Thirteen

“Ano? Masarap bang mawala sa katinuan, Bella?” may bahid ng sarkastikong tanong ni Ayanna habang nakapamewang sa harapan ko.
Maraming nakarinig sa kanya sa pag-aalburoto niya kaya naman hindi na ako nagtaka lalo na nang marinig ko ang mahina nilang tawa. Sa halip na patulan siya ay nanghihina na lang akong pumangalumbaba sa desk ko at doon nagsimulang mag-isip ng malalim katulad na lamang ng mga iniisip ko kanina bago pa man kami bumalik sa klase.
Dahil nga sa kilala ang pamilya ko at kilala ako ng halos lahat ng mga estudyante rito sa campus, agad na kumalat ang balita magmula sa junior high hanggang college. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga kaklase kong patuloy na sumasagap ng chismis kay Ayanna ay nanatili na lang ako sa pagkakaupo ko. Wala rin naman akong mapapala kung sasagutin ko ang lahat ng katanungan nila, at isa pa ay may ibang importanteng bagay pa akong dapat na pagtuunan ng pansin sa halip na makisawsaw sa kwentuhan at tawanan nila.
Anong ginagawa niya dito?
Hindi ako ignorante upang hindi mapansin na medyo malayo ang agwat naming dalawa sa isa't isa. Kung may kapatid lang ako ay masasabi kong papasa na siya bilang kuya ko. Medyo masculine ang katawan niya. Mature tingnan kumbaga. Medyo matangkad din siya sa akin kaya naman natitiyak ko na maaaring binayaran siya upang manmanan ako. Hindi naman ako tanga para isiping isa siya sa mga lalaking naghahabol at nanliligaw sa akin. Hindi na rin naman bago para sa akin ang ligawan, at alam ko ang kilos ng mga lalaking lihim na may gusto sa akin.
Hindi nman siya mukhang kriminal o nakatakas sa selda niya base sa porma niya. Hindi rin naman siya mukhang taong grasa dahil kung isa man siya sa taong nakatira sa kalye na tinutukoy ko, hinding-hindi siya makakapasok sa loob ng exclusive campus kung nasaan kami nag-aaral. Hindi siya makakapasok unless may access siya sa card na ibinibigay sa mga estudyante o baka naman kilala siya ng mga opisyal na nagtatrabaho sa loob nito.
Nawala ang iniisip ko nang maramdaman kong nagtinginan sa akin ang mga kaklase kong nakapaligid at nakikisagap ng tsismis kay Ayanna. Si Ayanna ay bahagyang nakayuko sa inuupuan, malayong-malayo sa sarkastiko ngunit masigla niyang mukha kanina. Hindi ko naiwasang mapaisip. Binalak ko sanang magsalita upang punain ang reakayon niya ngunit kaagad kong nakagat ang dila ko nang makita ko si Jaspher na nakangiti sa harap ko na ngayon ko lang napansin! May hawak siyang bouquet ng mga bulaklak kaya naman hindi ko naiwasang magulat at mabigla.
Napanis ang ngiting nakaukit sa labi niya nang makita niya ang benda sa kamay ko kaya naman mabilis niyang ibinaba sa desk ko ang bouquet na ibibigay niya sana sa akin kanina upang lumapit sa akin at hablutin ang kamay ko na may benda.
“Anong nangyari sa kamay mo?” tanong niya, bahagyang nakalukot ang mukha dahil sa iritasyon.
Dahil sa titig ng mga kaklase ko ay mabilis kong hinablot ang kamay ko palayo sa kanya at mabilis na itinago sa ilalim ng desk upang mag-iwas ng tingin. Mukhang nabasa niya na wala akong planong sumagot sa katanungan niya kaya naman muli niyang hinigit ang kamay ko at muling pinagmasdan ang bendang nakapalibot dito.
This time, sinubukan kong bawiin muli sa pagkakahawak niya ang kamay ko ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya man lang ito binigay sa akin kaya maman wala akong nagawa kundi panoorin ang reaksyon niya.
Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang atensyon ko. Kay Jaspher ba na nag-aalalang nakatitig sa kamay ko, kay Ayanna ba na mukhang iritado at dismayado sa nasakaihan niya o sa mga kaklase kong hindi man nakatitig sa gawi ko ngunit alam kong nagbubulungan sila ukol sa nasaksihan nila kanina.
“Anong nangyari sa kamay mo, Bella—”
“I'm okay, Jaspher.”
“Ang sabi ko, anong nangyari sa kamay mo? Hindi ko tinatanong kung kumusta ka—”
“Hindi mo ba narinig yung sinabi niya?” naiiritang sabat ni Ayanna sa tabi ko. Bahagyang lumuwang ang pagkakahawak sa akin ni Jaspher kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong muling bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak niya. “She's okay. Hindi ka niya kailangan, masaya ka na ba? Masyadong nagpapaka-prince charming, mukha namang palaka—”
“Bakit ba iritadong-iritado ka sa akin? Hindi naman kita kinakausap, Ayanna. So you better shut your mouth—”
“Hindi ka rin naman kailangan dito sa klase namin pero bakit nandito ka?” singit ni Ayanna bago inabot ang bouquet ng mga bulaklak na nasa desk ko at binayo sa harapan ng klase. Nagulat ang mga kaklase ko sa ginawa niya na maging ako ay hindi nakayanang magsalita dahil sa labis na gulat. “Bumalik ka nga sa klase mo. You're not welcome here—”
“Inaano ba kita, Ayanna?” natatawa ngunit bakas ang iritasyon sa boses ni Jaspher nang nilingon ko ito. “Pansin ko na palagi kang iritado sa akin, may gusto ka ba sa akin?”
Sarkastikong humalakhak si Ayanna na alam kong nginiwian ng mga kaklase ko. Halos lahat sila ay nakikinig sa bangayan ng dalawa na maging ang ginagawa nila ay hindi na nagawang pagtuunan ng pansin dahil na sa amin ang atensyon nilang halakhak.
“Ang kapal naman ng mukha mong isipin yan. Hindi kita type at mas lalong wala kang pag-asa kay Isabella!” saad ni Ayanna na mistula bang pinipikon talaga si Jaspher.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpula ng mukha ni Jaspher. Kitang-kita ko rin ang paglabas ng ugat sa sintido niya na animong pinipigilan lang ang namumuong galit sa presensya niya.
“Shut up, Ayanna—”
“Ikaw ang tumigil, Jaspher!” putol na sigaw ni Ayanna na bahagya kong ikinapikit.
“Tumigil nga kayong dalawa,” awat ko sa kanila ngunit nanatili lang ang matalim nilang titig sa isa't isa. “Bumalik ka na sa klase mo, Jaspher.”
“Alam kong may binabalak ka. At gagawa ako ng paraan para lang mapatunayan sa kanya iyon,” ngisi ni Ayanna bago tumayo at tumakbo palabas ng classroom.
Mapait na napangiti sa akin si Jaspher na dismayado kong inilingan. Nang lumabas si Ayanna ay doon lang nakahinga nang maluwag ang lahat. Bumalik na rin sila sa kanya-kanyang gawain at tila ba hindi na inalintana ang presensya ni Jaspher sa loob ng klase at mariin pa ring nakatayo sa harapan ko.
“Pasensha na kung nag-away kami ng kaibigan mo,” malungkot na ngiti niya na inilingan ko. “May hindi kami pagkakaintindihan nitong nakaraan kaya ganito na lang ang galit niya sa akin.”
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ano bang pinag-awayan niyong dalawa kung gano'n?”
“Amin na lang siguro yon. Baka hindi niya rin ako mapatawad kapag binanggit ko pa sa 'yo,” sabi niya bago siya umayos sa pagkakatayo at muling inabot sa akin ang bouquet ng bulaklak na nadurog kanina sa ginawang paghagis at pagtapak ni Ayanna rito. “Sana tanggapin mo pa rin ito kahit na sinira ng kaibigan mo,” biro niya na malungkot kong nginitian.
Siya na ang nagdesisyong magpaalam dahil huli na raw siya sa klase niya. Gusto ko rin siyang tawanan dahil tila ba natatakot din siyang makipag-usap kay Ayanna ngayon lalo na sa tueing maaalala raw niya ang ginawa nitong pagbabanta sa kanya.
Nagpatuloy ang klase namin nang hindi na muling nagpakita si Ayanna nung hapong iyon. Hindi ko rin siya magawang ma-contact dahil palaging out of reach ang lumalabas sa screen ng phone ko sa tuwing maiisipan ko siyang tawagan. Hanggang sa pumatak ang hapon ay hindi na siya muling nagpakita. May ilan akong nakasalubong na estudyante sa field at nakibalita tungkol sa nangyari kanina, dun ko rin napag-alaman na umuwi raw si Ayanna kanina at sinubukang dumaan sa bakanteng lote na nasa likod ng campus upang makalabas dahil ayaw siyang payagan sa harap.
“Namumugto yung mata niya nang makita namin ni Ellie,” sambit ng isa na tinanguan ng katabi niya.
“Ngayon ay alam na namin kung anong pinag-awayan niyong dalawa.”
I smiled. “Hindi kami ang nag-away, Ellie. Silang dalawa ni Jaspher ang nag-away.”
Nang dahil sa sinabi ko ay bahagya silang nagkatinginan ng katabi bago muling lumingon sa akin ng may pagtataka sa kanilang mga mata. Hindi ko maiwasang mag-alala at magtaka lalo na nang marinig ko ang isinagot nilang dalawa sa sinabi ko.
“Paano silang nag-away eh mukhang masaya silang dalawa kanina nung nakita namin silang magkasama sa canteen pagkatapos ng afternoon break?”
Nang dahil sa sinabi nila ay hindi ko naiwasang mapaisip. Nag-away sila kanina sa classroom after lunch, pero base sa kwento ng mga estudyanteng napagtanungan ko ay masaya silang nag-uusap nung afternoon break bago nila ito nakitang tumakas sa bakanteng lote sa likod ng campus.
Nakailang subok na ako ng tawag sa numero ni Ayanna ngunit kahit na minsan ay hindi ko siya kailanman narinig na sinagot ang tawag ko, malayong-malayo sa nakagawian ko sa tuwing tatawag ako sa kanya.
Siguro ay ipagpaliban ko na lang muna ang pag-iisip at susubukan ko na lang siyang tanungin bukas kung ano man problema nilang dalawa ni Jaspher o kung nagkaayos na ba silang dalawa base sa kwentong nila Ellie kanina.
Pasado alas sais na ng gabi nang nakauwi ako sa bahay. Kagaya ng inaasahan ay natagpuan ko sa poolside sila Mommy kasama ang mga Aranquillo. Nabalingan ako ng tingin ng nanay ni Jaspher kaya naman wala akong nagawa kundi ang matamis na ngumiti na hindi niya man lang ginantihan. Base sa mga narinig kong usapan nila ay pinag-uusapan nila ang magiging papel ng bawat isa sa kanila sa darating na eleksyon. Dahil nga sa hindi naman ako kumbinsido aat hindi rin naman ako interesado sa usapan nilang dalawa ay nagdesiayon na lang ang pumanhik sa kwarto ko pagkatapos kong humalik kay Mommy at Daddy kanina upang magpaalam.
“Hindi pa nakakauwi ng bahay si Jaspher until now,” saad ng Mommy ni Jaspher dahilan upang tumigil ako sa kakangiti nang mapansin ako ni Daddy. Sa kanya ko ibinaling ang atensyon ko habang siya naman ay nakatitig sa phone niya. “I thought magkasama kayong dalawa dahil iyon ang paalam niya kaninang hapon. Nasaan siya, Bella?”
“Hindi po kami magkasama at saka nauuna po akong umuuwi sa kanya dahil araw-araw po silang may practice ng soccer,” magalang kong sagot na ikinataas ng kilay niya.
“Hindi ba't dapat ay reaponsibilidad mong hintayin siya sa practice niya, hija?” tanong niya na animong may pagkakamali ako sa nagawa ko.
Res— Responsibilidad ko? Paano? Eh wala ngang kami!
Mukhang napansin niya ang kawalan ko ng sagot kaya naman sa halip na muli akong magsakita ay sinenyasan niya na lang ako na pumanhik sa loob upang doon magmukmok. Hindi pa naman kami natatapos sa kwentuhan nila Daddy kaya naman nang makita ko siyang tumango sa sinabi ni Mrs. Aranquillo ay wala akong nagawa kundi ang tumango at tumayo kahit na labag ito sa kalooban ko. Minsan lang kaming magkwentuhan ni Daddy at talaga namang ninanamnam ko ang lahat ng mga salita niya sa tuwing kausap niya ako. Ngayong sumabat ang nanay ni Jaspher ay wala na tuloy akong karapatang muling magkwento kaugnay sa naging araw ko ngayon kay Daddy. Wala akong choice kundi ang muling pumasok sa loob ng kwarto ko upang doon magkulong.

Komento sa Aklat (53)

  • avatar
    Cressida Astrid Volkzki

    Nice

    21/02/2023

      0
  • avatar
    Medina Algaba Balboa

    Keep writing author🤝💕👏🥂🙇‍♀️

    12/01/2023

      0
  • avatar
    RiveraRiane

    I Like it so much

    12/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata