Chapter 56

Umaga na at kailangan na nilang umalis sa hotel dahil meron sila Shin na dapat gawin agad pagbalik nila pero si Fiona ay nagpahatid muna sa bahay nila ni Selia. Walang imikan na naganap sa biyahe nila tahimik lamang ang mga ito kaya naman ng na sa tapat na sila ng bahay nila ni Selia ay bumaba na siya kaagad at umalis na rin agad ang sasakyan.
Pumasok siya sa loob ng bahay at nadatnan pa niya si Selia, paalis na sana ito at papasok na sa trabaho ng pigilan niya." Sandali lang Nay Selia bago ka umalis puwede po ba tayong mag-usap?"
" Bakit hindi ka muna magpahinga 'di ba galing kayo sa shooting ng music video nung lima, magpahinga ka muna mamaya mo na lang sabihin." Aalis na sana muli ito ng pigilan muli siya ni Fiona.
" Aalis na po ako!" Biglang saad niya.
Napahinto naman si Selia." Aalis? Kakauwi mo lang saan ka ba ulit pupunta?"
Tumingin siya kay Selia." Babalik na po ako sa mundo ko Nay!"
Natigilan naman si Selia sa sinabi ni Fiona." Anong...iiwan mo na ako!" madamdamin nitong saad.
Pinipigilan ni Fiona na huwag umiyak." Kailangan ko na pong bumalik, gustuhin ko man po na manatili pa kahit habang buhay dito pero hindi po puwede!"
" Kailan naman ang ang alis mo?"
" Mamaya na pong gabi."
" Bakit ang bilis naman puwede naman sa ibang araw para makasama pa kita!"
Ngumiti siya rito ng malungkot." Mukhang hindi na po natin magagawa 'yon!
" Kung gano'n hindi na lang muna ko papasok sa trabaho ngayon kahit ilang oras lang ay makasama pa kita bago ka umalis." Pumasok muli ito sa loob ng bahay at siya naman ay tumingala sa langit upang hindi lang umagos ang luha niyang kanina pa niya pinipigilan.
Nagbihis lang sa kanya-kanyang bahay ang lima bago pumasok muli sa S5 building dahil may dapat silang pag-usapan tungkol sa music video kung ano ang pagkakasunod-sunod ng video ang gusto nilang mangyari bago pa ito umpisahan pagsama-samahin at maging isang napakagandang music video bago pa sila muling magpahinga.
Mukhang napansin ni Shin na hindi na pumasok si Fiona." Napagod siguro si Fiona at hindi na pumasok pa, sabagay pagkatapos ng meeting ay pahinga na ulit tayo."
Napansin na rin 'yon ni Julian maging si Selia ay hindi rin niya napansin ng araw na 'yon na pumasok.
Natapos na naman ang araw at sumapit na rin ang gabi at kailangan ng umalis ni Fiona.
Lumuluhang nagpapaalam siya kay Selia." Nay aalis na po ako huwag niyo pong pababayaan ang sarili niyo pag-alis ko."
Tumango lang si Selia dahil hindi niya kayang magpa-alam rito." Kung may pagkakataon babalik po ulit ako rito!"
" Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay!" saad ni Selia at niyakap si Fiona.
Kumalas na si Fiona sa yakap ni Selia at ngumiti rito bago siya tuluyang naglaho paalis. Napaupo na lang si Selia at binuhos ang lahat ng luha niya.
Ngunit si Fiona ay hindi pa dumeretso kung nasaan ang portal dahil may isang tao siyang dapat malaman na siya ay aalis na at hindi alam kung maaari pa bang bumalik. Si Julian ang taong pupuntahan niya.
Nang na sa labas na siya ng bahay ni Julian ay saktong kakapasok lang ng kotse nito. Sa pagbaba ni Julian ay hindi niya agad napansin si Fiona kaya naman napahinto siya at lumingon dahil parang may nahagip ang mata niya." Fiona?" Takang saad nito.
" Maaari ba tayong mag-usap."
" Nang ganitong oras, mahalaga ba 'yan?"
Tumango si Fiona." Oo."
" Sige pasok muna tayo sa loob."
" Hindi na dito na lang, saglit lang ako dito dahil aalis na rin ako."
" Ano ba ang sasabihin mo? Puwede naman na tumawag ka na lang o kaya pagbalik mo sa trabaho."
Bumuntong hininga si Fiona upang kumuha ng lakas." Mag-iingat kayo kahit saan man kayo magpunta. Alam kong wala ng panganib sa paligid pero ang mga hindi inaasahan na pangyayari ay hindi niyo ito maiiwasan."
" Ano ba 'yang sinasabi mo?"
Tumingin siya sa mismong mata nito." Babalik na ako sa mundo ko, Julian!"
Nagsalubong ang kilay nito." Sa mundo mo, pero bakit ang bilis naman ata. Okay na ba kayo ng reyna niyo?" Litong tanong ni Julian.
" Siguro dahil pinababalik na niya ako, pumunta lang ako rito para magpa-alam sayo."
" Pero paano sila Prince kung aalis ka ng hindi nila alam!"
Bahagyang ngumiti si Fiona." Hindi na nila dapat pang malaman kung bakit, bahala na si Nay Selia kung ano ang idadahilan niya kung bakit bigla akong nawala, pero magpromise ka sa akin na hinding-hindi mo sasabihin sa kanila kung sino ba talaga ang tunay na Fiona."
" Alam mong masasaktan sila sa binabalak mo dahil naging kabigan ka na rin nila, sigurado akong magtataka ang mga 'yon."
Nagsisimula na namang mabasa ang mga mata ni Fiona dahil sa pinipigilang luha." Buo na ang desisyon ko mas mabuting ikaw na lang ang nakaka-alam." Binigay muli ni Fiona ang porselas na siya ang may gawa.
" Sa oras na nakabalik na ako sa mundo ko ay kusa ng maglalaho ang porselas na 'yan maging kay Shin, Khael, Jackson at Prince dahil hindi maaaring may maiwan akong bagay na may kapangyarihan ko dito sa lupa. Kaya ko lang ibinibigay sayo ulit 'yan dahil para malaman mo na ligtas akong nakabalik pagnaglaho na ito."
" Sigurado ka na bang hindi ka na magpapa-alam sa kanila?"
Tumango lang siya bilang sagot." Mag-iingat ka at sana makabalik ka ulit dito sa mundo namin. Mabilis man ang pangyayari bago pa mahuli ang lahat nalaman ko kung sino ang babaeng nagliligtas sa amin sa tuwing napapahamak kami." Sa pinipigilang luhang sambit ni Julian.
Ngumiti si Fiona dito." Hanggang sa muli nating pagkikita." Lumakad paatras si Fiona palayo kay Julian at sa huling sandali ngumiti siya kay Julian pero tuluyan ng nahulog ang luha ni Julian bago pa maglaho ng tuluyan si Fiona.
Ang isa pang taong huling pupuntahan niya ay si Prince. Nakita niya ito sa tabi ng swimming pool at nakaupo sa gilid nito. Siya naman ay nakatago sa hindi nito makikita." Hindi ko alam kung makakabalik pa ako dito, pero iiwanan ko ang nilalaman ng puso ko sa mundo niyo. Hindi man ako makabalik sana ay maging masaya ka sa panahon na wala ako at kung makakatagpo ka man ng bagong mamahalin sana ikaw na ang piliin nito hanggang sa huli," saad niya sa kanyang isipan habang nakatingin kay Prince.
Naramdaman ata ni Prince na may nakatingin sa kanya kaya nagtago agad si Fiona, nilibot ni Prince ang paningin sa paligid pero ng wala naman siyang makita ay bumalik na ulit ang paningin nito sa swimming pool.
Sa huling sandali ay tiningnan ni Fiona ang buong mukha ni Prince bago umalis at sa pagkakataon na 'yon ay sa lagusan na siya dumeretso. Nadatnan niya si Hiro na naghihintay na sa kanya.
Bumukas ang portal at isang liwanag na nakakasilaw ang nagpakita." Handa ka na Hiro!"
Si Hiro ay nagpa-ikot-ikot at mukhang nagagalak na rin itong bumalik." Halika na!" Sabay silang pumasok sa portal at sa oras na nakapasok na sila sa portal ay nagsara na rin ang lagusan at naging isang ordinaryong puno na lang ito ulit.
Sa oras na 'yon ay nakatingin lang sa kamay niya si Julian dahil tuluyan ng naglaho ang porselas na bigay ni Fiona. Maging sa apat pero hindi nila ito pansin pa dahil hindi naman nila alam ang nangyayari.

Komento sa Aklat (1143)

  • avatar
    Don NA

    good

    23/02

      0
  • avatar
    Anna_22

    Sobrang Ganda Po ng Story❤️❤️

    17/10

      0
  • avatar
    SanchezArvin kert

    so niceee

    25/07/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata