logo text

Chapter Twenty-six

"Bakit ang tamlay mo?" tanong ni Cassie kay Alex.
Kanina pa niya napapansing tahimik ito matapos ang check-up nito at noong makausap nila si Dra. Silvia.
"Is there's something wrong?" concerned na tanong ulit ni Cassie noong hindi sumagot si Alex sakanya.
"Nope." pilit na ngiti nito. "Ok lang ako." sagot nito. Humawak ito sa kamay ng pinsan nito to reassure her na ok lang ang lahat, kahit hindi. Tumingin na ito sa labas ng kotse noong mapansin na satisfied na si Cassie sa sagot nito.
Kung kaya lang niyang ibigay ang buhay niya sa pinsan niya. Ang bata pa niya at ang dami pa ng pangrap nito sa buhay niya. Una, nadiagnose ito ng leukemia in her teenage year. She undergo chemotherapy at doon na nagdecline na lahat. She developed a tumor in her brain, sabi nila cause ng chemotherapy yun. But now, look at her, kahit na ganun ang nangyayari sakanya, she's still full of love and life. How he wish na may magsave din sa pinsan niya.
--
"Sofia, ano na naman tong sinasabi mo?" pangalawang beses na tanong ng papa ni Sofia.
"Ayoko na, pa." madiin na sagot nito. Kanina lang ay tumawag ito sa papa niya, hindi para batiin sila ng "Happy New Year" kung di para sabihin sa mga ito na ayaw na niyang magpakasal kay Alex. "Matanda na ko, hayaan niyo na kong magdesisyon para sa buhay ko." dagdag pa nito bago patayin ang phone nito.
Hinawi nito ang curtain nito patungo sa balcony. Kulay asul at presko sa paningin nito ang bumungad sa mata nito. Umuwi muna ito ng Greece para makapag-isip-isip at kung ano bang dapat niyang gawin ngayong alam na niya na sila ang iniisip ni Alex na may kasalanan sa pagkamatay ng kaibigan ni Dawn. At kung siya pa din ba ang mahal ni Alex matapos niyang makita kung gaano kaconcerned ito sakanya.
"Will you marry me?" tanong ng 12 years old na si Alex sa 10 years old na si Sofia.
"Yes." sagot naman nito at isinuot ang singsing na gawa sa papel na ginawa ni Alex para sakanya.
Yun ang pinakamasayang araw para sakanya. Mula noong araw na iyon ay ginawa niya lahat para mapasaya si Alex. Hindi siya iniwan nito, iyon din ang dahilan kung bakit ipinilit niyang magmaneho sa gabing iyon dahil na din sa pag-aalala niya kay Alex noong sabihin nitong nahihirapan siyang huminga at wala ni sino man ang naroon ang maaaring maghatid sakanila sa malapit na hospital.
"Brush it off, sofia." protesta nito sa sarili niya habang hinahawa ang bumubuong butil na luha sa mga mata nito.
Kung ang kaligayahan ni Alex ay makukuha lang niya kay Dawn, handa itong magparaya para sa taong mahal niya.
--
"Wala pa din?" tanong ni Cassie kay Alex.
Umiling lang ito sakanya at dinial ulit ang phone nito.
Ilang minuto palang noong tumawag ang papa ni Alex sakanya, itinatanong kung kasama ba nila si Sofia. Pero hindi nila sinabi kung anong nangyayari, na siyang nagcause ng pagiging anxious ni Alex ngayon.
"Kung iiwan mo ako, mas mabuting mamatay na lang ako."
Mga salitang bumubulong ngayon sa tenga ni Alex. Alam niyang malakas si Sofia at di niya gagawin sa sarili niya yun. Pero di niya maiwasang mag-alala sa babaeng minsan niyang minahal.
"Hi, this is Sofia. I'm busy with my hubby Alex right now. Just leave a message aft... "
Ilang beses na siyang nasesend sa voice mail ni Sofia. Di siya sanay na iniignore siya nito.
"maybe, she's sleeping." pangungumbinse ni Cassie sakanya noong mapansin niyang balisa na ito sa paulit-ulit na voice mail message operator na naririnig niya.
Huminga ng malalim si Alex at kinukumbinse na ganun na nga na tulog si Sofia kaya hindi siya sinasagot nito. Pero isa din sa iniisip niya kung nasaan siya, kung wala siya sa US at wala din siya panigurado sa Pilipinas.
"Sana, ok lang siya." bulong nito at itinigil na ang kakapunch ng call button sa caller ID ni Sofia.
'I can't loose my best friend.' wika nito sa sarili niyo noong mapansin nitong palubog na ulit ang araw.
-
Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila sa US noong umuwi na si Alex pabalik ng Pilipinas.
"Kung iiwan mo ako, mas mabuting mamatay na lang ako." banta ni Sofia noong palabas na ng pintuan si Alex.
Ilang beses na narinig ni Alex sakanya ito. Kaya alam niyang isang walang baseng pagbabanta na naman ito. Sa pagmamakaawa ni Sofia sakanya, lalo lang lumalabo at naglalaho ang nararamdaman nito sakanya.
Humakbang na ito palabas ng pinto at sa pagsarado ng pintuan ay narinig niyang humagulgol sa iyak si Sofia. Pero di na niya ito binalikan.
"Ayoko na, Sof." cold na sagot ni Alex. "Hindi ka magiging masaya sakin. You deserve better." dagdag nito. "Let's call off the wedding" ani ni Alex bago niya iwan si Sofia.
Ilang beses man mag-plead si Sofia sakanya pero buo na ang desisyon nito. Ayaw niyang makitang masaktan si Sofia sa araw na mawawala na siya, mas mabuti nang makapag-move-on na ito habang maaga pa.

Komento sa Aklat (86)

  • avatar
    IlanoBasty

    erm what the sigma

    27/12/2024

      0
  • avatar
    SadamasIsrael

    it's a nice story

    01/09/2024

      0
  • avatar
    ManlangitNasser

    lolol 😂😂😂😂😂😂 women

    08/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata