Homepage/Sensei, Do Me A Favor. Please Fall In Love With Me!/
Teacher as Parents Part 1
Kinabukasan ay nakapasok na ako, salamat kay Hoshi, napabilis ang paggaling ko. May iilang beses lang na nababahing ako pero hindi naman ganon kadalas. "Good morning, ma'am Fujihara!" sabay sabay na bati ng mga estudyante ko nang pagpasok ko ng room. Dumiretso ako sa harapan at ngumiti. Pinasadahan ko sila ng tingin, mukhang mga kinakabahan sila at nakikita ko rin na mukhang excited naman sila. Nakasuot sila na kulay pulang t-shirt na may tatak na Satoh Family at sa likod naman ay mayroong nakatatak na daughter sa babae at sa lalaki naman ay Son habang ang mga noo nila ay may nakataling puting tela at may nakasulat na #Team M.H, may mga hawak pa silang kulay pula at puting lobo. Lumapit sa akin si Jace at may ini-abot. "Ma'am, uniform niyo po." pagkaabot nito ay binuklat ko iyon at napailing nang makita ito. Sa harap ay magkamukha ng sulat, Satoh Family rin ang nakalagay pero sa likod nito ay Mother na ang nakatatak. Iiling-iling akong hindi maitago ang kilig nang maimagine kong suot namin parehas ni Hoshi ang damit na 'yon habang magkahawak kamay. Tumingin ako sa kanila at sumeryoso ang mukha. "Ang tanging gusto ko lang ay mag-enoy kayong lahat habang walang gasgas na natatamo sa katawan. Isa pa, lagi niyong tatandaan ang pinakagoal natin kaya tayo sumali.." tiningnan ko ang bakanteng upuan ni Sheena at bumalik ang tingin sa kanilang lahat. "Maliwanag po ba 'yon?" "Opo!" sabay-sabay nilang sagot nang malakas. Maya-maya pa ay narining na namin ang announcement na tinatawag na ang lahat ng mga kalahok sa competition. Tumayo silang lahat at bumilog ng malaki, nilagay ang braso ng bawat isa sa balikat at yumuko. Tumingin sila sa akin kaya't lumapit na rin ako at sumali sa ginawa nila. Sabay-sabay kaming pumikit at tumahimik habang nakayuko ang mga ulo. "Lord, give us strength, patience and perseverance to win this competition, this is for my classmates and especially one of the member of this family, please give us strength and guide us in every activity. In the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen!" Pagkatapos ng pagdarasal ay sabay-sabay naming inilagay ang mga kamay sa harapan, pinagpatong-patong nila iyon na parang kahoy at tiningnan ang bawat isa. Nagngitian muna bago ihiyaw ang linya na pampagana sa laro. "For Sheena.." malakas na hiyaw ko na dinugtungan naman nila ng "Fighting!" habang hinihiyaw iyon ay may kumatok ng malakas sa pinto dahilan ng pagkakatingin namin rito, si Hoshiko pala. Nakasuot na ito ng uniporme namin bilang isang team at the same time ay isang pamilya. Ako naman ay kanina ko pa hawak ang t-shirt ko, nakalimutan kong isuot agad. Kumaway ito sa mga bata at lumapit naman sila rito na masaya. Nagkatinginan kami ni Hoshi at sabay na ngumiti ng tipid. Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa at biglang nangunot ang noo. Lumapit ito sa akin. "Bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong nito sa akin. "Ay, oo nga pala. Wait lang, ha? Punta lang ako cr." paalam ko sa mga bata at sa kanya. Pagpasok ko sa cr ay may nakasunod akong mga estudyante na sa palagay ko ay tatlo sila. "Girl! Alam niyo bang kasali ang Principal natin sa program ngayon?" pagbibida nito sa kausap. "Really? Anong section naman ang nakakuha sa kanya? Balita ko ay nireject daw non ang teacher natin!" pahiway na sabi nito. "Huh! Hindi kaya yung sinalihan niyang team ay yun yung naging estudyante niyang nakarelasyon niya raw noon?" "Huh! Kaloka! Wala na silang piniling lugar, favorite place ba nila ang school para dito nila ituloy ang paglalandian nila? My Gosh!" "Malaman ko lang kung sino yung girl na 'yon ay nako, mata niya lang walang latay!" dahil sa narinig ay bahagya akong natakot. "Yeah, girl! Magkakagulo ang fan club ng Principal natin dahil sa kanya.." "Hahaha! Yeah, right. Well, dapat na siyang kabahan. Let's go, girls!" Napaupo ako sa bowl dahil sa narinig. Sino naman kaya ang mga batang iyon at sino ang teacher nilang nireject ni Hoshi na sumali sa team nila? Wala naman akong ibang kilalang kaedad namin ni Nana na teacher rin kung hindi si Aiya lang naman. Huh! Babaeng 'yon talaga! Well, good for you! Nagpalit na ako ng damit at lumabas na sa cubicle. Humarap ako sa salamin at nagsimulang mag-apply ng kulay pink liptint sa labi. Nilugay ko rin ang buhok kong hindi lalampas ng puwet, tuwid ito at manipis lang. Sinukay ko iyon at hinayaan lang na nakalugay. Nag-apply rin ako ng kaunting pulbos at hinubad ko rin ang salamin kong kulay itim at pinalitan iyon ng contact lense sa mata na normal lang ang kulay at nang matapos ay tinitigan ko ang sarili kong mukha sa salamin. Mukha ka nang tao, Miz. Ngumiti ako saglit bago tuluyan nang lumabas sa cr. ***** "Wooooow! Ikaw po ba 'yan, ma'am Fujihara?" manghang tanong ng mga estudyante ko. "Nope, from now on, I'm not your ma'am, I'm your mommy! Hahaha~" pagbibiro kong sabi sa mga ito. "Ang ganda naman ng misis ko.." Napalingon ako sa taong pinanggalingan ng salitang iyon. Natawa naman ako sa narinig at ang mga estudyante ko naman ay mga naghiyawan na akala mo'y mga kinikilig. "Yieee! Sir, ha?" ani Jace. "Sir, may crush po kayo kay ma'am, hano?" kinikilig namang tanong ni Angela. "Ayieeee!" sabay-sabay naman nilang panunukso sa amin ni Hoshi. Umiiling akong lumapit sa upuan at kinuha ang cellphone ko. "Tama na 'yan, pumunta muna kayo sa harapan, magpipicture tayo dali!" excited kong sabi sa mga ito at sila naman ay nagtakbuhan at nag-unahan sa gita. Nang makuha ko ang cellphone ko sa bag ay lumabas muna ako saglit at naghanap ng maaaring makapgpicture sa amin ng buo. Nang may nakita na ako ay pumasok na agad ako at nakaayos naman na sila ng pwesto. Nakatapat na ang cellphone sa amin at hawak na ng isang estudyante ay pumunta na ako sa gilid. Tiningnan naman nila akong lahat at hinila ako sa gitna na nakatabi ni Hoshi. Umayos na ang lahat at mahinang nagsalita si Hoshi bago maclick ang camera. "Say Cheeseee!" automatic namang ngumiti kaming lahat na halos labas ang mga ipin nang bigla akong akbayan nito sa balikat. Sa bilis nang pangyayari ay wala akong nagawa, hindi ako naka-iwas kaya nang tingnan namin ang picture sa cellphone ay naka-akbay nga ito sa akin habang malalaki ang ngiti naming lahat. Hindi pa rito nagtatapos ang lahat dali binigay naman ni Hoshi ang cellphone nito at sa kanya namin kami nagpicture. Sa ganoong ayos ulit pero bago magsabi ng 1 ang bata sa pagbibilang ay kinalabit ako ni Hoshi sa balikat at nang tumingin ako rito ay nasundot ng hintuturo niya ang pisngi ko at magkaharap ang mukha naming dalawa. Gusto ko pa nga ito ipaulit dahil nga hindi ako nakatingin sa camera ay hindi na pumayag si Hoshi dahil maganda naman daw ang pagkakakuha, at isa pa ay nagsisimula nang magalit ang host ng program na kanina pa nagtatawag ng mga lalahok sa paligsahan.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (132)
B. HernandezYessha Karill
hi miss Haeya🥰our beloved ❤ author...I hope ma published na po si season 2
( I love you Sensei) cause season 1 is so beautiful and wonderful...I hope bago po mag Christmas ma published na po si season 2 kasi Alam ko po na super exciting po sya 🤩 in writing your story Ms.haeya you really did a great job!!!!💜please ipublished nyo n po Yung season 2 patuloy po akong maghihintay at susuportahan po kayo 😊 Pleased ipublished nyo n po EARLY CHRISTMAS GIFT 🎁 HEHEHEHEHEH LUV LOTS♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
hi miss Haeya🥰our beloved ❤ author...I hope ma published na po si season 2 ( I love you Sensei) cause season 1 is so beautiful and wonderful...I hope bago po mag Christmas ma published na po si season 2 kasi Alam ko po na super exciting po sya 🤩 in writing your story Ms.haeya you really did a great job!!!!💜please ipublished nyo n po Yung season 2 patuloy po akong maghihintay at susuportahan po kayo 😊 Pleased ipublished nyo n po EARLY CHRISTMAS GIFT 🎁 HEHEHEHEHEH LUV LOTS♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
21/12/2021
1🫶🩷
18/08
0I like it!
01/02/2025
0Tingnan Lahat