Timothy Range Pantanor's Pov "I know, but a deal is a deal" she answered before leaving me completely broken Why do you have to do this Viel? Why do you have to push me away? "Dude, I took Lanie home already" nakangiting pasok ni Ken at inabot saakin ang susi ng kotse ko "Thanks, Dude" pilit ang ngiti kong lingon sakanya while I look at my phone Picture namin ni Viel ang nandoon at wallpaper ko. It was taken on our birthday. Nirequest kasi ni Mama, since bata pa kami sinabi ko na sakanyang si Viel ang gusto ko. And she also seems to like her for me Kaya nga kahit anong sabihin ko kay Mama. Basta makapagpapasaya kay Viel, she'll immediately agree. Even to my Dad. Supportive sila "Hey Dude, can I ask you a question?" rinig kong tanong ni Ken He's one of my twin brother. I actually lied to Viel when I said na si Ben ang kasama ni Lanie. Since it was really Ken Pero hindi parin nun mababago na nagalit saakin si Viel. She really want me to court Lanie or Mira. "What is it?" Why can't I court you instead? Is it really because of your Narcolepsy? Or Kurt? "Why do I have to tak--" We both look at the door, and saw Ben knocking "K.T. is looking for you, Ten" tukoy nya kay Kurt Making me curious on what does he want now? I must admit that me and Kurt are really close. We're like brothers. But the moment I notice him having a crush on Viel. That's where it all seems to be awkward. Hindi ko din alam kung alam ni Viel na may gusto sakanya ang pinsan kong to, but I can feel na sya ang gusto nito. And that's the sad truth Tumango nalang ako bilang sinyales na bababa na ako. And excused myself to Ken. Before going to the living room "Hi, do you want some drinks?" tipid ang ngiting bati ko "No" iling nya "But I'll go straight to the point, its about Kismet" seryoso at walang kangiti-ngiting dagdag nya "What about her?" I made a straight face too "I heard you're already courting someone else. Why? Don't you love her anymore?" Pakiramdam ko nainsulto ako sa tanong nyang yun, making me look straight into his eyes "That will never happen" I will always love her. I wanted to add. But how can I? "I know, But a deal is a deal" her voice echoed in my mind. Like some kind of torture The way she said it, feels like a knife stabbing my chest over and over again "Then why?" ramdam ko ang pagtataka nya Kahit ako din naman. Kung bigla din syang manliligaw ng iba. But now, hindi na. Kasi alam ko ng ganun din ang sasabihin sakanya ni Viel. Not unless... "She told me to" iwas ko ng tingin sakanya "Who?" "Marviel" I answered as I look at him "And she will probably tell you the same thing if you confess to her now" dagdag ko pang mukhang ikinagulat nya That's maybe because hindi naman namin sinabi sa isa't-isa na iisang babae lang ang gusto namin. We never had a proper talk on 'let the best man win'. To keep our friendship "W-why?" mukhang nanlumong tanong nya "She says because narcolepsy is not curable, that I deserve someone better, someone who won't live in a hospital all her life" Can't she see that I'm willing to love her despite that fact? Na kahit na si Kurt ang piliin nya nandito parin ako? "So that means mahal mo parin sya" I don't think that's a question, but a statement. Pero tumango parin ako "Always" pilit ang ngiting tingin ko sakanya I don't know if saying this is good, he's my competitor in Viel's heart, yet I also want to be fair "Then fight for her" I snapped at what he said and immediately looked at him "Didn't you hear what I just sa--" "I heard you" he cut me off "But I won't stop making her feel my love. And neither should you. If you love her too. I don't care kung kalaban dapat kita. Pero kahit ganun. Gusto kong lumaban ng patas" tumayo na sya "She deserves it" He got a point there. But... "I know, But a deal is a deal". Those words. Keep repeating in my head. Am I already too late? "You have a choice, Timothy. Don't waste it" I felt Kurt tapped my shoulder before leaving Making me think again on what should I do, those choices has already been done. Nililigawan ko na din si Lanie. Napahilamos nalang ako sa mukha sa sobrang bigat ng problemang kaharap ko "So it's for Kissy" Tabi ni Ken. Making me look at him with furrowed eyebrows They call Marviel Kissy, since Kismet ang tawag sakanya ni Kurt at gusto pa namin syang dalawa, well ano daw bang ginagawa ng magjowa? Of course kissing. That's why Kissy "What do you want, Ken?" tanong ko nalang "Wala naman, itatanong ko na sana yung hindi ko natanong kanina. But I heard what you and K.T. are talking about. So no need na" "Then why are you here?" sinandal ko nalang ang ulo sa sandalan ng sofa Is there still a way for me to court her again? Yung kahit ipagtulakan nya ako? I know I still can. Pero yung deal, paano yun? "Gusto ko lang malaman, kung sinabi ba talaga sayo ni Kissy na ligawan mo si Lanie or sinabi nya lang na manligaw ka ng iba?" Ay hindi talaga titigil ang isang to eh, "She told me to court Lanie or Mira in exchange of her dancing in front of many people" sagot ko at nag-isip ulit "Then bakit si Lanie? No offense, pero bakit hindi si Mira? Sya yung kakambal ni Kissy diba?" I also asked myself that question a lot of times. Pero pakiramdam ko mas mahihirapan ako kapag si Mira ang niligawan ko "Mas mahirap, palagi kong makakasama si Viel. Mas masakit lalo na kapag nakita kong masaya pa sya" Naiisip ko pa nga lang nasasaktan na ako eh "Well I don't know about you, but you look like you're still hurting with your choice. Kung ako sayo wag ka na munang mag-isip ng kung ano-ano. Just let your heart decide what can make you happy" akbay nya saakin na ikinalingon ko din sakanya Ramdam ko ang suporta nya dahil doon "Thanks, Dude" mahinang ngiti ko "Anytime, nandito lang kami para sayo. Always remember that" gulo nya pa sa buhok kong ikinangiti ko ng tuluyan I know, and I think I just figured it out, what to do with my life. I'm not gonna give up, Marviel Kismet Chen. I will show you how much I love you. -------------------------------------------------------- Kurt Thomas Salamanca "Hey" Agad akong napangiti ng makita ko sya. As always, magulo parin ang buhok nya na lalong nagpakita ng amo ng mukha nya. "You called?" pakita ko sakanya ng phone ko Hindi ko alam kung bakit sa garden pa kami ng hospital dapat magkita, pero masaya akong makita sya ngayon. "Yeah, sign this" abot nya ng isang folder na ikinakunot ng noo ko Tinanggap ko din naman agad yun at tinignan ang laman. Agad ding nanlaki ang mata ko ng makitang para kay Mama ang laman nun "Best Oncologists Dr. Clyde Dion Araneta. Not just on the Philippines but also internationally.." malakas na basa ko habang unti-unting lumalawak ang ngiti "I talked to Dad about it, and he said, he have a contact with him. Unfortunately pinsan sya ni Dr. Cassandra. Bukas na bukas din, he'll come here to examine Tita's condition" pagpapaalam pa nyang lalo kong ikinatuwa I can't believe this, mapapagamot ko sa pinakamagaling na doctor si Mama. Siguradong matutuwa sila Papa nito "Thank you, Kismet!" hindi ko napigilan ang sariling yakapin sya Alam kong nagulat ko sya, pero hindi ko din mapigilang matuwa. Lalo na sa naging reaction nya Ramdam kong bumawi din sya ng yakap na ikinangiti ko pa ng tuluyan Ang saya-saya ko. This is the best day of my life! -------------------------------------------------------- "Salamat po talaga, Tito. Napakalaking tulong nito" masayang yuko ko Pinakilala na ni Tito Robert saakin si Dr. Clade. At masasabi kong magaling nga silang doctor. Pinakita ko lang kasi ang mga resulta ni Mama sa past check-ups nya pero alam nya na agad na breast cancer ito I want to learn from him, at dahil kwinento din ni Tito Robert na med tech student ako, inoffer pa ni Doctor Clade na maging apprentice nya. It means mas mapapabilis pa lalo ang pag-aaral ko. At kung kakayanin ko. I can easily be a Great Oncologists in 4 years time. 2 years ng pre-med at 2 years as a medical student. Tsaka ako isasabak sa professional duty, kung saan maghahandle na ako ng pasyente nasa supervision ni Doctor Clade "You deserve it, Iho. Mula pagkabata kilala na kita kaya alam kong magiging mabuting doctor ka balang araw" nakangiti din tapik nila sa balikat ko "and a good future husband to my princess" panunukso pa nilang ikinainit ng pisngi ko "Si Tito talaga oh" natatawa kong sagot Hindi ko maiwasang matuwa na isiping sang-ayon sila saakin para sa anak nila. "Si Marviel o si Miracle yan, Doc?" natatawang sali din ni Doctor Clade "Si Marviel, ang sleeping princess ko" pabirong tingin ni Tito saakin "Dalawa nga silang gustong umaswang. Kaya naghahanda na ako ng sedate" dagdag pa nilang ikinatawa ni Doc Mahina din naman akong natawa. Akala ko ba boto sila saakin? Bakit may sedate? "Kung ganun pala, reregaluhan ko na kayo ng balisong Doc, Para handa" gatong ulit ni Doctor Clade na ikinalaki ng mata ko "Doc naman!" hindi ko napigilang complain Ayos na yung sedate eh. Makakatulog lang ako Mukhang lalo pang natuwa ang dalawa sa naging reaction ko, dahil lumakas lang ang tawa nila Napailing nalang ako Mukhang ako ang napagtripan dito ah. Napakunot nalang ang noo ko ng mapatingin sa laptop ni Tito Chen na nakabukas. May litrato kasi doon ng isang lalaki, at pamilyar ang mukha nito saakin "Rodnie?" basa ko "Tito para saan po yun?" hindi ko napigilang tanong habang nakaturo sa laptop "Bagong pasyente, may ADHD sya. Pero gusto ko muna sanang itanong sa mga nasa crazy ward kung may nakakakilala sakanya. Hindi naman ganun kalala ang ADHD nya. So baka lalo syang maistress kung sa mental ward sya papasok" Napatango naman ako habang iniisip kung saan ko nga ba sya nakita. Mukha kasi itong pamilyar "Bakit kilala mo ba?" tanong din tuloy ni Doctor Clade "Pamilyar po ang mukha nya" tango ko Teka, oo nga pala! "Naalala ko na po, kausap nya si Kismet sa school kung saan sila nagperform ni Timothy. Mukha din po silang magkaibigan" napangiting sagot ko ng maalala ang cute na maskara pang suot ni Kismet nun Inaamin kong nagseselos ako ng mga oras na yun, dahil sa ginawa nilang performance. Pero sa sobrang cute ni Kismet nun. Hindi ko parin maiwasang mapangiti "Kung ganun naman pala, sa crazy ward ko sya ipapasok" nakangiting anunsyo ni Tito na ikinabalik ko sa diwa "Sigurado kang kaibigan ito ng prinsesa ko? At hindi ka magseselos ah?" nakangisi pang tanong ni Tito Kaya natawa na ulit ako Si Tito talaga oh, si Timothy lang naman ang pinagseselosan ko kasi alam kong gusto nya din si Kismet. Pero ang lalaking ito? Mukha naman syang mabait. At mukhang matutuwa si Kismet makita sya kung kaibigan nya talaga ito "Oo naman, Tito. Sigurado po ako" nakangiting tango ko Sana mapasaya nilang lahat si Kismet. She deserves it. -------------------------------------------------------- Marviel Kismet Chen's Pov "I know, but a deal is a deal" The words I said to Ten still keeps bugging me. Hays! Ano ba ito?! May narcolepsy ba ako o insomnia? Marahan pero inis nalang akong bumangon sa kama. Gusto ko munang maglakad-lakad. Napatingin ako sa pwesto ni Mira at napangiti ako ng makitang mahimbing na itong natutulog. Masaya akong mukhang hindi sya naapektuhan na hindi sya ang niligawan ni Ten. Pero nakokonsensya parin akong hindi sya ang pinaligawan ko. Hindi ko din tuloy maiwasang isipin si Thomas. Kahit na wala syang nararamdaman para saakin. Hindi ko mapigilang isipin paano kung sya ang nagsabi saakin ng mga sinabi ni Ten? Pakiramdam ko kasi unfair ako sakanilang dalawa. Alam kong mahal na mahal ako ni Ten pero nagawa ko syang itulak palayo. Pero si Thomas gusto kong malapit lang saakin? Kung sinabi nya ba ang sinabi ni Ten, magagawa ko ba syang palayuin saakin? Will I still push him away? Kakayanin ko bang makita syang may ibang nililigawan? "Ang lalim ng iniisip mo ah. Ingat ka baka malunod ka" Agad akong napalingon sa taong may-ari ng malalim na boses na yun, at hindi ko maiwasang mapasimangot ng makilala ito Nakakainis naman, ngayon na nga lang ako nakakapagsolo, may asungot pang sumulpot "Anong ginagawa mo dito? Bawal na ang bisita sa ganitong oras" Bwisita pala dapat Ewan ko ba kung bakit naiinis ako sakanya, siguro dahil sa pambabara nya nung una kaming nagkita. Pero basta, kumukulo ang dugo ko kapag nakikita sya (Announcement everyone, this is the Head Nurse of the Crazy Ward, Daisy Salamanca. Announcing that the crazy ward will have a new patient. Please take care of your neighbor. That will be all thank you and goodnight) Biglang announce sa speaker na ikinakunot ng noo ko Late ata yung announcement? Tulog na sila eh. Ngayon lang ba-- "Astig! Parang mall. Paging Rodnie nawawala ka" tawa nito Mukha syang baliw, haha Pero sa mga oras na yun, hindi ko maiwasang matawa din ng mahina. Maloko din ata ang isang to "Mabuti din at ngumiti ka na. Ang haba ng nguso mo kanina" tawa nya ulit na ikinabalik ng simangot ko Nakakainis talaga sya! Ang lakas mang-asar Akmang sisipain ko na ang binti nya nang malumpo, ng iabot nya ang kanang kamay nya "Nga pala" pagseseryoso nya din sa wakas "Yung bagong pasyente na dapat nyong ingatan. Ako yun. Rodnie nga pala" ngiti nya, habang nakaabot parin ang kamay Kaya kahit ayoko, tinanggap ko parin "Viel, Welcome sa crazy ward" tipid ang ngiting sagot ko Nawala na din akong mag-isip ng tungkol sa dalawang lalaki. Dahil sa istorbong lalaking ito. But... I guess, I have to practice being equal to them. Kahit anong mangyari. Dapat patas ako sa dalawa. Yun ang deserve nila, dapat maging masaya sila
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
AlmasaEthanne
i love the story..really like to read all
12/11/2024
0
SalvadorLovely
sana maka 1 million ako pang bili ng bahay at bigas namin
i love the story..really like to read all
12/11/2024
0sana maka 1 million ako pang bili ng bahay at bigas namin
27/08/2024
0it's very nice
05/07/2024
0Tingnan Lahat