Homepage/Memories of Erie/
Chapter 101
LIAM BENJAMIN
"Eh 'yon ang sabi niya," tipid kong sagot kay Kuya Clark. Pinapanood lang ako ni Kuya habang naglalagay ako ng mga plato sa dish rock.
Dumiretso ako sa sala pagkatapos ko maglinis, nakabuntot lang si Kuya sa akin. Hinihintay niya na dugtungan ko ang kwento ko.
"Hindi mo man lang inusisa? Benji naman, hindi ganiyan ang boyfriend duties. Dapat inaalam mo ang lahat tungkol sa kaniya," paglalahad niya sa opinion niya nang makaupo siya sa tabi ko.
Binuksan ko ang TV, naiilang ako sa mga sinasabi niya. "Bakit ko gagawin 'yon? Hindi niya naman ako boyfriend." Pinilit kong sa palabas lang tumingin. Alam ko na ang kalalabasan ng usapan na 'to. Ipipilit niya na naman na walang mag-best friend na babae at lalaki.
"Benji, Benji," he smirked. "Tsk tsk tsk. Napakahina mo naman."
"Ano na naman?" Irita kong tanong. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya, alam ko naman na naka ngisi siya habang tinitignan ako.
"Sa loob ng isang taon na magkakilala kayo, hindi mo man lang nagawang pumorma sa kaniya?"
"I don't know what your talking about," patay malisya kong sagot.
Gusto ko magtakip ng tainga nang humalakhak siya sa naging sagot ko. Napahawak pa siya sa tiyan niya, para bang nakarinig siya ng joke na hindi niya pa naririnig sa tanang buhay niya.
"Masasabi ko talaga na half brothers lang tayo," natatawa niyang saad, mangiyak-iyak na ang itsura ng mukha niya dahil sa pagtawa. Panigurado pagti-trip-an na naman ako ng mabait kong kapatid.
"What do you mean?"
"Walang makupad sa lahi natin, bukod tangi ka lang."
Doon ko lang nagawang tumingin sa kanya, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ako lang ang bukod tanging makupad sa family namin? Aminado akong mahina ako physically, pero iba yata ang tinutukoy niya.
"Anong sinasabi mo?" Kunot noo kong tanong.
"Remember when Dad told us he had a lot of girls before bago niya mapasagot si Mom?"
"Uh huh?"
"And me? Do I need to mention how many women are obsessed with me?" May kayabangan sa tono niya.
"Oh ano ngayon?" Wala akong interes sa mga sinasabi niya. Bakit ba niya ino-open ang pagiging babaero nila ni Dad? At mukhang proud pa siya. Ano ba ang inaasahan ko sa kaniya? Proud nga siya na marami na siyang napaiyak na babae.
"Pinapa-realize ko lang sa 'yo na napakahina mong dumiskarte sa babae. Unlike us. Wala kaming kahirap-hirap makuha ang natitipuhan namin. In a snap of our fingers, we get the woman we want."
Hindi ko siya sinagot, tinignan ko lang siya na parang hindi ko alam sinasabi niya. Muli kong tinuon sa pinapanood ang tingin ko.
He's right. Wala akong lakas ng loob umamin at ipaalam ang nararamdaman ko sa isang tao. Lalo na sa babaeng gusto ko. Hinahayaan kong itago ang totoong sinasabi ng puso ko. Takot ako.. bukod pa ro'n, hindi ako marunong manligaw. Hindi ko alam kung paano ipapakita ang affection ko sa taong gusto ko.
Ni hindi ko pa nga na-experience magkagusto sa mga naging girl classmates ko noon. Ngayon lang ako nakaramdam ng butterflies in stomach—like what I always heard sa mga taong in love—nang dumating ang pinaka dugyot na taong nakilala ko.
"Jeez, paano ka makakaporma niyan kung babagal-bagal ka?" he said in disbelief.
"Wala naman akong gusto kay Erie." Pinangunahan ko na siya sa gusto niyang iparating.
Here we go again, the another episode of denying my true feelings to the girl I like.
I heard him scoffed. "Really? Then bakit over protective ka sa kanya? You're just her best friend like you always said, but your acting like her jealous-over-protective lover when I'm with you two."
Kasi nga gusto ko siya...
I want to shout it, pero hindi ko alam kung bakit yumuyupi ang dila ko at hindi ko magawang isatinig iyon. Natatakot akong may makaalam nito.
Naiinis ako sa sarili ko. I want to bang my head on the wall. Naiisip ko na napaka-eksaherado ko na naman. Bakit ba kasi napakahirap para sa akin ang umamin? Simple lang naman 'yon hindi ba? Sasabihin ko lang na 'yes I like her', pero para akong mamamatay kapag tinatangka kong ipaalam iyon sa mga tao sa palibot ko, maski kay Erie ay naduduwag akong umamin.
Damn! I hate this. It is hard to be like me.
"That is simple Kuya. I am protecting her to a person like you."
"Ako? Bakit ako?" Takha niya akong tinignan.
"Dahil tirador ka ng mga inosenteng babae," ngisi ko sa kanya. "Protective ako kay Erie dahil maraming nagkalat na kauri mo kahit saan. As her bestfriend, hindi ako papayag na masaktan at iiyak siya just because of a stupid-motherfucker-womanizer existed every where. Napakabuting tao ni Erie at hindi niya deserve ang maloko."
Napanganga siya sa naging lintanya ko, hindi siya agad nakabawi. Tulala lang siya ng ilang segundo. "Nice speech..."
Titig na titig pa rin siya sa akin. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot sa mga salitang binitawan ko.
"What?"
Ang harsh ko ba? Nagsabi lang naman ako ng totoo.
"Medyo masakit sa feelings 'yon pero napahanga mo ako," napa-slow clap pa siya ng sabihin 'yon.
"Huh?"
"That's good bro, hindi pa kayo pero binabakuran mo na. Gusto ko 'yan, segurista. Protect her like an historical artifact, bunggoin mo lahat ng gustong magnakaw sa kanya."
"Coming from you?"
He smirked and laid his feet on the table. "Babaero man ako but I know how to treasure my jewel, Benji."
Hindi ba contradict iyong sinabi niya?
Marami na siyang luha na nakuha mula sa mga naging ex niya. Kulang pa ang isang drum para sa mga luhang nasayang dahil sa pananakit ng kapatid ko sa mga naging babae niya.
Why is he blabbering about treasuring a women?
Hindi kaya nauntog na 'to? May babae na kayang nakatapat si kuya na nagbali sa pananaw niya? Nagbago na siguro siya at nag-repent sa pagiging babaero.
Gusto ko man mag-usisa sa love life niya ay isinawalang bahala ko na lang ang huli niyang sinabi. Nanood na lang kami pareho hanggang sa magsawa kami.
-AndyThoughts-I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (94)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hi good night
23d
0buen libro excelente
05/06/2025
1Skibidi toilet
15/03/2025
1Tingnan Lahat