Marviel Kismet Chen's Pov "Sunod-sunod ata paglabas mo? Hindi ka ba inaantok?" walang emosyon pero alam kong nag-aalalang tanong saakin ni Mira "Hindi naman" iling ko "Besides hindi naman ako lalabas ng hospital. Sasamahan ko lang si Tita Tera kay Doctor Clade" Nagpatuloy lang ako sa paglagay ng phone at tablet ko sa bag ko. Nandoon na din ang gamot at wallet ko sakaling mapagastos o lumabas kami ni Tita "Fine, basta mag-iingat ka. We'll just be at Kara's room" paalam nito na tinanguan ko na lang Nang matapos sa paglalagay ng gamit. Chineck ko nalang ito one more time bago isara at isabit sa balikat ko. Simpleng tshirt, pantalon at rubber shoes lang ang suot ko. Para makagalaw ako ng komportable. Habang nakaponytail ang mahaba at medyo nakukulot kong buhok Straight naman kasi buhok ko. Kumukulot lang sa kakatulog ko Sana hindi umatake ang sakit ko. Ayokong maistress si Tita Tera Nang masigurong wala na akong nakalimutan. Lumabas na ako. Napalingon pa ako sa kwarto ni Ollie, kung saan madalas pumasok si Kuya Daniel ng ganitong oras Nanlaki ang mata ko ng makita si Ollie na patakbo papunta sa kwarto nya Paktay kapag nasa loob si Kuya! I have to do something.. "OLLIE!" malakas na tawag ko Actually ito ang first time na in-approach ko sya ng walang nag-utos. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin Tumigil din naman sya at sakto lang dahil nasa tapat na sya ng pinto nya V, think! Tumakbo naman ako palapit sakanya na may pilit na ngiti "Gusto ko lang tanungin kung.." napaisip na tigil ko "Kung?" tipid na ngiti nya Pansin kong hindi nya naman ako tinatakot, kaya pinilit ko ding kumalma Mukha naman talaga syang mabait. Actually sila ni Xiera. Sila nga ang tumulong saakin ng umatake ang sakit ko eh "Kung tapos ka na sa session mo, parang ang bilis eh" hindi ganun kalakas pero hindi din ganun kahinang sagot ko Enough lang para marinig sa loob kung nandoon nga si Kuya Daniel "Ah eh--" kamot nya sa batok "Miss Yadao" Sabay kaming napalingon sa boses na yun at nakita nga namin si Doc Cassandra "Sabi ko hindi pa tapos ang session natin. Pagbalik ko wala ka na" seryoso at katulad ni Mira may kasungitang sermon nila "K-kasi doc--" "Doc kasalanan ko po" sabat kong ikinalingon nila saakin "Nagugutom po kasi ako. Tinext ko po si Ollie para magpasama, at para makakain din po sya. Sorry po nakalimutan kong session nya" yuko ko pa para hindi nila makita sa mata kong nagsisinungaling ako Bilang pinakaclose na kaibigan ni Papa. Alam ko na din kung paano makahalata ng pagsisinungaling si Doctor Cassandra. And that's by looking at someone's eyes Ramdam kong tinignan ako ni Doctor Cassandra bago sya bumuntong hininga na parang sumusuko "Fine, session ended. Pero wag nyo ng uulitin" paalala nito "Opo Doc" halos sabay na sagot namin "Ok" sagot lang ni Doc bago umalis Nakaangat lang din ako ng tingin ng maramdamang wala na sila. Hay salamat "Ok ka lang, Oll--" natigilan ako ng yakapin nya ako "Salamat" rinig kong bulong nya na ikinangiti ko Tumugon din akong yakap sakanya "Wala yun. Anytime na kailangan mo ako o kami. Sabihin mo lang" masayang turan ko Mukhang tama nga si Kuya Dan. Mabait si Ollie, at paniguradong ganun din si Xiera. Sadyang natakot lang ako sakanila ng una ko silang makita "Tara sa loob?" aya nya ng magkalas "Sige tapos punta tayo mamaya sa kwarto ni Kara at may gala din ako" tango ko "Saan naman?" tanong nya, pagbukas ng pinto Agad akong napapikit ng magkatinginan kami ni Kuya Ang isang ito talaga! Hanggang kailan ko ba sya kailangang iligtas sa pagkakabuko? "Dito lang din. Sasamahan ko si Tita, Mama ng bestfriend ko" lingon ko kay Ollie para hindi nya mahalatang may nasa silong ng kama nya "Kaya pala nakapangbihis ka" punta nito sa kusina Kaya nakakuha ako ng chance na bigyan ng sign si Kuya Dan kung ok lang ba sya. Sumagot naman syang ayos lang, kaya sinagot ko sya ng sandali lang at lalabas kami ni Ollie. Tsaka one minute ulit bago sya lumabas "May gusto ba kayong pasalubong?" I ask her, trying to give her the idea of going to the other room and asking the others what they also want "Ako kahit ano" parang nahihiya pang sagot nya "Copy" ngiti at tango ko "Samahan mo ako kay Xiera ah? Hindi ko pa kasi sya natatanong sa gusto nya" aya ko "Sige sandali at gumagawa ako ng juice ko" ngisi nya at pinakita ang kanina nya pa palang ginagawa Hindi ko maiwasang mapangiwi ng makita ang 'Juice' nya Mukhang may vinegar, kalamansi at pipino na pinaghalo-halo ang juice nya Ang sakit nyan sa tyan... "Uhh" napalunok at kamot ko sa batok "Sige gawa ka muna" Sana makumbinse namin syang kumain na din. Delikado ang ginagawa nya -------------------------------------------------------- "Thanks, V" ngiti ni Kuya Dan, habang pinupunasan ang pawis sa noo Kakalabas ko lang ng kwarto ni Kara dahil doon ko dinala si Ollie at sakto ding paglabas ni Kuya sa kwarto ni Ollie. Nagtext na din kasi si Thomas na kasama nya na si Tita, kaya nagpaalam na ako sakanila "Mag-ingat ka na, Kuya. Napapadalas ang sakit ng ulo ko. Baka hindi kita matulungan kapag inatake ako" nag-aalalang paalala ko Lalo na at medyo madami ang inaalala ko. Baka mahuli sya ng wala ako "Oo, pasensya kana, naiistorbo pa tuloy kita" hingi nya ng sorry Napangiti tuloy akong umiling sakanya "Makathank you ka naman" mahinang tawa ko "Wala yun. Masaya naman akong tulungan kayo ni Ollie. Basta wag mo syang sasaktan. Kahit hindi kami ganun kaclose ipagtatanggol ko parin sya" napangiti naman sya na parang nagustuhan ang sinabi ko. I'm just being a good friend. Mabait naman si Ollie eh, mula sa naririnig at nakikita ko ngayon. Alam kong mabait si Ollie "Sige na, aalis na kami. Ingat kana, Kuya ah" paalam ko Ngumiti lang namang tumango si Kuya, kaya umalis na din ako. I have to be with Tita Tera. Sana naman makakuha kami ng good news galing kay Doctor Clade para sumaya din si Thomas -------------------------------------------------------- "Paano na po yan, Tita?" ramdam ko ang bigat na mararamdaman nila Tito Jared at Thomas Napabuntong hininga lang din naman si Tita, tsaka binaba ang test results nyang kakakuha namin. Dapat therapy lang ang gagawin namin. Pero naisip ni tita na mas masaya kung may mabigay kaming good news sa dalawa Hindi lang namin alam na kami pala ang masusurpresa sa resultang lumabas. "Kailangan nating tanggapin ang katotohanan" nakangiti pero kitang-kita ko ang luhang tumulo sa mata nila Hindi ko din tuloy maiwasang malungkot. Napayuko nalang ako para hindi nila makita Bakit ba nangyayari ito? Ano bang kasalanan ni Tita para magkaroon sya ng ganitong sakit? Mabait naman sila ah. Hindi lang sila mahalaga saakin kasi mama sya ni Thomas. She's important to me cause she was always there. Sya ang tumayong mama ko ng wala ang totoo kong magulang. Sya yung naging proud saakin sa mga simpleng achievements ko. and lastly sila ang naging kasama ko kapag mag-isa ako sa bahay when my parents are busy caring for my sister Napaangat ang tingin ko ng maramdaman ko ang kamay nila sa kamay ko "Take care of my Thomas, Okay?" tuloy-tuloy ang luhang ngiti nila "I know you love him at masaya ako dahil doon. I'm just sad na hindi ko na makikita ang araw nyong dalawa" doon tuluyang napahikbing dagdag ni Tita Kahit ako, nagsimula na ding tumulo ang luha sa pisngi ko Remembering that Doctor Clade said 'Tita Tera only have a few months to live. She might not even make it to next year' While we're right here wishing she could live a little longer. If possible, heal from cancer. "Kismet" I heard her call me softly "Promise me..." she begged I nod "I promise po. I'll take care of Thomas. Just please Tita, stay with us. Fight for us" I cried begging too Kung milagro lang ang pwedeng tumulong saamin, sana dumating na ito ngayon. Kahit ano lang sana... -------------------------------------------------------- Nakarinig ako ng katok na ikinalingon ko sa pinto "Can I come in?" silip ni Ten na mahina kong ikinangiti Bumabalik sa alaala ko yung sinabi ni Tita kanina.. 'You can't tell them about this yet, ok? Mag-aalala lang kasi sila. We'll fight first, Gagawin muna natin ang lahat para mabago ang results' The way she smiled, She's determined to make that happen. And here I am. Worrying "What's wrong? May problema ka ba? Viel, alam mong pwede saking sabihin ang lahat diba?" nag-aalalang lapit saakin ni Ten tsaka ako niyakap Hindi ko na tuloy napigilang mapaiyak Alam ko, alam kong pwede kong sabihin sakanya, pero ayaw pa ipasabi ni Tita kahit kanino. That includes Ten Masaya akong nandito sya. Kasi kahit papaano pakiramdam ko may kasama ako. Pero ang bigat parin. Ang bigat-bigat. Para akong madudurog sa sobrang bigat. Bakit ba nangyayari ang mga ito?? Hinigpitan ko nalang ang yakap sakanya. Maparamdam lang sa sarili na may kasama ako. Kahit pansamantala lang. Kahit ngayon lang... Ramdam kong sumakit ulit ng sobra ang batok ko. Ganito yung una kong naramdaman ng unang umatake ang sakit kong narcolepsy. Hindi ko alam na mararamdaman ko ulit ito. Ang sakit! Pero mas masakit ang bigat na dinadala ko ngayon. Sunod-sunod ang mga problema na pinapasan ko. Sana matapos na to... "T-ten,. ang bigat.. ang sakit.." tingin ko sa mata nyang palaging nagpapakalma saakin Puno na ito ng pag-aalala ngayon. Nakikita ko din yung pagmamahal nya na matagal-tagal kong hindi nakita Swerte ni Lanie... "Bitawan mo na" makahulugang sagot nya na parang alam ang tinutukoy ko "Kung hindi pwede, Queen. Nandito lang ako" I saw tears in his eyes Marahan akong napatango at mahinang ngumiti "I-i know and I'm g-grateful" I hugged him again And before finally falling asleep I whispered "I love you" -------------------------------------------------------- Timonthy Range Pantanor's Pov 'I love you' 'I love you' 'I love you' Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang mga katagan yun na sinabi mismo ni Viel Nababaliw na ba ako? Totoo bang sinabi nya yun? M-mahal nya ako? "Huy!" agad na nawala ang nagbabantang ngiti sa labi ko "Ano ba?!" Pikong lingon ko pero agad na lumambot ang puso ko ng makita kung sino ito Mabilis ko ding naramdaman ang konsensya "S-sorry. Naistorbo ba kita?" halatang natakot na yuko ni Lanie Tsk! G*g* ka Ten. Wala namang ginagawang masama sayo yung tao Napabuntong hininga akong umiling at pilit na ngumiti "No, it's fine. Wala na ba kayong klase?" lingon ko sa classroom nila Sinundo ko sya kasi may gusto akong sabihin. At ayusin... "Wala na" tipid na ngiti nya "May problema ka ba" kita ang pag-aalala sa mata nyang tanong Tumango ako at inabot sakanya ang kamay para alalayan sya at hilain sa gilid, kung saan maraming puno at walang estudyante Pagkarating sa lugar. Tsaka ko ulit hinarap si Lanie I don't know how to start. Pero isa lang ang sigurado ko. Hindi ito madali... "Lanie.." napayukong turan ko "Tapusin na natin ito" dugtong ko Pag-angat ko ng tingin. Kitang-kita ko ang gulat at sakit sa mata nya "M-may nagawa ba akong m-masama? T-Ten sabihin mo. D-dahil ba kanina? Kasi kung yun s-sorry. Pero p-please wag g-ganito" sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa mga mata nyang ikinalungkot ko din She doesn't deserve this. "No" iling ko "Ako ang mali kaya inaayos ko na. I love someone else" amin ko Dapat hindi na ako pumayag simula pa lang. Sana hindi masasaktan ng ganito si Lanie. Wala naman syang ginawang masama saakin eh All she did was love me. "T-Ten please. Wag ganito" pakiusap nya Ramdam kong tumulo na din ang luha ko. Pero pinilit ko paring magpakatatag "I'm sorry.." marahan kong haplos ng pisngi nya "I did love you, pero hindi katulad ng sakanya" Kahit na hindi ako mahalin ni Viel. Basta alam kong ginagawa ko na this time ang tama. Liligawan ko parin sya "Si Viel ba?" gulat akong napatingin sakanya H-how? "Sya nga" malungkot pero pilit na ngumiting sagot nya "Noon pa lang kalat na sa buong school na gusto mo sya. Na gusto nyo sya. Hindi nya ba alam, bakit hindi mo sinabi? At kung alam nya? Bakit mo ako niligawan?" Kulang na lang sabihin nyang paano ko ito nagawa sakanya Tama si Kurt. Desisyon ko naman ang lahat kung susunod ako. Kung sumuko ako "I just want everyone to be happy. Lalo na kayong dalawa" iling ko Pero hindi yun ang nangyari.. "Masaya pero sinaktan mo ako" iling nya at marahas na punas nya ng luha "I'm sorry.." sincere na turan ko "Pero ang sakit nito.." talikod nya "Lan..." naaawang lapit ko "H-huling pabor naman oh" nanginginig ang boses nitong sabi "Ano yun?" malungkot ko ding tanong "Yakapin mo ako kahit sa huling pagkakataon na lang" turan nyang ikinatango ko at dahan-dahan syang niyakap mula sa likod Lalong lumakas ang naririnig kong paghikbi nya sa pagtagal "I'm sorry if we have to end this way, Lan" bulong ko "Also..." dagdag ko at huminga ng malalim "We're leaving"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
AlmasaEthanne
i love the story..really like to read all
12/11/2024
0
SalvadorLovely
sana maka 1 million ako pang bili ng bahay at bigas namin
i love the story..really like to read all
12/11/2024
0sana maka 1 million ako pang bili ng bahay at bigas namin
27/08/2024
0it's very nice
05/07/2024
0Tingnan Lahat