Homepage/Memories of Erie/
Chapter 100
LIAM BENJAMIN
"Ah Clark," basag ni Mom sa harutan namin ng kapatid ko.
"Po?"
"Alam ba ng Dad mo na pumunta ka rito ngayon?" Nag aalinlangan na tanong ni Mom.
Sumimsim ng tubig ang katabi ko bago siya sumagot. "I know hindi mo magugustuhan if I tell him na may communication kayo sa'kin. Don't worry Mom, I keep this as a secret."
Tumango-tango siya at tipid na ngumiti. "Nasaan ba siya ngayon? Bakit parang ikaw na ang pinapatakbo niya sa mall?" Pag-iiba niya ng usapan.
"He's in London."
"London? Ano'ng ginagawa niya ro'n? International company na ba ngayon ang Metro Galleria?" natatawang usisa ni Mom.
"Actually," hininto ni Kuya ang pagsasalita at sumulyap sa akin. Nag da-dalawang isip siya kung kailangan niya bang sabihin ang rason ng pagpunta ni Dad sa ibang bansa. "He's with Echo," he continued.
Natigil ako sa pagkain nang marinig ko ang pangalan na sinambit ni Kuya. Unti-unti kong nararamdaman ang pagsikip ng paligid ko.
Sumulyap din sa akin si Mom, ilang siyang ngumiti at bumaling kay Kuya. "Ah, so ibig mong sabihin nagbabakasyon lang ang Dad mo?" Pakiramdam ko ay ayaw pag-usapan ni Mom ang taong binanggit ni Kuya.
"Hindi po. Wala sa plan ni Dad ang magpabalik-balik sa London kung hindi lang kailangan." Napabuga ng hangin si Kuya, ramdam ko na nabibigatan siya sa daloy ng usapan.
"W-what happened, Kuya?" sabat ko kahit nagsisimula na manginig ang sistema ko.
"He made a big mess, as usual. Kaya no choice si Dad kung hindi puntahan siya at linisin ang eskandalong ginawa niya."
Tuluyan nang nagbago ang atmosphere sa pagitan naming tatlo. Hindi ko na magawa pang ituloy ang kinakain ko. Nabalot na ako ng takot at pagkabalisa. Bakit ako nagkakaganito? Wala naman siya rito, hindi namin siya kasama pero ganito na ang nagiging pakiramdam ko nang banggitin ni Kuya ang pangalan niya.
"Pinadala siya sa London para magtino, but I guess hindi na talaga tatablan ng disciplinary action ang isang 'yon." Naiiling si Kuya habang hinihimay ang ulam sa plato niya.
"Tapusin na natin ang pagkain," pagputol ni Mom sa nakakailang na usapan. "Benji, kain na." Hinawakan ni Mom ang kamay kong nanginginig. Nang mapunta sa kanya ang tingin ko ay nginitian niya ako, sinasabi ng mga titig niya na huwag na akong mag-alala dahil maayos na ang lahat at wala na akong dapat ikatakot pa.
Nginitian ko siya pabalik, ngunit tipid lang. Pilit ko mang pakalmahin ang sarili ay nabalot na ako ng pagkabalisa.
Isang taon na ang lumipas simula ng hindi ko siya makita, pero bakit nagkakaganito pa rin ako? Pangalan niya pa lang ang narinig ko ngunit abot langit na ang takot na nadarama ko.
Siguro kahit libong taon pa ang lumipas ay hindi na mawawala sa akin ang mga alaala na sinapit ko sa kamay niya... Nakaukit na ito at parte na ng pagkatao ko. Pero kailangan ko itong labanan, hindi ang nakaraan ko ang magpapatigil sa panibagong buhay na unti-unti kong binubuo.
Malaya na ako sa naging kaharasan niya. Malaya na ako sa kamay ni Echo. Hindi ko na kailangan pang balikan iyon.
Pinilit kong ubusin ang pagkain sa harap ko kahit nawalan na ako ng gana dahil sa pagkabalisang kumakain sa sistema ko. Ayoko na makita nilang dalawa na apektado ako, hindi sila dapat mag-alala pa sa akin.
Ako ang nagligpit ng pinagkainan namin pagkatapos, pinagpahinga ko na si Mom dahil maya-maya ay pupunta na siya ng hospital. Tinulungan ako ni Kuya sa paghugas ng untensils na ginamit namin, kaunti lang ito pero nag pumilit siya na tumulong, pero parang hindi niya rin naman ako natulungan dahil sa isang plato ay mga 5 minutes niya itong sinasabunan.
"Bakit 'di mo pinapunta si Aerielle ngayon? Sayang hindi ko man lang siya naka kwentuhan." He said out of the blue. Nakatuon pa rin siya sa plato na kanina niya pa sinasabunan. Hindi ko maiwasan mapairap sa narinig ko.
Sinasabi ko na nga ba at mababanggit niya si Erie. "Do you think I invited her? Siguro si Erie talaga ang reason kaya ka pumunta rito." Simangot kong sagot sa kanya.
"Hindi ah, pero parang gano'n na nga—what the?!"
Winisikan ko siya ng tubig sa mukha, may konting bula pa ang kamay ko kaya asar na asar siyang tumingin sa akin. Inis niyang binitawan ang hawak niya saka nag punas ng mukha. Tinuloy ko ang paghuhugas habang tinatawanan ko siya.
"Kanina ka pa Benji, kota ka na."
"Wala si Erie." Pag-iiba ko.
"What do you mean wala?" Tanong niya habang patuloy na nagpupunas.
Saglit akong huminto sa ginagawa ko. Maski ako ay hindi alam kung nasaan siya ngayon.
"Sabi niya.. they're on vacation. Sa Laguna raw."
"Laguna raw? Hindi mo sure?" Ngisi niyang tanong.
Paano ko ba malalaman kung totoo iyon? After ng celebration kela Nicolai ay madali siyang umuwi dahil may pupuntahan daw sila ng parents niya... that's what she told me.
"Sa L-Laguna, Private Benj. Buong summer kami roon mag-stay. Sorry ah? Ngayon ko lang nasabi sa 'yo. Sorry din kung hindi tayo magkikita ng ilang months."
Kita ko kung paano lumikot ang tingin niya ng mga oras na 'yon, ni hindi niya nga magawang tumingin ng diretso sa mga mata ko nang mag paalam siya sa akin.
Hindi ko alam pero iba ang kutob ko sa mga sinabi niya.
Kinausap ko si Tita Thea tungkol roon sa sinasabi niyang magbabakasyon sila, mukhang nagsasabi naman ng totoo si Tita dahil ng ihatid ko si Erie sa bahay nila after ng celebration ay nakaimpake na ang mga gamit nila.
But I can't help myself to be dubious...
Maraming pagkakataon na puwede siya magsabi na may plano pala mag bakasyon silang mag family. Nag sabi lang siya sa akin on the spot. Hindi kaya unplanned out of town 'yon? Baka may emergency sa family nila kaya biglaan silang napaluwas ng Laguna? Maybe that's the reason.
Pero hindi ko maiwasan mag-isip, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung dala lang ito ng labis kong concern pagdating kay Erie? Sakitin siya at anemic pa. Kaya hindi ako mapakali kapag hindi ko nalalaman ang lagay niya.
Lalo pa at ilang buwan ko siyang hindi makikita. Ang hirap para sa akin 'yon. Hindi ako sanay na hindi siya makita.
-AndyThoughts-I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (94)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hi good night
28d
0buen libro excelente
05/06/2025
1Skibidi toilet
15/03/2025
1Tingnan Lahat