Marviel Kismet Chen's Pov "Saan si Kara?" Lahat kami napalingon sa bagong dating na pinsan ko. "Nasa cardio ward" sagot at balik ko sa cp kung saan kausap ko si Thomas Kinikwento nya kasing inaantok na sya habang nagdidiscuss ang prof nya. Kaya natatawa na lang akong ginigising sya [Kaya mo yan. May prize ka kapag hindi ka nakatulog] reply ko [Talaga? Ano kaya yun?] may nagtatakang emoji sa dulong reply nya na ikinahagikgik ko Napatingin pa ako sa mga kasama ko sa kwarto na may kanya-kanya ding ginagawa. Buti na lang. Kundi mang-aasar ang mga ito. Except kay Ollie na man-hater sesermunan ako haha! [Kung anong gusto mo basta kaya kong ibigay ;)] reply ko [Sige, sunduin kita jan mamaya may pupuntahan tayo] sagot nyang ikinaexcite ko Saan kaya? [Sige magreready ako at papaalam kila Mommy] Hindi ko na napigilan ang paglawak ng ngiti ko nang magreply sya ng kissing emoji Nagsend din ako ng heart at kiss emoji tapos yung nakatakip ang mukha kasi nahihiya Ehh sa bago lang to sakin! Si Thomas lang nakagawa ng ganito saakin. Mabilis na tumitibok ang puso ko na parang kinakabahan. Pero gustong-gusto ko Isang taon na mula ng mawala sila at magkaaminan kami. Pero hanggang ngayon hindi parin namin nakaklaro kung kami na ba o nililigawan nya parin ako.. "Sabi na at si Doc eh" Agad nanlaki ang mata ko paglingon kay Iryll na nasa likod ko na pala at nakikibasa na "Privacy naman, Couz" agad kong yakap ng cp na ikinatawa nya lang "May pa-privacy ka pang nalalaman. Para sa kaalaman mo alam ng buong school ang tungkol jan" pitik nya sa noo kong ikinagulat ko Mahina din namang natawa si Lanie. Sya ang pinakamalapit sa pwesto namin, bilang nakaupo sya sa floor habang naglalaro sa sariling cp. Kaya siguradong narinig nya kami "Love triangle" bulong nya na narinig namin ni Iryll Natawa naman ang baliw kong pinsan sa sinabi nito Anong love-- oh! Si Ten gusto ako, ako gusto si Thomas, at si Thomas sakin, Love triangle nga. "Told ya" asar ng makulit kong pinsan "Heh! Bawal paring makibasa" hindi parin nagpatalong takip ko sa cp Natawa nalang ang dalawa sa ginawa ko Natigil lang kami ng malungkot na pumasok ang kakambal ko Wait, what's wrong? "Oh bakit ganyan ang mga mukha nyo?" tanong ni Xiera Lumapit kaming lahat sakanya na umupo sa sofa. Habang nakatayo lang at tulala si Kara sa tapat ng pinto. "Binigyan kami ng deadline.." mahina pero parang isang malakas na suntok nitong sagot Si Zealan na kararating lang at nasa likod lang ni Kara, nabitawan ang bag na agad kong ikinalapit sakanya "Anong ibig nyong sabihin sa deadline? Mamamatay kayo?!" gulat na tanong ni Ollie Lahat naman kami nalungkot ng tumango ang dalawa "Sabi nila kailangan na namin ng donor as soon as possible or else baka hindi na kami umabot ng twenty years old" napatakip sa mukhang sagot ni Mira No this can't be! Not Mira too! "Mi you have to let me do thi--" "No!" agad na putol nya "Hindi kita papaygan kahit anong gawin mo naiintindihan mo?!" Natahimik ang lahat at parang natakot sakanya ng mga oras na yun. Pero hindi ako. I know her. "But.." "But no. Marviel, you promised me, you promised us! Besides hindi tayo match kaya magtigil ka" inis pero alam kong nag-aalala lang na sumbat nya, tsaka sya lumabas ng kwarto Hindi ko alam kung namalikmata lang ako o ano. Pero parang nakita kong nanggigil sya na ibig sabihin may sinabi syang kasinungalingan.. Naramdaman kong tinapik ako ni Zealan sa balikat na pilit kong ikinangiti sakanya Kung hindi ko pwedeng ibigay ang puso ko sa isa sakanila. Siguro naman may paraan pa para mapahaba ang buhay nila habang wala pang donor... Kahit yun lang habang naghahanap kami.. "Gagawa tayo ng paraan na makakuha ng donor para sainyong dalawa nang hindi nagpapaka-bayani tong isa" turo ni Xiera sakin "Mga baliw kasi tayo, hindi bayani" walang ganang sagot ni