The Birthday Boy

Kevin's POV
"Good morning baby" bati sakin ni mama ng magising ako. Kitang kita ko na excited siya dahil syempre special ang araw na to for me.
"Mom I'm not a baby" reklamo ko kay mama nang magising ako ng tuluyan at tsaka umupo para kausapin si mama
"Ay oo nga pala, ten years old ka na" sabi naman nito at tsaka ako nilapitan at inakap. Ang lambing lambing talaga ni mama, kaya siya talaga ang favorite ko ka bonding. Si papa naman masarap ka bonding kapag kakain kami sa labas kasi pwede akong mag ice cream and chips.. Pero syempre secret lang namin tatlo yun nila Tristan.
"Nandito na po ba mga bisita?!" tanong ko kay mama habang nakita ko sa may bintana na may mga tao na nag aayos sa garden
"Nope, pero nag aayos na yung organizer, and of course, si papa mo at si Tristan for your part. You still have 30 mins." sabi naman ni mama at tsaka inilatag ang damit na susuotin ko
Agad naman akong tumakbo papasok ng bathroom para maligo. This is it! I'm a big boy now.
"HAPPY BIRTHDAY!!" sigaw ni papa at Tristan ng makababa na ako
"What are you eating?" tanong ko kay Tristan at tsaka tinignan ang bibig niya.
"Cupcake" sagot nito at tsaka ako sinubuan ng cupcake
"Your so dirty Tristan, make sure to wash up para di ka iwasan ng mga bisita ko" reklamo ko dito at tsaka tumakbo papunta sa backyard para makita kung ano na ang itsura ng venue
"Happy birthday" bati ng mga classmates ko na nakarating na at tsaka nila inabot ang regalo nila sakin
"Yo!" sigaw ng bestfriend ko habang tumatakbo ito palapit sakin
"Zac!" sigaw ko dito at tsaka siya sinalubong
"Happy birthday" bati nito sakin
Sabi nila kamukha ko daw si Zac pero ang totoo naman mas guwapo ako sa kanya. Pero talagang magkasundo kaming dalawa kaya minsan nagseselos si Tristan sa kanya kasi mas magka bonding kaming dalawa kesa sa kanya. Bata naman kasi siya and hindi naman siya marunong maglaro ng mga nilalaro namin kaya siguro di kami ganun ka close magkapatid.
"Bakit ganun kapatid mo?" tanong sakin ni Zac habang naka tingin kay Tristan na ang dumi dumi at takbo ng takbo
"Isip bata kasi siya, not like us" sabi ko at tsaka nagsimulang tumakbo papunta sa iba pa naming kaibigan para makipag usap at yes, maglaro na rin
"Oh? Kumpleto na tayo mas maganda pag bubuksan na ng birthday boy ang mga gifts niya" sabi ng pangit na clown
"Weird clown" sabi ni Zac at tsaka ngumiti at kinalabit ako na parang may kalokohan na iniisip
Agad naman akong lumapit kay mama at papa at tsaka nagsimulang mag bukas ng mga regalo.
"What's this?" tanong ko sa gift ni Zac sakin
"Its a necklace" sabi nito at tsaka ipinakita yung kanya "Ibibigay natin yan sa magiging girlfriend natin" sabi pa nito at tsaka ngumiti
Lahat naman ng mga parents nag "Awww" yuck ang weird talaga ng bestfriend ko and ang kulit din ng mga parents dahil feeling nila babies parin kami kahit big boys naman na talaga kami.
"Ako! Ako may gift!" sigaw naman ni Tristan at tsaka mahinang itinulak si Zac palayo sakin
"What is it?" tanong ko sa kanya at tsaka siya nginitian
Lumapit to sakin at tsaka ibinigay sakin ang regalo niya. Tinignan ko naman sila mama at papa na parang tuwang tuwa pa.
"What's this?" tanong ko ulit sa kanya habang tinitignan ang regalo niya sakin
"Singsing!" sigaw nito nang may malapad na ngiti pa
Singsing... Pero nakain na yung candy. Kadiri talaga tong kapatid kong to, Inilagay ko na lang yung gift niya sa iba pang mga gifts pero yung gift ni Zac inilagay ko sa bulsa ko. Tapos nakita ko naman sumimangot si Tristan at umalis na sa tabi ko.
"Anak. Mamaya na ang gift namin ni mama mo ah?" sabi naman ni papa at tsaka ako nginitian at hinalikan sa noo
Halos buong party puro games and takbuhan with friends ang ginawa namin. super saya kasi kasama ko lahat ng friends ko. Mag gagabi na kaya naman yung ibang visitors nag uwian na, si Zac na lang ang natira kaya naman nasa garden kami nag uusap.
"Dude why are you so upset?" tanong sakin ni Zac
"Why? Your asking me why?!" sigaw ko dito "Kaka cutting mo ililipat ka na nila tito at tita sa ibang school" sabi ko naman dito
"Bibisitahin parin naman kita ah!" sigaw nito
"Lahat na lang kayo umaalis" sabi ko at tsaka sinipa yung bato na naka harang
"Nasa philippines parin ako" sabi naman nito
"Yeah right" sabi ko naman at tsaka nagsimulang kumalma nang marealize ko na hindi naman siya ililipat sa ibang bansa pero sa ibang school lang.
"Hey Zac let's go!" aya ng kuya ni Zac
"Una na ko dude basta yung necklace ah? Paunahan tayong magka girlfriend" naka ngiti nitong sabi
"No no ang gusto ko pag sinuot ko tong necklace sa babaeng parang si tita tart ko kaya dapat ganun ka din okay?" bilin ko dito
"Sure" sabi naman nito "Bye" paalam niya at tsaka tumakbo papunta sa kuya niya
Ako naman naiwan dito sa may garden dahil ayokong makita ako nila mama at papa na malungkot sa birthday ko. Wala si tito barney at tita tart na nangakong uuwi sa birthday ko tapos si tita Carla naman wala na rin at ang masaklap mawawala pa ang bestfriend ko.
"Wow!"
Agad naman akong napalingon ng marinig ko yun. May isang batang babae na naka tingin sa fish pond namin.
"Hey! Baka mahulog ka!" sigaw ko dito at tsaka tumakbo palapit sa kanya at hinila siya
"AHHHH!!!" sigaw niya ng matumba kami parehas tapos sumabog pa sa mukha niya yung apple pie na hawak niya
"Sino ka?" tanong ko dito
"MOMMY!!! DADDY!!!" sigaw niya habang nag i-iiyak
"Sino ka nga sabi? Wag ka nga umiyak apple pie!" sigaw ko dito
"Kevin!" suway ni papa sakin
"Isabella!" sigaw ni...
"Tita tart!"

Komento sa Aklat (91)

  • avatar
    Jocelyn Facunla

    kaysarap mainlove❣️❣️❣️

    24/05/2025

      0
  • avatar
    Casper Caipang

    it's nice

    23/04/2025

      0
  • avatar
    SomodoyShielamae

    thanks

    10/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata