Kurt Thomas Salamanca's Pov Hmm.. ang lambot. Mas hinigpitan ko pa ang kapit sa yakap kong unan. At siniksik ang mukha dito. Ang bango pa... "T-teka huy!" hawak ng kamay sa kamay kong nakayakap sa unan "Sabing bitaw!" "Aray!" daing ko, kasabay ng pagmulat ko nang mata. Ang paghawak ko din sa pisngi kong nasaktan. "P-para san yun?!" hindi ko maiwasang mainis Bakit naman kasi sampal pinanggigising? Pwede namang kiss! "Anong para san yun?! Yung kamay mo kung saan-saan dumadapo. Bastos!" Pulang-pula ang magkabilang pisngi nyang tumayo at pumasok sa banyo Huh? Ang kamay ko? Naalala ko kung saan sya nakapwesto kanina. At nasa sofa pala ako nakatulog... Naalala ko din yung kagabi na nakiusap ako sakanyang dito lang sya. Ibig sabihin... Hala! Yung nahawakan kong malambot. Hindi yun unan... Pati kung saan ko siniksik yung mukha ko! Sh*t! Napahilamos ako ng mukha. Dali-dali akong tumayo para puntahan sya sa pinto ng banyo. "Kismet, sorry. Hindi ko yun sinasadya.." katok ko sa pinto "Heh! Manahimik ka nagwowork out ako. Magluto ka na jan. Gutom ako pagkatapos nito" sagot nito mula sa kabila na mahina kong ikinatawa Alam kong nahihiya din sya sa nangyari kanina. Pero ibang klase talaga sya. Nagagawa nyang mapatawa ako kahit na nagsusungit-sungitan sya. "Sige. Ilabas mo lang lahat yan" natatawang sagot ko "Manahimik ka! Hindi ako makaconcentrate.." Hindi ko na maiwasang matawa. Tuwing umaga talaga.. Pumunta nalang ako sa kusina para ilabas ang mga ingredients. Simpleng breakfast lang, hotdog, egg, at bacon. Pero magluluto din ako ng pancake. Isa sa mga paborito nya. Malapit na akong matapos ng lumabas sya sa cr. "Success?" nangingiting tukso ko "Heh!" Bulyaw nya na ikinatawa ko ng mahina "Bango ah" napangiting amoy nya habang nakapikit Napangiti ako lalo ng matignan ang mukha nyang masayamg nakangiti. "Syempre masarap din. Upo ka na jan malapit na kong matapos" turo ko sa stool. Since ako lang naman ang nakatira dito. Hindi na ako bumili ng dining table. Palagi din kasi ako sa hospital at umuuwi lang para matulog at maligo. Pero ngayong nandito si Kismet parang nagsisisi tuloy akong kulang nang appliances tong condo ko.. "Tulungan na kita. Saan ang mga plato?" lapit nya parin Kaya tinuro ko nalang yung cabinet sa gilid. Nandoon ang lahat ng plato at utensils. Hindi ko maiwasang mapangiti ng maisip na para kaming mag-asawa. Ako ang nagluluto, habang sya tinutulungan akong magprepare ng lamesa. Ang saya sa pakiramdam na kasama ko sya ngayon. "Uy yung hotdog!" nanlalaki ang mata nyang turo sa niluluto ko Nanlaki din ang mata ko ng makitang nasunog ito Sh*t! Di ko nabaliktad. "Mukhang may hangover ka pa. Alak pamore, Doc!" pabirong asar nya na mahina ko ding ikinatawa Tinapon ko na lang yung sunog na hotdog. Delikado na din yung kainin. Nakakacancer. "Ayaw mo kong payagan na ligawan ka eh." biro ko din Pero pansin kong natahimik sya. Kaya napalingon ako sakanya. At nakita ko ngang may lungkot at takot sa mata nyang pilit nyang iniiwas. Ramdam ko yun. Double pa.. Kaya din pilit akong bumabawi.. Ang kinakatakot ko lang naman yung tuluyan syang lumayo. Ayokong isipin na hindi ko na sya ulit makakausap... "H-hindi naman sa ganun eh." Napayukong sagot nya Bahagya nyang pinaglaruan ang kamay nya. "Anong kailangan kong gawin, Kismet? Para mapatunayan kong hindi na kita iiwan ulit? Na hindi na kita sasaktan ulit?" marahang hawak ko sa mga kamay nya at bahagya ding tinaas ang baba nya para mapatingin sa mata ko. Hindi ko mabasa kung ano yung nasa isip nya. Isa sa mga talent nya yun.. "Wala.. oras lang ang hihingin ko sayo. Thomas natatakot pa ako. Ayoko ng mangyari ulit yun. Mababali--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya Hindi ko na din nakontrol ang sarili kong halikan sya... Mula ng gabing yun. Para na akong baliw na hinahanap-hanap yung lambot ng labi nya. Mabagal lang ang paghalik ko. Kaya sobrang saya ko ng tumugon sya. Hindi ko alam kung gaano kami katagal naghahalikan. Basta sobrang saya kong mahalikan ulit yung matamis nyang labi. "Maghihintay ako sayo, Kismet. Kahit gaano pa katagal" mahina pero sigurado akong maririnig nya, habang sinsero akong nakatingin sa mga mata nya "Sayo lang ako" Wala na akong ibang gugustuhing makasama sa buhay ko kundi sya lang. At kung iisipin nya mang ibigay ako sa iba. Hindi ako papayag. Ginawa mo na yun kay Timothy, Kismet. Hindi na ako papayag. Kung pipiliin mong tumanda nang mag-isa. Sasamahan kita. ----------------------------- Pagkatapos kumain. Naligo at nagbihis lang ako sandali, tsaka magkasama na kaming bumalik sa hospital Mamaya bibili na ako ng damit pambabae pamalit nya. Para kung sakaling matulog ulit sya doon. Meron na. Pansin kong tahimik lang sya.. Ano nanaman kayang iniisip nya? "Inaantok ka ba o iniisip mo ang sermon na maririnig mo kay Tito Doc?" pabiro kong tanong na mahina nyang ikinatawa "Sira, nagpaalam ako kay Papa kaya hindi nya ako papagalitan. Ano lang.. yung deal na ginawa ko sa isa sa mga kaibigan ko." parang nahihiya nyang sagot Deal? Nakipustahan nanaman ba sya at natalo? "Anong deal yan? At bakit ka nakipagdeal?" Kanino din gusto ko sanang itanong pero baka isipin nya sobrang seloso ko "Si Boy, Nahuli nya kasi ako nung kinantahan ko si Lanie. Kaya sabi nya, kumanta daw ako nang isang song sa harap ng madaming tao kapag may event." kwento nya "Kapalit nun isasayaw nya si Kara o Mira na pansin kong crush nya at may crush din sakanya" nangingiting dagdag nya pa Kaya alam ko na agad ang nasa isip nya. Nagpapaka-kupido nanaman sya. Napangisi din ako sa trip nya. Pero.. "Bakit nahuli? Hindi ka na kumakanta?" bahagya kong lingon bago ibalik ang tingin sa daan "I stopped singing the moment you left. Wala ding ibang nakakaalam na kumakanta ako bukod kay Lanie at Boy sa mga kaibigan ko" tingin nya sa bintana Hindi ko maiwasang huminga ng malalim. Kasalanan ko pala kung bakit hindi na sya kumakanta. Singing was the one thing making her happy. Pero tinigil nya nung umalis ako. Pero para saamin yun... No this is no time to think about myself. Dapat si Kismet lang ang iniisip ko. "Want me to sing with you?" I hope she'd say yes.. "Talaga?" rinig ko ang excitement sa boses nyang ikinangiti ko Paglingon ko sandali, masayang mukha nya ang nakita kong ikinalawak lalo ng ngiti ko. "Oo naman! Sabihin mo lang kung kelan. Magprapractice tayo at sisiguraduhin nating mashoshook silang lahat sa boses mo!" sagot ko Wala pa man naeexcite na din akong makaduet ulit sya. Ang tagal na mula ng marinig ko ang boses nyang kumanta. Maganda na ito dati. Paniguradong lalo na ngayon. Narinig ko syang humagikgik "Salamat. I just hope na kayanin ko ulit" may kaba sa boses nya Marahan kong hinawakan ang kamay nyang nakapatong sa lap nya. Ramdam kong tumingin sya saakin. Pinark ko muna ang kotse ko sa parking lot ng hospital. "Kilala kita kakayanin mo. At kung kinakabahan ka..." lingon ko sakanya "Tumingin ka lang sakin, and know na hindi kita pababayaan mag-isa" lapit ko ng mukha sa mukha nya And for the last time before taking her back to the Crazy Ward. I kissed her sweet lips, like my whole performance as a doctor depended on it. Hindi nya din naman ako tinulak na lalo kong ikinatuwa. I have a big chance on getting her back. ----------------------------- Marviel Kismet Chen's Pov What the heck am I doing?! Napapikit sabunot ako sa buhok sa sobrang inis ko sa sarili. * * * * * Pakiramdam ko lumulutang ako habang naglalakad sa hallway, kasabay si Thomas na hawak ako sa bewang. Sinasabi na ng utak kong tanggalin ko ang kamay nya. Pero putek na puso ko ayaw. Kumampi pa ang katawan ko sa baliw! Inaamin kong gusto ko to. Yung init na naramdaman ko ngayon. Lalo na yung sense of security at care na naramdaman ko sa pagkakahawak nya. Yung kahit matisod ako ok lang kasi masasalo nya ako. Pero kapag ba nahulog ulit ako sasaluhin nya ba? Sabi ko dahan-dahan lang baka sakaling makahanap ako ng tyempo at makamove on. Kaso paano to?! "By the way, gusto ko sanang iwasan mong makipag-away. Lalo na ang makipagsapakan" Ramdam ko agad ang mas lalong pinabilis na talon ng puso ko, sa boses nyang malapit sa tenga ko. "A-anong away? Behave ako ah." pilit kong pagpapaangas na lingon Kitang-kita ko tuloy ang pagngisi nyang lalong ikinahina ng tuhod ko. Putek naman! "Talaga? Balita ko kaaway nyo ang Mental Ward at kayo palagi ang nakikipagbakbakan ni Mira" Parang sigurado nitong tuya Kaya kahit nanlalambot pinilit kong depensahan ang side namin. "Hindi naman kami ang nagsisimula, inaway kami edi lalaban kami! Alangan magpabully kami?" balik kong ikinangiti nya "Alam ko naman yun, Kismet. Pero..." Lapit ng mukha nya sa mukha kong ikinatulala ko "Iwasan mo parin. Kilala kita at ayoko ding masaktan ka." mukha namang sincere sya.. Pero bakit bakit ba para ko syang boyfriend kung umasta? Pati maliit na aksyon sa buhay ko bawal? "Paano kung ayaw ko? Paano kung maghanap ako mamaya ng kasuntukan sa Mental Ward? May magagawa ka ba?" napangisi kong hamon. Mukhang nagulat sya at napaatras ng konti. Akala mo malakas ka ah. Pwes! Chen parin ako. Pero hindi ko alam kung kakabahan ako ng ngumisi ulit sya. Kasunod nun namalayan kong hinila nya ako papasok sa elevator at sinara agad yun. Kaming dalawa lang ang nasa loob at hindi nya priness ang Up-Botton. Akala ko nagalit sya sa sinabi ko. Kaya ako na lang sana ang pipindot. Nang hawakan nya ako sa braso at hilain sa sulok, hanggang sa macorner nya ako. A-ano-- "Ito ang gagawin ko kapag nagpasaway ka." seryoso ang mukhang sagot nya Bago angkinin ulit ng labi nya ang labi ko! Anak ng! Nanlaki ang mata ko. Gusto ko syang itulak pero lahat ng parte ng katawan ko nanghihina. Pinilit kong itaas ang mga kamay ko para itulak sya, nang hawakan nya ang mga ito at magkasamang itinaas sa ibabaw ng ulo ko. "Hmm!" hindi ko na napigilang lumabas nang ipasok nya ang dila nya! K-kailan pa sya naging ganito?! H-hindi ko na kaya... Halos maubos na lahat ng hangin sa katawan ko ng lumayo sya ng kaunti sakin. Pareho kaming hingal na hingal. Hindi ko alam kung gaano kami katagal pero ramdam kong podpod yung labi ko. Tinignan ko sya ng masama. Pero ngumisi lang sya. "Ayaw mo? Wag kang makipag-away at magbehave ka" ang lawak ng ngisi nito Kapag ito sinipa ko.. "One more thing.." nanigas ulit ang katawan ko sa pag-aakalang hahalikan nya ulit ako nang lumapit ang mukha nya at "I would just like to remind you that. I can give you a far worse punishment, when we get older" bulong nyang nagpataas ng lahat ng balahibo sa katawan ko. A-anong worse punishment? As we get older? Para naman nasagot ang tanong sa isip ko ng bahagya syang lumayo. He still have that annoying smirk on his face. But what got me weak, was when he said what he actually meant. "Kaya kitang pikutin" * * * * * Hanggang ngayon paulit-ulit pumapasok sa isip ko yung huling sinabi nya. Pikot? The only way he can do that is if can convince Mom and Dad to marry him. Pero bakit nya gagawin yun?! Putek! Malala na ang saltik nya sa ulo! Kailangan ko syang matulak palayo. Para maging masaya na sya pero paano?! Wala akong maisip na paraan kundi maghintay nalang sa mangyayari. Hays. I mend the broken bond. Pero bakit ganito? Parang lalong gumulo? This is f*cked up! Kurt Thomas Samanca!!! CURSE YOU FOR MAKING ME CRAZIER THAN I EVER WAS!!! DANG IT!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
AlmasaEthanne
i love the story..really like to read all
12/11/2024
0
SalvadorLovely
sana maka 1 million ako pang bili ng bahay at bigas namin
i love the story..really like to read all
12/11/2024
0sana maka 1 million ako pang bili ng bahay at bigas namin
27/08/2024
0it's very nice
05/07/2024
0Tingnan Lahat