Rodnie na ikinatawa na lang ng lahat kahit na may lungkot na nararamdaman Mga baliw nga. ------------------------------------- "So what do you want for your birthday?" tanong ni Iryll habang naglalakad kami sa hallway ng hospital Wala gusto ko lang mag-exercise at dahil nasa cardio ward sila Kara. Kinuha ko na ding chance ito para makausap ang pinsan kong napalapit na din sakanya Sa bawat buwan kasing lumilipas at lumalapit ang taon ng deadline na sinabi sakanila ni Doctor Cirio. Mas napapansin naming nadedepress ang dalawa.. At hindi ko na kayang makita yun. Alam ko kung gaano kahirap kalabanin ang depression.. Kaya kahit pag-asa lang sana maibigay ko "Puso mo" seryosong tingin ko sakanya na mukhang ikinagulat nya Pero hindi kalaunan tinawanan din "Anong puso ko? Gagawin mo? Aswang ka na ba?" natatawa parin tanong nya Hindi ako ngumiti para ipakitang seryoso ako "Puso mo, Couz. Para kay Kara. Kung sakali lang at para din sana mabigyan sya ng konting pag-asa.." Alam kong nakuha nya na ang ibig kong sabihin base sa reaction nyang mukhang galit na.. "Are you serious?!" Magsalubong ang kilay na atras nito "Sige na, Couz!" mahigpit ang kapit ko sa braso nya habang nakikiusap "Ano bang nakain mo at yan ang hinihingi mong regalo? Hindi pa naman ako mamamatay!" parang naiinis ng tanong nito Pero imbes na matakot, mahina nalang akong natawa Hindi ko naman sinabing mamamatay na sya eh "Wala namang akong sinasabi na mamamatay ka, ang sinasabi ko lang, kung sakali.." sagot ko with matching puppy eyes "Pero..." parang hirap ng dahilan nya "Please?? Iry, kung match lang kami hindi ko to hihingin sayo eh. Baka nga tumalon na ako mula sa rooftop, para may silbi ako. Pero hindi eh" Kahit nga si Mira hindi ko pwedeng pagbigyan ng puso ko Pero ang pinsan kong si Iryll, pwede. Kahit na matagal, basta may mabigay lang syang pag-asa kay Kara. Malaking tulong na yun. Atleast para mabigyan ng rason si Kara na lumaban pa. Ayokong mamatay ang kahit isa sa mga kaibigan ko. Hindi ko na kakayanin pa... Huminga ito ng malalim bago tuluyang tumango. Agad din naman akong napangiti at niyakap sya ng mahigpit "Thank you! Thank you! Thank youuu!" napapatalon pang yakap ko Natawa naman sya sa reaction ko Yes! Tatagal pa ang buhay ni Kara kapag nalaman nyang may ready syang donor. Matatag naman sya eh. Pero nalulungkot ako kapag nakikita kong nalulungkot sya. "Tara, samahan kitang magsign ng documents. Tapos lilibre kita sa paborito mo" masayang hila ko sakanya Magpaparty kami mamaya kapag nalaman din nila Xiera ito, mamaya tatawagan ko nalang sila "Nga pala, may kilala ka bang marunong sa paggawa ng ilaw? Yung pwede sa date?" tanong nya, habang naglalakad na kami papunta sa opisina ni Mama Since sya ang head ng cardio ward. Sakanya kami lalapit. Gusto ko din kasi na confidential ang lahat ng papers, kilala pa namang nakakatakot na businessman si Mr. Masumi, ang Papa ni Iryll At paniguradong hindi din maganda kung malalaman nya ito. Tungkol lang naman sa pagbigay ng pag-asa.. "Si Nigel, marunong. Para sa anniv?" nakangising tukso ko Natawa nalang din ako ng mamula ang pisngi nya. Naks! Mag-eeffort na din sya "Tawagan ko mamaya si Nige, matutulungan ka nun" dagdag ko na ikinatuwa nya din Masaya din namang akong matulungan sya, kumpara sa itutulong nya saakin. Wala pa ito sa kalingkingan. -------------------------------------- Kurt Thomas Salamanca's Pov "Sige see you tomorrow, Kurt" paalam ng kaklase kong si Kristine Tumango lang naman ako I can sense that she's flirting with me. Pero wala akong interes sakanya. Besides may Kismet na ako. "S-sino yun?" nakakunot-noong tanong ni Kismet pagkadating sa garden Speaking of my angelic-devil. Maamo ang mukha pero kayang-kaya akong itumba. Nung inaya ko kasi syang lumabas, I took her to our old elementary school. At doon ko din nalaman kung bakit sya tumakas nung nahimatay sya.. She was an amazona! Akala ko makapagpapasikat na ako sakanya kasi tinuruan ako ni Doctor Clade ng mga self-defence. Pero ang dali nya akong pinatumba ng ayain ko syang mag-one-on-one "Kaklase ko sa Physiology" agad kong yakap sakanya "Namiss kita, Kismet" bulong ko Pakiramdam ko ng mga oras na yun lahat ng pagod ko unti-unting nawawala.. "Namiss din kita" parang walang ganang tugon nito, gamit ang isang kamay Kaya ng magkalas kami tinignan ko ang mga mata nya, hanggang sa labi nyang may tipid lang na ngiti "May problema ba? Alam mong pwede mong sabihin sakin" marahang hawak ko sa balikat nya Pero iniwasan nya lang ako ng tingin "Wala, ano pa lang ginagawa mo dito?" hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha nya Pero sigurado akong may bumabagabag sa isip nya.. "Hindi na ba ako pwedeng bumisita sa Kismet ko?" nanglalambing na sagot ko "Pwede naman" mahinang tawa nya na ikinangiti ko Bumalik ulit kasi ang ngiti na umaabot sa mata nya. At dahil half chinese sya sumingkit tuloy yung mata nya na nagpacute sakanya "That's more like it. Gusto din sana kitang ayaing kumain" Medyo nagiging busy din kasi ako sa school. Pero masaya akong iniintindi parin ako ni Kismet. Yun lang minsa-- hindi pala, madalas nagseselos sya. Yung kanina kaya? Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung nagseselos ba ulit sya? "Tara, dala ko din ang wallet ko" pakita nya ng wallet sa bulsa Tumango ako bilang pagpayag. Maglalakad na sana kami papunta sa parking area ng tumunog ang phone ko. Kaya agad ko yung kinuha at sinagot "Hello, Doc?" bati ko Hinawakan ng libreng kamay ko ang kamay ni Kismet na sandali nyang ikinalingon saakin na parang nagulat. Ngumiti din naman sya ng di kalaunan, habang nagpatuloy kami sa paglalakad. (Good news, Iho. Natanggap ang scholarship mo sa Harvard) masayang bati ni Doctor Clade na ikinatigil ko N-natanggap? Ako? "S-seryoso po ba kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko Nagsend kasi ako ng application bago pa mamatay si Mama. Para sana mapag-aralan ko ng maaga ang kondisyon nya at magamot ko sya. Pero ng mga panahon na nawala sya parang nawala din ako. Kaya hindi ko alam kung paano nangyaring natanggap parin ako ngayon? Nakabalik lang ako ngayong kasama ko na si Kismet na palagi akong chinicheer kahit alam kong nahihirapan din sya. Mas malakas sya. (Oo, iho. Next month daw pwede ka ng pumunta. Kaya magready kana. Sabihan mo na ang Papa mo at makakasama mo akong pupunta doon) "S-sige po. Salamat Doc" sobrang saya kong tapos ng tawag Ngiting-ngiti akong lumingon kay Kismet na nagtataka akong tinitignan "May goodnews ako sayo, pero pumunta muna tayo sa resto" aya ko Tumango lang naman sya kaya naglakad na ulit kami papunta sa sasakyan ko. Tulad ng palagi kong ginagawa pinagbuksan ko sya ng pinto at sinara ng makaupo. Tsaka ako umikot sa drivers seat at pinaandar na ang sasakyan I can't wait to tell her the goodnews! ------------------------------------- Nang makarating sa resto na palagi naming pinupuntahan. Nag-order muna kaming dalawa ng makakain. And as usual carbonara ang in-order namin na ikinatawa lang namin sa isa't-isa. Pareho talaga kami ng gusto. Mula sa pagkain hanggang sa hobby. Siguro kung may pagkakaiba lang kami yung hilig ko sa pagkain ng gulay, kahit anong gulay. Pero sya lahat na wag lang sayote at okra. Nandidiri daw kasi sya at parang laway. Tinatawanan ko nalang "Nga pala, ano na ulit yung sasabihin mo?" nakangiting tanong nyang ikinangiti ko din Akmang magsasalita na ako ng makarinig kami ng malakas na ingay.. Napalingon ako sa labas ng bintana at nakita ko nga ang isang eroplanong mababa ang lipad. "Ma'am!" parang nahintakutang tawag ng waitress na ikinalingon ko Nanlaki tuloy ang mata ko ng makitang wala na si Kismet sa upuan nya. "Please... no! This can't happen again..." nakatago sa ilalim ng lamesang turan nito, habang takip ang mga tenga at nakapikit ang mata "Kismet, Kismet, Kismet..." luhod ko sa harap nya at marahang niyugyog ang balikat nyang ikinalingon nya saakin "Thomas!" yakap nya Nanginginig sya at puno ng takot ang mga mata nya ng bahagya kong ilayo ang sarili, kaya niyakap ko muli ito. Anong nangyayari sakanya? "T-tahan na, Kismet. Nandito lang ako.." hagod ko sa likod nya Pero parang wala syang naririnig dahil mahigpit parin itong nakayakap, habang nanginginig. A-ano bang dapat kong gawin para mawala ang takot mo? At dahil pa sa eroplano.. Paano ko masasabi sayong kailangan kong sumakay doon next month? . Marviel Kismet Chen's Pov "Aray.." napangiwing bangon ko habang hawak ang ulo Anong nangyari? Naalala ko kasama ko si Thom tapos.. Nanlaki ang mata ko ng maalala ang nangyari. Agad akong napatingin sa paligid Nasa kwarto na ako. Pero hindi ko kwarto.. Saan to? "Mabuti naman at gising kana. Ito kumain ka muna" pasok ni Thomas na may dalang tray Kinuha nya sa ilalim ng kama ang folding table at nilagay doon ang mga pagkain na dala nya "N-nasaan ako?" Ang naaalala ko kasi nasa resto kami nung umatake ang takot ko sa eroplano. Naalala ko kasi yung panaginip ko kay Ten na sumabog ito. Simula nun hindi ko na kayang marinig ang tunog o kahit makakita ng eroplano. Pakiramdam ko lahat sasabog lang.. "Sa hospital. Dinala kita kasi nahimatay ka kanina. Pero dito ka pinahiga nila Ate Daisy kasi baka daw mag-alala ang mga kaibigan mo kapag nakita ka" puno din ng pag-aalalang tingin nya sakin Kaya kahit natatakot pa pinili ko na lang ngumiti "Salamat" nakahingang maluwag na turan ko Alam din kaya nila Mama? Sana hindi na. Ayoko na din silang mag-alala.. "Anong nangyari, Kismet?" tanong nyang ikinayuko ko Kaya ayokong sabihin kasi alam kong mag-aalala lang sila. Hindi ko na din naman makontrol ang sarili ko eh Kaya napabuntong hininga na lang ako. "Nung.. nung namatay sila Ten, napanaginipan ko sya. Ginising nya daw ako habang natutulog ako sa rooftop at.." hindi ko na napigilan ang luhang tumulo ng maalala ko yun Naramdaman kong niyakap ako ni Thom na ikinayakap ko din sakanya "Thom, nakita ko kung paano sumabog ang eroplanong sinasakyan nila" sumbong ko "I know that it was just a nightmare, but I think that was real. Nasa rooftop ako ng mga panahon na yun" Hindi ko yun sinabi sa iba kasi ayokong tanggapin sa sarili ko nun ang nakita ko o yung katotohanan na wala na talaga sila.. Pero hindi ko na kayang paasahin pa ang sarili ko. Kung wala na talaga sila. Diba dapat palayain ko na sila tulad ng ginagawa ng lahat? "Sige lang ilabas mo lang" hagod nya sa likod ko Naramdaman kong hinalikan nya ang noo kong ikinakalma ng puso ko. That's his power over me. Simpleng hawak nya saakin unti-unting nawawala lahat ng sakit How I wish we could just be together... -------------------------------------- "Sino yun?" magkasalubong ang kilay na tanong ko Napatingin tuloy saakin si Lanie na busy kanina sa pagccp. Sya daw kasi muna makakasama ko at sinamahan ng iba sila Mira at Kara sa cardio ward "Si Kristine, tinatanong kung may pasok kami mamaya sa Bio" kalmadong sagot nya Kristine? Nanaman? "Wala ba kayong schedule? Bakit kailangan nya pang itanong sayo?" hindi ko na natago ang iritasyon sa boses ko Napakamot naman sa batok si Thomas. "Uhh labas muna ako" parang naiilang na paalam ni Lanie Tumango lang ako habang seryosong nakatingin kay Thomas Nakakainis naman kasi sya. Halatang nilalandi sya ng babaeng yun tapos hinahayaan nya lang? Ano? Gusto nya din ba yun? Kasi kung oo kahit sabihin nya na lang! "Kaklase ko lang sya. Saan ba nanggagaling lahat ng ito?" mukhang napipikon ding tanong nya pagkalabas ni Lanie Oh edi lumabas din ang totoo na napipikon sya Palagi na lang kapag nagseselos ako o naiinis. Naiinis din sya. Hindi ba pwedeng suyuin nya ako o kahit pakalmahin nalang? Yakap lang o kahit sabihin nya lang na mahal nya ako at ako lang sapat na eh "Nanggagaling sa inis ko kasi hindi mo sinasagot yung tanong ko!" pikon ng sagot ko Ganito na lang palagi eh. Inis ako, inis sya. Parang simula ng magkaaminan kami hindi na kami halos magkasundo. Parang hindi nya ako kilala at kung paano ako pakalmahin. Parang wala na lang ako sakanya.. "Let's just stop this.." napailing na turan nyang parang ikinabingi ko W-what? "A-anong itigil?" kinakabahang tanong ko Sumusuko na ba sya? Agad? "This, ito. Klaro namang hindi pa tayo handa. Ibalik nalang natin sa magkaibigan ang relasyon natin" Parang may kutsilyong tumusok sa puso ko. Habang bumara naman sa lalamunan ko yung puso ko. "H-hindi mo na ba ako mahal?" Durog na durog ang pusong tanong ko "Oo" iwas nya ng tingin saakin Pakiramdam ko bumagsak sakin ang buong building ng hospital ng mga oras na yun. Ang sakit. Sobrang sakit.. Naramdaman kong sumakit din ang batok ko pero hindi ko yun ininda. Mas masakit tong nararamdaman ko ngayon kaysa sa pagkamatay nilang lahat. Para akong inahon sa hukay para lang ilipat sa mas malalim na pinaghukayan nila. Ang malala pa, may mga patalim doon na kapag hinulog ako. Saksak sa buong katawan ang matatamo ko. "Ok" yuko at tango ko Hindi ko alam kung anong nangyayari o kung bakit ganito na lang bigla. Pero siguro karma ko na to. Sinaktan ko dati si Ten at ito ang karma ko.. "Sana kapag handa na tayong dalawa.." Narinig kong turan nya bago lumabas ng kwarto na tuluyang ikinatulo ng luha ko. Simula ng pumatak ang isa. Sunod-sunod na ang naging pagpatak nito at hindi ko na mapigilan pa. Wala na ba talagang kayang magmahal saakin? Ang sakit ng palaging iniiwan.. Bakit ba palagi nalang? "Viel?" Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Kara na nag-aalala akong tinitignan Inabot ko ang kamay ko sakanya para sabihing kailangan ko sya. At hindi din naman sya nagdalawang isip na lumapit tsaka ako niyakap "Ang sakit, Ka" sumbong ko "Shhh dito lang ako. Hindi kita iiwan" bulong nya habang marahang hinahagod ang likod ko "Viel!" lapit din ni Zealan at yinakap ako "Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong nya Pero imbes na sumagot. Hinigpitan ko lang ang yakap ko sakanya. Hindi ko pa kayang sabihin sakanila ang dahilan. Pero sana wag nila akong iwan.. "Please wag nyo akong iiwan. Kahit anong mangyari. Wag nyo kong iiwan" makaawa ko "Oo naman. Team Crazy ward tayo, walang iwanan" ramdam kong tumango sya na ikinangiti ko ng konti "Promise?" hingi ko ng assurance "Promise, dito lang kami palagi" sagot ni Zealan na ikinakalma ko kahit papaano Tinignan ko si Kara na hinahagod parin ang likod kong tumango na may tipid na ngiti Ngumiti din ako kahit pilit Una si Tita, tapos sila Ten. Ngayon si Thomas.. Siguro nga hindi na ako mahal ni Thomas kasi nagsawa na sya sa pagiging selosa ko. Nahirapan na siguro sya. Maybe may mas importante na sakanya.. Pero nangako silang hindi nila ako iiwan. Hindi ko alam kung totoo yung sinabi dati ni Ten na magaling akong sumayaw. Pero simula ngayon kakalimutan ko na yun. Hanggang sa pagkanta hindi ko na gagawin. Priority ko na lang ang mga kaibigan ko ngayon. I will do everything para hindi na sila mag-alala saakin. I won't let anything happen to them. They're my priorities.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
AlmasaEthanne
i love the story..really like to read all
12/11/2024
0
SalvadorLovely
sana maka 1 million ako pang bili ng bahay at bigas namin
i love the story..really like to read all
12/11/2024
0sana maka 1 million ako pang bili ng bahay at bigas namin
27/08/2024
0it's very nice
05/07/2024
0Tingnan Lahat