logo text

Chapter 12: With Her

Timothy Range Pantanor's Pov
"What do mean you can help me?"
Hindi ko maiwasang magulat.
A-akala ko papayagan nya na akong ligawan sya. Pero..
"Kahit anong tulong ang kailangan mo. Since ako naman talaga ang nag-utos sayong ligawan si Lanie" napayukong sagot nya
Nag-alala naman ako ng mapansing nalungkot sya. Mabilis lang naman yun at ngumiti ulit syang tumingin saakin
"Pwede mo syang ligawan pero kasama ako, in that way hindi mahalata ni Tita. Okaya magpanggap kang tinigil mo na. Pero pumunta nalang kayo ni Lanie sa hospital kung maghaharutan kay--Aray!" daing nya ng kurutin ko ang magkabila nyang pisngi
Ang cute na nakakaasar eh!
Pwede mo bang itanong kung gusto ko pa talagang ituloy ang panliligaw kay Lanie. Bago ka magsuggest ng ganyan? Gusto ko sanang itanong. Kaso baka lalo lang lumaki ang problema namin
Aaminin kong ayoko na talaga sanang ituloy ito. Ayoko din namang masaktan si Lanie eh. Pero..
"Kung ayaw mo edi wag. Di mo kailangan kurutin pisngi ko" nakangusong himas nya sa pisngi nyang nagmukhang siopao na asado dahil sa kulay pula
Yan ang totoong cute.
Hindi ko na napigilang matawa sa itsura nya na ikinatingin nya ng masama saakim
"Tawa-tawa ka jan, gusto mong mabaog?!" amba na nito ng suntok.
Kaya kahit natatawa pa ako, pinigilan ko na.
Sumenyas pa ako ng parang zinipper ang bibig tsaka ito kunwaring nilock na ikinangiti nya.
Alam kong nagtratraining sya, kaya kahit maliit ang kamay nya alam kong mabigat yun. Nakita ko na nga kung paano sya makipaglaban.
"Pero seryoso, hindi natin maloloko si Mama ng matagal. Paniguradong mahuhuli tayo nun at ayokong madamay ka pa"
Totoo naman eh, baka maghire pa yun ng private investigator kapag ganun ang ginawa namin
"Hay naku Ten, sa ayaw at sa gusto mo damay na ako dito. Ako nag-utos eh" pagmamatigas nya talaga
Oo nga pala, so anong dapat gawin?
"Basta kung gusto mo ng tulong ko, sabihin nyo lang" tayo nya na
Inalis nya din ang jacket kong sinuot ko sakanya at binalik ito sa balikat ko
"Inaantok na ako, pinupuyat mo ako. Kapag nalaman ito ni Daddy, hindi ka na nun papupuntahin dito"  biro nya pang ikinatawa ko ng mahina
Inalis ko naman ang jacket kong binalik nya at tumayo din. Tsaka ito binalik sa pagkakasuot sakanya
"T-teka. Huy! Lalamigin ka pauwi" saway nya pero since mas malakas parin ako bilang lalaki
Nasuot ko yun sakanya
"Gusto kong makitulog dito. Kahit ngayon lang. Tabi tayo?" nanlalambing na pakiusap ko
Tinignan nya muna ako ng masama, kaya mas lalo kong pinag-igihan ang magpapacute sakanya
"Gabi na Queen. Maawa ka. Baka gahasai--"
"Oo na! Gahasa ka jan. Wala namang magkakagusto sayo" talikod nya na saakin "Timing ka din. Matutulog ako sa kabilang kwarto"
"Nice. Susulitin ko tong gabing ito" habol at akbay ko sakanya
"Wag kang manyakis. Ipapasedate kita" pabirong siko nya sa tyan kong ikinatawa ko nalang
Hindi ko alam kung paano, pero para kaming bumalik sa dati naming pagkilos sa isa't-isa. Yung walang awkward at walang away.
Sana palaging ganito.
--------------------------------------------------------
Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ang mukha ni Viel paggising ko palang ng umaga.
First time ko syang makasama nang kaming dalawa lang, at katabi ko pa sya mismo sa kama
Pinipilit ko ngang sa lapag na ako. Pero mukhang wala pa syang alam kung bakit pinipili namin ni Kurt ang matulog sa lapag kesa tumabi sakanya
Well respeto namin yun sakanya bilang nag-iisa syang babaeng kaibigan namin at pareho pa naming gusto. Pero kagabi binantaan nya akong umuwi kung hindi ko din sya tatahihan. Kaya wala na akong nagawa
Wala din namang masama. Magkakatabi naman kaming natutulog dati ng mga bata pa kami. Nagbago lang dun ng magdalaga sya at kami magbinata
"Morning, Timothy. Ang aga mo atang lumabas?" tanong ni Mama na nagpabalik saakin sa kasalukuyan
Napangiti nalang ako, since masaya ang naging gabi at umaga ko
"Yeah, sorry kakauwi ko lang po" lapit at halik ko sa pisngi nila
Habang nagmano naman ako kay Dad
"Saan ka naman pumunta?" tanong din ni Dad
Nakita kong ngumisi saakin si Ben na parang may alam sa pinuntahan ko. Kaya sinenyasan ko si Ken na sawayin ito
"Ouch!" daing nito
Buti nga. Sinipa ata sya nito
"What's wrong?" tanong din ni Dad dito
"Nothing, Dad. May kumagat lang sa paa ko. Langgam ata" pasimple nyang tingin saamin ni Ken ng masama na ikinangisi din namin
"Anyway, your reason Timothy?" baling ulit saakin ni Mom
Umupo na din ako sa pwesto ko ng makuhanan na ako ng plato ng katulong
"I was at the Chen's hospital. Nagmovie marathon kami ni Viel"
That's the truth, well half the truth, since kaya ako pumunta doon para sabihin ang pinag-usapan namin ni Mama sakanya
"Bakit kailangan doon kapa matulog? Hospital yun, Ten. Hindi hotel" tanong din ni Dad na ikinatawa nung dalawa
"Hayaan mo na, malay mo gusto lang nilang magbonding since nagiging busy na tong si Timothy" pagtatanggol din naman saakin ni Mom
If I don't know any better, iisipin kong gusto nya lang akong magsaya once in a while. Pero ang totoo she wants me to court Viel again. Well hindi naman ako tutol doon. But..
Desisyon nya kung papayag sya, which is she didn't
"Kayong dalawa kumain kayo jan at magbehave"  saway nya pa sa dalawang kapatid ko na agad ding tumigil sa pagtawa
My turn to laugh at them quietly.
Mukhang naintindihan naman na ni Dad ang sinabi ni Mom at hindi na din sya nagtanong pa. Well I'm glad. Parang gusto ko tuloy bumalik sa hospital at kulitin sya
--------------------------------------------------------
Natapos na ang klase at lahat, pero hindi ko parin maisip ang dapat gawin. Should I tell Lanie? Pero paano kung hindi ko magustuhan ang maging reaction nya?
Nakatingin lang ako sa mga estudyanteng papunta na sa gate at uuwi mula sa second floor. Habang nagtatalo ang isip
"Lalim ng iniisip natin ah" agad akong napatingin at tipid akong numiti ng makita sya
She's really adorable. At siguro kung hindi si Viel. Baka sakanya nga ako nagkagusto. Pero wala eh. Kahit kasi anong pilit ko iba parin ang mahal ko. I may like her but for the reasons na may similarities sila ng taong mahal ko
"Uwi na tayo?" kuha ko nalang sa dala nyang bag na agad ding ikinapula ng mukha nya
Nagsimula na din akong maglakad papunta sa hagdan
Months ko na syang nililigawan at ramdam kong anytime sasagutin nya na ako. But...
"Ten.." rinig kong tawag nya
Doon ko napansin na hindi sya sumunod. Dahil nandoon parin sya, kaya naglakad ulit ako pabalik.
"What's wrong? May masakit ba sayo?" hindi ko maiwasang mag-alala
Lalong kumunot ang noo ko ng umiling sya
Namumula ang mukha nya at ng hawakan ko ang kamay nya sobrang lamig naman nun
"Timothy Range Pantanor.." tingin nya sa mata ko
Ramdam kong bahagyang bumilis din ang tibok ng puso ko
"Yes, Miss Lanie Delos Santos?" pabiro pero kinakabahang tanong ko
Does she know already?
