ANGRY BIRD!

Nica's POV
KAINIS! NAKAKABWESIT talaga 'tong impaktita 'to, hindi pa 'yan ang ibibigay ko sa kanya! Oras na guguluhin na naman niya ulit ako, nasa libingan na siya ng mga oras na 'yon ako pa talaga ang kinakalaban niya! ASA! Andito na kami sa principal's office kaya lang tinawag ako ni tita.
"Nica! Your older brother is here gusto ka niya makausap mamaya sa office niya! Alam mo na ata kung saan, nasa second floor may nakatatak do'n na President's Office"
Tsk! As always! Kapag may gulo ako agad ang may kasalanan. Palagi nalang kaya hindi na ako magtataka, hindi na ako pumasok sa principal's office pumunta nalang ako kay kuya alam ko naman mapapagalitan na naman ako no'n. Tsk! Habang naglalakad ako papunta sa kabilang building kung nasa'n ang office ni kuya nakita ko na naman siya.
"oppa" bungad ko.
'yon lang ang nasabi ko, habang papaalis siya sa school na 'to. Kusang tumutulo 'yong luha ko, ansakit parin. Parang natotorture na naman ako, bakit na naman ba ako nagkakaganito? Wala na siya! WALA NA!
"Ok ka lang ba, Nica?" si Chris 'yong nagsasalita ahh! Agad ko naman pinunasan 'yong luha ko.
"Yeah! I'm ok, ba't andito ka? And how did you know my name?" sabi ko sa kanya, dapat ando'n siya ngayon sa principal's office ahh! Atsaka ba't niya kilala 'yong pangalan ko? NO NAME 'yong alam nila dapat ahh.
"Sinusundan ka... este may pupuntahan din ako dito kasi ang daan, ikaw? Sa'n ka pupunta? Atsaka bakit ko alam 'yong pangalan mo? 'yong nag-aaway kayo ni Jasmine, someone called you Nica. Wala naman ibang kaaway si Jasmine do'n kundi ikaw lang." sabi niya.
"Ok! Atsaka wala ka ng pakialam kung sa'n ako pupunta, at bakit wala ka ngayon sa principal's office? Aber?! Sino pinupuntahan mo dito, isa lang 'yong office dito." –ako
"Ikaw nga rin, may bibisitahin lang ako dito." –Chris
"Aiisssh! Bumalik ka muna sa Principal's Office. Mamaya na 'yan kung sino man 'yong bibisitahin mo." –ako
At iniwan ko na siya mag-isa do'n, naiinis ako kapag nakita ko 'yong pagmumukha niya. Andito na ako sa office ni kuya TOK! TOK! TOK!
"Come in!" rinig kung sabi ni kuya kaya agad ako pumasok.
"Bakit mo ako pinatawag?" sabi ko.
"Ano na naman ba ginagawa mo? Andito ka ba para manggulo!? Ha?! HAILEY NICOLE!" inis na sabi ni kuya sa'kin, tsk! ANGRY BIRD na naman 'to tinawag na niya 'yong pangalan ko.
"Ano bang ginawa ko? Wala naman ah! You know that I don't like people na magrereynahan o maghariharian dito, Kuya." kahit kailan ako lang 'yong laging mali. KAINIS!
"I'll call appa tomorrow, babalik kana sa korea o do'n ka sa singapore. Gusto mo naman maging photographer, diba? Why you need to go back here?! Ha?! Mabuti naman 'yong kalagayan mo do'n." –kuya.
"Kuya, I know you know why I need to go back here." sabi ko.
And he sighing, I know that Kuya Mark knows why I'm here. I need to do something before it's to late...
Chad's POV
Nasa loob na kami sa principal's office, ayon nagiging ANGRY BIRD si ma'am principal sa'min kaya umalis ako do'n nakakairita kasi. Nakita ko si Chris, umalis din pala siya at sinundan niya si... Nica? Masundan nga rin sila...
"Ok ka lang ba, Nica?" sabi ni Chris, parang umiiyak kasi si Nica hmmm bakit kaya?
Kaya nakinig lang ako sa usapan nila. Nagtatago ako baka makita nila ako. Hanggang sa... Iniwan si Chris mag-isa HAHAHA perstym din iniwan si Chris. Siya lang kasi 'yong nang-iiwan sa mga ganyan kapag may kausap siya, kaya umalis na siya. Aalis na sana ako kaya lang 'yong mga paa ko dinala nila ako sa President's Office, ewan ko ba kung bakit. Hmmm, parang may away sa loob ng President's Office ahh, si kuya Mark ba ay andito na? Bumalik na ba siya for almost 1 year? Namiss namin siya, kaya nakinig ako sa kanilang usapan (chismoso lang ee, no?)
"I'll call appa tomorrow, babalik kana sa korea o do'n ka sa singapore. Gusto mo naman maging photographer, diba? Why you need to go back here?! Ha?! Mabuti naman 'yong kalagayan mo do'n." –kuya Mark.
"Kuya, I know you know why I need to go back here." sabi ng babae, sino kaya 'yong kausap niya? Ayy teka! Si Nica lang naman 'yong pumasok dito ahh!
"Anong ginagawa mo d'yan?" sabi ni... Chris? Andito din pala siya.
"A-ah ka-kasi a-ano, aisssh! Kanina ka pa ba andito, Chris?" pautal-utal kung sabi.
"Oo, nakita kasi kita kanina nagtatago kaya sinundan kita." –Chris
"Diba before ka umalis si Nica 'yong last pumasok?" sabi ko.
"Yes! Si Nica lang naman 'yong pumasok d'yan. Why?" - Chris
"Parang nag-aaway kasi sila. Narinig ko kasi sabi ni Miss Glyza kanina na andito na daw kuya ni Nica. You know what I am thinking right now?" -ako
"Hindi! Hindi naman tayo pareho ng isip!" pilosopong sabi ni Chris.
Siraulo talaga 'tong kaibigan ko, kung hindi ko lang 'to kaibigan baka kanina ko pa 'to nasapak.
"Igeon neoman-ui joh-uen yeodongsaeng-eul-wihangeoya (this is for your own good, little sister). Please! Ayoko pati ikaw mawala ka sa'kin... sa'min. You know that already right? Nica?" –kuya Mark.
"Oo kuya, alam ko 'yan. And please! Just support me, 'yan lang ang kailangan ko sa inyo. Nae ssangdung-iui jug-eum-e daehan jeong-uiga pil-yohae (I need justice for the death of my twin). Pagtapos nito babalik na ako sa singapore oppa." –Nica
"Pwede bang i-translate mo 'yong sinasabi nila? Wala akong naiintindihan kasi." sabi ko. Trinaslate naman ni Chris 'yong sinasabi nila. May kambal pala si Nica?
"Ahhh, may kambal pala si Nica. Diba may kapatid si kuya Mark? Si Bailey Nicolas at si Hailey Nicole 'yong crush na crush mo no'ng bata pa tayo? Si Nica at si Hailey Nicole ay iisa lang?" –ako, at nashock ako.
Yes! You heard it right. Kilala na namin 'yong mga kapatid ni kuya Mark magkaibigan kasi 'yong mga parents namin, kaming anim. Simula sa bata pa kami na 'yong tagapagtanggol sa kambal na kapatid ni Nicolas palagi kasi 'yon inaapi ewan namin kung bakit hindi kasi nagkwekwento si Nicole noon, atsaka nagkahiwa-hiwalay kaming magkakaibigan. Kasi dahil lang sa parents namin, at ng dahil din sa business nila kung sa'n kami pumupunta. At pagbalik namin dito sa Pinas masama na 'yong balita ang natanggap namin, wala na 'yong pinakamatalik naming kaibigan, pito kaming magkakaibigan at iniwan na kami ni Nicolas. At 'yong kapatid niya umalis na din dito sa Pinas pagkatapos ng burol daw ng kapatid niya, hindi nga namin alam kung sa'n na pumunta. After 5 years, may nabalitaan kami sa parents namin na andito na ulit si Nicole pero hindi pa namin alam na si Nica pala ay si Nicole. Ang laking pinagbago niya kasi...
