Homepage/Oppa, You're Mine!/
Chapter 17
“GREAT job, Edgell,” salubong ni Misis Marquez pagbaba niya ng stage.
“Thank you po,” nakangiting sagot niya.
“Jal Handa,” sabi naman ni Mister Lee, na ang ibig sabihin ay “Well done.”
Bahagya siyang yumukod sa harap ng CEO.
“Kamsahamnida,” pasasalamat niya kay Mister Lee.
Paglingon niya kay Youngjae ay malapad itong nakangiti. Masaya siya dahil bakas sa mukha ng binata na proud ito sa kanya. Kung wala nga lang ibang tao, malamang ay niyakap na siya nito.
Laking pasalamat ni Edgell dahil nagawa niyang kontrolin ang emosyon. Imbes na magpa-apekto siya sa pananakot sa kanya ni Madam Erlinda at sa pang-iinis ni Beth. Tinuon na lamang niya ang sarili sa pagbabasa ng ipe-present sa audience ng health benefits at nutrition facts ng Food Pockets.
Hindi alam ng dalaga kung paano dumaan ang labinlimang minuto simula ng tumuntong siya sa stage. Nang magsimula na siyang magsalita, parang hinipan ng hangin ang inis na nararamdaman. Marahil ay dahil na rin sa nakikita niya sa kanyang harapan ang maamo at nakangiting mukha ng binata. Hindi mabilang ni Edgell kung ilang beses siyang kinindatan ni Youngjae, at sapat na iyon para kiligin siya ng husto. Mabuti na lang at hindi siya na-distract. Ang guwapo kasi nito sa dark gray suit na suot nito.
Noon active pa ang Galaxy, nakikita lamang niya ang ganoon ayos ng binata sa mga awards night. Ngayon ay narito na ito sa kanyang harapan at panay ang pagkaka-cute sa kanya. Lihim siyang napapabuntong-hininga sa tuwing naiisip ang mga pangyayari sa kanyang buhay nitong mga nakaraan buwan. She’s indeed a one blessed fangirl.
Matapos i-announce ng MC ang free samples ng Food Pockets para sa mga audience. Sumunod ang farewell speech ni Mister Lee, doon ay opisyal na nitong in-anunsiyo ang pagbaba nito sa puwesto, kasabay ng pagpapakilala kay Youngjae bilang bagong CEO ng LYJ Food Incorporated. Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman nilang mga empleyado. Mister Lee has been a great and wonderful Boss to everyone. Wala silang masabi sa kabaitan nito, bukod pa sa generous ito. Kaya naman hindi niya maiwasan magalit kay asawa nito ng malaman niya ang panloloko ng babae. Minsan nga ay natutukso na siyang magsalita kay Mister Lee. Nako-konsensiya siya na nato-tolerate niya ang kalokohan ng babae. Hindi deserve ng mag-ama na tratuhin ito ng ganoon.
Naputol ang pag-iisip niya ng magsimulang magsalita si Youngjae. Napangiti siya ng marinig na nagtilian ang ilang kababaihan sa audience. Obvious na nakilala ng mga ito ang binata. Hindi na nagtaka ang dalaga dahil sikat na sikat kasi noon ang grupong kinabilangan nito. At hindi naman masisisi ni Edgell ang mga ito kung magtilian ng malakas, kahit sinong babae ay hahanga sa kaguwapuhan ni Youngjae.
“Pero sorry na lang, he’s already mine.”
Lihim siyang natawa sa sarili dahil sa naisip.
“Good evening, everyone, I will be the new CEO of LYJ Food Incorporated. The last time I stand on a stage like this. I stand as a performer. Never in my life, I think or dream that I will run our company one day. Ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko kung kaya ko ba? One thing I am worried about and scared of is failing the people from our company. But my Dad told me, to believe in myself and trust our people. And aside from that, someone came along, that person became one of the most important people in my life. She gives me inspiration…”
Napangiti si Edgell sa narinig kasunod ng pasimpleng pagsiko sa kanya ni Bernie.
“Nakakainsulto na ‘yang ganda mo, friend. Hindi ko na keri,” bulong nito.
Marahan siyang natawa sa narinig sa kaibigan.
“… When I see her working so hard, it inspires me to do the same. I am hoping that I will be able to meet everyone’s expectations from me. Have a nice evening everyone, and enjoy the rest of the night. Thank you.”
Umalingawngaw ang malakas na palakpakan sa loob ng event hall. Pababa na si Youngjae sa stage ng mapansin ni Edgell na tila natigilan ito habang nakatingin sa bandang likuran. Napakunot noo siya ng makitang biglang pumormal ang ekspresiyon sa mukha ng binata. Sinubukan niyang tingnan ang direksiyon ng tinitingnan nito pero wala naman siyang napansin na kakaiba. Pagtingin ulit ni Edgell sa stage ay tuluyan ng nakababa ng stage ang binata.
Matapos ang main program marami pang guests ang naiwan doon para sa after party. Abala siya sa pakikipag-kuwentuhan sa mga kaibigan ng maramdaman niya nag-vibrate ang phone niya. Napangiti siya ng makitang si Youngjae ang nag-text.
“Meet me in the lobby now,” sabi nito sa message.
“Okay, magpapaalam lang ako kila Bernie,” sagot niya.
Agad siyang bumaling sa mga kaibigan.
“Girls, kung uuwi na kayo. Mauna na kayo. Mukhang may pupuntahan pa kami,” paalam niya.
“Ah, ang sweet, may late night date sila,” nunudyong sagot ni Wilma.
“Ay sige, go! Have fun!” udyok pa sa kanya ni Bernie.
“I’m sure kanina ka pa niya gustong makasama. Kaya sige na, huwag mo kaming isipin. Magpa-party party lang kami dito,” sagot naman ni Rosa.
Yumakap muna siya sa tatlo bago tuluyan umalis. Paglabas niya ng event hall ay agad siyang bumaba sa lobby. Pero bigla siyang natigilan ng makita si Erlinda na naglalakad papunta sa entrance ng casino. Doon ay nakita ni Edgell na sinalubong ang babae ng kalaguyo nito. Alam niyang nakilala siya ng lalaki, dahil napatingin ito sa gawi niya bago tila may sinabi kay Erlinda paglapit nito. Napalingon sa kanya ang babae, pagkatapos ay sarkastikong ngumiti, bago nilagay ang hintuturo sa tapat ng labi nito. Pinapahiwatig na huwag siyang maingay.
Walang nagawa si Edgell kung hindi ang bumuntong-hininga.
“Hey, sino ang tinitingnan mo diyan?”
Gulat na napapitlag ang dalaga sa biglang pagsulpot ni Youngjae sa gilid niya. Agad siyang humarap dito.
“H-ha?”
Marahan natawa ang binata. “Bakit parang nakakita ka ng multo?”
Tumawa na lang din siya para hindi maghinala ang kaharap.
“Wala, akala ko kasi nakita ko ‘yong friend ko from College. Nagulat lang ako dahil bigla ka na lang nagsalita,” paliwanag niya.
Napatingin siya sa kamay ng hawakan iyon ni Youngjae.
“Let’s go, ipapakilala kita kay Dad, nasa taas siya dahil may get together sila ng mga kaibigan niya,” yaya sa kanya ng binata.
Ngumiti siya saka tumango. Agad silang sumakay sa elevator pagbukas niyon. Hindi pa man din tuluyan sumasarado ang pinto niyon ay bigla na lang siyang niyakap ng binata na siyang kinagulat niya. Bago tuluyan sumarado ang pinto ng elevator, natigilan si Edgell ng makitang nakatayo sa di kalayuan si Beth. It’s just a split second, pero kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito habang nakatingin sa kanila ni Youngjae.
“Sandali, nakita tayo ni Beth,” sabi pa niya.
Bahagya siyang nilayo ng binata. “Who?” kunot-noo pang tanong nito.
“Si Beth, iyong isang Food Technologist din na kasamahan ko!”
“So?”
Naasar na napapadyak siya, sabay hampas sa malapad na dibdib ng nobyo.
“Anong so? Sabi ko, nakita niya tayong magkayakap! Baka mamaya ipagkalat no’n sa opisina ang tungkol sa atin! Malaki galit sa akin no’n dahil sa nakaabang na promotion. Feeling niya, sinasadya kong mapalapit sa inyo ni Mister Lee para mapunta sa akin ang posisyon na iiwan ni Misis Marquez.”
Bumuntong-hininga ang binata. “Akala ko naman kung ano, so what? You worry as if what she said is true,” sagot ni Youngjae.
Hindi siya nakasagot.
“Hindi naman totoo, bintang niya sa’yo di ba? We both know why and how we become close, kaya huwag kang mag-alala sa kanya. Sooner or later, malalaman din ng lahat ang relasyon natin. And I have no intention of keeping it to them. I’m proud to be your boyfriend, and if I have to scream and shout it out loud to everyone. Gagawin ko.”
Napangiti siya sa sinabi ni Youngjae. Kaya hindi na siya tumanggi ng yakapin ulit nito.
“Don’t worry too much, okay?”
“Okay.”
Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi saka mariin hinalikan. Pagkatapos ay ngumiti ulit sa kanya.
“Let’s go home after we talk to Dad. Kanina pa kita gustong makasama pero hindi ako makalapit at makapaglambing sa’yo dahil maraming tao.”
“Sige,” pagpayag niya. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (102)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
so nice and I loved the story🥰
13/06/2024
0wowww
09/06/2024
0good quality
20/04/2024
0Tingnan Lahat