"H-hindi mo na kailangan dalhin ang bag ko araw-araw" What is she saying? "Kasi mas masaya at mas gusto kong kamay ko nalang ang hahawakan mo" nahihiyang ngiti nya
Wait, is she...
She is!
"S-sinasagot mo na ba ako?" ramdam kong nag-init ang mukha ko
This is my first time having a girlfriend at saguting ng nililigawan. Akala ko dati kay Viel ko ito mararanasan. Pero.. si Lanie ang naging first girlfriend ko
Tumango naman syang ikinangiti ko din ng tuluyan
"Yes!" masayang yakap ko sakanya "Thank you!" For giving me this opportunity to feel this
Hindi ko inaakalang masaya palang sagutin ng taong nililigawan.
"We have to celebrate this" sabi ko pang ikinatango nya din naman
I don't know why, but I'm happy for this
--------------------------------------------------------
Marviel Kismet Chen's Pov
"Salamat at sorry sa abala" nahihiyang kuha ko sa laptop ko
Now I know why they left room 307 open last night. May ipapasok pala silang pasyente at kaibigan daw ni Iryll na pinsan namin. Kaya niready nila ito
Buti nalang nakauwi na si Ten, bago dumating ang bagong makakasama namin sa crazy ward
"Zealan nga pala" nakangiting pakilala nya
"Viel" tanggap ko ng kamay nya
Mukha syang mabait at magaan din ang loob ko sakanya. Kaya madali lang din saaking ngitian sya
"Gusto mong pumasok? Wala dito ang masungit kong kapatid kaya wag kang kabahan" pabirong aya ko
Well sort of, half meant yun since totoong may kasungitan si Mira. And right now nasa cardio sya kasama si Kara nagpapacheck up. Sa tingin ko ngayon nila malalaman kung pwede na ba silang magpaopera at kung may donor na silang available
I'm willing to donate my heart for my sister though
"Kasama mo ang kapatid mo dito?" tanong nya ng makapasok
"Yup, may gusto ka bang kainin?" punta ko agad sa kusina
"Wala naman" parang nahihiya pang sagot nya kaya natawa nalang ako ng mahina
Halata kong friendly sya at hindi mahiyain. Pero siguro nahihiya pa sya saakin
"Ikaw yung pinsan ni Iryll diba? Nakita kita kahapon" dagdag nya pang ikinakunot ng noo ko "Magkasama pa tayo sa iisang table" Patay!
Oo nga pala at kaibigan sya ni Iryll, pero nakita nya ako? Bakit hindi ko sya nakita?
"H-hindi ko ata napansin" napangiwing sagot ko
Pero imbes na maoffend natawa pa sya. Mabuti nalang kung ganun. Masaya pa naman akong makaibigan sya
"Marviel!"
"Ay dimunyu!" gulat na lingon ni Zealan sa taong tumawag ng pangalan ko, kaya natatawa akong tinignan kung sino ito
"Oh Lanie!" masayang bati ko
Agad din naman nya akong sinugod ng yakap na tinugon ko. Napatingin ako kay Ten na nakangiti saamin habang may dalang kung anong kahon. Naamoy kong pagkain ang laman nun
"Nabisita ata kayo? May nangyari ba?" hindi ko maiwasang kabahan
Pero base sa reaction nila, mukha naman silang masaya
"Viel, Kami na ni Timothy!  Sinagot ko na sya kanina lang" masayang balita saakin ni Lanie
Natigilan naman ako sa sobrang gulat at marahang napatingin kay Ten. Mukhang masaya din naman itong tumango. Tipong kinokompirma ang sinabi ni Lanie
"W-wow, congrats kung ganun"
Hindi ko alam kung bakit, parang nakaramdam ako ng sakit. Na agad kong binalewala
I should be happy for them. Tama, yun nga.
"Kaya ba may pakain kayo dito?" pabiro kong nguso sa dala ni Ten na ikinatawa nilang dalawa
"Yup, syempre dahil ikaw ang dahilan kaya naging kami. Dapat kasama ka sa celebration" masaya pang yakap ulit saakin ni Lanie
"Parang nagugustuhan ko ng maging cupid. Mga kapatid mo Ten. Hahanapan ko na ba sila?" tanong ko nalang na ikinatawa ulit nila
"Wag na, kung may gusto ka naman pwede mong irequest saamin eh" natatawang iling nito.
"Yan ang gusto ko. Para naman di ako masiraan ng tyan dito"
Nilagay naman nito sa kusina ang dala. Habang nakasunod sakanya si Lanie
"Tara, Zealan. Ipapakilala kita sa new couple" hila ko
Naalala ko na si Zee, sya ata yung tinapon nila sa pool. Kung hindi ko sya narinig na nagulat. Hindi ko pa maaalala. Pero atleast nadagdagan ulit ang mga kaibigan ko dito sa crazy ward
--------------------------------------------------------
Pagkatapos ng maliit na celebration, nagpaalam si Ten na ihahatid muna sakanila si Lanie. Pero bago yun. Nagbigay sya ng sign na babalik sya dito sa hospital at may pag-uusapan pa kami. I'm guessing tungkol yun kay Tita
Kaya naman naghintay ulit ako sa tawag nya. Habang nakatambay sa isa nanamang libreng kwarto na room 303. Katapat ng room ni Xiera na 304.
Hindi nga lang ako makapag-ingay kasi baka sugudin nya ako dito kapag hindi sya lalo nakatulog. May insomnia sya oo, pero paano kung sisihin nya akong maingay. Malalagot ako kay Mom kapag nangyari yun
Nilibang ko nalang ang sarili kong maglaro ng games, habang naghihintay sa tawag o text ni Ten.
Antagal naman ng lokong yun..
* * * * *
Kurt Thomas Salamanca
"Hi Ate Days, si Kismet?" tanong ko sa pinsan kong si Ate Daisy
Since ito palagi ang nakakausap ni Kismet, lalo na kung may gusto itong gawin na kalokohan o simpleng pagtakas lang
"Nasa mga libreng kwarto ng crazy ward. Check mo nalang. Oh" abot pa nito saakin ng chart nya
Kaya nagtataka ko itong tinanggap
Ang alam ko masaya at ginusto nya namang makasama ang kapatid nya sa kwarto, kaya bakit kailangan nyang magpunta sa mga libreng kwarto at magsolo? May peoblema kaya sya?
Sabi sa chart, room 302, 303, at 306 ang libreng kwarto. Kaya yun ang tinignan ko. Una kong sinubukang buksan ang room 306 since yun ang pinakamalapit. Pero nakalock ito. Sinunod ko ang 303 na marahan kong binuksan ng makitang wala ang lock
Mukhang dito nya napiling pumasok
"Kismet?" mahinang tawag ko
Walang sumagot. Kaya tuluyan ko itong binuksan at pumasok.
Muntik pa akong matawa ng makitang nakatulog pala ito. Habang nakadapa at hawak pa ang tablet
Ang isang to talaga..
"Epekto ba ito ng narcolepsy mo?" mahina ang boses na pang-aasar ko, kahit alam kong hindi nya ako mababawian. "Hay. Gusto sana kitang makasama ngayong gabi. Si Papa ang nagbabantay ngayon kay Mama. Pwede ba?" kausap ko kahit tulog sya
"Kahit ngayong gabi lang" marahan kong buhat sakanya at inayos sya sa pagkakahiga, tsaka ako tumabi sakanya "Kakalimutan ko muna ang pagiging maginoo" marahan kong patong ng ulo nya sa braso ko
"I love you, Kismet" nakangiting bulong ko
"Loveyoutoo" yakap nya na ikinagulat ko
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Kaya hindi ko na din napigilan ang sariling halikan sya sa noo
Sa noo lang naman. Mas gusto kong halikan ang labi nya kapag gising sya. Para makita ko kung ano ang magiging reaction nya
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sakanya. Habang nakangiting ipinikit ang mata
For now, I'll just let myself be happy, with her

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    AlmasaEthanne

    i love the story..really like to read all

    12/11/2024

      0
  • avatar
    SalvadorLovely

    sana maka 1 million ako pang bili ng bahay at bigas namin

    27/08/2024

      0
  • avatar
    Melvin Gutierrez

    it's very nice

    05/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata