“Hello, Dawn?”, wika ni Mrs. Lopez noong sagutin ang phone nito. May hawak itong spary na abalang idinidiligan ang mga maliliit na halaman nito. “Napatawag ka?”, dagdag nito. “Tita, busy po ba kayo?”, tanong ni Dawn. “Hindi naman”, napansin nito na mamy hawak pa pala itong spray bottle “nagdidilig lang ako ng mga halaman ko, bakit hija?”, nakangiting wika nito. Si Mrs. Lopez halos ang nag-alaga kay Dawn ng ilang buwan ng pagbubuntis nito, siya din ang madalas na sumasama sakanya para magpacheck up sa tuwing hindi siya masamahan ni Nate dahil sa hectic na schedule nito. Hindi naman makauwi ang mama ni Dawn para samahan siya dito sa Pilipinas dahil na din sa business nila na nangangailangan ng atensyon din niya. Naiintindihan naman iyon ni Dawn. “Bibisita po sana ako, may ibibigay po sana akong gift kay Ericka. “, paalam ni Dawn. Dumaan muna ito sa department store pagkatapos nitong magpacheck up. Napansin nito ang painting material na katulad ng ginagamit ni Ericka. Paubos na ang paint ni Ericka kaya naisipan nitong bilhan ito ng panibago. “Naku. Dawn, hindi mo na kailangan magpaalam, anak.”, paumpisa nito. “Okay lang anak, hintayin ka namin dito. Ipagluluto kita ng paborito mong ulam para dito ka na din maglunch.”, dagdag ni Mrs. Lopez. “Sige po tita. Salamat po.”, wika ni Dawn at ibinaba na ang tawag nito. “Matutuwa si Ericka dito.”, nakangiting wika ni Dawn sa hawak hawak nitong paper bag. Naglalakad na ito papunta sa exit ng mall noong biglang napansin ni Dawn na parang may sumusunod sakanya. Himdi ganun kadami ang mga tao sa mall sa ganitong oras. Alas diyes palang ng umaga at halos kakabukas palang ng mall, kaya imposible lang na Invalid ang pakiramdam ni Dawn. Huminto ito sa paglalakad niya at liningunan ang direksyon kung saan ang pakiramdam nito na nanduon ang sumusunod dito. Pero paglingon nito ay walang katao tao sa direksyon na iyon. Paglingon naman nito sa direksyon papunta sa exit ng mall ay nabigla ito noong may biglang bumungad dito. “Dawn.”, nabiglang bati ni Sofia noong makita ang reaksyon ni Dawn noong makita siya. Napahawak sa dibdib nito si Dawn. “Ayos ka lang?”, concerned na tanong ni Sofia noong marinig ang buntong hininga ni Dawn. “Sofia..”, wika nito pagkatapos ng napakalalim na hiningang hinugot nito. “..akala ko kung sino na.”, dagdag nito. “Sino?”, ulit na tanong ni Sofia. “Wala, wala.”, sagot ni Dawn noong iayos nito ang sarili nito para batiin ng maayos ni Dawn. “Anong ginagawa mo dito?”, tanong ni Dawn. “I.. I just…”, nauutal na wika ni Sofia. “Naligaw ka na naman ba?”, hula ni Dawn at napansin niya ang pamumula ng pisngi ni Sofia. Naligaw nga ito. “I mean… hindi naman ako naligaw.”, pagdadahilan nito. “Pero hindi ko mahanap yung papasok sa hospital dito sa mall.”, at sa huli ay inamin din nito. Napangiti si Dawn sa cuteness ni Sofia habang inaamin na naligaw ito. “Sige, tara samahan na kita”, nakangiting tugon ni Dawn. Napatingin ito sa tiyan ni Dawn. “Ilang months na?”, tanong ni Sofia habang naglalakad na sila. “Eight.”, nakangiting sagot ni Dawn. “You look blooming, Dawn.”, puna nito ulit. “Yes. I think I am. Parang binigyan ako ng second chance na mahalin ang sarili ko. Binigyan niya ako ng pangangalawang pagkakataon para mahalin ang sarili ko at pinaliwanagan niya ang dark path na minsan kong nilakaran.”, dagdag nito noong tumingin kay Sofia na may matamis na ngiti sa labi nito. “…she made me new and full again.”, wika nito habang hinawakan ang tiyan nito animo’y kinakausap ang baby sa loob nito at nagpapasalamat sa pagdating nito sa buhay nito. “I’m happy for you, Dawn.”, nakangiting wika ni Sofia. Nakikita nito na nag-uumpisa na ngang umayos at umayon ang lahat pra kay Dawn. Masaya ito para sa doctora. “…teka, bakit ka pala pupunta sa hospital at dito ka pa sa mall naligaw?”, curious na tanong ni Dawn. “…pupuntahan ko sana si Alex.”, sagot nito. “…pero nagpababa ako sa mall kasi… kasi gusto ko sana bumili ng ice-cream na binili natin dati. Kaso.. Kaso naligaw ako, di ko na mahanap yung shop at di ko na din mahanap yung entrance papunta sa hospital.”, honest na sagot nito. Natawa naman si Dawn sa sinabi ni Sofia. “Wala na yung shop dito, nagsarado na sila last year.”, inform nito. “Ay.. Sayang naman.”, biglang sumimangot ang mukha nito. “Pero kung gusto mo, pwede kitang samahan sa shop nila.”, alok nito. Napansin nito na lumiwanag muli ang mukha ni Sofia noong marinig iyon sakanya. “…nagsarado na sila dito kasi lumipat na sila sa sarili nilang shop. Kapag free ka na ulit. Samahan kita. Namiss ko na din mga ice cream nila.”, nakangiting dagdag ni Dawn. “Okay, okay. Now, I’m not busy right now.”, excited na wika ni sofia. “Hahahah. Hindi ngayon, busy ako ngayon. May appointment ako. At akala ko bang pupuntahan mo si Alex?”, tanong ni Dawn. “Ay. Oo nga pala, si Alex.”, biglang naalala ni Sofia na bibisitahin nga pala niya si Alex ngayon. Nawala bigla sa isip niya ang fiancé nito dahil sa ice cream at gusto din niyang makabonding ulit si Dawn. “Okay, next time.”, sagot na lang nito. “I do have your number, so tatawagan na lang kita kung kelan tayo pupunta dun. Okay.”, nakangiting wika ni Dawn. “Okay.”, agree ni Sofia. Nahinto na sila sa entrance ng hospital na nagkokonekta sa mall. “Dito ka na.”, wika ni Dawn. “Hindi ka naman na maliligaw niyan?”, panigurado ni Dawn. “Hindi na siguro.”, wika ni Sofia at natawa noong marealized ang tanong ni Dawn. “May mga nurses naman na pwedeng tumulong sakin.” Natatawang dagdag nito. “…kapag di din nila alam ang room ni Alex, pwede ko naman siyang ipage sa costumers service.”, dagdag nito. “loko to, ginawa mong department store ang hospital.”, natawang wika ni Dawn. “Mauuna na ko sayo ha. It’s nice to see you again, Sofia.”, wika ni Dawn bago magpaalam umalis. “It’s nice to see you happy again, Dawn.”, wika ni Sofia at tumalikod na para maglakad papasok ng hospital noong maglakad na paalis si Dawn. “David.”, tawag ni Silvia kay David noong makita niya itong tahimik sa garden mg hospital. Lumingon ito kay Silvia at binigyan ito ng effortless na ngiti. Naninibago si Silvia sa inaakto ni David lately. Nakilala niya ito bilang kwelang bata, may komento sa lahat ng bagay at madalas na nagpapangiti sa mga nurses or kahit sino mang makasalamuha niya.. Pero naging gloomy ito lately, umiiwas ito sa mga usapan at mas pinipili na makapag-isa. Linapitan niya ito at umupo sa bakanteng upuan malapit kay David. “May problema ba, David?”, tanong ni Silvia. “huh?”, confused at nabiglang sagot ni David. “Anong gumugulo sa isip mo ngayon?”, tanong nito ulit, dinidisregard ang pag-akto ni David na walang alam sa sinasabi nito. “Wala, Doc. Kulang lang siguro ako sa tulog.”, pilit ang ngiti nito noong sabihin iyon. Ayaw niyang magsinungaling, pero ayaw naman niya ikwento sa iba ang pinagdaraanan nito. Hindi nila siya maiintindihan. “…kulang ka sa tulog.. Kulang ka sa tulog para mauntog sa wall at mabasag ang upper lip mo at magkapasa sa pisngi. Or kulang ka sa tulog… kaya nahulog ka sa hagdan kaya nakuha mo ang mga pasang yun sa mukha mo?”, tanong ni Silvia. “Alin sa dalawa, David? Para alam ko kung anong iiwasan ko kapag nagkulang ako sa tulog.”, sarkastikong wika nito. Nashocked si David at bigla na lang niyang hinawakan ang labi nito na tinutukoy ni Silvia. Napangiti ito noong malaman na wala ata siyang maitatago sa doctora. “…ayokong makialam, David… pero pakialamera ako, pasensya ka.”, wika nito noong tumingin na sa harapan nito at inilayo ang pangingin niya kay David. “…kung may problema ka, pwede mo kong sabihan. Alam ko may mga pinagdaraanan tayong mga bagay na akala natin ay di natin malalagpasan at minsan akala natin kaya nating lagpasan iyon ng mag-isa… hindi nakakabawas ng respeto sa sarili ang paghingi ng tulong sa iba, David. Kagaya ng pagtayo mo quick sand, kailangan mo din ng tulong ng iba para makaalis dun”, wika nito at tumingin na sa direksyon ni David na nakatingin na sakanya. “Nandito lang