Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasang maiisip si Halley dahil sa kalagayan niya. Sobra akong nasasaktan no'ng nakita ko siya kanina sa bintana. Ilang minuto lang ang nakalipas ay narating na namin ang condo. "Paano niyo nalaman na isa akong sirena?" biglaan kong tanong sa kanila. "A-ah, g-ganito kasi 'yon..." nauutal na sabi ni Dexter. "Naging kayo na nga noon ni Halley at tutol si tita sa relasyon ninyo kaya gumawa siya ng paraan na makakalimutan ka ni Halley." Kaya medyo naguguluhan naman ako sa kwento ni Calum. "B-bakit pati ako ay walang maaalala?" sabi ko habang nakahawak sa ulo. "'Yon na rin ang hindi namin alam dahil natataka nga kami kung bakit hindi mo siya nakikilala, eh wala naman ginagawa sa 'yo si tita." sabi ni Dexter. "May relasyon kami ni Halley noon?" Hindi ko makakapaniwalang tanong sa kanila. "Oo, may relasyon kayo." sabay nilang sabi. "Pero bakit nga wala akong maaalala?!" naiinis kong sabi sa aking sarili. Bakit kahit kunti man lang ay wala talaga akong maaalala na nakakasama ko pala si Halley noon. "Kung alam ninyo, bakit walang alam si Halley na tungkol sa aming nakaraan?" Kaya nag katinginan naman silang tatlo at saka napayuko sila isa isa. "Nagsisisi rin kami sa nagawa namin sa kaibigan naming si Halley dahil hindi kami naging honest sa kaniya." malungkot na sabi ni Jax. "At bakit naman kayong hindi naging honest sa kaniya?" tanong ko na naman. "Dahil sa oras na 'yon ay mas pinili na lang namin na ilihim na lamang iyon sa kaniya ang lahat." "Bakit? Bakit kailangan niyo pang ilihim sa kaniya ang katotohanan?" naguguluhan ko pa ding tanong sa kanilang tatlo. "Dahil ayaw namin na patayin kami ni tita Gorgia." agad naman sagot ni Dexter habang bakas sa mukha nito ang pagkakatakot. "Ibig niyo bang sabihin ay kapag mag sumbong kayo ni Halley ay papatayin kayo ng mommy niya?" tanong ko pa at saka naman silang tumango. "Pero huli na ang lahat dahil malapit ng malaman ni Halley ang katotohanan at paniguradong magagalit siya sa amin." nawalang nitong pag asang sabi kaya agad akong umiling sa kanila. "Hindi pa huli ang lahat para masira ang inyong pagkakaibigan dahil maaari niyo pang sabihin sa kaniya ang lahat." At saka naman silang umiling dahil sa sinasabi ko na dahil tuluyan na silang nawalan ng pag asa. "Dapat niyong pangunahan si Gorgia para hindi kayo masisira." "Pero naka kulong na siya sa sarili niyang kwarto kaya hindi na kami makakapag usap pa." Tumayo naman ako at saka ko kinuha ang cellphone ko pero nagulat naman ako nang bigla akong pinigilan ni Calum sa gagawin ko. "Wala na sa kaniya ang cellphone niya, hawak na ito ni Tita Gorgia." sabi niya kaya nagtataka naman ako sa kaniyang sinasabi. "Bakit mo naman na sabi?" tanong ko habang pinipigilan niya pa rin ang kamay ko. "Dahil kaninang umaga ay tumawag ako kay Halley at hindi siya ang sumagot." "Dahil si tita ang sumagot nito, Brianna." sabi naman ni Jax kaya bigla naman akong napatingin sa kaniya. "At sa pangalawang beses ay binabalaan niya na naman kami kapag sasabihin namin sa 'yo ang katutuhanan." "Pero mas pinili naming sabihin sa iyo ang katotohanan kesa ilihim na naman sa iyo." sabi ni Dexter. "Maaari niyo bang ikwento sa akin ang lahat dahil hindi ko pa talaga naliliwanagan ng maayos." Calum's P.O.V Mas pinili ko pa noong mabuhay kesa maka ganti kay tita Gorgia. Ang aking kasintahan noon na si Tatiana ay sobra akong naaawa sa kaniya dahil sa ginawa ni Gorgia sa kaniya. Sa oras na nangagailangan siya ng tulong ay hindi ko nagawa 'yon sa kaniya dahil kay tita Gorgia. Kung nasaan man siya ngayon ay sana mapapatawad niya ako sa mali kong nagawa sa kaniya. Simula noong pinatay siya ni Gorgia ay hindi na ako nag mahal muli dahil para sa akin ay siya na talaga ang babaeng para sa akin at wala ng iba. Sa kaniya na din umiikot ang mundo ko kaya lubos talaga akong nasakatan sa araw ng pagkawala niya. --Flashback-- "Mahal na mahal kita Tatiana." sabi ko sa kaniya. "Mahal din kita Calum." sagot niya rin sa akin. "Ano ba ang iyong mga pangarap?" tanong ko sa kaniya habang pinagmasdan lang namin ang napakapayapang dagat. "Bukod sa maging tao kami ng kapatid ko ay gusto kong makasal sa iyo." Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang dahil sa kaniyang sinasabi. "Ang sweet naman." Kaya nagtataka na naman ang kaniyang mukha. "Kelan ko ba makikita ang kapatid mo? Halos bukang bibig mo nga lang ay ang kapatid mo pero bakit hindi ko pa siya nakikita?" tanong ko nang napagtanto kong hindi ko pa pala nakikilala ang kaniyang bunsong kapatid. "Palagi lang kasi siyang na mamasyal kasama si Dakota." sagot nito habang nakangiti. "Dakota? Sino 'yon? Shokoy ba 'yon o sirena din?" nagtataka kong tanong habang natatawa naman siya. "Siya ang matalik naming kaibigan at hindi siya shokoy o sirena dahil isa siyang isdambituin." "Isdambituin? Iyonn ba 'yong starfish?" "Starfish?" "Este-- istarpis." "Ah Oo, 'yon nga iyon." Kaya tumango naman ako sa kaniya. "Sigurado akong kasing ganda mo rin ang kapatid mo." "Mas maganda pa 'yon sa akin." Napaka humble niya talaga. Mga ilang minuto pa ang nakalipas at bago kong napag pasyahan na uuwi na. "Tatiana, kailangan ko ng umuwi dahil may aasikasuhin pa kasi ako." "Ganon ba? Sige mag iingat ka." "Kita na lang tayo dito bukas ng umaga." At agad naman siyang tumango kaya ninakawan ko naman siya agad ng halik sa labi at saka ko siya niyakap ng napaka higpit. Binuhat ko muna siya papunta sa dagat at pinapanood ko siyang lumangoy papalayo. Nag lakad na ako papunta sa aking kotse at sa hindi ko inaasahan ay si tita Gorgia ang una kong nakikita. "'Yon pala ang secreto mo?" Kaya medyo kinakabahan naman ako. "A-ang alin po?" naiilang kong tanong sa kaniya. "'H'wag ka nga mag maang maangan pa Calum dahil hindi bagay sa 'yo." "Wala ho akong secreto." At saka ko agad sumakay sa aking kotse at pinaharorot ito. Nang naka uwi na ako sa bahay agad akong humiga sa kama at saka natulog. Kinabukasan ay maaga akong gumising para pupuntahan ko na naman si Tatiana. Nang nakarating na ako sa dagat ay nagtataka naman ako kung bakit ang daming tao dito at mukhang nagkakagulo pa kaya naisipan kong sumilip doon. Hindi ko akalain na si Tatiana ay na huli ng mga tao habang siya naman ay iyak ng iyak. Gusto ko siyang lapitan kaya lang ay pakiramdam ko ay may pumipigil sa akin. Sa 'di ko inaasahan ay bigla siyang napatingin sa akin at saka ko naiintindihan ang kaniyang mga mata na humihingi ng tulong sa akin. At hindi nag tagal ay nawalan na rin siya ng malay. Gusto ko siyang bawiin pero hindi ko magawa dahil marami ng mga tao na nakakakita sa kaniya kaya mas pinili ko na lang na manahimik. Umuwi ako sa bahay na luhaan dahil sobra akong nasaktan sa aking na saksihan. --End of Flashback—
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (181)
ReyesHoney Cristine
I love the flows and idea of the story. It is quite unique that it catches my attention and interest. Good job and keep it up dear Author.❤️❤️❤️
09/12/2021
0
Jaylord Baesa
Ngayun ko napatunayan na totoo nga pala talaga yung kasabihan na people come and go may darating pero aaNgayun ko napatunayan na totoo nga pala talaga yung kasabihan na people come and go may darating pero aalis dinNgayun ko napatunayan na totoo nga pala talaga yung kasabihan na people come and go may darating pero aalis dinNgayun ko napatunayan na totoo nga pala talaga yung kasabihan na people come and go may darating pero aalis dinNgayun ko napatunayan na totoo nga pala talaga yung kasabihan n
I love the flows and idea of the story. It is quite unique that it catches my attention and interest. Good job and keep it up dear Author.❤️❤️❤️
09/12/2021
0Ngayun ko napatunayan na totoo nga pala talaga yung kasabihan na people come and go may darating pero aaNgayun ko napatunayan na totoo nga pala talaga yung kasabihan na people come and go may darating pero aalis dinNgayun ko napatunayan na totoo nga pala talaga yung kasabihan na people come and go may darating pero aalis dinNgayun ko napatunayan na totoo nga pala talaga yung kasabihan na people come and go may darating pero aalis dinNgayun ko napatunayan na totoo nga pala talaga yung kasabihan n
14/09/2025
0nice
11/09/2025
0Tingnan Lahat