Homepage/Tierra de Verdad (Land of Truth)/
Chapter 34
Capitulo 34
“Sampong oras lamang Xavandra ang mayroon ka para maisalba ang mga mahal mong kapatid,” nakangiting ani ni Gracia.
“Hindi ako magpapatalo sa’yo,” may talim ang titig na sagot ni Xavandra.
“Patunayan mo, Xavandra,” sabay halakhak niya.
Ganoon na lang ang pagkunot ng noo ni Xavandra nang makita ang pagdating ng ilang kalalakihan na pawing nakauniporme ng itim. Muli niyang ang mga kalalakihan noon na nakaitim na uniporme. Ang mga kalalakihang hindi siya hinayaan na makapasok sa kanilang bakuran.
Ganoon na lang ang gulat ni Xavandra matapos hampasin ng mga naka-unipormeng itim ang magkakapatid na De Dios kung kaya’t sabay-sabay silang nawalan ng malay. Napatiim-bagang si Xavandra ng magbalik atensyon siya kay Gracia na wala man lang reaksyon sa nangyari sa kaniyang mga anak. Ngunit maging iyon ay kasama sa kaniyang plano.
“Good luck,” bulong ni Gracia bago maupo at sumimsim sa inumin nito.
Pagkuyom ng palad na lamang ang nagawa ni Xavandra habang nakatanaw sa malawak na lupain ng Tierra. Walong oras na siyang nakikipag-laro ngunit wala pa rin siyang napapala. Dalawang oras na lamang at matatalo na siya. Halughugin man niya ang buong lupain ay wala ang kaniyang mga kapatid, maging sina Silvano ay hindi na niya nakita pa.
Habang nagpapahinga ay napatingin siya sa matatayog na puno ng mahogany sa harap at likod ng mansyon ng De Dios. May kung ano sa kaniyang kalooban ang nag-uudyok na magtungo siya roon kaya naman ay iyon ang kaniyang ginawa.
Napaka-ganda kung titignan, parang isang kastilyo sa gitna ng kakahuyan ang tema ng tanawin. Nasa gitna ang daan habang nasa magkabilaang bahagi ang mga matatayog na puno, sa gitna ay naghihintay ang mansyon na kay ganda dahil sa modernong pagkakagawa. Nang makarating sa likod ng mansyon ay biglang kinabahan si Xavandra sa hindi malamang dahilan. Hindi siya matatakutin sa multo kaya’t walang alinlangan siyang pumasok sa loob ng kakahuyan. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na hindi multo ang naghihintay sa kaniya, kundi isang multo lamang mula sa nakaraan.
Pagtapak ng kaniyang paa sa makakapal na dahon ay lalong lumalakas ang kaba sa kaniyang puso. Hindi niya iyon inalintana at nagtuloy lamang siya. Kaluskus ng dahon at yabag lamang niya ang maririnig. Papalubog na ang araw at tumatahimik na ang paligid. Sandali siyang huminto at tsaka ito huminga ng malalim. Hindi niya maiwasan ngunit napapatanong siya kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang kaba. Sino ba ang madadatnan niya sa gitna ng kakahuyan?
“You did it!” parang isang baliw na sigaw ni Gracia ng makita si Xavandra.
Kung gaano kasaya si Gracia ay ganoon naman kamiserable ang itsura ni Xavandra habang nakatingin sa mga taong naroon. Gusto na niya lamang isipin na palabas ang nakikita niya ngunit hindi. Totoo ang mga nasa harapan niya kung saan si Silvano at ang dalawa niyang kapatid ay kapwa nakagapos sa malaking katawan ng puno ng mahogany, sina Rowena at Gildia ay nakatali ang mga kamay habang mayroong mga lubid sa kanilang leeg at ang dalawang taong matagal niyang hinahanap ay nasa ganoon ding itsura. Napailing na lamang si Xavandra dahil nakikinita na niya ang mangyayari at binabalak ni Gracia. Napaluha siya at nagsusumamong napatingin kay Gracia.
“Baliw ka na…” untag niya.
Tulad nga ng isang baliw ay humalakhak lamang si Gracia. “Mabuti ng mabaliw kaysa ang maiwang talo. Tinalikuran na ako ng aking mga anak dahil sa inyo, sino ang matutuwa roon?”
“Mom, hindi totoo ‘yan. Itigil mo lang ito at pipiliin ka naming,” saad ni Silvano.
Umiling si Gracia sabay lingon sa anak. “Katulad lang din kayo ng inyong ama. Iniwan niyo rin ako at tinalikuran. Ginagawa ko ito para sa inyo ngunit tinalikuran niyo lamang ako.”
“Mom, mali ang ginagawa mo.”
“Wala ng tama sa mundo, anak ko. Lahat ay mali lalo na sa mata ng tao.”
Hindi nagawang makasagot ni Silvano sa sinabi ng kaniyang ina. Silang tatlo ay walang pakinabang, walang magawa kundi ang sumigaw at magpumilit na makawala sa pagkakagapos na iyon kahit napaka-imposible. Nasisiguro ni Xavandra na nasiraan na ng bait si Gracia sa hindi malamang dahilan. Pero wala roon ang atensyon niya, kundi naroon sa mga taong importante sa buhay niya na nasa bingit ng kamatayan.
Paanong ang paghahanap ng hustisya at katotohanan ay mauuwi sa ganitong pangyayari? Paanong ang payapang lupain ng Tierra de Verdad ay madadanakan ng dugo? Paanong ang tahanan ng El Casa na saksi sa magagandang pangyayari ay magiging saksi sa mga trahedyang hindi kanais-nais? Paanong ang mga inosenteng bata noon ay makakaranas ng ganitong mga paghihirap ngayon?
Ito na ba ang batas ng mundo at tao ngayon? Sa pagkuha ng hustisya ay panibagong trahedya ang mangyayari? Nakaka-lula, nakaka-takot at nakaka-lungkot.
“Maawa ka, huwag sa ganitong paraan, pakiusap,” wika ni Xavandra na hindi na alam ang gagawin.
“That’s exactly what I said before but your mother didn’t listen,” sabay lapit ni Gracia sa matandang si Nana Krising. “Bakit hindi mo ilahad sa kaniya ang tunay na kwento?”
Mariing napatitig kay Xavandra ang matanda. Ang matanda na nasubaybayan ang kaniyang paglaki. “Totoo, Xavandra. Si Lahna ang pumaslang kay Sandrino,” kumpirma ni Krising.
Hindi lubos akalain ni Lahna na ang lalaking maprinsipyo ay magiging sakim kalaunan. Ang masaya nilang relasyon ay nabahiran ng maduming pagnanais. Si Sandrino ay naging sakim sa pagnanais sa malawak na lupain ng El Casa kung kaya’y inalok niya ng kasal si Lahna. Dahil hindi pa handa ay tumanggi si Lahna na siyang pinag-ugatan ng lahat. Tuwing wala si Xavandra ay sapilitang aangkinin ni Sandrino si Lahna sa planong mabuntis ito upang magkaroon ng dahilan si Lahna na pakasalan siya. Ngunit pambihira si Lahna dahil nalalabanan niya ang bawat pangyayaring iyon. Hanggang sa gamitin ni Sandrino si Xavandra laban sa kaniya.
“Hindi niya gugustuhing madamay ka o masaktan ka kaya ay nagawa niya iyon,” patuloy ni Krising.
Bilang isang ina ay hinding-hindi nanaisin ni Lahna na masaktan ang kaniyang anak sa kahit anong paraan sa kahit anong dahilan. Kung kaya niyang protektahan ang anak sa abot ng kaniyang makakaya ay gagawin niya. Kung kailangan niyang magsakripisyo ay gagawin niya kaya kahit mali ay sinunggaban niya ang pagkakataong iyon noon. Dahil walang epekto ang ginawa niyang pagsampa ng kaso ay humantong si Lahna sa pinaka-madilim na desisyon.
Desisyon na nagawa niya bilang isang ina para sa kaniyang anak. Hindi inalintana ang magiging resulta ay plinano niya ang pagpaslang kay Sandrino kahit pa dumating si Gracia. Basta lamang maisalba si Xavandra sa kamay ng isang taong sakim ay handa siyang dungisan ang kaniyang kamay. Ngunit ang inaakala niyang pagsasalba ay magiging kabaliktaran pala. Dahil lalo lamang naging miserable at masakit ang sinapit ng buhay ni Xavandra.
“Ngayon ay alam mo na, Xavandra. Ang iyong ina ay hindi kasing linis ng tubig sa ilog. Dahil walang taong malinis, lahat ay may angking dumi ngunit pagalingan lamang sa pagtago,” sambit ni Gracia habang ang lahat ay naiwang nakatulala sa kawalan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
muito boeno
26/06/2023
0Wala lang
12/08/2022
0thenk
07/08/2022
0Tingnan Lahat