kami para sayo. Nag-aalala kami para sayo, dahil isa ka na sa pamilya namin.. Wag mo sanang kakalimutan yan. “, nakangiting tugon ni Silvia. “Doc. ..”, paumpisang wika ni David. “Yes?”, sagot naman ni Silvia. “May gusto sana akong itanong sayo.. “, seryosong wika nito. “Ano yun?” “Panget ba ang lahi namin?” Nabigla si Silvia sa out of topic na tanong ni David. “Huh?”, nasagot na lang ni Silvia. “Pangit ba lahi namin?”, ulit nito. “o.. O.. Okay lang naman.”, awkward na sinagot ni Silvia. “So… so bakit mo binasted si Tito Patrick?”, diretyang tanong nito. Muntikan na mabulunan sa sarili nitong laway si Silvia sa narinig nito. Bakit napunta sa usapan si Patrick. Bakit alam niya? Teka, alam niyang magtito sila, pero di niya alam na ganun sila kaclose lalo na’t lagi silang nagbabangayan dito sa hospital kapag nagkaroon sila ng pagkakataon. “huh?”, natanong na lang nito sa awkward na sitwasyon. “…kasi, okay lang naman ako sa problema ko e. Kaya kong solusyonan mga gusot ko.. Pero doc… “, wika nito na parang magdarabog na ito. “mula nung binasted mo siya, naging hell na ang buhay ko sa unit niya.”, wika ni David na parang gusto nang maiyak habang iniimagine kung ano ang nangyayari sa unit kapag nababadtrip si Patrick. “…look, ngayon, kailangan ko nang magbayad ng renta sakanya. Maski tubig at kuryente na di ko naman binabayaran dati, kailangan ko nang magbigay ng share ko.”, protesta nito. Tumingin ito sa malayo, animo’y may pinagmamasdan sa kawalan. “….kailangan ko na atang humanap ng sarili kong bahay, maski pagkain sa bahay niya … mas mahal pa sa pagkain dito sa cafeteria.”, wika nito habang kinokorkola ang mga desisyon nito sa buhay. “…hindi.. Hindi ko naman siya binasted.”, nasagot na lang ni Silvia. “…masyado kasi siyang mabilis magdesisyon sa mga bagay, at di ko kayang sumabay.”, paliwanag ni Silvia. “…so, may pag-asa pang mapatame mo ang devil na yun?”, excited na tanong ni David noong marinig niya iyon kay Silvia. “ahh…”, pasagot na sana si Silvia noong mapansin niya ang hawak na phone ni David at nakaopen ang caller nito na may calker id sa pangalan ni Patrick. “wait, what’s that?”, curious na tanong nito noong ipoint out ang phone nito. “ahh.. Ah.. Eh.. “, tarantang wika ni David. “Lumabas ka na dyan.”, sagot ni David sa phone at tumayo na palayo sa kinauupuan nito dahil alam niyang mababatukan siya ni Silvia. “I’m sorry, doc. Sorry. Sorry. “, paghingi ng tawad nito sabay ng pagyuko niya. “Kailangan ko lang gawin to para alisin na niya ang renta ko.. Sorry.”, wika nito at tumakbo na papalayo sakanila.. “…hoy! Teka!”, bulyaw ni Silvia. Nasa likuran na niya si Patrick sa mga minutong iyon. “…so, masyado akong mabilis?”, tanong ni Patrick. Natatakot na lumingon si Silvia sa pagkakataon iyon. Pero naglakad si Patrick papunta sa harapan ni Silvia at naupo sa harapan nito para makita ng maayos ang mukha ni Silvia na kasalukuyang nakayuko dahil sa hiya nito. Iniangat nito ang mukha ni Silvia para makita ito. “…masyado lang akong mabilis, kasi ayoko nang sayangin ang mga oras na nawala satin dati.”, wika nito noong magkita ang mata nilang dalawa. “…ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay at ayoko nang sayangin iyon sa mga pambatang bagay na… pag-iwas at pagprepretend na di na kita mahal.”, dagdag nito. Lumapit pa ito kay Silvia at hinalikan ang labi ng Doctora. Pagkatapos nitong halikan na binigyan ng permiso ni Silvia ay tumayo na ito at hinila papalapit sakanya para yakapin ito. “…ayoko nang mangyari ulit ang nangyari satin dati. Ayoko nang sayangin ang mga oras na kasama ka. Kung sa tingin mo, masyado akong mabilis.. Kaya kong magdahdan dahan para makasabay ka sakin.”, bulong ni Patrick habang nakayakap ito sa Doctora. Tumango naman si Silvia sa suggestion ni Patrick at doon ay hinalikan na niya ito sa noo.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
erm what the sigma
27/12/2024
0it's a nice story
01/09/2024
0lolol 😂😂😂😂😂😂 women
08/08/2024
0Tingnan Lahat