Homepage/Lakbay (Tagalog Version)/
Chapter 27
Tuesday Morning
Kalahating araw din halos ang ginugol ko para lang sa mga clearance na kailangan ko papirmahan at sa mga bagay dapat ko ibalik na pagmamayari ng kumpanya. Friday pa lang alam na ng lahat na nag-resign na nga ako at busy na si Agnes sa orientation ng bagong tao na ipapalit sa akin. Masaya ako na may nahanap silang tao agad para di sila mahirapan sa kasalukuyang malaking proyekto nila. Nag-usap na kami ni Devon na sila mama at papa ang susundo sa akin ngayon. Kaya nang matapos ko ang mga clearance ko, nagpaalam na ako sa mga bosses and mga kasamahan ko.
Tinulungan ako ni Kiko ibaba sa kotse ni papa ang isang box na office supplies ko. Humiga ako sa likod ng kotse at hinubad ko ang high heels ko. Sumakit kasi ang ulo ko. Pumikit na ako at susubukan ko sanang matulog ng magsalita si mama.
"Tumawag ang ate mo? Sinabi ko nag-resign ka na." Sabi ni mama mula sa harap na upuan. Hindi lang ako umimik at nanatili ako nakapikit.
"Sabi ng ate mo baka daw gusto mo mag-tourist muna then yaya ka ni Shekinah? Dalawin naman daw natin sila doon sa Australia." Half Jewish kasi ang brother in law ko. Hindi ako sure kung ano ang sinusunod na religion ng ate ko at ng pamangkin ko.
"Pwede naman ma." Sagot ko na lang kay mama. Magandang opportunity din kasi ang makapagtrabaho sa Australia at makaiwas sa komplikadong buhay dito sa Pilipinas.
"Sabihin ko na ba sa ate mo na pumayag ka?" Tanong ni mama sa akin.
"Okay ma." Sagot ko sa mama ko at tuluyan na akong nakatulog.
Nagising na lang ako na nagsasara na ng gate namin si mama at naibaba na ni papa yung box ko mula sa kotse. Mabilis ako bumangon. Binitbit ko na lang ang sapatos ko at lumabas na ako ng kotse. Inabot sa akin ni mama ang shoulder bag ko.
"Kanina pa ring ng ring yang phone mo. Tingnan mo nga kung sino." Sabi ni mama sa akin.
Hindi ako sumagot at nakayapak na sumunod kay papa sa loob ng bahay. Nilagay ko sa shoe rack sa laundry area ang sapatos ko at umakyat na ako. Ibinaba pala ni papa ang box ko sa pinto ng kwarto ko. Ipinasok ko na ang box ko at dali dali akong nagbihis ng pambahay. At humigang muli.
"May masakit ba sayo?" Sabi ni mama sa bukas ko na pinto.
"Sakit ng ulo ko ma," sagot ko kay mama.
"Gutom ka ba?" Tanong sa akin ni mama.
"Medyo." Sagot ko.
"Sige umidlip ka muna diyan at iinitin ko yung Sinigang natin kagabi." Sabi ni mama at sinara niya na ang pinto ko at bumaba na siya.
Dinukot ko ang phone ko sa bag ko na nasa sahig sa gilid ng kama. Ang dami kong messages sa FB messenger mula kay Devon at sa ate ko.
Kinokompirma lang niya kung tama yung mga spelling ng pangalan namin tatlo.
Ate ko: Diba Calista Jane ka? Then si papa Carmelo C. Arevalo? Yung C niya na middle is Castillo? Then si mama Janet M. Arevalo, yung M ni mama is Mendoza? Ask mo nga si mama sa Middle initial niya sa pagkadalaga. Kailangan ko lang sa ticket niyo para sure ako. Thank you.
Ako: Sige 'te. Tanungin ko si mama. Balikan kita.
Binuksan ko naman ang message ni Devon.
Devon: How was your last day? Nakauwi na ba kayo?
Di ko muna nireplyan si Devon at ang dami niya din missed calls sa akin. Pinatay ko muna ang phone ko at natulog muli.
******
Nagising ako ng mga alas nueve na at di na bumubukas ang phone ko kaya tumayo na ako at kinuha ang charger ko at sinaksak ko na ito sa outlet. Napatingin ako sa salamin at hulas na ang make-up ko. Kumuha muna ako ng bulak at make-up remover at inalis ko ang make up ko tapos naghilamos na ako. Nag-gargle na lang ako ng mouthwash at bumaba na ako. Nagulat ako kasi andun si Devon sa living room kasama nila mama nanonood ng TV.
“Kanina ka pa?” Tanong ko kay Devon ng makita niya akong bumaba.
“About an hour.” Sagot ni Devon.
“Kumain na kayo ma?” Tanong ko sa parents ko.
“Oo ‘nak kanina pa. Kumain na kayo di pa ata kumakain yang si Devon.” Sagot ni mama na hindi maalis ang mata sa TV.
“Halina ka na, babe.” Sabi ko kay Devon at nauna na ako sa kusina. Agad kong sinindihan ang kalan at hinalo ang ulam para initin tapos iniwan kong may awang ang cover.
Devon sat on one of our dining chairs at sinusundan lang ako ng tingin. Kumuha ako ng dalawang plato at mga kutsara at tinidor ng bigla siyang nagatnong.
“You’re going to Australia?” Tanong bigla ni Devon.
Napailing na lang ako at inilagay ko ang isang plato sa ibabaw ng mesa sa tapat niya.
“Oo, dadalawin daw namin si ate sabi ni mama.” Sagot ko kay Devon at kinuha ko na ang bandehado ng kanin at nag-sandok na mula sa rice cooker.
“How long are you going to stay there?” Tanong uli ni Devon na nakatingin lang sa mukha ko. Nilagay ko na ang bandehado sa mesa at umupo na din ako. Hihintayin na lang namin kumulo ang ulam.
“Hindi ako sure babe. Kanina lang din sinabi sa akin ni mama.” Sagot ko na lang kay Devon.
Tumango tango na lang si Devon. Tumayo muli ako at sinilip ko ang ulam. Nilakasan ko ng unti ang apoy para mas mabilis kumulo tapos ay kumuha na ako ng bowl at nagsalin doon at dinala ko na sa mesa.
“Let’s eat!” Sabi ko kay Devon pagkaupo ko. Inabot ko sa kanya ang kanin at natigilan ako kasi nakatingin lang siya sa akin.
“What about me?” tanong ni Devon at inabot ang bandehado ng kanin.
“What do you mean?” Tanong ko sa kanya.
“How long am I going to wait for you?” Tanong niya sa akin.
Kumuha na ako ng kanin ko habang kumukuha siya ng ulam. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya sa totoo lang.
“Hindi ko kasi sure ano ang plano nila mama at ate babe. Maganda na rin siguro yun para ma-miss naman natin ang isa’t isa?” Pagdadahilan ko na lang sa kanya.
“I miss you everyday that I don’t see you.” Sabi ni Devon at sumubo na siya ng pagkain.
“Exaggerated naman babe.” Komento ko na lang.
“I’m serious.” Komento ni Devon at ibinaba niya ang kutsara at tinidor niya, “I grew up eating alone. I ate without my parents because they were both busy at work. I was neglected most of my life. That’s why I love school, because my friends are there.”
“I’m sorry to hear that babe. Hindi ka ba nagka-girlfriend before?” Tanong ko na lang sa kanya.
“I had girlfriends before. But none of them were like you.” Paliwanag ni Devon, “either they want me in bed or they just want my money.”
Tatango tango lang ako at patuloy na kumain.
“Either you tell me when are you coming back or I’m going to follow you there, Calista.” Sabi ni Devon at patuloy na ang pagkain niya. Pareho na namin tinapos ng ang pagkain namin ng tahimik.
Wednesday Morning
Alas sais pa lang ng umaga ay tumawag na si Devon para sunduin ako. Siya pa ang gumising sa akin. Pagkatapos ng dinner kagabi nagpahinga lang ng konti si Devon at umalis na siya.
“I don’t see why you can’t be with me when you don’t have work?” Tanong ni Devon sa loudspeaker.
“Babe ang aga mo naman tumawag. I plan to rearrange my room today and wash my clothes.” Sabi ko kay Devon.
“How about after you finished doing all of those chores?”
“I just want to lie down in bed all day.” Sagot ko ng may kahalo ng pagkairita.
“Are you avoiding me?” Tanong ni Devon sa akin.
Bumuntong hininga muna ako at tinanggal ko na sa loudspeaker bago sumagot, “I just need time to breathe and think babe. Inaaway ako ni Isang dahil sa bagay na di naman ako ang gumawa. And your sister? What she said is stuck in my head. I’m just tired of everything that is happening. Baka change of environment ang makatulong sa akin.” Mahabang paliwanag ko kay Devon.
“Are we breaking up?” Tanong ni Devon sa akin.
“I guess we are. We need to give each other space.” Sabi ko na lang sa kanya. Though parang kinukurot ang puso ko pero gusto ko naman mabawasan ang sobrang pag-iisip ko sa mga bagay na hindi naman dapat isipin ng normal na tao.
“Fine, if that is what you want.” Sabi ni Devon then he hung up the phone.
Thursday Night
Nagtutupi ako ng mga natuyo kong damit habang nanonood kami ni mama ng Netflix ng nagring ang phone ko. Si Isang ang nasa caller ID. Matagal kong tinitigan ang phone bago ko sinagot.
“Hello?” Sabi ko at inipit ko sa balikat at ulo ko ang phone at patuloy na nagtupi.
“Bes?” Sabi ni Isang, “tinawagan ako ni Belinda gamit ang phone ni Aidan. Sabi niya natulog daw silang magkasama. Pwede mo ba ako puntahan bes dito sa bahay? Kailangan ko lang ng kausap.” Paliwanag ni Isang na humahagulgol na.
Hinawakan ko ng maayos ang phone ko at iniwan ko muna sa sofa ang mga tinutupi ko. Naglakad ako papuntang kusina at saka sumagot kay Isang.
“Bes, wala kasi kasama si mama ngayon dito sa bahay. Ayoko naman siyang iwan. Mag-usap na lang tayo dito sa phone. Okay lang ba?” Tanong ko kay Isang.
“Ang sakit sakit bes. Buntis pa ako. Nakakapagod na si Aidan!” Hinagpis ni Isang sa kabilang linya.
“Hindi ko alam ang maipapayo ko sayo bes sa totoo lang. Hindi ko alam ang sasabihin ko sayo.” Sabi ko kay Isang.
“Alam ko naman bes, hindi niya ako mahal. Pero my baby kami. Buntis ako pero bakit parang ang hirap?” Tanong ni Isang sa akin.
Napaupo na lang ako sa isa sa mga dining chair at naisipang ibahin na lang ang topic para gumaan ang pakiramdam ni Isang kahit paano.
“Kumain ka na ba?” Tanong ko kay Isang.
“Wala akong gana.” Sagot ni Isang.
“Hay naku bes! Kumain ka para sa anak mo at sa sarili mo.” Sabi ko kay Isang.
“Parang gusto ko na lang mamatay,” sabi ni Isang at humagulgol na naman.
“Wag ganyan bes, kaya mo yan! Kumain ka na. Wag na wag kang magpapagutom. Alagaan mo ang sarili mo bes dahil may bata kang dinadala. Dapat maging strong ka para sa sarili mo at para sa anak mo.” Sabi ko na lang kay Isang. Yun din kasi ang sinabi ni mama sa ate ko noon nung buntis pa siya.
I heard Isang was blowing her nose on the other line. Patuloy pa rin ang paghikbi niya. “Naniniwala ako na kaya mo yan bes. Pagsubok lang yan. And darating din yung tamang tao para sayo.”
“Siguro nga bes.” Sagot ni Isang.
“Sige kumain ka na bes at tatapusin ko lang ang tinutupi ko.” I said to Isang then we ended the call. Pagkatapos ng call namin ni Isang ay pinatay ko ang phone ko. Ayoko muna makatanggap ng tawag mula kahit kanino. Kanina may nabasa akong post sa Instagram ang sabi doon ay: Protect your mental health at all cost! Turning my phone off is the first step. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (430)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Hi eveyone! Thank you sa oras na inilaan ninyo para basahin ang story ko. Taos puso ako nagpapasalamat sa inyong lahat, lalo na sa mga nagbibigay ng tips. Lakbay is finally completed. Lahat ng bagay talaga kailangan may wakas. Until my next story! See you all! Happy New Year 2022! Love you all! 🥳❤️
26/12/2021
20nice story, more more story p po sana tungkol dto,,,parang my part 2 or three ty sa author at nakkaencourage♥️♥️♥️♥️♥️
22/12/2021
2ok nnman
17d
0Tingnan Lahat