"Tsk! MANAHIMIK KA D'YAN KUNG AYAW MO NG BLACK EYE KAGAYA NI JD!" –inis na sabi ni Chris.
"Ito naman, siya pa rin ba?" –tanong ko sa kanya.
"Oo, kaya ako nagkakaganito" –Chris, nagiging playboy lang siya ng dahil sa kapatid ni Nicolas si Nicole. Ikaw ba naman simula pagkabata crush na crush niya si Nicole or should I say Nica. Hindi na pala crush, it's love na pala.
"Ok lang 'yan bro, makikita mo na siya araw araw. Cheer up!" –ako
"Masaya ako andito na ulit siya." –Chris
Kaya umalis na kami do'n baka makita pa kami, kahit gusto namin makita 'yong kapatid ni kuya Mark na si Nicole kaya sa susunod nalang...
Nica's POV
Aiishh! Si kuya talaga kahit kailan HUHUHU, alam ko naman na nag-alala sila sa'kin. Ginawa ko lang 'to para sa kambal ko. Pagkatapos nito back to normal na ulit 'yong buhay ko.
"I love the way you call me "oppa" dongsaeng , you know what?" –kuya, sabay hug sa'kin.
"Know what, oppa?" –ako, at hinug ko na rin siya. Namiss ko 'tong kapatid ko!
"I really missed my yoedongsaeng (little sister), next week ipakilala na kita sa mga tao dito na ikaw na ang maghahandle dito sa school na 'to" –kuya, what? Shacksss! Kaya bumitaw na ako sa pagkayap niya.
"No, kuya! PLEASE! Baka masira 'yong plano ko kapag malaman nila 'yong identity ko, 'wag muna kuya. Please!" –ako
"Ok, but can we have a party? Hmm, 'yong may mga banda atsaka may mga dancer din. Kakabalik ko lang kasi dito for almost 1 year, at kayo nilang Sam ang kakanta ha at sasayaw? PLEASE!" –kuya, paawa effect pa talaga.
"Aiishh! Ano pa nga ba, wala na akong magagawa nagpapaawa effect ka na niyan sasabihin ko nalang sa kanila. Ok oppa? But..." –ako
"Ano?" –kuya
"Magmamask kami para hindi kami makilala ok? Daaahhh! Kami 'yong The Mask Girls sa sayaw at kanta kapag nasa stage and we're the Ladies' Code sa Gangster World " –ako
"AYE! AYE! CAPTAIN!" –kuya, at nagsalute pa talaga. Hindi parin nagbabago 'tong kuya ko, AHAHAHA. Kaya nag-usap-usap lang kami do'n sa office hanggang sa...
"Dongsaeng, tara na kain na tayo nagugutom na ako." 'Kuya Mark
HAHAHA ang cute talaga ng kuya ko, ba't hindi pa 'to nag-aasawa? Gwapo naman ahh! Kaya tumango nalang ako at kumain na kami. After namin kumain ni kuya, nagpasya na ako na umalis. At tinignan ko muna si kuya para magpaalam sabay sabi.
"Bye kuya! Mag-asawa ka na uyy! Gusto ko na magkaroon ng pamangkin! HAHAHA" natatawa ako kay kuya namula sa sinabi ko.
"Tse! Umalis ka na nga!" hinalikan ko muna siya sa pisngi at umalis na ako do'n sa office niya.
SA CLASSROOM
"Uyy! Nica, sa'n ka naman galing?" sabi ni Desiree, andito na pala ako sa room.
"Do'n kay kuya, bakit?" sabi ko na hindi tumitingin sa kanila.
"WHAT?! Andito na si kuya Mark? Waaaahhh! 'yong pasalubong ko andito na! wooohoo!" sigaw sabi ni Sam, aiiishh! Nakakairita ahh! Tsk!
"Manahimik nga kayo d'yan, ang ingay niyo! Baka may makarinig sa inyo uyy!" tsk! Pasalubong lang ang inaatupag nila, iumpog ko kaya sila. Kaya umalis na ako do'n at hindi ko namalayan na nasa rooftop na pala ako, dinala kasi ako ng mga paa ko dito. Hmm, ang ganda parin dito. Ang sarap ng hangin 'yon bang wala kang problemang iniisip at napakatahimik rin.
"Pssst!" sino 'yon? Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa, lingon sa likod, lingon sa...
"BULAGA!" kyaahhh! BOOGSSHH! Paktay! Ayon natumba, ayan tuloy nasuntok ko siya...
Chris' POV
Andito ako ngayon sa rooftop, pagkatapos namin makinig sa usapan nilang kuya Mark. Napag-isipan ko na pumunta dito, aiiissh! Namiss ko talaga siya palagi na pala kaming magkikita at dahil sa'yo kaya ako nagkakaganito. Akala ko crush lang 'yon pala love na, nagkikita na rin tayo at andito ka na rin sa school na 'to. Nawala na 'yong pagmumuni-muni ko ng makita ko si... Nicole? Kaya naisipan ko na magsutsut...
"Psst" -ako, HAHAHA lumilingon siya sa kaliwa't kanan at sa likod kaya naisipan ko rin na gulatin siya.
"BULAGA!" pero hindi ko inexpect 'to... BOOGSSHH! Awtsuu! Ansakit no'n ahh!
"Ayy! Sorry! Ikaw kasi, 'yan tuloy nasuntok ka. Sorry talaga." rinig kung sabi niya, tiningnan ko siya ng maigi ang ganda niya pala sa malapitan.
"Anong ako? Ikaw 'yang nanuntok bigla." sabi ko, kasalanan ko pa talaga.
"BA'T MO BA AKO GINULAT? HA? HINDI KA SANA MAKATIKIM NG SUNTOK KO KUNG HINDI MO AKO GINULAT! BWESIT!" galit na ata 'to.
"Ayy! Sorry na po, galit ka na niyan. Nagiging ANGRY BIRD ka na." –ako
"Tsk! Ikaw kasi, ano ako ibon? Tsk!" –siya
"Sorry ulit ahh matanong lang, a-ah e-eh, a-ano bang pangalan mo?" –pautal-utal kung sabi, ngayon lang ako nagkaganito ahh!
"Anong a,e? A, E, I, O, U? HAHAHA I'm Nica, BTW ok ka lang ba?" –Nica, S***! Ang ganda niya kapag tumawa.
"Chris pala." –ako, at tinaas ko 'yong kanang kamay ko para makipagshake hands sa kanya.
"Kilala na kita or should I say kayong anim." –Nica, at hindi nga ako nagkamali nakipagshake hands din siya.
"Stalker ka no? HAHAHA ba't mo kami kilala?" –pabirong sabi ko.
"Stalker agad? Hindi pwede nagtanong lang ako ni Miss Santiago? Tsk!" –Nica
"Sorry po! Ahh ano, pwede ko bang malaman 'yong totoong pangalan mo? Kung pwede lang? Kasi ano, ahmm..." aiiishh! KAHIYA! OHH! LUPA KAININ MO NA AKO!
"Ano? Pagkatapos niyan ligawan agad? HAHAHA dzoke lang, sure why not." –Nica, is it real? Is it real? (dalandan lang ang peg?)
"Grabi naman, I'm just want to know you more." -ako
"I'm formally introduce you my real name, I'm Hailey Nicole Mendes. But... PLEASE! Don't ever let them know who I really am. Okay?" she smiled.
Nag-uusap lang kami do'n, ang cute pala tumawa ni Nica HEHEHE at pagkatapos nag-aya na siya na pumasok sa room. Ang saya naman at nakausap ko ulit siya. Pagkatapos ng klase namin umuwi na kami...
Someone's POV
"Boss, andito na sila pero ba't lima lang sila? Wala po 'yong isa nila, pero may isa silang kasama at nerd nga lang po." sabi ng tauhan ko sa kabilang linya.
"BWESIT! HANAPIN MO SIYA KUNG AYAW MONG MALILINTIKAN KITA!" sabi ko, BUPLAKS talaga!
"Ok boss." at binaba ko na 'yong tawag. BWESIT! Kung sa'n ka man ngayon Nicole, maghanda-handa ka na. Sisimulan ko na ang gyera natin na hindi pa natin nasisimulan at magkikita na din kayo, HAHAHAHAHAHAHAHA (evil laugh). Hindi pa sa ngayon, dapat ka na mawala dito sa mundo kasi SAGABAL ka! PAPATAYIN KITA AT ANG MGA KAIBIGAN MO MAGSAMA KAYO SA IMPYERNO!...

Komento sa Aklat (47)

  • avatar
    RoveteRosemaricar

    nice

    28/10/2024

      0
  • avatar
    Toledojackielou

    nice cool

    05/06/2024

      0
  • avatar
    Queeny Minguito

    ganda❤

    10/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata