Homepage/Memories of Erie/
Chapter 41
LIAM BENJAMIN
Pagka-order namin ng lunch ay madali kaming nagtungo sa Secret Haven. Napakasarap kumain dito at magpalipas ng oras, tanging mga puno at hampas ng hangin ang kasa-kasama namin.
Kaming dalawa lang ang nandito at walang mga mapanghusgang mata ang nakamasid. Masaya akong kumakain kahit nakikita ko ang kadugyotan ni Erie. Hindi rin maalis ang tingin ko sa kanya sa bawat pag-subo na ginagawa ko. Bigla akong natuwa na panoorin siya habang masigla siyang kumakain.
Sobrang cute niya talaga... baliw na yata ako? Naaasar ako sa kanya dahil madumi siya at dugyot pero bakit naiba na yata ang ihip ng hangin? Bakit gustong-gusto ko na makita ang kadugyotan niya?
Tapos na kami kumain at sinisimulan ko na iligpit ang pinagkainan ko no'ng magsalita siya, natigil ako sa ginagawa at itinuon ko ang pansin ko sa kanya.
"Ikaw ah, hindi mo sinabi na gano'n pala ang meaning ng Erie."
Tinignan ko lang siya, hindi ko masyado maunawaan ang ibig niyang sabihin. Wala naman kasi ako maalalang sinabi ko sa kanya ang meaning nito. "Ang cute naman ng callsign mo sa akin hihihi," paghagikgik niya.
"How did you know? Hindi ko naman sinabi sa 'yo," pagyayabang ko.
"Uso magtanong kay pareng google!" Natatawa niyang sagot.
Okay? So, she researched about it? Mukhang nagustuhan niya talaga ang naisip ko na callsign at napa-search pa siya.
"So, what does it mean?" paghahamong tanong ko.
Abot taingang ngiti niya habang umusog siya ng kaunti sa tabi ko. "Pusa hihihi."
Kumalabog ang dibdib ko dahil heto na naman... ang lapit niya sa akin. Hindi naman ako naiirita pero hindi lang ako mapakali, at parang gusto ko rin siya lapitan at akbayan. Lihim kong kinurot ang sarili ko dahil nagsisimula na naman maglaro sa isip ko ang mga kalokohang bagay. Hindi normal na isipin ko ang mga malisyosong bagay na iyon sa kanya, kaibigan ko lang siya... hindi crush, at mas lalong hindi girlfriend!
She's right. Erie means cat. I'll call her that name because she's too clingy, or should I say malambing?
Napaka-active niya rin at parang hindi napapagod lagi. Friendly rin siya, pansin ko iyon sa araw-araw na nakakasama ko siya sa school. Lahat ng classmates namin ay close niya, lahat ng makakasalubong niya sa hallway ay babatiin niya kahit hindi niya naman kilala.
Para rin siyang kabute na susulpot na lang bigla sa hindi mo inaasahan na oras, magugulat ka na lang ay nasa tabi mo na siya. Higit sa lahat, nagmumukha siyang pusa sa tuwing ngumingiti o tumatawa siya. Kaya mas lalo akong na-a-attract sa kanya tuwing ngumingiti siya.
And I call her that name because... I'm a cat person, nakikita ko sa personality niya ang traits ng pet kong pusa dati.
"Mukha ba 'kong pusa?" nakangiti niyang tanong. Nakayuko siya at pinaglalaruan ang takip ng tumbler niya.
"Yeah," iyon lang ang naisagot ko dahil nahihiya akong sabihin ang reason ko. Isa pa ay ayokong malaman niya iyon, secret ko iyon.
"Meow! Hihihi!"
Nabitawan ko ang hawak kong kalat dahil biglang dumamba sa akin si Erie at niyakap ako sa leeg. She rub her head too on my neck... Darn it!
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, pigil hinga rin ang ginawa ko dahil nanghihina ako sa ginagawa niyang pagkuskos ng ulo niya sa leeg ko, nakikiliti ako!
Bakit bigla-bigla na lang siya nangyayakap?! Hindi naman sa ayaw ko ang ginawa niya pero bakit hindi man lang nagpasabi? Puwede niya naman sabihin kung gusto niya ng yakap at yayakapin ko siya na parang wala ng bukas!
"Meoooow!"
At saka bakit meow siya nang meow? Porket sinabi kong mukha siyang pusa ay mag-po-portray as cat na rin siya? Hindi niya alam na nakakaramdam ako ng kakaibang sensasyon sa ginagawa niya. Kulang na lang ay mangisay ang katawan ko sa sobrang kilig at kiliti na nararamdaman ko ngayon! Ang cute-cute niya! Para talaga siyang pusa. Gusto ko siyang ibulsa at iuwi sa bahay sa pinaggagawa niya!
"Meow! Hahaha! Benjamin meowww!"
Hindi pa rin siya tumitigil sa kaka-meow, at parang nagpapa-cute pa siya ng husto sa akin... o inaakit niya ako? Hindi ko alam! Pero kung ganoon nga, congrats sa kanya! Dahil dalang-dala ako sa ginagawa niyang pang-aakit! Nakakainis!
Naging triple ang kabog sa puso ko at parang pakiramdam ko ay umiinit ang paligid ko. Hindi ko na rin kinakaya ang pagyakap na ginagawa niya kaya naitulak ko siya at agad akong tumayo. Tumalikod ako sa kanya at gigil kong kinagat ang necktie ko.
Alam kong mukha akong siraulo sa ginawa ko, hindi ko kinakaya ang kilit na nararamdaman ko. Dagdag pa ang init na nararamdaman ng katawan ko. Ano ba 'to? Parang sa bawat araw na nakakasama ko siya ay pa-weird nang pa-weird ang nararamdaman ko sa kanya?!
"Napakabayolente mo Private Benjamin, bakit mo 'ko tinulak?! Ang sama mo!"
Nilingon ko siya pero hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, naiilang ako. Pakiramdam ko rin na kapag tumingin ako ng straight sa mga mata niya ay may kakaibang mangyayari. Kita kong pinagpagan niya ang binti at palda niya. Napalakas yata ang pagkakatulak ko sa kanya. Kasalanan niya naman iyon! Kung hindi niya ko niyakap at kiniliti, hindi ko siya maitutulak!
"B-balik na tayo sa room. Matatapos na ang lunch break."
Nauna na ako sa kanyang umalis at hindi ko siya tinapunan ng tingin kahit tinatawag niya ako. Hindi ko na rin nagawang iligpit ang pinagkainan ko dahil madali akong umalis sa Secret Haven. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya, at ayaw ko muna siya kasabay... hindi pa rin kasi naaalis ang kilig sa akin! Napakahusay mo talaga magpakilig, Erie!
Normal lang ba kung maramdaman ko ito? Kaibigan ko lang siya at wala akong gusto sa kanya. Tinanggap ko siya bilang kaibigan ko, pero bakit ganoon... may iba pa bang dahilan kung bakit ko ito nararamdman sa kanya?
-AndyThoughts-
AN: Huwag tularan si Aerielle hahaha.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (93)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
buen libro excelente
05/06/2025
1Skibidi toilet
15/03/2025
15000 diamond
17/01/2025
1Tingnan Lahat