Homepage/Captivated by You/
Sixteen
Gustuhin ko mang umayaw at humindi sa utos nila ay hindi ko rin naman magawa. Sa totoo lang ay nakakainggit si Ayanna ngayon dahil nasa Vancouver na siya kasama ng kanyang mga magulang. Pansamantala silang magbabakasyon doon dahil hindi nila magawang tagalan ang nakakapsok init ng tag-init dito sa probinsya. Naisipan na rin akong imbitahan ni Tita na sumama sa kanila sa trip pero gustuhin ko mang sumama ay hindi ko rin naman magawa dahil may responsibilidad ako ngayong bakasyon. Kailangan kong sumama kila Mommy sa pangangampanya habang busy si Daddy sa pagpapalago ng kumpanya.
Gustuhin man ni Daddy na pansamantalang tumigil muna sa pagtatrabaho upang suportahan si Mommy ay hindi niya rin naman magawa dahil hindi niya kakayaning bumagsak ang kumpanya para lang sa dalawang linggong pangangampanya ni Mommy.
Kasama ako nila Mommy sa pangangampanya sa buong lalawigan. Nagtutungo kami sa iba't ibang probinsya upang doon humingi ng suporta at makipagkilala sa mga taong may interes na samahan kami sa halalang ito. May ilan sa matatas na opisyal ng gobyerno ang nakakakilala sa pamilya namin kaya naman natitiyak ko na kung hindi man palarin ai Mommy na makapasok sa senado ay sapat na sa kanya ang makatuntong sa Maynila upang doon makipagkilala sa iba't ibang leader ng mga lalawigan.
Isa sa mga pangarap ni Mommy ang makatuntong sa Maynila at makilala ang lahat ng opisyal ng gobyerno roon. Kung tutuusin nga ay hindi ko matatawag na nangampanya siya dahil halos ang karamihan sa mga lakad niya ay nauuwi sa pagsa-hopping at pagsa-sightseeing sa buong probinsya at sa kagandahan ng mga lugar na matatagpuan dito.
Hindi namin kasama ang mga Aranquillo sa mga lakad namin at wala akong ideya sa kung bakit hindi na rin sila gaanong binabanggit ni Mommy. Nung una ay naisip ko na baka nagkalabuan lang sila sa usapan o baka naman nagdesisyon sila na uumpisahan nilang mangampanya sa magkaibang direksyon. Nagbago lang naman ang lahat ng hinuha ko sa isip nang madulas si Mommy sa pagsagot sa akin at nasabi niya ang katotohanang hindi ko lubos na maisip na magkakatotoo.
I mean, wala akong ideya pero ito ang mga ideya na naunang pumasok sa isip ko bago ko pa man ipinasawalang bahala.
“Tatakbo bilang senadora yang putang inang Julianna na yan. Ang kapal ng mukhang gamitin ang pangalan ng pamilya ko para lang sa sarili niyang kapakanan. Kaya pala nagpupumilit na ikasal kayong dalawa ng tarantado niyang anak dahil may balak siyang sirain ang pangalan ng pamilya natin,” naghihimutok niyang sambit.
Bahagya kaming nagkatinginan at nagpalitan ng tingin ni Marites bago pa man siya nagkibit ng balikat at nagpatuloy sa pagsusuklay sa buhok ko.
“Kung alam ko lang na gagamitin niya ang pangalan ng pamilya natin para lumawak ang pangalan niya sa buong lalawigan, baka hindi ko na siya hinayaang makatuntong pa sa pamamahay ko. Ipapapatay ko talaga siya kapag siya ang nanalo sa eleksyong ito,” dagdag niya pa na animong lango na sa alak dahil kanina pa siya umiinom.
“Aray, Marites! Masakit!”
Bahagyang humigpit ang pagkakawak ni Marites sa buhok ko kaya naman nang sandaling magreklamo ako ay daglian siyang humingi ng tawad bago muling nagpatuloy sa pagtatali sa buhok ko.
“Paano po si Jaspher—”
“Ayoko nang nakikita kang dumidikit sa tarantadong lalaki na iyon. Maliwanag ba, Isabella?” banta niya na mabilis kong tinanguan bago niya naisipang bumaling kay Marites na ngayon ay nasisigurado kong nanginginig na sa takot. “Isa ka pa! Ipapapatay ko talaga kayo kapag nalaman kong dumikit at nakipagrelasyon ka pa aa lalaking iyon.”
“Nako, hindi po, Ma'am—”
“Aray ko, Marites! Ano ba!” atungal ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko.
“S-Sorry. Pasensya na!”
Nagpatuloy ang mga araw ng kampanya namin at ng mga kasama ni Mommy sa partido. Minsan ay napapadako kami sa mga liblib na siyudad kaya upang doon humingi ng suporta. Marami naman kaming kasamang securities sa mga lakad namin kaya naman kahit na papaano ay nakakahinga rin naman ako nang maluwag. Minsan ay sinisigurado pa muna ng mga bodyguards ni Mommy ang seguridad bago kami magtungo sa lugar na iyon at doon manghingi ng suporta. Hindi na kasi bago sa amin ang magkaroon ng samu't saring banta sa buhay at wala naman kaming ibang ginagawa kundi ang mag-ingat at hayaan na lamang na lumipas ang lahat.
Sa tingin ko rin ay hindi naman magiging importante para kay Mommy ang pulitika lalo na kung magiging kapalit nito ay ang kapakanan naming lahat. Hindi ko kailanman narinig kay Mommy na mas uunahin niya ang pulitika kaysa sa amin. Nang mauna niyang marinig ang tungkol sa banta ng buhay na ipinukol sa akin ay mabilis siyang nagdesisyon na bumaba sa pwesto, ngunit mabuti na lang at nagawa siyang pigilan ni Daddy at nagawa nilang pigilan at hulihin ang culprit sa nasabing death threat.
Malawak ang kapangyarihan ni Daddy sa buong lalawigan, at mas dinagdagan pa no'n ang galing ni Mommy sa paghawak sa buong lupain noong tumakbo siya bilang governor at maraming sumuporta sa lahat ng adhikain niya para sa buong lalawigan. Hindi na rin ako magtataka kung mas lalawak pa ang impluwensya ng pamilya namin sa oras na mahalal si Mommy sa senado. Malaking responsibilidad ang hahawakan niya, kaya naman kung sakaling may mga ugali siya na hindi niya nararapat na ipakita sa buong lalawigan— kailangan niya nang pigilan iyon o hindi naman kaya ay tigilan.
Kailanman ay hindi nagkaroon ng lamat ang pangalan niya sa pulitika, kaya naman natitiyak ko rin na ito ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng lakas ng loob na pumasok dito, kasama na rin ang suportang ibinibigay sa kanya ng lahat dahil nga sa magaling siyang mamuno. Dati rin namang pumasok si Daddy sa pulitika ngunit pansamantala rin siyang tumigil dahil para sa kanya ay mas mahalaga ang pamunuan ang negosyo niyang pag-iimport ng langis sa iba't ibang lalawigan na nagiging sanhi kung bakit tumataas rin ang pasok ng bilyon-bilyong pera sa bangko niya.
Alam ko at hindi na bago sa akin na may balak sila Julianna na tatakbo sa pulitika. Hindi ko lang sukat akalain na magagawa niyang gamitin at idikit ang pangalan ng pamilya niya sa pangalan ng pamilya ko. Nakakatawa lang na kailangan pa niyang gumamit ng pangalan ng iba para lang makilala ang pangalan niya.
Wala akong alam sa lahat ng negosasyon nilang dalawa ni Mommy, pero nang malaman ko ang tungkol sa hinaing niya at pati na rin sa pagtakbo ni Julianna sa pagkasenador, alam kong mawawala na ang koneksyon nilang dalawa.
Bahagya akong nalungkot para kay Jaspher, pero at the same time ay nakahinga rin ako nang maluwag lalo na nang malaman ko na nag-part ang ways ng dalawang pamilya. Hindi na ako kailanman madidikit kay Jaspher at hindi ko na rin kailangang magpakasal sa kanya para lang sa kapakanan ng pangangampanya ni Mommy at para na rin sa negosyo na mahahati nang dahil sa kanila.
Masyadong masakit sa balat ang sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Nang mapansin ni Marites ang bahagya kong pamumula nang dahil sa init ng araw ay mabilis niya akong sinilong sa payong na kanina niya pa binibitbit. Isang ngiti ang iginawad ko sa kanya bago lumingon sa pwesto nila Julianna at ni Mommy.
Bakas sa mukha ni Mommy ang iritasyon habang nakatitig kay Julianna. Si Julianna naman ay animong walang pakialam sa presensya niya at sa halip na salubungin ang matalim na titig ni Mommy ay ngingisi-ngisi lang itong tumitig sa mga kuko niya at pinaglaruan ito habang nakikinig sa speaker na nasa harapan.
Magkakaroon ng debate si Mommy at si Julianna sa harap ng mga taong um-attend sa pagtitipong ito. Halos mahigit sa kalahati ang mga nasa partido ni Julianna ang dumalo sa pagtitipong ito, kaya naman hindi na ako magtataka kung si Julianna ang mananalo sa debateng magaganap at papaboran ng lahat.
Ang sabi ni Mommy ay hindi raw importante para sa kanya ang mataas na posisyon— yun ay noong hindi niya pa nalalaman na tatakbo rin pala si Julianna. Ngayong nalaman niya na ang plano nito, halos mamatay na siya sa kakaisip kung paano niya nga bang masosolusyunan at lulutuin ang laban nang siya ang mananalo sa eleksyon sa susunod na buwan.
“Wala akong ideya na may kakayahan pa lang tumakbo si Ma'am Julianna sa pwesto na meron siya ngayon,” usal ni Marites habang nakikinig kami sa patutsada ni Mommy at ni Julianna sa harapan.
Nang dahil sa sinabi niya ay kunot noo akong bumaling sa kanya. Mukhang napansin niya ang titig ko kaya naman hindi niya naiwasang mahiya at mangiti na lang.
“Paano, ginamit niya ang pangalan ng Mommy ko,” angil ko na tinawanan niya bago nagkibit ng balikat.
“Hindi naman halos lahat ng tao na dumidikit sa Mommy mo ay nakukuha ang pabor nila. May ilan sa kanila ang gumagamit ng dahas at kinakailangang magmanipula ng tao bago pa man sila magkaroon ng kapangyarihang magdesisyon para sa kagustuhan nila,” makahulugan niyang ani na ikinataas ng kilay ko.
“Anong ibig mong sabihin, Marites?”
Ngumiti siya sa akin. “Na hindi halos lahat ng taong nasa tabi mo ay totoo. May ilan sa kanila na may sikretong motibo, at ang ilan naman sa kanila ay namanipula na ng kalaban ng Mommy mo.”
Nang dahil sa sinabi niya ay hindi ko naiwasang matigilan at mapaisip. Hindi na rin ako nagsalita lalo na nang matinig na namin ang resulta ng botohan sa harap, at hindi na rin ako nagukat sa kinalabasan nito.
“Putang ina talaga yang Julianna na yan, Bella!” nanggigigil na usal ni Mommy nang nakapasok kami sa loob ng van kasama nila Marites. “Ang galing magmanipula ng ibang tao. Kinakailangan niya pang magbayad ng maraming tao para lang dumalo rito at para iboto siya kahit na labag sa kalooban ng iba!”
Nagpatuloy siya sa pagrereklamo hanggang sa nakalabas na ang van namin sa lalawigan kung saan kami nanggaling para sa debate at pangangampanya.
“Alam mo ba na nakausap ko ang ilan sa supporters niya kanina? At alam mo ba, Anak, na binayaran lang sila ng tatlong libo para pumunta rito at suportahan siya,” dagdag niya pa.
Napalingon ako kay Marites ngunit nagkibit lang siya ng balikat. Alam kong tama si Marites sa sinabi niya kanina, at ito na nga ang kasagutan sa paliwanag niya sa akin kanina.
Ilang araw lang ang lumipas ay dumating na mula sa bakasyon si Ayanna. Kagaya ng inaasahan ay marami siyang pasalubong sa akin at kabilang na nga iyon ang kwento at chismis na nakalap niya mula sa madalas naming pagkuwentuhan. Hindi naman importante para sa akin ang opinyon niya sa nasabing kwento, ngunit nag-insist siya na ikwento at ipaliwanag ito sa akin.
Matagal na rin ang huli naming kwentuhan kaya naman sa halip na pakinggan siya ay… well, hindi ako makikinig dahil wala na rin naman dito ang pag-iisip ko ngayon.
“Tapos, buntis siya!” nanlalaki niyang sambit na inirapan ko.
Kagaya nga ng sinasabi ko ay walang kwento lahat ng tsismis na nakalap niya sa ibang bansa. Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng madalas niyang oag-initan at siraan. Wala namang kakaiba sa babaeng tinutukoy niya at alam kong hindi ito banta para sa buhay naming dalawa.
Madalas kaming lumabas at mamasyal, syempre ay hindi mawawala ang mga body guard na ipinadala ni Mommy sa tueing may lakad kami upang magmanman at magbantay sa aming dalawa ni Ayanna.
“Alam mo bang naiirita ako sa mga kasama mo?” iritadong biro ni Ayanna kasabay ng paghigop sa milkshake na hawak niya. “Hindi kita magawang masolo, o kahit dalhin man sa liblib na lugar dahil lang sa kanila!”
Natawa ako. “Bakit naman liblib na lugar?”
“Para mapag-isa tayong dalawa!” irap niya na ikinapanis ng pagkakangiti ko sa harapan niya.
God, ito na ba yung sinasabi ni Marites na may isa aa mga kaibigan ko ang mangta-traydor sa akin?
Sana lang ay hindi si Ayanna ang naiisip ko dahil… matagal ko na siyang kaibigan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (53)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Nice
21/02/2023
0Keep writing author🤝💕👏🥂🙇♀️
12/01/2023
0I Like it so much
12/07/2022
0Tingnan Lahat