Chapter 98

LIAM BENJAMIN
Natapos ang ceremony pero narito pa rin kami sa school. Kabilaan ang iyakan at batian ng mga kapwa ko graduates. Lahat ay nagbibigayan ng letter o regalo sa isa't isa, ramdam sa bawat sulok ng ENH ang saya na may halong lungkot.
Apat na taon ang inilagi ng karamihan sa amin, kaya siguro hindi maiwasan na maging emotional sila. Kahit ako man din ay nakakaramdam din ng lungkot. Marami akong mami-miss dito sa school na ito. Dito ko narasan ang lahat ng first sa buhay ko, malaki ang naging puwang ng Eastwest sa puso ko.
I sighed.
"Lalim naman niyan."
Nalingon ako kay Erie na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na. "Akala ko ba tataguan mo ako pagtapos mo magmartsa?"
"Eh 'di hindi ko na nakuha medal ko kung ginawa ko 'yon."
"Ang sabihin mo.. gusto mo rin talaga na manyakin kita." Ngumisi ito at nagtaas-baba ang kilay niya.
Nginitian ko siya sabay tinulak ng hintuturo ko ang ulo niyang napakalapit sa akin. "Asa ka naman makakalapit ka sa 'kin? Hindi tayo talo."
"Asa ka rin! Feel na feel mo naman panghaharot ko sa 'yo? Masyado kang abusado."
"Wala naman kasi may nagsabi sa 'yo na harutin mo 'ko."
"Kunwari ka pa, kilig anes ka naman palagi."
"Ano?!"
Pipitikin ko ang bibig niya ng tinakbuhan niya ako. "Pasmado talaga bibig mo!"
Tinawanan niya lang ako at tumakbo palabas ng gym. Hindi ko siya nasundan agad dahil may mga bumabati sa akin at nagpapa-picture pa.
"Nasaan si Aerielle?" Bungad ni Kayle nang malapitan niya ako.
"Lumabas, 'di ko alam saan pumunta."
"Paano 'yan? Pupunta na tayo sa house ni Nico, hanapin mo kaya?"
Nag-decide kaming anim na mag-celebrate sa bahay ni Nicolai, tutal spoiled naman siya ng parents niya kaya pinagbigyan din siya. Basta, bawal ang alcoholic drinks. Pabor sa akin dahil never pa ako nakasubok ng alak.
"Bakit ako? Ikaw na lang, baka nasa comfort room lang siya."
Tinignan niya ko ng nakakaloko sabay ismid. "Ayaw mo talaga hanapin? Baka mawala 'yon, chika niya pa naman sa 'kin pupuntahan siya ni Shawn ngayon para ibigay sa kanya ang graduation gift niya."
Automatic na nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang pangalan ng pinaka buwiset na bata sa ENH. "Totoo ba? Bakit wala siyang nabanggit sa 'kin?"
"Ewan ko? Baka gusto niya i-secret sa 'yo."
Talaga bang itinago niya 'yon sa akin? Nakakainis, bakit ba hanggang ngayon ay kinakaibigan niya pa rin si Shawn?
"If I were you, hahanapin ko na siya. Baka masulot pa, pagsisihan ko pa sa huli," huminto si Kayle sa sinasabi niya at tinignan ako. "At saka gusto ng pumarty ng tatlong ugok, kaya go hanapin mo na si Aerielle."
Tinalikuran na niya ako at sumama kela Nicolai para mag-picture taking.
Napabuga ako ng hangin dahil inaatake na naman ako ng overthinking. Padabog akong lumabas ng gym at sinimulan ko siyang hanapin sa banyo pero wala siya ro'n.
"Aish... Nasaan ka ba Erie."
Inis akong napakamot ng ulo, naiisip ko na baka magkasama na sila ni Shawn ngayon. Panira ng araw, ayos na eh. Tapos sisingit pa siya ngayon sa masayang araw namin?
Hindi ko maintindihan si Erie kung bakit nilalapitan niya pa rin ang tukmol na 'yon kahit binusted na niya.
"Shit."
Hindi ko mapigilan mapamura sa mga naiisip ko. Hindi kaya pinayagan niya ulit magpaligaw sa lalaking 'yon nang hindi ko alam?
Kung totoo itong naiisip ko, bakit nagtatago siya sa akin? Bakit hindi niya man lang ino-open sa akin 'yon? Iyong pupuntahan pala siya ngayon ni Shawn para bigyan ng regalo? Kahit 'yon hindi man lang niya nagawang sabihin sa akin?
Karapatan ko naman siguro malaman 'yon dahil kaibigan niya ako, 'di ba?
"Aish!"
Napahinto ako sa paglalakad at nameywang ako't marahas na bumuga ng hangin. Hindi talaga ako makapaniwala na nagagawa niya pa rin magtago sa akin.
At saka nasaan ba siya? Bakit hindi ko siya mahanap? Umalis na ba sila ni Shawn 'tapos hindi man lang nagpaalam?
Kapag nakita ko si Shawn ay makakatikim sa akin ng upper cut 'yon. Masyado siyang feeling close sa Erie ko.
Si Erie rin naman kasi... "Titirisin kita Erie kapag nakita kita," gigil kong bulong sa sarili habang hinahanap pa rin siya.
Saglit akong tumigil sa paglalakad.
Dahan akong naglakad ulit at inalala ko ang mga lugar na puwede niyang puntahan dito sa loob ng Eastwest.
Sa Secret Haven?
Napangiti ako nang maalala ko ang paborito niyang lugar—paborito namin na lugar. Tinungo ko ang daan papunta sa lugar na iyon.
Sa huling pagkakataon, muli ay masisilayan ko kung gaano kaganda ang lugar na maiiwan namin. Ang mga alaala namin na saksi ang mga puno at mga tuyot na halaman. Mga alaala na sa puso ko ay nakaukit na.
Pagkapasok ko sa Secret Haven ay malakas na hampas ng hangin ang bumungad sa akin, kasabay no'n ang pagsilay ng ngiti sa labi ko.
Nandito siya... Nakatayo at pinagmamasdan ang kakaibang ganda ng lugar na ito.
Sumusunod sa hampas ng hangin ang mahaba niyang buhok, pumikit siya at dinama ang pagsayaw ng puno sa saliw ng hangin.
Hindi ako nagsalita, dahan lang ang ginawa kong paglapit sa kanya.
"Sayang, hindi na tayo makakatambay pa rito." Wika ko ng idilat niya ang mga mata niya.
"Sa tingin mo hahayaan ko na hindi tayo makapunta rito ulit?"
"Ano na naman 'yang iniisip mo?" Natatawa kong tanong.
Lumingon siya sa akin na nakangisi. "Aports ko si manong Eloy, remember?"
"Aalis ka na't lahat dito sa Eastwest, dadamay mo pa siya sa kalokohan mo?"
Tumawa kami pareho, kumuha siya ng bato at lumapit siya sa puno ng balete kung saan nakaukit ang pangalan nila ng bestfriend niya noon—si Melisa.
Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya, sinusulat niya sa puno ang mga pangalan namin. Agad naagaw ng atensiyon ko ang sinulat niya.
Private Benj
♡
Erie
Since June 2, 2k15
Ngiwi kong pinakatitigan ang sinulat niya, takha ko siyang nilingon. "Ano 'yan? Bakit may heart?"
"Love mo ko, love kita... kaya..." Gamit ang dalawa niyang hintuturo ay sinulat niya sa hangin ang heart sabay humagikgik siya.
"Hindi kita love, nangangarap ka na naman."
"As a friend!" sigaw niya. "As a friend kasi 'yon! Aburido ka 'di pa ko tapos."
Inis niyang binato ang hawak niya at sinimangutan ako. Oo, mahal ko siya. Pero hindi ko alam kung paano aaminin sa kanya.
Nahihiya ako.
Natatakot.
Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para sabihin sa kanya na gusto ko siya.
Nauuwi sa biruan at lokohan ang mga bagay na gusto kong malaman niya.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit naduduwag ako...
Nahihirapan akong umamin.
-AndyThoughts-

Komento sa Aklat (94)

  • avatar
    Berny Delatorre

    hi good night

    23d

      0
  • avatar
    FontalvozapataYeison

    buen libro excelente

    05/06/2025

      1
  • avatar
    ManabatKendra

    Skibidi toilet

    15/03/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata