Kabanata 26

A/N: I decided to just continue the whole story in one book. Hindi ko na gagawan ng book 2. I can no longer edit the previous chapter since it is already passed the review, kaya dito ko na lang ieexplain. Thank you so much! 
HER
I am now busy preparing my stuffs, ready to go home with this man beside my bed. We already settled everything regarding to the pest in our hotel. We stayed here for two days after the incident happened, and it is now time for us to go back to Manila.
"Ilang oras ka ba matatapos d'yan?" He asked while busy eating his whatsoever.
I just rolled my eyes and threw him my pillow. 
"Ang sadista! Nagtatanong lang, e," pagmamaktol niya. I saw him pouting, made me shrug, but deep inside, I don't know what to feel. 
Okay, I admit it, he's cute… and… hot.
"Nakatitig ka na naman sa'kin. Alam kong gwapo ako kaya kalmaha—"
"Shut up!" I instantly hissed and gave him a disgusting look.
"Sus! Halos hindi nga ako makahinga sa higpit ng yakap mo sa'kin kagabi, tapos may pa 'Please, stay with me' ka pang nalalama—"
"Ibabato ko sa'yo 'to kapag hindi ka tumigil," saad ko habang hinarap sa kaniya ang maliit na dagger na hawak ko. Galing iyon sa bag na hawak ko.
I know, my face is now red as tomatoes, so as the embarrassment I am feeling right now.
I even heard him laugh, tsk.
"As if naman na kaya m—Waah!" He shouted when my dagger instantly went to his direction. It is just an inch away from his face. Oh well, I have no plans on hurting him. I had calculated the distance and speed, so he has nothing to worry. Even so, I saw him so shocked.
"Who told you I can't, hmm?" I smirked, made him heave a breathe. 
"Tsk tsk," he responded and started eating, afraid that I might do it again. I sighed in disbelief and continued what i'm doing.
We need to go home as soon as possible.
The employees bidded their goodbyes as we exited the hotel. I don't know if they are sincere and I don't care. I gave Lilo Rupert a financial assistance since he's already old and didn't have a family to rely on. Her step-daughter didn't even want to talk to him right now. We talked yesterday and I personally thanked him for everything.
—
Past life
Halos hindi ako makamayaw sa init na aking nararamdaman habang hinihintay ang aking kaibigang si Teresita sa labas ng pagawaan nila ng mga armas.
Batid kong hindi maaari ang pumasok sa loob, lalo pa at halos kalalakihan ang naroon kaya't pinilit ko na lamang magtiis habang nakasilong sa kalesang pagmamay-ari ng aking ama.
Hindi ko batid kung ilang ulit na akong dumungaw mula sa bintana, buti na lamang at kaagad kong natanaw ang isang kalesang batid ko ay pagmamay-ari ni Heneral Gregorio. 
Tila'y kaniyang napansin ang aming Kalesa, dahilan upang isuot ko ang atukbong at mayumi siyang binigyan ng ngiti. 
"Magandang araw, Heneral," mahinhin kong turan at bahagyang nakatungo mula sa kaniya. Kapansin-pansin ang kaniyang pagkabigla sa aking presensya ngunit mabilis ding tinapat sa kaniyang dibdib ang kaniyang sumbrero.
"Binibining Taliyah, ako'y nagagalak at ikaw ay narito. Pakiwari ko'y hinahanap mo si Teresita, iyon ba ang iyong sadya?" Mahinang pagtango lamang ang aking sinukli at mas tinakpan ang aking wangis ng aking talukbong.
"Iyon nga, Heneral. Kami'y may napagkasunduan at kaniyang tinuran sa akin na siya ay narito."
"Yaon nga, Binibini. Tayo'y pumasok muna sa loob nang hindi ka mahamugan. Paumanhin at ika'y pinaghintay niya pa rito."
Hindi na ako nagsalita pang muli at tinanguan lamang siya bago ihakbang ang aking mga yapak patungo sa loob.
Tanging usok at maiingay na bakal lamang ang aking naririnig, hindi man lamang tinapunan ng tingin ang buong paligid. Mahirap maglakad habang nakatalukbong at nakayuko kaya't aking napagpasyahang humarap sa aking nilalakaran, ngunit sa hindi inaasahan, nahagip ng aking tingin ang isang Ginoong kausap ang kaniyang kasamahan.
Ang kaniyang matipunong katawan at mapilantik na pilik-mata ay nagbigay sa akin ng galak. Hindi ko batid kung ano ang aking mararamdaman ngunit tila ay nag-aaliw ang mga kuliglig na nananahan sa aking buong pagkatao.
Bahagya akong napahinto, dahilan upang aking mabangga ang likuran ng Heneral at mapabaling sa aking kinasasadlakan ang tingin ng lahat, kabilang na ang Ginoong may kakaibang presensiya.
Kagyat akong napayuko nang matulin niyang ibinaling sa akin ang kaniyang tingin. Hindi ko na batid ang nangyayari sa paligid, hindi ko man lamang narinig ang turan ng Heneral. Ang kahihiyang sinapit ko lamang ang tangi kong naiisip.
Bahagyang bumilis ang tibok ng aking puso nang maglapat ang aming tingin, tila ay tumigil ang paligid na siyang nagdulot ng kaba sa aking buong pagkatao.
"Taliyah…" Halos mahigit ko ang aking hininga nang banggitin niya ang aking ngalan. Hindi ko batid ngunit kapagdaka'y nagbago ang tagpo ng buong paligid. 
"Hindi ako makakapayag. Paumanhin ngunit hindi ko kayang ika'y mawala," naluluha kong turan. Sinuklian lamang niya ako ng mapanglaw na tingin at inilingan.
"Malapit nang malaman ng iyong ama ang ating ugnayan. Hindi ko nais na ika'y kaniyang sasaktan nang dahil sa akin," turan ni Flavio.
"Hindi iyon magagawa ni ama sa akin. Hindi niya ako pagbubuhatan ng kama—" Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ang yapak na batid ko ay mga guardia sibil. 
"Magkita tayong muli sa dulo ng parang sa susunod na kabilugan ng buwan. Hihintayin kita roon," bulong niya at binigyan ako ng matamlay na ngiti. 
Tatlong buwan ang nakalipas noong una ko siyang nakilala. Sinagip niya ako mula sa mga tulisan, dahilan upang mas lalong nahulog ang loob ko sa kaniya.
Akmang ihahakbang ko ang aking paa nang magsalita siyang muli.
"Sandali. Nais ko sanang ihandog sa iyo ang polseras na ito, tanda ng pangako kong magkikita tayong muli."
Hindi makamayaw ang sayang namumutawi sa aking puso nang makita ang kaniyang handog.
"Iyan ay handog sa akin ni Ina bago siya binawian ng buhay. Ibigay ko raw sa binibining nagdulot sa akin ng walang kapantay na saya. Nawa ay iyong magustuhan." Hindi ko batid, ngunit kagyat ko siyang binigyan ng yakap kahit iyon ay labag sa alituntunin ng lahat.
"Napakaganda, maraming salama—"
"Taliyah!" Mabilis akong nagising nang marinig ang sigaw ni ama. 
Kapansin-pansin pa rin ang tuyong luha at magulo kong buhok. 
"Sa ganiyang paraan mo ba nais tapusin ang iyong buhay? Ika'y maghanda riyan at bibisita rito si Gregorio. Huwag mo akong ipahiya," makapangyarihang turan ni ama.
Kaagad kong napagtanto na ang tagpo naming iyon ni Flavio ay panaginip lamang pala na nagmula sa ala-alang hindi ko malilimutan. Tumulong muli ang aking mga luha nang makitang ako'y nakakulong pa rin sa aking silid, walang lakas upang ipaglaban ang aming pag-iibigan.
"A-Ama, nagmamakaawa ako, hindi ko po nais ikasal kay Gregorio. Hayaan ninyo na po ako—"
"Magtigil ka! Binigyan mo ako ng kahihiyan! Ikakasal ka kay Gregorio, naisin mo man o hindi, kaya't maghanda ka riya kung gusto mo pang mabuhay ang kalaguyo mong basura." 
Wala nang mas masakit pa sa salitang kay ama mismo nanggaling. Walang tigil ang aking pag-iyak habang dinaramdam ang bawat salitang nagmistulang punyal na tumatarak sa aking puso. Humihikbi man, pinilit kong tumayo at ayusin ang sarili bago pa may magawang hindi kaaya-aya si Ama kay Flavio.
"Taliyah, babalikan kita," narinig kong bulong mula sa kawalan na siyang dahilan upang idilat ko ang aking mata, at isang pares ng mata ang bumungad sa akin
-
"You okay?" Tanong ni Khyler at binigay sa akin ang isang baso ng tubig.
I just nodded with confusion.
"What happened?" Tanong ko habang inaalala pa rin ang nangyari.
"Binangungot ka. Mabuti na lamang at pumasok ako sa kwarto mo. Siguro napaka-espesyal sa'yo nang taong iyon." Kinunutan ko siya ng nuo sa kaniyang tinuran.
"Excuse me?" He pouted and sat next to my bed.
"Yung Flavio, siguro ex mo 'yon, tama ba ako?"
"You're not joking, right? Who's that f*cking Flavio—" I stopped when I felt his lips landed to mine and separated it after a second.
"What the heck!" Mabilis kong tinapon sa kaniyang direksyon ang unan nang bahagya siyang lumayo sa akin.
"Di ba sabi ko, one curse, one kiss?" Maloko niyang tanong habang biinibigyan ako ng ngisi.
"You're a f—Get out!" I shouted, now fumed mad.
"Ayan ka na naman! Sabi mo magbabago ka na? Nasaan na ang pangako mong panghabang-buha—"
"Nakakairita ka! Layas!" Sigaw kong muli, dahilan upang lalo siyang matawa. Dinig ng buong kwarto ang nakakairita niyang tawa, dahilan upang mas lalo akong tinubuan ng inis. 
"I love teasing you more. You look cute when you're pissed," he uttered in monotone which gave me chills under my stomach. Kinunutan ko siya ng nuo. I don't want to react with his words but my face opposed it. I know my face is now turning red, again.
"I want peace. Can you give it to me?" I uttered and raised my brow when he move closer and hugged me. "What are you doing?" 
"Sabi mo, you want peace? 'Di ba sabi mo, i'm your peace? That's why i'm hugg—" I punched him hard, never minding if he'll get hurt. 
"HAHAHAHA!" He bursted his laughter, made me shrug.
Mabilis siyang lumayo sa akin at sinarado ang pinto habang hindi pa rin nawala ang kaniyang tawa. I don't know, but I smiled when he left. I felt the sudden peace in my heart. He's maybe right, he's my peace. 
Umiling na lamang ako, hindi makapaniwala sa nangyayari. I turned my gaze to my phone and found out that it's already 8am. It is now sunday, so I need to go to school tomorrow. 
"Tsk, I don't even have a rest," I said under my breath and hissed. Maybe, I need to go back to sleep to gain my energy for tomorrow. 
Biglang sumagi sa isip ko ang pangalang Flavio na sinasbi ni Khyler. Who is that freaking guy? I hate it when I felt so clueless. Nagmumukha akong baliw.
I just shrugged and started closing my eyes. I still have a long run tomorrow.
—
"Omg, you're now back! Hindi mo man lang sinabi sa akin na aalis ka pala," salubong ni Champagne nang tuluyan akong makapasok sa silid.
"Hindi naman ako obligadong magpaalam sa'yo, right?" Pabiro kong tanong, walang bahid ng anumang emosyon.
I saw her pouted. I just sighed and patted her hair.
"We—I mean, I went to Salvievista for an urgent matter," I said and smiled at her.
Lumaki pa ang kaniyang mata nang makita akong ngumiti ngunit nagkunwaring hindi iyon nakita at nginitian ako pabalik. 
The first subject ended up smoothly, so we instantly went to the cafeteria to buy some foods to eat while waiting for our next subject.
"So, how is it?" Tanong niya bigla nang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad.
"What do you mean?" I asked back.
I stopped when I noticed again that someone is stalking me. I just sighed when I recognized the stalker and continued walking. Why bother giving her attention? Such a waste of time.
"In Salvievista, how is it? I heard, your family own 20% hotel in S—" Hindi s natapos sa pagsasalita si Champ nang biglang pumasok sa eksena si Sean.
Biglang nagdilim ang aking paningin nang makita ko siyang nakangisi.
"So, it's true. You have a friend now." His eyes landed on Champ, made me wanna punch him.
"What do you want?" I raised my brow and stood still.
"I just wanna ask you for dinn—"
"No. You may go now," walang pagdadalawang-isip kong turan. He gave me an amusing grin, making me wanna spit his face.
"Oh, you can't say no to me. Lalo na ngayong planado na ang kas—" I sarcastically laughed to cut his nonsense.
Everyone turned their heads on our direction due to my intimidating laugh.
"Keep dreaming, Sean. You have my support." I instantly activated my poker face. Nagpataasan kami ng tingin, dahilan upang mas lalong tumahimik ang aming paligid.
"You will come with me, like it or not!" He shouted when he can no longer contain the heavy atmosphere between us.
"I don't fuc—freaking want, so leave me alo—"
"What's going on here?" Sabat ng pamilyar na boses. Hindi ko na binalingan pa ng tingin si Xiantiko at pagalit na tinunghay si Sean.
"Oh, the rumored boyfriend of Aeul is here to act like a knight and shining armor," Sean sarcastically uttered. 
Xiantiko on the other hand, raised his brow and entered the scene.
"Oh, the childish suitor of Aeul is also here to pester her," he snapped back. 
I was about to leave the place since they're  now making a childish scene when Sean automatically grabbed Xiantiko and punched him hard. 
I took a deep breath, didn't even panicked and gathered my strenght to punch Sean back. He stumbled, making everyone gasped. Everyone is so shock to react.
Sean stood up and was about to grab me when Xiantiko punched him again, making him almost collapse. We were filled with silence after that, and just found out that some officers already entered the scene and grabbed Sean for a punishment.
"As a president of this campus, suspension will be served to you," Xiantiko uttered as he is wiping the stains on his mouth. He smirked at Sean whose now so angry with his situation.
Xiantiko, on the other hand, even panting after saying those words 
I just hissed and grabbed Champagne and Xiantiko's hands, walking away from the scene.
"Don't do it next time. I can handle myself," I said as I am mending Xiantiko's bruises in his own office. He already had one since he's the president of the whole campus. 
Kanina pa nakabungisngis si Champ, dahilan upang tapunan namin siya ng nalilitong tingin. 
"What? You two looks like a kitten there." She grinned. I looked at her with disbelief and continued mending Xiantiko.
"I'm sorry for what happened," I sincerely uttered, giving them an eye.
"Nah, it's okay. Mas mabuti nang nandoon ako. Baka ano pa'ng gawin sa inyo ng lalaking 'yon," he smiled at me, revealing his dimples. 
Good thing, I found them.
"Ahm, can I treat you both? Bilang pasasalamat?" Patanong kong saad, dahilan upang mas lalong lumawak ang ngiti ni Champagne.
"Game!" She giggles and fixed her eyeglass.
"It would be an honor." He chuckles.
—
It's been 5 minutes since we sat on our table to the restaurant i chose for our dinner. As always, kanina pa daldal ng daldal si Champagne. All we could do is to listen to her, but when our order came, a familiar face appeared from the entrance door.
My eyes glued on his way. I know, I saw him but didn't knew where. I just sighed and started eating when the man exited the place. Baka guni-nguni ko lang 'yon.

Komento sa Aklat (30)

  • avatar
    Jan Jan

    it's so amazing thank you again novelah apps

    06/10/2023

      1
  • avatar
    Diane Mae Benoya

    nice story 🥰🥰🥰

    07/05/2023

      0
  • avatar
    Cindy Regner

    Love itttttttt superrrr

    27/09/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata