Homepage/Memories of Erie/
Chapter 46
LIAM BENJAMIN
Gulat akong napaatras dahil biglang lumitaw sa harap ko ang mukha ni Lyndon. Kumakain siya ng Saging habang titig na titig sa akin.
"U-uh..." Hindi ako nakasagot dahil windang pa ako sa pagsulpot niya sa harapan ko. Kinakausap ako ng isa sa mga pinagseselosan ko, paano ako sasagot? Nakaramdam ako ng hiya dahil 'yong kaibigan ni Erie na pinag-isipan ko ng masama ay kinausap ako.
"Stop scaring our guest, biik!" Saway sa kanya ng babaeng kasama nila.
"Hoy Aerielle, mamaya ka na magbalot ng take out mo. Papasukin mo muna ang special guest natin. Baka mamaya niyan pati siya lantakan ni Lyndon, sige ka hahaha!"
"Ul*l, Samuel bading!" Nakangusong sagot ni Lyndon at nag-middle finger siya kay Samuel. Ginaya din siya ni Samuel at winasiwas pa ang kamay niya habang nakadila.
Ako lalantakan ni Lyndon? Nakaramdam ako ng awkwardness at takot dahil sa narinig ko. Ibig ba niyang sabihin kakainin nila 'ko? Hindi naman ako pagkain ah, bakit gusto akong kainin ni Lyndon? Hindi kaya cannibal sila?
Mabuti na lang ay agad akong nilapitan ni Erie bago pa ako makain ni Lyndon, medyo humupa ang kabang nararamdaman ko dahil hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong pumasok sa loob. Nakaramdam ako ng pagka-ilang dahil lahat sila ay nakatingin sa akin, hindi ako sanay sa ganitong set up.
Nakangiti silang lahat sa akin pero... natatakot pa rin ako. Natatakot ako na baka mangyari ulit ang nangyari noon. When he introduced me to his friends and humiliated me in front of them. Ayoko na maulit iyon, ngayong kasama ko pa si Erie? Ayokong mapahiya sa harap niya.
Mahina akong tinulak ni Erie palapit sa mga kaibigan niya at binulungan ako, "huwag ka mahiya sa mga 'yan, makakapal ang mukha niyan."
Alanganin akong tumingin sa kanya, hindi sa nahihiya ako... natatakot ako sa kanila. Paano kung hindi sila katulad ni Erie na mabait, approachable at sincere. Paano kung mga bully pala sila at pagkaisahan ako rito ngayon? Ano'ng gagawin ko?
"Okay lang 'yan Private Benj, sige na. Nandito ako, oh. Hindi kita iiwan," nakangiting pagpapalakas ng loob niya sa akin. Muli niyang hinawakan ang kamay ko, humigpit ang kapit ko rito dahil hindi maalis ang takot sa sistema ko.
"Boss, huwag ka mahiya sa amin. Pamilya kami rito."
Napatingin ako kay Samuel na nakangiti sa akin at kumakain pa rin hanggang ngayon.
"Ay naku, don't be shy on us, pogi. Makakapal ang mukha namin lalo na 'tong unggoy na 'to!" Nakangiting approach sa akin no'ng babae na kasama nila. "Hoy tigilan mo na nga 'yang pagkain ng Banana! Baka nakakalimutan mong biik ka at hindi unggoy?" Binatukan niya si Lyndon at kinuha 'yong piling ng Saging sa kanya.
"Aray! Nyawa ka talagang ting-ting ka! Papansin ka masyado porket may guwapings na dumayo rito!" Inis na hinimas niya ang ulo niya at tumingin sa akin sabay ngiti, "pagpasensyahan mo na ang patpatin na 'yan. Kulang sa bakuna 'yan kaya masyadong pampam, eh."
Sinabunutan siya no'ng babae at kita sa mukha ni Lyndon na sobrang sakit ng pagkakasabunot sa kanya. "Anong patpatin, ha?! Sexy ako! Sexy!"
"Aray! Bitawan mo ko kalansay! Ipapalapa kita sa labrador ko oras na mahawakan ko 'yang leeg mo! At hindi ka sexy! Para kang coke pero nasa tincan!"
"Ah gano'n?! Mapapalapa mo pa ba ako sa aso mong mabantot at once a year lang pinapaliguan kung na-lechon na kita?!"
"Bitawan mo 'ko! Gagawin talaga kitang fetch toy ni Willo—araaaay! Hoy mga ulupong tulong naman!"
Lalo pang niyugyog ng babae ang ulo niya. Tinawanan lang siya nina Nicolai at Samuel at hindi tinulungan. Mukhang tuwang-tuwa pa ang dalawa na nasasaktan si Lyndon sa ginagawa no'ng babae.
"Bahala ka riyan," natatawang sagot ni Samuel habang umiinom ng juice.
"Aaaaaaaaaaaah! Aerielle!" Mangiyak-ngiyak niyang hingi ng tulong kay Erie.
"Pfft!"
Napahawak ako sa bibig ko dahil pinipigil ko ang tawa kong kanina pa gustong kumawala. Alam kong napakasama ko dahil natatawa ako sa itsura ni Lyndon na hindi na kinakaya ang sakit ng anit niya.
"E-eh?" naluluhang tinignan ako ni Lyndon at tumigil na rin sa pagsabunot sa kanya iyong babae at napatingin din sa akin.
Napako na rin sa 'kin ang tingin nila Samuel at Nicolai, agad kong ibinaba ang kamay ko at umayos ako ng tayo. Wrong move iyong ginawa kong pagtawa! Bakit ba kasi tumawa pa ako?! Baka mamaya pagtulungan nila akong gulpihin at isako 'tapos itatago nila ako sa lumang cabinet dito. Nakakainis! Pinigilan ko na lang sana ang tawa ko!
Tinignan ko si Erie na ngayon ay nakatulala lang sa akin. Shit! Nagalit ba siya sa ginawa ko? Hindi ko naman sinasadyang matawa! Nakakatawa naman kasi talaga ang mukha ni Lyndon. Hindi ko kasalanan kung mukhang nilamukos na papel ang mukha niya habang umiiyak! Anong gagawin ko? Mukhang galit si Erie sa akin. Ayokong magalit siya sa akin!
"U-um, E-Erie s-sorry—"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Hindi natuloy ang paghingi ko ng tawad dahil bigla silang nagsitawanan lahat. Hagalpak ang tawa ni Erie habang pumapalakpak siya na parang penguin. Ganoon din sila Nicolai na tawa nang tawa habang hawak ang tiyan. Binatukan naman ulit no'ng babae si Lyndon habang tumatawa.
Naguluhan ako sa nangyayari. Bakit sila tumatawa? Wala naman nakakatawa, ah. Tinatawanan ba nila ako? Ako ba iyong nakakatawa?
"See? Mukha pa lang ni Lyndon na tawa na siya. Fake news ka Aerielle, ah!" Natatawang sabi no'ng babae at umupo na siya ulit.
"Sinadya kong paasimin ang mukha ko! Ang pogi ko kaya."
"Who told you? Mama mo?" Pang-aasar ni Erie kay Lyndon. Napuno ulit ng tawanan nila ang buong kwarto. Parang gusto ko makisali sa tawanan nila.
Sinamaan siya ng tingin ni Lyndon. "Wala kang gummy worms simula ngayon. Tandaan mo ang araw na 'to, Aerielle!" madramang sambit ni Lyndon at tinalikuran si Erie.
"Halaaaaa joke lang, eh! Lyndon, sorry naaaaaa!" Pagsuyo ni Erie kay Lyndon pero tinaboy siya nito.
"Heh! Talk to my lawyer!" Tinawanan lang siya ni Erie at patuloy niya itong sinusuyo.
Natigil sa harutan silang dalawa at napatingin silang lahat kay Nicolai. "Aerielle, hindi mo pa kami naipapakilala sa best friend mo. Baka gusto mo kaming i-introduce?" ngiting sabi nito kay Erie, medyo namilog ang mata niya at agad na lumapit sa akin.
"Ay, oo nga pala sorry hehehe. Kayo kasi ang dami niyong hanash!"
"Ay kami pa? Ikaw 'tong inuna magbalot ng take out kaysa ipakilala sa amin si pogi." Pagrereklamo no'ng babaeng kaaway ni Lyndon kanina.
Inismiran siya ni Erie at masungit niya itong sinagot, "don't call him pogi dahil may pangalan siya."
Sumipol si Samuel at nag-make face naman 'yong tatlo habang napatingin sila sa isa't isa. Bakit gano'n? Bakit nakangiti sila ng nakakaloko? Totoo naman ang sinabi ni Erie na may pangalan ako. Anong nakakatawa roon?
"Owkay?" Sagot no'ng babae at napatingin siya sa sahig. Nakangiti pa rin ito ng nakakaloko at kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi. Nag-iwas din ng tingin 'yong tatlo at pangiti-ngiti sila. Ang weird ng inaakto nila.
"Ehem! Ito na nga, makinig kayong apat na tukmol!" Tinignan ako ni Erie na may ngiti sa kanyang labi. Kumapit siya sa braso ko at muli siyang tumingin sa mga kaibigan niya.
"I want you to meet my new best friend, his name is Liam but," pinutol niya ang kanyang sinasabi at tinignan akong muli. "I call him my Benjamin."
-AndyThoughts-I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (94)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hi good night
20d
0buen libro excelente
05/06/2025
1Skibidi toilet
15/03/2025
1Tingnan Lahat