friend but why? Why do I feel scared? Scared of losing her because Nicolai might court her and… and she might lose her time and interest on me. Baka hindi na niya ako pansinin or worst... She will leave me, all alone.
"Huwag kang magpapagabi lagi sa labas kasama ang mga friends mo, ha? Okay lang makipag-bonding, pero limit pa rin 'nak."
And that thought leaves pain in my heart. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako..
Hindi ko mapigilang hindi alalahanin ang mga salitang nasabi ni Samuel between my Erie and Nicolai. Mas nababalisa ako sa tuwing naiisip ko na posibleng maging sila dahil hindi maitatanggi ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Aakalain mo nga na mag-on sila kung hindi mo malalaman na magka-team lang sila sa dance group, and yeah, they are close friends.
Parang nanunumbalik muli ang pagka-inis ko kay Nicolai nang dahil lang doon. Parang gusto ko siyang isako at itapon sa San Juanico Bridge ng hindi na siya makalapit kay Erie.
Napapahigpit ang paghawak ko sa tinidor ng maalala ko ang mukha ni Nicolai. Alam ko na maling mainis ako sa kanya dahil wala naman siyang ginagawa sa akin na masama, pero... Hindi ko mapigilan ang sarili kong mainis dahil hindi ko alam kung totoong may gusto siya ang kaibigan ko.
"At saka 'yong girl best friend mo, huwag mo palagi papuntahin dito, ah. Lalo na kapag gabibna. Naku, Benjamin. Ayoko pa maging batang lola. Okay lang naman kung dadalawin ka niya pero dapat sa umaga lang. Maganda na ang nag-iingat—hoy Benji nakikinig ka ba?"
Napalingon ako kay Mom dahil hinampas niya ako ng kutsara sa braso. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "Balak mo bang butasin 'yang plato natin?"
Tinignan ko ang plato ko, medyo may scratch na ang gitna dahil gigil ko palang nahihiwa ang pork steak na kinakain ko.
"Gigil na gigil ka riyan sa baboy, inaano ka ba niyan?"
"Ang tigas kasi ng pagkakaluto," pagdadahilan ko.
"Anong matigas? Pinakuluan ko 'to kagabi bago lutuin ngayon."
"Matigas nga!" I insist.
"Oh, bakit ka nagagalit? Kalma ka lang nagpapaliwanag lang ako."
Dumadagdag pa sa pagka-iretable ko ang pagtatanong ni Mom. Ayokong isipin nang isipin si Erie at Nicolai dahil nagkakaganito ako. Hindi ko nagugustuhan ang nagiging asal ko. I hate myself when I overthink about everything. Kapag nasimulan ko na ito ay hindi na matigil ang utak ko sa kakaisip ng mga possible scenarios in future. I don't like it, but I can't help it. I couldn't calm my mind. It sucks.
"I'm not mad. I'm just... nevermind. Sorry."
"May problema ka ba? O ayaw mo ng niluto ko? Ikaw naman kasi kanina pa ko katok nang katok sa kuwarto mo para itanong ang gusto mong breakfast, hindi ka naman sumasagot," lintanya ni Mom habang naghihimay ng ulam.
Kumakatok nga siya kanina sa kuwarto ko pero hindi ko iyon pinapansin. Masyado akong ginugulo ng mga thoughts ko kaya ayaw ko magpa-istorbo. Gusto ko ang niluto niya, I always love the food she prepares every day. Sadyang hindi lang maganda ang mood ko kaya nairason ko na matigas iyong baboy.
"Wala po," I said plainly.
"Huwag ako Liam Benjamin Chua, kilala kita," sagot niya habang sa pagkain nakatuon ang tingin niya.
"Stop mentioning my full name, Mom. You know that I hate it."
"Sus, lahat naman ayaw mo!" Natatawa niyang sagot. "Sungit mo ngayon 'nak may buwanang dalaw ka ba?"
"I'm not a girl," I rolled my eyes.
Lalo pa siyang tumawa at inasar pa 'ko. "Daig mo pa nirereglang bading sa pagsusungit, anak."
I heave a deep sigh and close my eyes. Masyado na akong naaasar kay Mom. Bagay talaga na magsama sila ni Erie dahil parehas silang mapang-asar at mapanira ng mood. Panigurado na magki-click silang dalawa agad once na maipakilala ko sa kanya ang kaibigan ko. Pero parang ayoko na lang dahil for sure, they will join force to roast me. Baka sakalin ko na lang ang sarili ko dahil sa pang-aasar nila.
"Papasok na po ako."
Tumayo na ako at binitbit ang bag ko. Kailangan ko ng makaalis dito dahil baka ma-badtrip pa ako lalo, at para makaiwas na rin sa pang-bu-bully ni Mom.
Tinawag ako ni Mom bago makalabas ng kusina. "Natandaan mo ba ang mga bilin ko?"
"Anong bilin?" Kunot noo kong tanong at hinarap siya.
I saw how her eyes rolled at tamad niya akong tinignan. "Nasayang lang pala ang laway ko kakadakdak dito, hindi ka naman pala nakikinig!"
"A-ano po ba 'yon?"
"Saan ba lumilipad ang isip mo, Benji? Baka naman nangangatal na 'yang luga sa tainga mo kaya hindi mo ako naririnig?"
"What the heck, Mom?! Ang kadiri mo! Every day akong naglilinis ng tainga!"
See? Parehas na parehas talaga sila ni Erie. Bagay silang mag-nanay. Baka si Erie talaga ang anak niya 'tapos ampon talaga ako?
Tumayo siya at sinimulan ng iligpit ang pinagkainan niya. "Ang sabi ko, huwag ka magpapagabi kung maggagala kayo ng mga friends mo after school."
Kinuwento ko sa kanya na may mga bago akong kaibigan, ikinatuwa niya iyon. Alam niya rin na after classes ay tumatambay pa kami at nagliliwaliw. Nagulat pa si Mom noong una dahil one day ay nadatnan niyang walang tao sa bahay at nauna pa siyang umuwi kaysa sa akin. Ginabi na ako ng uwi no'n dahil sinama ako nila Lyndon sa computer shop para maglaro ng Dota.
Sinabi ko sa kanila na hindi ako marunong maglaro ng online games, sa arcade pa nga lang ay nag-struggle ako maglaro pero na-enjoy ko naman 'yon. Pinanood ko lang sila kung paano maglaro and damn, I heard them cussing all the time lalo na kapag may napapatay silang hero sa laro. Noong una ay na-bo-bored ako dahil hindi ko ma-get masyado. Ang dami nilang pinipindot sa keyboard at naiirita ako sa sigawan at murahan nila. May pagkakataon pa na napapatayo sila sa mga upuan nila at nag-mi-middle finger sa katapat nilang pc, which is iyong opponent nila.
Pero habang tumatagal ay natutuwa rin ako dahil sa pang-ta-trash talk nila sa isa't isa.
Hindi ko inaasahan na darating ako sa point ng buhay ko na makakapaglaro ako ng laro na never ko naisip paglaanan ng oras ko. I really enjoyed it.. or maybe I starting loving it.
"Alright. But, puwede 7 PM ako uuwi?"
Tumango siya bilang tugon, "Basta huwag ka kung saan-saan pupunta, at i-message mo ako kung nasaang lupalop ka."
Napangiti ako dahil ang sarap sa pakiramdam na hinahayaan niya akong i-explore ang teenage life ko. Iyon naman talaga ang gusto niya, ang kaso nga lang ay masyadong malupit sa akin ang mundong nilalakaran ko.
"Yes, Mom, I will. I go ahead."
Tatalikod pa lang ako ay muli niya akong tinawag. "Mom, late na po ako." Ang totoo ay maaga pa, gusto ko lang pumasok ng maaga dahil naaatat na akong makita si Erie and... Of course, para mapanatag na rin ang utak ko sa kakaisip kung ano ba talaga ang status nila ni Nicolai. I really want to know it, as in right now.
Pinunasan niya muna ang kamay bago ako lapitan. "Kung kasama mo mamaya 'yong girl best friend mo—ano nga ulit ang pangalan niya? Neri ba? Cherry?"
"Erie, Mom. Erie. As in Echo Romeo India Echo."
"Ah... basta kung ano man ang pangalan niya. Gaya nga ng sabi ko kanina kung pupunta man siya rito, huwag mo siya papaabutin ng hanggang gabi rito, okay?"
"Okay, alam ko naman po 'yon. At saka isang beses lang naman siya pumunta rito ng gabi," nahihiyang sagot ko.
Yeah, she already knew about Erie. At kung paano niya nalaman ang tungkol sa kanya? Nag-iwan lang naman ng bakas si Erie rito sa bahay noong huli niyang punta rito, the day we had a video call. Naiwan niya rito sa bahay ang panyo niyang kulay yellow at may print na puro heart.
Kung hindi dahil doon ay hindi niya malalaman ang tinatago ko, na babae ang first friend ko.
-AndyThoughts-

Komento sa Aklat (93)

  • avatar
    FontalvozapataYeison

    buen libro excelente

    05/06/2025

      1
  • avatar
    ManabatKendra

    Skibidi toilet

    15/03/2025

      1
  • avatar
    Neil Francis

    5000 diamond

    17/01/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata